Pinilit ni Brielle ikalma ang sarili ng gabing iyon upang maayos niyang magampanan ang pagpapangap bilang asawa ng sikat na si Nathan Dela Torre. Hindi niya malubos maisip na darating siya ganitong sitwasyon na kung saan ilalagay niya ang sarili sa alanganin. Kay daming tanong ang tumatakbo sa isip ni Brielle ng oras na iyon. Kung paano ba maging asawa ng sikat na tao, Kakayanin kaya niyang makasurvive sa gabing ito na puno ng kasinungalingan.
Nang gabing iyon Isa-isa na siyang ipinakilala ni Nathan sa mga kaibigan bilang asawa nito. Kaya naman pinilit niyang ikalma ang sarili upang magampanan ang tungkulin niya. Bawat kaibigan ng binata ay isa-isa siyang hinalikan sa pisnge bilang pagtangap at pagalang sa kanya. Kaya kahit tila naiilang ay pinilit niyang ipakita sa mga ito ang pagiging desente niyang babae. Pilit niyang nginitian ang mga ito upang matuwa ang binata sa performance niya.
Di nagtagal ay iginiya na siya ng binata sa bakanteng table at pagkuwa'y sinimulan na ang tungkulin nito bilang asawa sa kanya. Isa-isa nitong isinubo sa kanya ang mga pagkaing nakahain sa mesa nila kaya naman kahit busog siya ay pilit niya itong nginuya at nilunok. Kaya naman minsan ay nakakarinig siya ng bulong bulungan kung gaano kasweet ang binata at kung gaano siya kaswerte dito.
Nang matapos na siyang subuan ang binata ng ilang pagkain sa mesa ay agad naman siya nitong ipinaglagay ng wine sa baso at pagkuwa'y inutusan siya nitong inumin ang wine at ito naman ang susunod na iinom sa glass wine niya. Naiinis man at naiilang si Brielle ng mga oras na iyon ay agad nalang niyang sinunod si Nathan upang wala ng maging problema pa.
Maya-maya pa ay bigla silang nakarinig ng announcement sa stage ng venue at pagkuwa'y nagsipalakpakan ang mga bisita. Nang sipatin niya ang binata ay nakangiti na ito at nakikipalakpak din sa mga bisita. Kaya naman napilitan na rin si Brielle na makigaya sa mga ito. Tangkang tatayo si Brielle upang pumunta sa powder room ng bigla tinawag si Nathan at syempre dali-dali ay tumayo na rin ang binata at hinatak siya papunta sa stage.
Kinakabahan man siya ng mga oras na iyon ay pinilit nalang ni Brielle na pasakayin ang sarili sa eksena upang matapos niya ng maayos ang kanyang pagpapangap. Nanginginig ang mga tuhod at kamay ni Brielle nang akayin siya ng binata. Nang maramdaman ito ni Nathan ay agad siya nitong binulungan. ''Hey Calm down everything is going to be alright soon'' Bulong ng binata sa kanya. Kaya naman napapikit nalang si Brielle upang humugot ng lakas ng loob.
Nang makarating na sila sa taas ng stage agad siyang ipinakilala ni Nathan sa mga mayayamang bisita na naroroon. Kitang kita ni Brielle ang ilang mga photographer na pinagkukuhaan sila ng litrato ng binata. Nasisigurado niyang mamaya ay ilalabas at ibabalita na ito sa tv. Kaya naman walang patid ang pagtahip ng dibdib ni Brielle.
Muli ay napapikit ang dalaga dahil sa sobrang nerbyos ng sandaling iyon. Kaya naman panay pisil sa kanyang kamay ng binata. Maya-maya pa ay tila nagiba na ang pakiramdam ni Brielle dahil naging sunod-sunod ang pagtibok ng kanyang puso na tila nangangarera sa bilis. Hindi nagtagal at tila umiikot ang paningin ng dalaga at pagkuwa'y nagdilim ang paningin.Hanggang sa bigla ay unti-unti na siyang nabuwal sa kinatatayuan.
Bago mawalan ng malay si Brielle tila naririnig niya ang mga tao na naroon na bigla ay nagkagulo at pagkuwa'y naramdaman niya ang malapad na balikat ng binata. makailang beses niyang naramdaman ang pagtapik sa kanyang pisnge ni Nathan ngunit sadyang nawalan na siya ng ulirat.
Makalipas ang katakot takot na pangyayari kay Brielle unti-unti ay nagmulat siya ng mata at pagkuwa'y inilibt ang paningin. Tumambad naman sa kanya ang imahe ni Nathan na titig na titig sa kanya at tila hindi maipinta ang muka. ''Hey are you feeling well now?'' Nagaalalang tanong sa kanya ng binata. Kaya naman dali-dali ay bumangon siya sa higaan at nang tangkang igagalaw ang kamay nakita niyang may nakatusok ditong swero.
Kaya naman bigla ay napatakip sa bibig si Brielle nang maalala ang nangyari sa kanya kanina. ''Hey huwag mo munang piliting bumangon'' Pigil ng binata sa kanya. ''A-ano bang nangyari? hinimatay ba ako kanina sa stage?'' Mabilis na tanong niya kay Nathan. ''Well sad to say yes you've lost consciousness a while ago'' Paliwanag ng binata. Kaya naman bigla ay napahawak si Brielle sa kanyang ulo at pagkuwa'y ipinikit ang mata.
''Nga pala nasaan ba ako ngayon?'' Muli ay tanong niya sa binata. ''You're here today at the hospital'' Muli ay sagot ng binata. ''Shet! baka pwede na akong umuwi?'' Muli ay pakiusap niya kay Nathan. ''No hindi pa pwede wala pang advised from the doctor'' Mariin na sagot nito sa kanya. ''Baka pwede na muna akong umuwi sa amin?'' Muli ay pakiusap niya sa binata ngunit agad naman itong tumawa na tila nangiinis.
Kaya naman muli ay wala ng nagawa pa si Brielle kung hindi talikuran nalang ang binata. Naiinis man ay pinili nalang muli ipikit ni Brielle ang mata upang sa gayun ay makatulog na lang siya sa sama ng loob. Pakiramdam niya tuloy ay tila siya isang bilango na tila walang kapaga-pag-asang makawala sa kulungan.
Maya-maya pa bumukas ang pinto ng kwarto at inuluwa nito ang lalaking nakasuot na kulay green na scrub suit at pagkuwa'y pinuntahan si Brielle at kukuhaan ng dugo. Kaya naman bigla ay bumangon ang dalaga upang magawa ng maayos ang pagkuha sa kanya ng dugo. Ngunit laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang lalaking nakilala niya na si Johnny.
Nang makita din siya nito ay gulat na gulat din ito sa kanya. ''Johnny?'' Tanong niya sa binata at tila gulat na gulat parin ito at pagkuwa'y ngumiti ito ng tipid sa kanya. ''Bakit nandito ka ulit? Ano bang nangyari muli saiyo?'' Tanong ng binata ngunit hindi alam ni Brielle ang isasagot dito dahil naroroon parin si Nathan. Nang sipatin niya ito ay hindi maipinta ang muka ng binata.
''Ah hinimatay kasi ako kanina'' Sagot niya kay Johnny at agd naman nitong naunawaan at dali-dali ay nilagyan siya ng tali sa braso at pagkuwa'y dahan-dahan itinusok sa kanya ang karayom. ''Just relax Okay'' Utos sa kanya ng binata at di nagtagal ay nakuha na nito ang dugong kailangan sa kanya upang maexamine.
Tangkang lalabas na ito ng kwarto nang bigla ay tinawag ito ni Brielle. ''Johnny'' Tawag niya sa binata. Kaya naman napahinto ito sa paglabas ng kwarto at pagkuwa'y tumingin sa kanya. ''May kailangan ka pa ba?'' Tanong muli ng binata ngunit bigla ay nawala ang kanyang sasabihin dito. ''Wala sige'' Sagot niya sa binata at pagkuwa'y tumango lang ito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
''So magkakilala pala kayo?'' Bigla ay tanong ni Nathan sa kanya. ''Huh? kilala mo siya?'' Mabilis niyang tanong sa binata. Ngunit sa halip na sagutin ay tinawanan lamang siya nito. Kaya naman muli ay gumuhit ang inis sa muka ni Brielle at pagkuwa'y padabog na humiga at muli ay ipinikit niya ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang dinala ng antok.
Kinabukasan pagkagising ni Brielle agad ay iniikot niya ang paningin sa loob ng kwarto. Nang mapansin niyang walang tao sa loob na nagbabantay sa kanya ay dali-dali siyang bumangon at pagkuwa'y tangkang tatangalin ang swero sa kanyang kamay ng bumukas bigla ang pintuan at inuluwa nito ang binatang si Johnny.
Tila napansin nitong tatangalin niya ang pagkakatusok ng swero kaya naman mabilis siyang nilapitan nito at pagkuwa'y kinausap na siya. ''Hey what are you doing? Bakit tinatangal mo yang swero?'' Nagtatakang tanong nito sa kanya. ''Johnny please tulungan mo akong makatakas dito'' Pakiusap niya sa binata. ''Why? May problema ba?'' Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. ''Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag pero please kailangan kong makauwi sa amin'' Paliwanag niya muli sa binata. ''Pero asawa ka pala ni Nathan?'' Nakakunot ang noong tanong muli nito. ''No hindi totoo yun nagpapangap lang kaming magasawa'' Nakayuko niyang sagot dito.
Ngunit sa halip na tulungan siya ni Johnny ay inayos pa nito maigi ang kanyang swero na tila mahuhugot na. Kaya naman muli ay nadismaya si Brielle dahil tila pinagtutulungan siya ng mga ito. Bigla ay napaiyak siya sa kanyang sitwasyon kaya naman dali-dali ay tinabihan siya ni Johnny at hinagod ang kanyang likudan. ''I'm sorry brielle hindi kita pwedeng tulungan dahil'' Bigla ay napatigil sa pagsasalita ang binata. ''Dahil ano? magkakilala kayo ni Nathan? at syempre magkasabwat tama ba ako?'' Galit niyang tanong sa binata.
Sa halip na sagutin siya nito ay mabilis nitong nilisan ang kanyang kwarto. Naiwang naiiyak si Brielle nang oras na iyon. Paano at nangyari sa kanya ang ganito. Ang gusto niya lang naman sa buhay ay makasama muli ang ama at makabalik sa pagtatrabaho pero ngayong hawak siya ni Nathan, Paano niya pa ito magagawa. Alam niyang walang laban ang pamilya niya sa binata lalo na ang kanyang ama.Dahil hanggat maari ayaw ng ama niya masangkot sa anumang gulo. Ngunit paano naman siya? Hinahanap kaya siya ng mga ito gayung hindi siya nakapag paalam kung nasaan siya.
Gulong gulo ang isip ni Brielle nang mga oras na iyon. Gusto niyang maging malaya muli ang kanyang buhay na walang sinuman na kumokontrol ngunit tila nawawalan na siya ng pag asa na matamasa ito lalo na at mahigpit si Nathan. Gayung ilang araw palang niya itong nakakasama pero batid na niya ang ugali nito.