Chapter 6 The Big Night

1748 Words
                     Manghang manghang inilibot ni Brielle ang kanyang paningin sa tila paraisong lugar. ''Maganda ba?'' Bungad sa kanya ni Nathan. Bigla naman nawala ang Excitement sa muka ni Brielle ng sandaling iyon. At pagkuwa'y tinalikuran ang binata. ''Hey I am talking to you! Can you please stop walking!'' Singhal ng binata kay Brielle. ''Ano ba kasing gagawin natin dito?'' Iritable niyang tanong sa binata. ''Well dito lang naman tayo titira kapag nagpangap kang asawa ko'' Nakangiting sagot nito sa kanya. ''Ano bang sinasabi mo? Bakit pumayag na ba ako?'' Naiinis niyang sagot muli rito. ''Hindi ka na pwedeng tumangi dahil nandito na tayo sa bahay ko simula ngayon dito ka na titira'' Mariin na sagot ng binata at pagkuwa'y hinawakan siya sa braso at pilit na ipinasok sa loob ng mala palasyong bahay.               Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ng binata. Bigla nagsulputan ang mga katulong at pagkuwa'y nakangiti siyang binati ng mga ito. ''Good Morning Madam and sir'' Wika ng matandang katulong. Nginitian naman ito ng tipid ni Brielle at pagkuwa'y hinatak na siya ni Nathan sa loob ng bahay at dinala siya nito sa isang kwarto. Nang buksan iyon ng binata tumambad kay Brielle ang isang eleganteng silid at na tila kasya ang tatlong pamilya sa laki ng espasyo nito.               ''Do you like it? From now on this is yours'' Paliwanag ni Nathan sa dalaga. ''Pwede ba huwag mo nga akong pangunahan hindi pa ako pumapayag makipag deal sa iyo!'' Singhal muli ni Brielle sa binata. ''Well hindi ko na kailangan ang opinyon mo as I said before weather you like it or not magpapangap kang asawa ko'' Mariin na sagot ng binata. ''What the hell!!!'' Sigaw ni Brielle sa binata. Ngunit tila hindi na iyon pinansin pa ng binata at tuluyan na siyang nilayasan at naiwan siyang tila tinakasan ng pagasa ng sandaling iyon.                  Kaya naman wala ng nagawa pa si Brielle at pumasok na muna sa loob ng silid. Hindi parin lubos akalain na dito siya ititira ng binata. At wala na nga ba siyang pagasang makaalis dito?. Ano nalang ang mangyayari sa buhay niya gayung dito na siya titira? Paano na ang kanyang ama gayung hindi pa alam ng mga ito na tinangay na siya ng bwisit na si Nathan Dela torre. Nang kapain niya ang telepono sa bulsa bigo niyang naibagsak ang katawan sa malaking kama ng silid.                 Inis na inis man siya ng sandaling iyon ay wala na siyang nagawa pa upang tumangi sa binata. Noong unang pasok palang kasi nila ay tumambad na ang ilang security guard ng bahay kaya paano niya magagawang tumakas. Alam niyang hihigpitan siyang makalabas ng binata kapag nagtangka siyang umalis dito. Kay daming tanong sa kanyang isip kaya naman pinili muna niyang umidlip upang makakuha ng lakas upang muli ay mapilit niya ang binata na huwag na siyang tumira dito.                 Makalipas ang mahigit tatlong oras na pagtulog ay biglang napamulat si Brielle sa sunod sunod na katok. Muli ay napabuntong hininga muna si Brielle at pagkuwa'y tinungo na ang pintuan at pagkuwa'y binuksan. Tumambad sa kanya ang nakangiting mga katulong habang dala dala ang napakaraming paper bag. ''Hi madam pwede pong pumasok?'' Tanong ng isang katulong at pagkuwa'y tinanguan niya ang mga ito. At dali-dali ipinasok ang mga dala-dalang paper bag.                 Kaya naman hindi napigilan ni Brielle ang sarili at itinanong kung ano ang laman ng napakaraming paper bag na iyon. ''Manang ano po ba iyang mga dala ninyo?'' Tanong niya rito. ''Naku Madam para po sainyo lahat ang mga gamit na ito ipinadadala ni sir'' Sagot ng isang katulong at pagkuwa'y isa isa nang isinalansan sa walk in closet ng silid. ''Madam mamaya po ulet aakyat kmi dito marami pa po kasing ipinaaakyat dito si sir'' Wika naman ng pangalawang katulong. Wala namang naisagot si Brielle at hinayaan lamang ang mga ito na isalansan ang mga gamit.                 Nang sumapit ang hapunan muli ay pinuntahan si Brielle ng isa sa mga katulong at inanyayahan bumaba para makakain ng hapunan. Hindi na ito tinangihan ng dalaga dahil kanina pa siya nakakaramdam ng gutom dahil hindi siya kumain ng tanghalian. Pinili kasi niyang magkulong muna sa silid upang kahit paano ay mailabas niya ang sama ng loob sa binata.                 Dahan-dahan ay iginiya siya ng katulong patungo sa kusina. Tumambad muli kay Brielle ang mga mamahaling muebles ng bahay na sa tantiya niya ay libo at milyon ang halaga ng mga iyon. Kaya muli ay inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Hindi naman niya maitatanging magaling ang architect na nagdisenyo ng bahay na iyon. Base narin sa materyales na ginamit sa pagbuo ng bahay at pati ang bawat kulay ng pintura ng buhay.                  Bigla naman napukaw ang attention niya sa pagiinspeksyon ng bahay nang bigla ay akbayan siya ng binata sa balikat. Kaya naman sa sobrang gulat niya ay naitulak niya ito, ngunit laking pagtataka niya ni hindi man lang ito natinag o nabuwal gayung ginamitan niya ito ng self defense na natutunan niya dati. Sa sobrang inis ni Brielle tinungo na lang niya ang kinaroroonan ng kusina at pagkuwa'y lumapit na siya sa lamesa at tuluyan ng umupo dito.                 Tatawa-tawa namang nakasunod sa kanya si Nathan at pagkuwa'y umupo narin sa tapat niya. ''By the way, I want you to wear those dress later'' Seryosong wika ng binata sa kanya. ''At bakit? Saan tayo pupunta?'' Pagtataray niyang sagot dito. ''May Event tayong pupuntahan'' Seryoso muli nitong sagot sa kanya. Ngunit na niya ito sinagot pa dahil gutom na siya ng oras na iyon at sinimulan na niyang lantakan isa-isa ang mga pagkaing nakahain sa mesa.                  Nang matapos na silang maghapunan ng binata agad na siya nitong pinag ayos at pagkuwa'y pinaayusan sa inupahan nitong make up artist. Wala ng nagawa pa si Brielle kung hindi sundin muna ang binata. Maya-maya pa ay inakay na siya ng inupahang make up artist ng binata at tinungo na ang kanyang silid upang doo'y isagawa ang kanyang transformation ngayong gabi.                  Minsan pa ay tinitigan siya ng baklang make up artist na tila sinusukat kung ano ang babagay sa kanyang ayos. Nang matantiya na nito ang gagawin sa kanya ay isa-isa na siyang pinahiran ng iba't ibang uri ng pamahid sa muka at pagkuwa'y isinunod ang pagaayos ng kanyang buhok. ''Oh my god Madam mas lalo po kayong gumanda, Grabe po nag mala holly wood star ang beauty mo ngayong gabi madam!" Manghang wika ng make up artist sa kanya.                  Nang sipatin niya ang sarili sa salamin miski siya ay gulat na gulat din sa pagbabagong anyo ng kanyang itsura. Hindi siya makapaniwala na maari pala siyang mag ala holly wood star sa ayos na iyon sa kanya ng make up artist. Maya-maya pa ay tinulungan na siya ng assistant nito na isuot ang gown. Nang sipatin niya ito tinantiya muna niya kung makakaya ba niya itong suotin dahil sa napaka revealing nitong design. ''Madam Isukat na po natin sa inyo?'' Magalang na tanong ng Make up artist kaya naman agad naman niya itong tinanguan at nginitian ng tipid.                   Hindi parin makapaniwala si Brielle sa kanyang itsura ng gabing iyon matapos kasi siya ayusan ng mga baklang iyon nagrequest pa ang mga ito na kuhaan siya ng larawan kasama ang mga ito. Noong una ay tila nagaalangan siya ngunit sa huli ay napapayag naman siya ng mga ito. Maya- maya pa ay sunod sunod na katok na ang kanyang narinig mula sa labas ng kanyang silid at nang buksan niya ito. Tumambad sa kanya ang mabangong amoy ng binata. Tila naman siya natuod sa kinatatayuan niya ng makita ito sa suot nitong Amerikanong itim na tila hinulma sa katawan ng binata. Napaka perpekto nitong tignan sa ganoong suot.                  Nawala ang pagkamangha niya ng sandaling iyon ng magsalita ito. ''Hi! Can we go now?'' Tila naiilang nitong wika sa kanya. Maging siya tuloy ay nailang lalo na nang hawakan siya nito sa kanyang braso at pagkuwa'y ipinulupot naman nito ang isang braso sa kanyang baywang. Bigla ay lumukso ang kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Hindi nagtagal ay dahan-dahan na siya nitong tinutulungang makasakay sa magara nitong sasakyan.                 Tila naman may naguunahang kabayo sa kanyang dibdib ng oras na iyon lalo na ng tumabi ito sa kanya. Nang makasakay na sila pareho sa loob ng sasakyan dali-dali ay minanduhan nito ang driver at pagkuwa'y umandar na ang sasakyan. Hindi alam ni Brielle ang gagawin ng sandaling iyon dahil sa buong buhay niya ay ngayon lang ito mangyayari sa kanya. At ang masaklap pa doon ay makakasama pa niya ngayong gabi ang kilalang Tv Endorser na si Nathan Dela Torre.                 Ngunit bigla ay napatigil siya sa pagiisip ng magdikit ang kanilang katawan ng binata. Damang dama niya ang katawan nito dahil sa suot niyang Sleeveless long gown. Buti nalang at kahit paano ay may laman ang kanyang dibdib dahilan upang humapit sa kanya ang pang itaas na bahagi ng gown. ''Hey! I never thought na may itinatago ka palang ganda?'' Pagbibiro ng binata sa kanya. Ngunit sa halip na sagutin ay dumistansiya siya sa binata.                 Wala siyang pake ng mga oras na iyon kahit na Isang kilalang personalidad ang makakasama niya. Para kay Brielle hindi parin siya masaya na kasama ang binata. At ayaw niyang matali ang buhay niya sa isang estrangherong katulad ni Nathan Dela Torre. Oo nga at kilala niya ang back ground nito dahil madalas niyang subaybayan ang mga show's nito dati sa television pero nagbago iyon ng makilala niya ito ng personal at ang masaklap pa doon ay pagpapangapin pa siya nitong asawa.                 Muli ay ipinilig ni Brielle ang kanyang ulo at itinuon nalang niya ang tingin sa labas ng sasakyan. Maya-maya pa ay muli nanaman siya nitong kinausap. ''Hey are you avoiding me? Hindi pwedeng umarte kang ganyan mamaya sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong maging sweet sa akin mamaya'' Mariin na pahayag ng binata. ''Okay Fine kung yan ang gusto mo do i have a choice?'' Muli ay pagtataray niya sa binata. ''Thank you'' Seryoso muling sagot ng binata.                 Makalipas ang isang oras na biyahe ay narating narin nila ang Venue ng Event na kanilang dadaluhan. Huminga muna si Brielle ng malalim dahil ito na ang oras na magsisimula na ang pag ganap niya bilang asawa ni Nathan Dela Torre. Inhale, Exhale! wika niya sa sarili at pagkuwa'y tangkang lalabas na siya ng loob ng sasakyan ngunit mabilis siyang naagapang hawakan ng binata. Naiilang man ay sinimulan na niyang magpaka sweet sa binata.                                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD