Makalipas ang Isang oras na biyahe ay naihatid na ni Brielle ang binata sa hospital. Maya-maya pa ay may kinuha itong calling card sa bulsa at pagkuwa'y iniabot sa kanya. ''Here's my contact Kung kakailanganin mo ng tulong ko you can call me in that number''. Wika ng binata. Nagaalangan naman si Brielle na kuhain ang calling card ng binata. Kaya sa halip na iabot ito sa kanya ay iniwanan nalang ito sa ibabaw ng sasakyan. Nang makababa na ang binata ay mabilis na pinaandar ni Brielle ang sasakyan at pagkuwa'y umalis na.
Hindi parin mawari ni Brielle kung ano nanaman ang pumasok sa kokote ng lalaking iyon at nagiwan pa ng calling card sa kanya. Naiinis man siya sa lalaki ay hindi naman mabura sa kanyang isip ang imahe ng bakulaw na ito. Kaya habang nag mamaneho si Brielle ay pilig siya ng pilig ng ulo upang hindi rumehistro sa utak niya ang lalaking iyon. Buti nalang at bigla ay nagring ang kanyang telepono at Dali-dali ay sinagot niya ang tawag mula sa kanyang kapatid. ''Hello ate?'' wika ng kapatid niya. "Oh Baste napatawag ka?''Tanong niya dito. "Pauwi ka na ba te?'' tanong muli ni Baste. ''Ahmm medyo Bakit ka napatawag?''Tanong niya muli rito. ''Te may bisita ka!"Natatawa nitong sagot sa kanya. ''Ha? Sino naman?'' Nagtataka niyang tanong sa kapatid. ''Malalaman mo din paguwe mo sige na bye te'' Paalam ng kapatid niya habang naririnig ni Brielle at payak na pagtawa nito sa kabilang linya.
Habang nagmamaneho ay hindi lubos mawari ni Brielle kung sino ang tinutukoy na bisita niya. Kaya naman mas pinabilis pa lalo ni Brielle ang pagmamaneho ng sasakyan upang makilatis kung sino ang nagiintay sa kanya sa bahay. Hindi nagtagal ay narating na niya ang bahay nila at sunod-sunod na busina ang pinakawalan niya mula labas ng gate. Nang mapansin ng ama ni Brielle na naroroon na siya sa labas ng gate ay agad pinindot nito ang automatic slide door. Agad bumukas iyon at pagkuwa'y ipinasok na ng dalaga ang sasakyan sa garahe.
Agad naman sinalubong ng Ama ang dalaga at pagkuwa'y kinausap. ''Anak nasabi na ba sa iyo ni Baste na mayroon kang bisita saloob?'' Tanong ng ama ng dalaga. ''Opo pa sino ba iyon?'' Nagtatakang tanong niya. ''Anak si Nathan Dela torre ang bisita mo'' Paliwanag ng ama. ''What??? Ano daw ang kailangan niya saken? Hindi mo ba nilinaw Pa' na hindi ko tatangapin ang inoofer niya!'' Tanong ni Brielle sa ama.
''Anak Hindi iyon ang pakay niya sayo'' Wika ng ama niya. ''Eh ano pala Pa'?'' Nakataas ang kilay na tanong niya sa ama. ''Mabuti pa anak pumasok na tayo sa loob para malaman mo'' Suhestiyon nito at pagkuway iginiya na siya ng ama papasok sa loob ng bahay.
Tumambad nga kay Brielle ang Napaka gwapong muka ng binata. Nang makita siya ng binata ay agad siya nitong binati at nakangiti ng ubod tamis. Tila naman nailang si Brielle dito at alanganin din niyang nginitian. ''Hi Brielle how are you?'' Bati nito sa kanya.''Ok lang naman ano pala ang kailangan mo?'' Diretsahan niyang tanong dito. ''Okay I just want to straight you to the point'' Wika nito ''And what is it?'' Tanong niya muli. ''I want you to pretend to be my wife" Mariin na sagot nito. Bigla naman natuod si Brielle sa kinatatayuan na tila hindi alam ang isasagot sa binata. Paano't niyaya siya ng isang Nathan Dela Torre na magpangap bilang asawa nito. Hindi mahagilap ni Brielle ang isasagot ng sandaling iyon.
Nang ilibot ni Brielle ang paningin sa loob ng tahanan ay hindi niya mahagilap ang kanyang Ama at kapatid. Kaya naman wala siyang maisip na isagot sa binata. ''Hey are you Okay? alam kong nakakabigla ang inoofer ko pero nadawit kasi ang pangalan mo sa naging problema ko'' Paliwanag nito. Tila naman nag init ang ulo ni Brielle dahil ano at kailangan niya pang magpangap na asawa nito gayung mas madami namang mas magandang babae na pwedeng upahan nito para magpangap.
''I'm sorry Mr. Dela torre pero hindi ko magagawa ang hinihiling mo'' Paliwanag niya dito. ''Then why? Wala ka naman sigurong asawa? Boyfriend? para magalit?'' Sunod-sunod na tanong nito. Ngunit tila naman siya natuod ulit sa tanong ng binata. ''Please Brielle I badly need your help please?" Pakiusap ng binata. ''And How do you sure na papayag ako?'' Mariin niyang tanong dito. ''Okay then let's make a deal'' Mungkahi nito. Bigla ay napatawa si Brielle sa binata hindi kasi niya lubos akalain na makikipagkasundo siya sa lalaking dahilan ng pagka aksidente niya. Bagamat minsan niya itong pinangarap ngunit nagbago na iyon ng makaharap niya ito ng personal.
''I Offer you a million pesos deal?'' Mabilis nitong tanong at pagkuwa'y lumapit sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. Ito tuloy ang kinabigla ni Brielle kesa sa Offer nito, ''Sa tingin mo papayag ako? No way! Over my dead body?'' Irita niyang sagot at pagkuwa'y mabilis na kinuha ang kamay sa binata. ''Kailangan mo akong tulungan weather you like it or not! or else'' Mariin din nitong sagot sa dalaga. ''Or else ano?'' Huwag mo akong subukan Mr. Dela torre! Wala akong kinalaman sa buhay mo humanap ka ng babaeng magpapangap na mapangasawa ka at huwag ako!!!'' Sigaw niya dito.
Maya-maya pa ay lumabas na ang Ama ni Brielle mula kung saan pati narin ang kapatid nitong si Baste. ''Anong problema anak?'' Tila susugod sa gera na tanong ng kanyang ama. ''Wala Pa' paalisin niyo na tong lalaking ito at baka kung ano pa ang masabi ko'' Padabog na wika niya sa ama at sa binata at dali-dali ay umakyat na siya sa kanyang kwarto. Naiwan namang kakamot-kamot ng ulo ang binata at pagkuwa'y may iniwanang maliit na envelope sa ama ni Brielle.
Inis na inis si Brielle ng sandaling iyon dahil ayaw niya sa mga lalaking pinakikielaman ang kanyang buhay ng walang pahintulot niya. Kaya sa inis ni Brielle ay pinag susuntok niya ang unang noo'y nadampot niya. ''Bwisit ka talagang lalaki ka akala ko dati Ideal man na kita Hindi naman pala'' Bulong ni Brielle sa sarili.
Makalipas ang tatlong araw muli ay bumalik sa bahay nila Brielle ang Tv Endorser na si Nathan Dela torre. Noong una ay ayaw pag buksan ni Brielle ito ng gate dahil hindi naging maganda ang paguusap nila noong huling pumunta ang binata sa kanila. Subalit ngayon ay nagbabalik nanaman ito upang kulitin nanaman siya. Wala ng nagawa pa si Brielle kung hindi pagbuksan nalang ito dahil nasisigurado niyang hindi rin naman ito aalis doon.
Napataas ang kilay ni Brielle ng muli ay makaharap ang binata. Ngunit bigla naman napukaw ang inis niya ng may dinala itong bulaklak para sa kanya. Oo at First time niyang makakatangap ng bulaklak dahil ni Minsan ay hindi rin naman siya pumayag na magpaligaw kahit kanino. Kaya naman gulat na gulat siya ng iabot sa kanya ni Nathan ang dalang bulaklak. ''Flowers For you Brielle'' Nakangiting wika nito habang iniaabot ang bungkos ng bulaklak sa kanya. Nagaalangan man siyang abutin ito ay mabilis naman nitong nakuha ang kamay niya. Kaya muli ay wala nanaman siyang nagawa upang tangihan pa ito.
''Brielle you know Exactly what my Intention is, That is why I am here again'' Mariin muling tugon ng binata sa kanya. Napakunot naman bigla ang noo ng dalaga kaya naman muli ay bumalik ang pagka inis niya sa binata. ''Alam mo mabuti pa kunin mo nalang ulit itong bulaklak na dala mo! Kasi wala ka ring mapapala kahit dalhan mo pa ako ng ilang truck niyan uuwi ka lang luhaan'' Mahabang litanya niya sa binata. Ngunit hindi parin ito natitinag pagkuwa'y dali-dali siya nitong inakay palabas ng bahay at dinala sa sasakyan nito.
''Ano ba pwede ba bitawan mo ako?'' Sigaw niya sa binata. Ngunit malas lang niya at wala doon ang kanyang ama at kapatid ng oras na iyon dahilan upang wala na naman siyang nagawa pa. Pilit siyang pinapasok sa sasakyan nito at pagkuwa'y pinaandar ang makina ng sasakyan at pinatakbo na. ''Ano bang problema mo? Hindi ka pa ba kuntento sa buhay mo? Sinagasaan mo na nga ako tapos ngayon pagpapangapin mo pa akong asawa mo?'' Litanya niya sa binata. Ngunit tila wala itong naririnig at tahimik lang na nagmamaneho.
Dahil wala ng nagawa pa si Brielle sa kanyang sitwasyon ngayon ay hinayaan nalang niya ang binatang si Nathan na dalin siya kung saan. ''Saan ba tayo pupunta? Singhal niya sa binata. ''Can you please be quiet'' Naiinis na wika ng binata. ''Okay fine! Pero saan ba talaga tayo pupunta?'' Pangungulit niya parin dito. ''Kung sasabihin ko ba sa iyo mananahimik ka na?'' Mariin na wika muli ng binata. ''Siyempre! malay ko ba kung iwan mo ko kung saan !Oh kaya, ihulog mo ko sa bangin! You know what? sumasakit ang ulo ko saiyo! Akala ko pa naman dati Napaka Ideal man mo hindi naman pala totoo!!'' Mahaba niyang litanya sa binata. ''So Nagkaroon ka pala ng Interest dati sa akin?'' Nakangiting tanong ng binata. ''Ofcourse not! Dati yun nang hindi pa kita nakikilala! pero ngayon binabawi ko na!'' Naiiritang sagot niya dito.
Bigla naman ay natawa ito sa sinabi niya ''So you had a crush on me huh?''Maangas nitong tanong sa dalaga. ''Huwag ka ngang mangarap diyan kahit na superstar ka pa well hanggang Tv lang kita hahangaan sa personal ekis ka saken!'' Muli ay pagamin niya sa binata.''So Wala na pala tayong magiging problema?'' Muli ay tanong ng binata. ''At Bakit naman??? Tanong niya muli rito. ''You know what ?can you please shut up your mouth nalang dahil malapit na tayo!'' Singhal ng binata at pagkuwa'y pinilit nalang ni Brielle na manahimik upang wala ng maging problema pa.