Hindi parin lubos na makapaniwala si Brielle na sa kanila na ang bahay at sasakyan. Na binili ng kanilang Ama, dati ay pinapangarap niya lang ito subalit ngayon ay hawak kamay na nilang Magaama. Bigla naman ay naalala niya ang kanyang trabaho. Kung kelan napamahal na siya dito ngayon ay hindi na siya muling makakabalik pa dito. Dahan -dahan ay ipinikit ni Brielle ang mata at pagkuwa'y tuluyan na siyang dinala ng kanyang panaginip mula sa pagtulog.
Sunod-sunod na katok ang narinig ni Brielle kaya ay nagmulat na siya ng mata at nag inat. ''Haay!! Bigla ay tinaas ang dalawang kamay. Dali-dali ay bumaba na siya sa kama at tinungo ang pintuan at binuksan. Tumambad kay Brielle ang Ama niyang abot langit ang pagkakangiti at pagkuwa'y masaya siyang binati. ''Hi Good Morning anak!!" Wika ng kanyang Papa Brandy. ''Morning Pa Mukang masaya ang umaga natin ah anong meron?'' Nakangiti niyang tanong sa Ama. ''Wala naman anak masaya lang ako at narito ka na'' Nakangiti muli nitong wika. Kaya naman bigla ay nayakap ni Brielle ang kanyang Ama dahil masaya din siya sa mga nangyari at sa wakas ay may sasakyan na sila at bagong bahay.
''Oh siya! Tara na at bumaba na tayo nakaready na ang almusal ng prinsesa ko'' Nakangiting biro ng Ama. ''Prinsesa ka Diyan! si Baste Pa? gising na rin ba?'' tanong niya sa Ama. ''As usual tulog parin?'' Tatawa-tawa nitong tugon. Nang makarating na sila sa Kusina ay nadatnan nila ang kanyang tita Venus na naghahain na ng aalmusalin nila. ''Hi Tita Good Morning!!' Hmm mukang masarap yang mga niluto mo ah'' Wika niya sa tiyahin. ''Oo naman Brielle pinaluto talaga yan ng Papa Brandy mo para sayo daw'' Nakangiti nitong sagot. ''Wow Ito talagang si Papa Masyado akong pinapakilig'' Biro niya sa Ama na noo'y naglalagay ng kubyertos sa pingan. ''Basta para sa Prinsesa kong anak'' Biro muli nito. ''Asus! Baka masana ako niyan Pa?'' Nakangiti niyang wika at pagkuwa'y umupo na siya at isa-isang nilantakan ang mga nakahain sa mesa.
''Nga pala Pa' aalis po ako ngayon?'' Paalam niya sa ama habang nagaalmusal. ''Bakit Saan ang punta mo anak?'' tanong ng ama. ''Sa Bangko Pa' iuupdate ko lang yung savings ko'' Muli ay sagot niya sa Ama. ''Gusto mong gamitin yung sasakyan?'' tanong muli ng ama. ''Sige po para mapractice ko muli ang pagdadrive'' Nakangiting sagot niya sa ama. ''Ma-marunong ka pala magdrive anak?'' Tanong muli ng ama. ''Opo Pa' kasi meron kaming company vehicle minsan kasi pinagagamit sa amin kapag nagpupunta kami sa Project site kaya natuto po ako''.Muli niyang sagot sa ama.
Dali-dali ay bumaba na si Brielle mula sa kwarto dala-dala ang isang Folder na may laman na ilang dokumento niya sa bangko. Pagkuwa'y nagpaalam na sa kanyang ama at tita venus na noo'y masayang nagkukwentuhan sa sala. ''Pa' alis na po ako tita?'' Paalam niya sa mga ito agad naman siyang humalik sa ama at tinungo na sasakyan. Maya-maya pa ay kumaway na siya sa Ama at sa tiyahin at tuluyan ng lumabas ng gate ang sasakyan.
Masaya si Brielle na tinatahak ang highway papunta sa kinaroonan ng Bangko na kanyang pupuntahan. Pinindot niya ang music stereo ng sasakyan at pagkuwa'y humanap ng paborito niyang kanta at nang makahanap na ay sumabay siya sa indak ng kanta at ginalaw galaw ang ulo. nasa kalagitnaan na siya ng pagdadrive ng bigla ay may lalaking nakauniporme ng green suit ang bigla ay tatawid sa kabilang kalsada. Buti nalang at natapakan niya agad ang preno ng minamanehong sasakyan. Dahil kung hindi ay malamang sa malamang ay nabungo niya ang lalaki. Galit na galit naman itong kinakalampag ang bintana ng kanyang sasakyan. Kaya napilitan si Brielle na buksan ang bintana upang malaman ang hinaing ng bakulaw na lalaking ito.
''Hey Open it'' wika ng lalaki at nang mabuksan na niya ay laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang pamilyar na imahe ng lalaki. ''Ikaw nanaman?'' gulat na gulat niyang tanong sa lalaki. Agad din naman itong ngumiti na tila nangaasar. ''And its you again? Ang liit talaga ng mundo'' Mayabang na tugon ng binata. Agad naman niya itong inirapan. ''Alam mo bang muntik mo na akong masagasaan?''Singhal muli nito sa kanya. ''Well hindi ko kasalanan yun kung tatanga tanga ka? alam mong naka go signal yung traffic light bigla ka tatawid?? Haler? May nakita ka bang pedestrian lane? wala diba?'' Nangigil na sagot niya sa binata. Bigla naman natauhan ang binata at pagkuwa'y tinangap ang paliwanag ni Brielle. Narealize siguro nito na siya nga talaga ang mali sa kanilang dalawa.
''Okay pwede bang makisabay sayo?'' Tanong nito habang umuusok ang bibig dahil sa sigarilyong kanina pa hinihitit. Bigla ay napaubo naman si Brielle sa buga ng usok nito na tumama sa kanyang muka. ''No!! Hindi pwede! kAya pwede ba? alisin mo na yang kamay mo sa bintana?'' Iritable niyang sagot sa binata. ''Ofcourse not?! Unless you give me a free ride?'' Nakangiting sagot ng binata. Ngunit wala ng nagawa pa si Brielle at pagkuwa'y pumayag na kahit masama ang loob. ''Fine get in! Faster!'' Mataray niyang sagot. Kaya naman dali-dali ay gumilid ang binata at binuksan ang pintuan ng Passenger seat.
Hindi pa man nakakaupo ng maayos ang binata ay pinaharurot na ni Brielle ng mabilis ang sasakyan na minamaneho. Kaya bigla ay napahawak sa unahan ng sasakyan ang binata. ''Woaaahh!! Hindi ko alam na kaskasera ka pala?'' Tila nangiinis na wika ng binata. ''Saan kita ihahatid?'' Mabilis na tanong ni Brielle. Agad naman nagisip ang binata at pagkuwa'y nagsalita. ''Kung saan ka pupunta?'' Biro ng binata. Ngunit tila lalong nabwisit si Brielle at lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. ''Ikaw saan ba punta mo sa Impyerno? cge sama ako!!" Muli ay pangiinis ng binata. Hindi nalang sumagot pa si Brielle upang manahimik lang ang binata.
''Nga pala? What's your name again? Buti at nakalabas ka na ng hospital?'' Sunod-sunod na tanong ng binata. Ngunit sadyang umiinit ang ulo ni Brielle ng mga oras na iyon ngunit sinagot parin niya ang binata upang manahimik na. ''I'm Brielle'' tipid niyang sagot."Nice name huh? By the way I'm Johnny'' Wika nito sabay lahad ng kamay sa dalaga. Sa halip na makipagdaupang palad si Brielle ay tinapik nalang niya ang binata sa balikat. Ayaw na ayaw niya kasing nakikipagkamay sa mga lalaki. Maarte na kung maarte pero pinangangalagaan lang niya ang kanyang pride. Bigla naman napailing si Johnny at humalukipkip lang. Habang iiling iling ng ulo.
Nang marating na ni Brielle ang bangko ay agad siyang nakipagunahan sa bagong papasok na sasakyan at dali-dali ay nagmaneobra siya papasok ng linya ng parking. At pagkuwa'y tatawa tawa siya dahil naunahan niya ang bago ding paparating na sasakyan. Nang sulyapan niya ang binata ay ngingiti ngiti lang ito at nahalukipkip ang dalawang kamay habang nakataas ang kilay. Tila natutuwa pa ito sa kanyang ginawa. ''Siguro naman baba ka narin?'' Tanong niya sa binata. ''Well Hihintayin nalang kita dito kung Okay lang sayo?'' Nakangiti nitong wika sa kanya. ''Okay ikaw ang bahala geh diyan ka na!!'' sagot niya sa binata at pagkuwa'y dali-dali na siyang lumabas ng sasakyan. Naiinis man si Brielle ay wala nanaman siyang nagawa pa sa Mokong na yun para naman kahit paano ay makabawi siya sa ilang beses niyang pagsapak sa muka nito noong nasa hospital pa siya.
Bigla ay natawa naman si Brielle ng maalala niya ang naganap sa kanila ng binata sa hospital. Para tuloy siyang baliw na tumatawa magisa. Tila kasi sariwa pa sa kanyang isipan ang naging palbalya niya sa binata dahilan upang ito ay bumagsak sa sahig. Maya-maya pa ay nakapasok narin siya sa loob ng Bangko at pagkuwa'y nakipila narin sa ilang Kliyente din ng bangko. Habang nag iintay hindi maiwasan ni Brielle na isipin kung ano ang ginagawa ng Mokong na yun sasakyan. Bigla ay naipilig ni Brielle ang ulo at sinilip ang labas ng bangko. Makalipas ang labing limang minuto na kanyang paghihintay ay tinawag na rin ang kanyang numero at dali-dali ay tumayo siya tumungo sa Bank teller ng Bangko. Is-isa nang hinihingi ang kanyang Identification card at I.d. makaraan lang ang limang minuto ay mabilis ng naiupdate ang Status ng kanyang savings account. Agad ay inabot sa kanya ang Bankbook at pagkuwa'y umalis na siya at dali-dali ay tinungo na ang sasakyan.
Laking gulat ni Brielle ng makitang tulog na tulog ang binata na tila hindi alintana ang pagbukas niya ng sasakyan. Sunod-sunod ang pagtapik niya sa braso nito upang magising. Ngunit tila malalim na ang tulog nito. Kaya naman ay napakamot siya sa kanyang ulo dahil saan niya kaya ihahatid ang mokong na ito. Gayung tulog na tulog ito. Sandali ay nagisip siya at pagkuwa'y pinagmasdan ang itsura ng binata. Base naman sa kanyang ispekulasyon magandang lalaki naman ito matangos ang ilong, May magandang hubog ng muka ang labi nito ay mamula-mula at ang panga nito ay may ilan ilan ng tubo ng balbas. Ang buhok naman ay maganda ang hibla na tila walang dry. Sa katawan? well maganda din ang pangangatawan nito at ang mga balat naman nito ay makinis ngunit balbon. Nasa ganoon siyang pagiispekula ng bigla ay magising ang binata. ''Oh Nandiyan ka na pala? Uuwe na ba tayo?'' tanong ng binata agad naman siyang napataas ang kilay. ''Excuse me?Hindi kita asawa para iuwe kita sa bahay ko! Saan ba Adress mo? ng maihatid na kita?'' Mataray niyang tanong sa binata. ''Ah oo nga pala ihatid mo na lang ako sa hospital'' Mahinang wika nito at pagkuwa'y pinaandar na niya ang sasakyan at mabilis na pinatakbo. ''Woah! Grabe ka talaga! Hindi ka lang amasona! kaskasera ka pa!'' Natatawang litanya ng binata. ''Wala ka bang bahay at sa hospital ka na nakatira?'' Tanong niya dito ngunit hindi na ito nagsalita pa at tila malalim na ang iniisip.