Maagang nagising si Brielle upang ayusin ang ilan sa gamit niya sa hospital. Maya-maya pa'y bumungad sa kanya ang amang wagas ang pagkakangiti. Kung masaya siya dahil makakalabas na siya ay mas di hamak na mas masaya ang kanyang Ama.
''Anak, ready ka na ba?'' tanong ng Papa Brandy niya. ''Opo Pa, Excited na ko makalabas pero naayos mo na Pa yung Bill ko dito sa hospital?'' tanong niya sa ama. ''Huwag mo ng alalahanin yun anak, Sinagot na ng nakabundol sa iyo ang gastos mo dito sa hospital'' Paliwanag ng Ama. "Talaga po Pa? Hindi mo ba siya pinakulong?'' Pagtataka niya sa ama. ''Hindi anak masyadong bigatin ang lalaking yun kaya wala na akong nagawa kung hindi makipag areglo'' Malungkot na wika ng ama.
"Pero Pa, Bakit? Malaki ang naging kasalanan niya Sa akin buhay ko ang nakataya ng dahil sa kanya Muntik na akong Mamatay tapos hinayaan niyo lang na huwag makulong ang Mokong na iyon pa naman!!" Pagmamakaawa niya sa ama. "Pero anak, wala na tayong magagawa nakapirma na ako sa naging kasunduan namin. at saka Magaling ka na anak pabayaan na natin yun para makaiwas tayo sa gulo'' Paliwanag muli ng ama.
''Ok fine Pa, pero sino ba siya? kilala ba siyang tao? anak ba siya ng presidente ng pilipinas?'' Iritang tanong niya sa ama. ''Well kilalang Tv Endorser siya anak at anak din ng politiko'' paliwanag muli nito. ''Tv Endroser? At sino naman siya at bakit niya ako binundol?'' tanong niya muli sa ama. ''Nathan Dela torre ang pangalan niya anak'' mabilis na sagot ng ama bigla ay namilog ang mata ni Brielle ng marinig ang binangit na pangalan ng kanyang Ama.
''Talaga pa si Nathan Dela torre yung nakabundol sa akin?" Tanong niya muli sa ama. ''Oo nga anak, kilala mo rin siya diba? kaya hayaan na natin siya sa buhay niya'' Naiinis na wika ng ama at pagkuwa'y tumayo na ito at dinampot isa-isa ang mga gamit na kanilang iuuwe. Kaya naman napilitan na si Brielle na tumayo at dali-dali ay lumabas na sila ng kanyang Ama mula sa kwarto ng hospital.
''Wait lang Brielle, daan muna na tayo billing section pipirmahan ko lang ang Discharge form mo'' Paliwanag nito at pagkuwa'y dumaan muna sila. Habang naghihintay si Brielle sa waiting area ng billing section ng hospital. May narinig siyang ingay na tila nagtitilian ang ilan sa Staff ng hospital.
Nang sipatin niya ito tumambad sa kanya ang Imahe ni Nathan Dela torre na papalapit sa Direksyon nilang Magama. Tila bumilis ang t***k ng kanyang puso na hindi niya mawari ng makita ang kilalang tv Endorser. Muli ay bumalik nalang sa waiting chair si Brielle upang hindi mahalatang kinikilig siya ganung ito ang dahilan kaya siya nacomatose at naratay sa Hospital ng ilang buwan.
Maya-maya pa ay lumapit na ito sa kanyang Ama at kinausap ito. Pinakalma muna niya ang sarili habang nakaupo sa waiting chair upang huwag isipin ng Mokong yun na natutuwa siya at ito ang nakabundol sa kanya. Di nagtagal pinalapit siya ng kanyang Ama sa kinaroroonan nila ni Nathan Dela torre. Agad naman siyang tumayo at lumapit.
Hindi naman niya alam ang gagawin ng makalapit na siya sa mga ito. ''Anak, ito nga pla si Nathan Dela torre alam mo na? ''Pagpapakilala ng ama. ''Hi please to meet you Brielle?'' Nakangiting inilahad ang palad.Ngunit tila naman siya nagalangan kung tatangapin ang pakikipagkamay nito pero sa huli ay tipid nalang niya itong tinangap.
''Hi-hi'' Naiilang niyang tugon dito. ''Well hindi pa siguro nasasabi sa iyo ng papa mo kung bakit ako naririto'' Paliwanag muli ng binata agad naman siyang tumingin sa kanyang Papa Brandy upang alamin ang sinasabi ng binata sakanya. ''Anak Nagpapasalamat siya at nagising ka na daw at plano daw niya na bigyan ka ng trabaho o kahit anong kapalit na trabaho ang gustuhin mo'' Paliwanag ng kanyang ama.
tila naman nag iba ang timpla ng kanyang Mood dahil hindi niya nagustuhan ang inooffer nito ang kaninang tila kinikilig ay napalitan ng pagkamuhi niya sa binata. ''Ganun ba?? Salamat nalang I can manage my self at isa pa Makakahanap ako ng trabaho kahit hindi mo ako tulungan'' Pagtataray niya dito at pagkuwa'y niyaya na niya ang kanyang Papa Brandy na makalabas ng hospital. ''Pa tara nagsasayang lang tayo ng oras dito'' Pagtataray niya muli.
Tulala namang naiwan ang binata habang nakatanaw sa papalayong imahe ni Brielle. Nang makalabas na sila ng hospital bigla naman siya inakbayan ng kanyang papa Brandy at bilib na bilib sa ginawa niyang pagtataray sa binata. ''Galing talaga ng anak ko akala ko tatangapin mo yung offer ng moko na yun eh'' Masayang wika nito.''Ano ka ba Pa? hindi ako basta nasisilaw sa kahit anong kayamanan ng mokong na yun hindi porket crush ko siya magpapadala na ako sa kanya.'' Paliwanag niya sa ama ngunit natigil naman ito sa paglalakad ng marinig ang sinabi niya.
Agad ay nakagat niya ang ibabang labi. ''Totoo ba yung narinig ko brielle Crush mo yung mokong na yun?'' Paninita ng Ama. kaya kakamot kamot si Brielle sa kanyang ulo na nakangiti lang sa ama at sabay akbay dito. ''Ikaw talaga Pa ang lakas ng pandinig mo Crush lang naman po kasi kagaya mo magaling din magluto yun kaya humanga ako sa kanya'' Pagpapaliwanag niya sa ama at agad naman ngumiti ito at dali-dali na siyang iginiya papasok sa dalang sasakyan nito.
''Wow pa kanino mo nahiram ito? Angara ng kotse na to ah mukang mamahalin'' Tanong niya sa ama habang namimilog ang mga matang hinihimas ang makintab na balat ng sasakyan. ''Nagustuhan mo ba anak?'' Tanong ng ama. ''Oo pa pero mas magugustuhan ko to kung satin to tara na nga Pa'' Sagot niya sa ama agad naman ngumiti ng makahulugan ang kanyang ama at pagkuwa'y sumakay na sa sasakyan at pinaandar na ito. ''Pa pwede ko bang buksan binatana nito?''tanong niya sa ama. ''Aba siyempre naman'' Nakangiting wika ng ama kaya dali-dali ay pinindot niya ang button nito at dahan-dahan bumaba ang salamin nito.
Tila batang first time makasakay sa magarang sasakyan si Brielle habang tinatahak nila ng ama ang kalsada pauwi sa kanilang tahanan. Inilabas ni Brielle ang kanyang kamay sa bintana upang maramdam ang pagaspas ng hangin na tumatama sa kanya. Masaya ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon dahil sa tagal niyang nacomatose ay sa wakas at masisilayan niya muli ang mundo dahil sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng panginoon.
Hindi niya maiwasan magpasalamat sa itaas at sa wakas ay gumaling na siya at muli ay makakasama ang kanyang ama at kapatid. ''Anak gusto mo pagkauwi natin sa bahay mamasyal tayo isama natin si Baste?''Paanyaya ng kanyang ama. ''Aba pa gusto yan hindi ako tatangi diyan saan ba tayo mag roroad trip pa? ay teka lang hindi ba magagalit yung hiniraman mo nito?''Tanong niya sa ama. ''Huwag kang magalala anak kasama ko naman ang mga may-ari nito'' Nakangiting sagot muli ng kanyang ama. ''Huh pa isasama pa natin yung may ari? hindi ba nakakailang yun?''irita niyang sagot. ''Hindi mo parin ba talaga alam kung sino yung tinutukoy kong may ari Brielle?'' tanong muli ng kanyang ama. ''Pa naman eh sino ba kasi? kilala ko ba? o baka bigay yan ni Nathan Dela torre? Pa ibalik mo yan!!!''Mahaba niyang sagot sa ama at tila naiinis hinayaan muna ng Ama ni Brielle na wala siyang alam kung sino talaga ang mayari ng sasakyang kanilang minamaneho ngayon.
Makalipas ang isang oras na biyahe ay narating na nila ang tila ibang itsura ng bahay. Kaya naman bigla kumunot ang noo ni Brielle. ''Pa kanino ba tong bahay na hinintuan natin?''Tanong niya sa ama.tatawa tawa naman ang kanyang ama habang panay busina sa labas ng gate ng bahay. ''Pa? hindi ba tayo nakakaistorbo diyan sa mayari ng bahay na yan?'' Muli ay tanong niya sa ama.
Ngunit bigla ay bumukas ang gate at dahan-dahan itong bumukas na kusa. Namilog naman ang mga mata ni Brielle sa pagkamangha. ''Pa wow ah ganyan din ang plano ko kapag nagparenovate tayo ng bahay gusto ko yung ganyan din''Paliwanag niya sa ama.
Maya-maya lang ay nakapasok na sila sa loob ng bahay kaya mas lalo ay namilog ang kanyang mga mata ng mga oras na iyon. Agad naman silang sinalubong ng kanyang tita Venus at ng nakababatang kapatid na si Baste kaya lalu niyang ikinagulat. Kung bakit naririto rin ang dalawa. ''Pa anong ginagawa nila dito hindi ba nakakahiya sa may ari ng bahay pati nitong sasakyan?'' Pagaalalang tanong niya sa ama at muli ay tinawanan lang siya nito.
Umikot naman dali-dali ang kanyang ama upang pagbuksan siya at alalayan sa pagbaba ng sasakyan. Nang makababa na si Brielle ng sasakyan aya gad niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. At manghang mangha niya itong sinipat. Para sa katulad niyang architect ay pinabilib siya ng gumawa ng bahay na ito bulong niya sa sarili.
Manghang mangha siya sa mga nakapalibot na glass window ng bahay at interior design nito na kulay pastel kaya tumugma ang mga glass window na itim at ang pastel na kulay nito sa interior ng bahay. Kaya naman ang kanyang tita Venus at ang kapatid na si Baste ay dali-dali siyang nilapitan dahil hindi niya matinag ang paa dahil sa maiging pagtingin sa kabuuuan ng bahay.
''Nagustuhan mo ba ate?'' Tanong ni baste sa kanya. ''Oo naman no teka ano ba ang ginagawa natin dito hindi ba nakakahiya sa may ari?'' Tanong niya sa kapatid tila naman mga nagkaisa ang mga ito at agad nagsitawanan. ''Bakit may nakaktawa ba sa sinabi ko?''Naiirita niyang tanong sa mga ito agad naman siyang iginiya ng kanyang ama papasok sa loob ng bahay.
''Sandali Pa, hindi ka ba muna kakatok bago tayo pumasok sa loob?'' Muli ay tanong niya sa ama. ''Anak hindi na kailangan dahil kasama ko na ang mga may ari nito'' natatawang paliwanag ng kanyang ama agad naman siyang tumigil sa paglalakad at humalukipkip. ''Teka nga Pa kanina ko pa napapansin na sinasabi mong kasama natin ang mayari nito bakit multo ba ang mayari nito hindi ko kasi makita asan ba siya?'' Naiirita niyang tanong sa ama. ''Oo anak narito siya sa harap ko'' Nakangiti nanamang wika muli ng ama agad naman siyang napayakap sa ama dahil natatakot siya sa mga multo.
Walang patid naman ang pagtawa ng tita Venus niya at ng nakababatang kapatid dahil sa naging reaksyon niya miski ang kanyang ama ay nadala narin. ''Nakakainis na kayo kanina pa kayo tawa ng tawa saken!!!'' Naiinis niyang wika.
"Eh kasi naman ate, ang hina mo pumick up'' Natatawang wika ng kapatid kaya hindi na nakatiis ang kanyang ama at ipinaliwanag sa kanya isa-isa ang naging kaganapan simula ng maratay siya sa hospital. Na di umano ang pera ginamit na pampagawa nito ay ang nakuha ng ama niya sa kumpanyang pinagtrabahuhan ni Brielle at maging ang Malaking ipon ng ama sa pagtatrabaho sa london pati ang pinambili ng sasakyan.