Chapter 2

1816 Words
                                                                               Tulalang naglalakad si Brielle palabas ng company building nila ng minsang mapatingin siya sa malaking Billboard ads. Nakita niya mula sa ibaba ang Malaking larawan ng kilalang Tv Endorser na si Nathan Dela torre kaya naman napatigil siya sa paglalakad at tinitigan niya ang malaking larawan nito.          Palagi niya kasi itong nakikita sa ilang commercials sa Tv tila napakaperpekto ng lalaking ito para sa kanya. Dahil napakagwapo nito, Matangkad,Malaki ang katawan,Matangos ang ilong at bali-balita din na magaling din itong magluto. at napakarami nitong charity at foundation na tinutulungan.          Napaka Ideal man niya para sa Dalagang si Brielle kaya tuloy tuwing makikita niya ang billboard ads nito ay hindi niya mapigilan na maihambing dito kung sino ang lalaking mamahalin niya. Katulad din kaya ito ni Nathan Dela torre? Palaging ganoon ang naitatanong niya sa kanyang sarili kapag napapatingin sa Larawan ng Binata.         Madami man ang lalaking nagtangkang manligaw sa kanya ngunit hindi niya makita sa mga ito ang hinahanap niyang lalaki. Heto at magbebente siyete na siya subalit ni minsan ay hindi niya nagawang magka boyfriend man lang. Kaya tuloy inuulan siya ng tukso ng kanyang kapatid na si Baste dahil may pagka man hater siya.        Pero tila iba tama niya kay Nathan Dela torre naging matindi ata ang paghanga niya sa binatang ito.Kahit na imposible namang ito ang lalaking makakatuluyan niya. Naipilig tuloy ni Brielle ang kanyang ulo ng pangarapin nanaman niya si Nathan Dela Torre. Maya-maya pa ay humakbang na siya papalayo sa ads nito Ngunit isang humaharurot na sports car na red ang bigla ay humagip sa dalaga.        Kaya mabilis itong bumulagta sa kalsada. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ni Brielle at nagsilapitan lalo na ng makita kung sino ang lalaking nagmamaneho ng Sports car na iyon. Ngunit bigla naman ay nawala na ang malay ng dalaga. Ilang linggo ding nasa Icu si Brielle dahil hindi pa ito nagkakamalay ang sabi ng mga doctor ay comatose na ang dalaga.        Halos dito na natutulog ang Ama ng dalaga upang mabantayan ito. Walang araw na hindi umiiyak ang ama ni Brielle at nagnanais na muli nang gumising ang dalaga. Ngunit lumipas pa ang ilang pang mga buwan bago tuluyan ng magising ang dalaga. Unti-unti ay nagmulat ng mata si Brielle at tumambad sa kanya ang maliwanag na sinag ng ilaw na siyang nagpasilaw sa kanyang mga mata.        Agad niyang tinakpan ang mga matang silaw na silaw sa tama ng liwanag. at ng muli ay iminulat ang kanyang mata ay inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya lalo na at nakitang nakahiga siya sa kama na napapalibutan ng madaming aparato. Nang itaas niya ang kanyang mga kamay ay kay daming karayom ang nakatusok dito pati na sa kanyang ilong.       Bigla ay naligalig siya at nagsisigaw upang sa gayun ay may makarinig sa kanyang palahaw. Maya-maya pa ay nagdatingan na ang ilang staff ng hospital at mabilis na ipinatawag ang guardian niya. ''Miss Calm down Please!!!! Naiiritang saway sa kanya ng isang lalaking nakaunipormeng berde ''Sino ang may sabing hawakan mo ko??? hindi pa ipinanganganak ang lalaking hahawak sa mga balikat ko!" Singhal niya sa lalaki.      Ngunit sa inis ni Brielle ay agad niya itong binigyan ng isang sapak sa muka. Kaya agad naman napahawak ito sa pisnge. ''Aray ah!! Grabe kang babae ka!! may pagkaamasona ka pala! Kayo na nga ang bahala diyan !!bwisit talaga tong araw na to!" sa inis ng lalaki ay inalisan siya at hinayaan na ang ibang staff nalang ang umasikaso sa kanya.     ''Miss kakagaling mo lng sa Coma relax ka lang'' Tatawa tawang wika ng isang lalaking staff na nakauniporme ding berde. Bigla ay napakamot tuloy si Brielle sa ulo dahil hindi din niya inaasahan na mabibigla siya at masasapak niya ang isa sa staff ng hospital. Nagtataka man siya sa mga nangyari sa kanya ay pinili nalang niyang huminahon muna.      Kaya naman ang dalawang lalaking staff ay dahan-dahan siyang tinangalan ng mga nakatusok na karayom sa kanyang mga kamay maging ang tubo niya sa ilong ay dahan-dahan din itong tinangal. Sa takot ba naman ng mga ito na mapagbuhatan din niya ng mga kamay kagaya nang naunang Staff kanina na nagasikaso sa kanya.      Bigla ay napatawa naman siya na tila nababaliw hindi kasi niya akalain na magagawa niyang manapak ng lalaki gayung kakagaling lang daw niya di umano sa pagkaComatose. Nagtinginan naman ang dalawang staff na nagaasikaso sa kanya at natawa narin ng magbiro siya. ''Huwag kayong magalala mga kuya hindi ko naman kayo sasapakin kagaya ng mokong nayun!! nakakainis kasi at hinawakan niya pa ko sa balikat ayaw ko kasi ng hinahawakan ang balikat ko lalo nat lalaki yung mokong na yun!'' Pagpapaliwanag niya sa dalawang staff.        Ilang sandali pa at biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at tumambad sa kanya ang kanyang Papa Brandy na mangiyak ngiyak sa tuwa. ''Brielle anak sa wakas ay gising ka na!!'' bungad nito sa kanya. ''Ano ka ba pa parang natulog lang naman ako?'' Biro niya sa ama. ''Naku anak kung alam mo lang ang tagal mo kayang natulog!!''muli pang litanya nito agad naman natuod si Brielle at namilog ang mata.      ''Ako? matagal natulog? Gaano katagal pa? parang kanina lang nangyari na may bumundol sa akin na nakasakay sa pulang sports car!!" Paliwanag niya sa ama. ''Oo anak nabundol ka nga ng Sports car na pula at alam mo ba kung gaano katagal kang natutulog?''Tanong ng ama niya.''Gaano katagal ba pa?''naiirita niyang tanong ''Apat na buwan lang naman anak'' at pagkuwa'y muli ay namilog ang kanyang mga mata.''A-Apat na Buwan???????? huh?! Pero pa paano ang trabaho ko?'' agad ay naitanong ni Brielle ang tungkol sa kanyang trabaho.      ''Huwag kang magalala anak nireport ko na sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo'' Paliwanag ng ama. ''Pero Pa? Ano ang sabi nila???'' muli pang tanong niya. ''Well sa totoo lang anak, nawalan talaga ako ng pagasang gumising ka kaya panay sa pangungulit yung boss mo at pinapirma ako ng waiver form na hindi ka na makakabalik sa kumpanya dahil naaksidente ka at malubha ang lagay mo''Mahabang paliwanag nito. Kaya bigla ay nanlumo si Brielle at bumagsak ang mga balikat .     ''Kung ganon Pa, hindi na pala ako makakabalik sa trabaho?'' Malungkot na tanong niya sa ama. ''Huwag mo ng alalahanin yun anak ang importante ay gising ka na at magaling ka na diba??'' tumango na lamang si Brielle para hindi na humaba pa ang pagtatanong niya sa kanyang Papa Brandy. Maya-maya pa ay sumulpot naman ang kapatid niyang si baste at pagkuwa'y niyakap siya ng mahigpit.      ''Ate grabe namiss kita, akala ko hindi ka na talaga gigising'' Masayang wika nito habang yakap yakap siya ng mahigpit kay tuloy hindi niya napigilan ang maluha ng oras na iyon. ''Ikaw talaga baste kokotongan na kita diyan eh puro ka talaga biro!!!''Naiiyak na biro niya sa kapatid.       Mula ng magising si Brielle ay ilang araw pa ang kanyang inilagi sa hospital upang tuluyang makarecover. Muli pa at nag krus ang landas nila ng Binatang staff ng hospital na kanyang nasapak ng siya ay magising mula sa pagkakakoma. Wala kasi siyang bantay ng oras na iyon kaya naman napilitan si Brielle na lumabas ng kwarto upang bumili ng paborito niyang snack sa Pantry ng Hospital.       Kaya dahan-dahan ang kanyang paglalakad upang hindi matangal ang karayom na nakatusok sa kanyang kamay dahil dala-dala niya ang stand ng dextrose. Masaya niyang sinipat ang hallway ng hospital at nilakad ang patungo sa pantry ng bigla ay masagi niya ang lalaki na nagmamadaling tumatakbo agad ay nahagip nito ang kaliwang balikat niya kaya naman muntik na siyang mabuwal kung hindi lang mabilis siyang naalalayan ng nito.       Bigla ay nagulat siya ng hawakan nito ang kanyang beywang kaya naman sa gulat ay nasapak niya ang pisnge ng lalaki. Bigla naman siya napaatras ng makita ang lalaking tila pamilyar sa kanya. ''What the heck!! Ikaw nanaman?? Hilig mo ba talaga manapak huh? Nakakadalawa ka na!" Singhal nito habang hawak hawak ang pisngeng namumula.       Hihingi sana siya ng paumanhin kaya lang ay bigla nanaman siya nitong tinalikuran kaya nakatitig lang si Brielle sa likudan ng lalaki habang kakamot kamot ng ulo sa hiya niya ng sandaling iyon. At nang makalayo na ang lalaki ay muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa pantry ng hospital.       Hindi parin mawala sa kanyang isip ang imahe ng Mokong na lalaking iyon.kaya naman Naiinis na nilantakan ni Brielle ang biniling Snack upang kahit papaano ay mawala ang inis niya sa lalaking tila walang respeto sa babae. Nang matapos na niyang ubusin ang nilantakang snacks ay agad na siyang bumalik sa kanyang kwarto upang makapagpahinga.       Ngunit laking gulat niya ng pagpasok niya ng kwarto ay naroon ang lalaking dalawang beses niyang nasapak sa muka. Hindi alam ni Brielle ang gagawin ng sandaling iyon hindi niya alam kung paano ihahakbang ang mga paa papasok ng kanyang kwarto. Dahil natatakot siyang gantihan siya ng lalaki lalo pat magisa lang siya ngayon dahil wala pa ang kanyang Papa Brandy.       Napapikit nalang ng mata si Brielle upang magdasal ng sandaling iyon. ''Lord please huwag mo sana akong hayaan masaktan ng mokong na iyon please'' mariin na dasal niya ngunit gulat na gulat siya dahil pagbukas niya ng kanyang dalawang mata ay nasa harapan na niya ang lalaking ito at titig na titig sa ginagawa niya.       Tila aso itong nakangisi sa kanya habang nakahalukipkip ang dalawang kamay. ''Ano bang ipinagdadasal mo kay Lord? Sa tingin mo maririnig ka nun?" Mayabang na wika nito. ''Hoy!! kung hindi ka naniniwala kay lord pwede ba huwag mo akong idamay tumabi ka diyan!!!!!Singhal na ni Brielle sa lalaki ngunit tila hindi ito natitinag sa kinatatayuan at nakaharang parin ito sa kanyang daraanan.      ''Hindi ka ba marunong umintindi?? Db sabi ko tumabi ka?? Tabi!'' Sa inis ni Brielle ay binalya niya ang lalaki kaya naman muntik na itong matumba sa kinatatayuan. Para namang baliw si Brielle dahil Hindi niya napigilan ang humagikgik ng makita ang lalaking muntik ng mabuwal buti nalang at napahawak ito sa pintuan.       Walang humpay ang paghagikgik niya kakatawa ng oras na iyon dahil sa naging itsura ng lalaking mayabang na yun. Dali-dali naman itong tumayo at pagkuwa'y humarap sa kanya kaya napatigil ang pagtawa niya ng oras na iyon at nakagat ang ibabang labi.       Nang sipatin niya ang muka ng lalaki ay tila naging leon ang muka nito sa galit sa ginawa niya. Akmang tatampalin nito ang kanyang muka ngunit mabilis niya iyon napigil at naiiwas ang kanyang muka. Buti nalang at malakas parin siya kagaya ng dati at buti nalang ay hanggang ngayon ay hindi parin niya nakakalimutan ang mga self defense na kanyang inaral. ''Hoy Mokong pipiliin mo ang kinakalaban mo" Singhal niya dito kaya naman tila natauhan ang lalaki at bigla nalang itong umalis ng kanyang kwarto na baon baon ang matatalim na tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD