Chapter 1

1908 Words
           Hindi maalis sa muka ni Brielle ang saya at pagkasabik sa ama habang hinihintay nila ito sa Airport. Ngunit mas di hamak na sabik na sabik ang nakababata niyang kapatid na si Baste. ''Ate nakakainis naman iyan si Papa bakit ang tagal naman ata niyang lumabas sa loob?'' Naiinis na wika ng kanyang kapatid. ''Baste, pwede ba chillax ka lang diyan makikita din natin si papa ok chillax?!! Iritable niyang sagot dito kaya wala ng nagawa pa ito kung hindi bumalik sa paglalaro ng cellphone habang hinihintay ang kanilang ama.           Maya-maya pa ay nag sunod sunod na ang paglabas ng tao mula sa hallway ng airport kaya aligaga naman si Brielle sa pagsilip sa kanyang Ama. Hindi nagtagal Inaninag maigi ni Brielle ang tila pamilyar na imahe mula sa malayo, ito na kaya ang kanilang Papa Brandy pagtatantiya niya tila nagiba ata ang pangangatawan nito di hamak na mas malaki ang katawan nito kesa sa kanilang ama.          Agad naman tumayo si Baste ang bunsong kapatid niya upang makisilip narin ito. ''Ate Si papa ba iyon?'' pagtatakang tanong nito sa kanya. ''Hindi ko rin sure baste eh, kasi ayaw naman lumapit dito saka parang malaki katawan niyan si papa sakto lang naman katawan hindi kagaya ng Mama na yan'' Paliwanag niya sa kapatid.          Maya-maya pa ay tila sa direksyon nila ito kumakaway kaya agad naman kinabahan si Brielle kung ito na ba ang kanilang Papa Brandy. ''Baste! tumayo ka diyan bilis! puntahan natin yun kung si papa na talaga yun tignan mo kumakaway na sa atin'' wika niya sa kapatid. Agad naman tumayo ang kanyang kapatid at tinungo nila ang kinaroroonan ng lalaking kumakaway sa kanila.          Nang makumpirma nga nila na ito na ang kanilang Papa Brandy dali-dali ay tumakbo silang magkapatid palapit sa Ama.Tuwang tuwa sila na niyakap ito at maging ang kanilang ama ay sabik na sabik din kaya mahigpit din silang niyakap nito.        ''My god, mga anak grabe ang lalaki ninyo na talaga, Itong si Baste binatang binata na at ang ate Brielle ko Dalagang dalaga na, at ang ganda ganda pa kaya ang mga lalaki na magbabalak na ligawan ka ay dadaan muna sila sa mga kamao ko'' Sabik na wika ng kanilang ama agad naman nahiya si Brielle sa ama ng purihin siya nito.         ''Naku Pa, tatandang dalaga yang si Ate eh makakita nga lang ng lalaki sa bahay yan pinapaalis na'' Panunukso ni baste sa kanya. ''Hay naku baste, hindi ko lang priorities yung mga ganyan madami pa akong pangarap sa buhay'' Iritang sagot niya dito walang tigil naman ang kanilang ama sa kakatawa. At nang matapos ang kanilang paghaharutan at pagkasabik sa isat isa ay agad na itong nagyaya at nagabang na sila ng mauupahan na taxi pauwi sa kanilang tahanan.          Hindi naman magkandaugaga sa pagbibit ng mga maleta ang kapatid na si Baste kaya naman panay kanyaw ang inabot nito sa kanilang ama. ''ayos ah pagod na pagod baste? napagod ka na niyan? eh dalawang malate lang naman binitbit mo pagod ka na??" Pang aasar niya dito. ''Wow ate, nahiya naman ako sayo eh ano ba yang dala mo eh hand carry lang naman yan'' Inis na litanya ng kapatid kaya naman ang kanilang ama ay dali-dali na silang pinasakay sa taxi at hindi parin maubos ang pagtawa sa kanilang magkapatid kahit na nagtatalo lang naman sila.         Ganoon ka miss ng kanilang Papa Brandy ang bonding nilang magaama. Napuno ng kasiyahan ang sinasakyan nilang taxi ng mga sandaling iyon dahil sa tagal na di nila nakita ang ama ay wala na itong ginawa kung hindi harutin silang magkapatid. Maya-maya pa ay narating na nila ang kanilang tirahan kaya naman dali-dali ay bumaba na ang kanilang Papa Brandy sa taxi. At sabik na sabik masilayan ang kanilang tirahan at pagkuwa'y nagwika.        ''Wooaah!! Finally mga anak, after 10 years nakauwi rin sa wakas!'' Masayang wika nito habang tinitigan ang kanilang tahanan at pagkuwa'y inakbayan silang magkapatid. ''Oo nga Pa, Masaya po kami at nakauwi ka na lalo po itong si Baste. Kagabi pa iyan excited na makita ka hindi nga po natulog yan eh'' Pangbubuska niya sa kapatid. ''Naku ate, ikaw nga itong hindi nakatulog. Todo linis ka pa nga ng kwarto ni Papa kahapon, kung ano ano pa nga pinangsspray mo para maimpress si Papa'' Pangaasar din nito sa kanya kaya naman hindi na nakasagot pa si Brielle at agad naman inirapan ang kapatid. Kagaya kanina ay tuwang tuwa parin ang kanilang ama sa kanila at bigla ay ginulo ang buhok nilang dalawa.        ''Naku kayo talaga, ang lalaki niyo na panay pagtatalo pa ang ginagawa nyo. Oh siya, tara na at bitbitin na natin itong mga dala ko'' Litanya ng kanilang ama at pagkuwa'y pumasok na sila sa kanilang bahay. At bumungad naman sa kanila ang ngiting wagas ng kanilang tita Venus ang kapatid ng kanilang Ama. ''Naku Kuya Brandy, grabe ang gwapo gwapo mo parin at mas lalo ka pang gwumapo ngayon'' Sabik na bati ng kanyang tita venus bigla naman umirap si Baste ng marinig ang mga pasakalye ng kanilang tita venus. Mahilig kasi ito magbigay ng compliment kapag may kailngan sa kanila.         Kaya naman agad ng pumasok ang dalawang magkapatid at ipinasok na sa loob ng kwarto ang mga gamit ng Kanilang papa Brandy. ''Ate hulaan mo? Mamaya yang si tita venus, mangungutang na iyan kay papa'' Bulong ni Baste sa kanya at agad naman siyang tumango dahil ganoon din ang naiisip niya ng salubungin sila ng kanilang tita Venus. Abot tenga kasi ang ngiti nito na mamaya ay may ibig ng ipahiwatig sa kanilang Ama.         Maya-maya pa ay naghain na ang kanilang tita Venus ng mga ipinaluto ni Brielle na mga paboritong ulam ng kanilang Ama. ''Wow Venus, ikaw lahat ang nagluto nito?'' Tanong ng kanilang ama sa kanilang tita venus. ''Oo naman kuya basta para sayo masarap yan sige na tikman mo na isa isa'' Paganyaya ng kanilang tita kaya naman nagkakatitigan nanaman ang magkapatid na si Brielle at Baste ng oras na iyon.        At nang matapos na nila ang hapunan ng gabing iyon. Isa-isa nang binuksan ng kanilang ama ang mga dalang pasalubong at isa-isang iniabot sa kanilang magkapatid.Todo pasasalamat naman silang magkapatid dahil alam parin ng kanilang ama ang kanilang mga hilig lalo na ang uwi nitong mga Tsokalete at ilang pagkaing sa London lang mabibili. Masaya ang gabing iyon ng sa wakas ay umuwi narin ang Ama dahil madami itong planong gawin para sa kanilang pangarap na negosyo.        Napag usapan din kasi nila ang mga plano nitong gawin na pagpaparenovate ng kanilang bahay at ang pagpapatayo ng plano nilang business. Gusto rin kasi ng kanilang ama na tumigil na si Brielle sa pagtatrabaho at asikasuhin nalang ang itatayo nilang business dito. Ngunit hindi niya alam kung paano niya magagawang magresign sa napamahal na niyang trabaho.        Simula kasi ng makagraduate siya sa kursong Architecture. Dito na umikot ang mundo niya sa pagdedesign ng mga bahay, at mga buildings kaya ng malaman niyang gusto iparenovate ng kanyang ama ang kanilang bahay ay bigla siya naexcite dahil madami siyang Ideas para rito.        Pero ang plano nitong pagreresign niya sa kumpanyang kanyang pinapasukan ay mukang imposible niyang maibigay sa Ama. Dahil matagal niyang pinaghirapan ang ganitong trabaho. Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ang dalagang si Brielle upang maghanda na papasok sa trabaho.        Maya-maya pa ay may naamoy siyang masarap na putaheng niluluto. Kaya dali-dali ay bumangon na siya at tinungo ang kusina at tumambad sa kanya ang kanyang papa Brandy na noo'y nakasuot ng apron at masiglang nagluluto ng aalmusalin nilang magaama. ''Hmmm Pa, mukang masarap iyang niluluto mo ah'' Bungad niya sa ama at pagkuwa'y binati na niya at hinalikan sa pisnge kagaya ng nakagawian nito sa kanila noong maliliit pa sila.       ''Umupo ka na diyan anak, at malapit na itong maluto maaga ka ata nagising?'' tanong ng Ama niya. ''Opo Pa, alas otso po kasi ang pasok ko ngayon sa opisina at madami po akong naka pending na trabaho na naiwan kasi nag leave po ako kahapon'' Paliwanag niya sa ama. At agad naman tumango ito at inihain na sa lamesa ang mga pagkaing inuluto nito.       ''Wow Papa, mukhang masarap ito ah'' Papuri niya sa ama. ''Oo naman anak, iyan ang patok na dishes sa london" Paliwanag nito. ''Talaga pa, Wow taray touch of london pala ang dish na niluto mo''hangang hanga niyang sagot sa ama at agad ay nilantakan na niya.        Masaya ang kanyang ama na sinabayan siya sa almusal at natutuwa rin ito dahil nagustuhan niya ang iniluto nitong patok na dish sa london. ''Nga pala anak, si Baste ba hindi pa ba gigisin?'' Tanong ng nito. ''Naku Pa, mamaya pa po na tanghali ang gising ni Baste, ganoon matulog yun napupuyat kasi kakalaro ng mobile legend'' Paliwanag niya sa Ama. ''Ganoon ba mukang magsisimula ng sumakit ang ulo ko sa kapatid mo na yun ah''Biro nito kaya naman tumango nalang si Brielle at dali-dali ay sinamsam na ang kanilang pinagkainang mag ama at inilagay sa lababo.        Tangkang huhugasan na niya ang mga pinggan ng pigilan siya ng Papa niya at ito na ang nagpatuloy sa paghuhugas baka daw malate siya kaya naman binigyan niya ng isang matamis na halik sa pisnge ang Ama sa wakas at may magaasikaso na sa kanilang magkapatid. Iinat ina si Brielle ng makarating na siya sa opisina para kasi siyang sinuntok ng sa sakit ng kanyang likuran ng mga oras na iyon.        Kaya naman agad siyang nilapitan ng ka office mate niya na si treena. ''huy bru, ano at iinat inat ka diyan puyat ka ba? tanong nito. ''Well kinda'' tipid na wika niya ''Dumating na ba papa mo? diba nagleave ka kahapon para sumundo?'' tanong muli nito ''Yep, sinundo namin siya ni Baste kahapon'' Muli niyang sagot dito nang matapos na siyang kulitin nito ay agad na siyang tumungo sa second Floor ng kanilang building upang gawin ang ilan sa kanyang trabaho.        Madalas kasi na doon siya naglalagi para matapos niya ng maayos ang ilan sa Project niya. Masyado kasing crowded sa baba dahil bibig palang ng ka office mate niyang si Treena ay tila nasa Quiapo siya sa ingay. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang tinatype ng bigla ay bumukas ang pintuan ng kanyang office at inuluwa nito ang kanilang Project Engineer na si Marco.        Ngiting wagas ito lagi kapag nakikita at nasisilayan siya ngunit para kay Brielle walang kadating dating ito. Gayung mayaman naman ito gwapo, Matangkad, Makinis at tila model ang itsura wala ng tulak kabigin sa itsura nito. Pero sadyang balewala ito kay Brielle dahil ayaw niya muna ng lalaki sa buhay niya sapat na ang kapatid niya at tatay niya.        Maya-maya pa ay nilapitan na siya nito at nagpacute. ''Hi babe hindi ka pa ba maglulunch? sabay na tayo treat ko?'' Nakangiting wika nito tila naman nairita si Brielle at inirapan niya ito. ''Hindi pa ako maglalunch Marco can't you see busy pa ko? isabay mo nalang si Treena'' wika niya dito habang ang mga kamay at tingin niya ay nasa computer parin.       ''Ay ganito nalang magdadala nalang ako ng food dito then sabay na tayo maglunch sige na babe let me eat with you'' Pangungulit nito kaya wala na siyang nagawa at hinayaan na lamang niya itong gawin ang gusto niya para narin makalibre siya ng lunch at hindi na maistorbo sa paglabas ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD