AVERY:
"She's your Tita Avery," sagot ni Sir Lucas kay Caden. Tumitig sa'kin si Caden na punong-puno ng pagtataka ang kulay asul na mga mata nito.
I wonder kung paano sila naging ganito kaclose? Ang sabi kasi ng marites kong kaibigan ay kinidnap daw ni Sir Lucas itong si Caden. Pero bakit parang baliwala nalang 'yon ngayon sa bata? Kung ituring nito si Sir ay parang wala itong nagawang kasalanan sa kanya.
"Tita Avery? Mom's sister?" Nagtataka man ay lumapit parin sa'kin si Caden.
"Yes Caden," si Sir Lucas na ang sumagot. Ako kasi ay parang natameme na at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Parang nahihiya kasi ako na magpakilalang kapatid ng Mommy niya matapos lahat ng mga maling nagawa ko sa kanya. And besides baka isipin ni Claire na nagfefeeling Villashne ako kahit hindi naman talaga ako tunay na Villashne.
"Hello po Tita." Wala na akong nagawa nang magmano sa'kin si Caden. Infairness dito sa anak ni Claire, magalang at mukhang tinuruan ng magandang asal.
"He...hello Caden," nauutal na sagot ko. Pakiramdam ko nanlalamig na ang kamay ko.
"Bakit hindi po kayo nagvivisit sa bahay namin?" Natigilan ako sa tanong ni Caden. Umupo ito sa tabi ko habang si Sir Lucas naman ay bumalik na sa upuan niya.
"Busy kasi si Tita, madami akong ginagawa baby," sagot ko nalang.
"Like what Tita?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa'ming dalawa ni Sir Lucas. Parang inoobserbahan niya kami.
"She's my secretary baby," paliwanag ni Sir Lucas.
"I see Daddy, I thought she's your girlfriend." Muntik pa akong masamid ng pineapple juice na iniinom ko dahil sa sinabi ni Caden. Pa'nong naging girlfriend ni Sir Lucas ang tingin niya sa'kin? Hindi naman kami ganun ka sweet.
"No baby." Sir Lucas chuckled at wow, ang sexy ng chuckle niya.
"Daddy, she's my Mom's sister. She's pretty just like my Mom." Pinamulahan ako dahil sa sinambit ni Caden. Si Sir Lucas naman ay tumitig sa'kin nang mariin na naging dahilan para biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Grabe talaga itong si Sir Lucas, matutunaw ako sa mga titig niya. Hindi ko siya kinakaya.
"I know, she's pretty like your Mom," sagot ni Sir Lucas habang hindi parin nito inaalis ang tingin sa'kin. Jusme huwag mo na akong titigan Sir at baka matunaw na talaga ako.
"Yieeh, Daddy Lucas I know that stare," panunukso ni Caden sa Daddy Lucas niya. Nahihiyang ngumiti nalang tuloy si Sir.
Bigla naman akong kinilig. Hayst ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ako kinikilig? Huhu.
"Caden, let's go home." Naglakad palapit sa'min ang isang lalake na may kulay asul na mga mata. Maawtoridad ang paglalakad nito, perpekto ang hubog ng katawan. May nakasunod ditong lalake na sa tingin ko ay assistant niya.
"Daddy, come here." pagtawag ni Caden sa lalake. So ito ang Daddy niya na asawa ni Claire? Wow, ang guwapo pala talaga ng asawa ni Claire. Medyo masungit nga lang ang mukha nito pero siya 'yong tipo na kapag tinititigan ka niya sa mga mata ay talagang manginginig ang tuhod mo at tatalon palabas ng dibdib mo ang iyong puso. Charis exaggerated na kung exaggerated basta ganun 'yon. Pero syempre hindi papatalo sa kaguwapuhan si Sir Lucas. Hindi talaga maikakailang magpinsan sila.
"Caden we need to go home." Napanguso nalang si Caden dahil sa sinabi ng kanyang Daddy. Napansin kong hindi manlang nito tinapunan ng tingin si Sir Lucas. Siguro hanggang ngayon ay hindi parin nito nakakalimutan ang nagawa ni Sir Lucas sa mag-iina niya.
"Daddy, I just met Daddy Lucas and Mommy's sister." Napatingin sa'kin ang asawa ni Claire.
"You're my wife's sister? You're Avery?" tanong niya sa'kin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, siguro ay naikuwento sa kanya ni Claire.
Nahihiyang tumango nalang ako.
"Tama nga ang narinig ko. Of all people, kapatid pa talaga ng asawa ko ang kinuha mong assistant." Hindi sumagot si Sir Lucas sa sinabi ng pinsan niya nanatili lang itong nakayuko at walang imik.
"Let's go son!" Wala nang nagawa si Caden kundi tumayo at sumunod sa Daddy niya.
Pagkaalis ng dalawa ay napatingin ako kay Sir Lucas na malungkot parin ang mukha.
"Finish your food and we'll go home. Ihahatid na kita sa inyo." Hindi na ako sumagot sa sinabi nito. Parang natulala nalang kasi ako habang nakatingin sa kanya. Naaawa ako kay Sir Lucas, mukha naman siyang mabait. Sa tingin ko ay nabulag lang talaga siya ng galit kaya niya nagawa iyon.
*****
Habang nasa biyahe kami ay walang gustong magsalita sa aming dalawa. Tahimik si Sir Lucas at nahihiya naman akong magsalita. Sobrang bigat ng atmosphere dito sa loob ng kotse niya. Hindi ko maexplain basta sobrang tahimik naming dalawa.
"Dito nalang po Sir," sambit ko nang nasa tapat na kami ng bahay na inuupahan namin ni Mommy. Sa totoo lang ay ayaw ko nang umuwi rito, kaya lang no choice ako. Kailangan kong umuwi dito dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Nakakahiya naman kasing makitulog sa apartment ni Cindy. Speaking of Cindy, madami na siyang chat sa'kin. She's asking kung nakauwi na ba ako. Sobrang nag-aalala siguro 'yon sakin lalo pa't gabi na.
Hindi umimik si Sir Lucas, itinigil nalang nito ang sasakyan.
"Salamat po Sir," pagpapasalamat ko sa kanya. Tumango lang ito kaya nahiya na akong magtagal pa sa loob ng sasakyan niya. Nagmamadali kong binuksan ang pinto para makababa na ako agad. Pagkababa ko ay isinara ko agad ang pinto.
Nakakadalawang hakbang palang ako palayo sa kanya ay pinaharurot na agad ni Sir Lucas ang kanyang sasakyan. Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong-hininga.
"Kawawa naman si Sir Lucas," naisambit ko nalang. Pakiramdam ko pareho kami ng pinagdadaanan. Pareho kaming nagkamali at nangangailangan ng kapatawaran at pangalawang pagkakataon mula sa mga taong nasaktan namin.
Kinapa ko ang susi ng gate sa bulsa ng aking bag. Mabuti na lamang at hindi ako nahirapang hanapin ito. Napansin kong nakapatay na ang ilaw sa loob ng bahay. Siguro ay tulog na si Mommy kaya dahan-dahan ang ginawa kong pagbukas sa gate para hindi siya magising. Mabuti na rin iyong tulog siya para hindi niya ako sermonan. Pagkapasok ko sa gate ay dahan-dahan din ang bawat hakbang ko palapit sa pintuan ng bahay.
Kapag nagising kasi si Mommy ay siguradong sermon ang aabutin ko. Lalo pa't hindi ako umuwi kagabi at buong araw niya akong hindi nakita. Hindi ko rin kasi sinabi sa kanya na may trabaho na ako dahil siguradong magagalit iyon.
Pagkapasok ko ng bahay ay dali-dali kong isinara ang pinto. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan, pero muntik pa akong mahulog dahil sa gulat nang makasalubong ko si Mommy sa kalagitnaan ng hagdan. Nakapamewang ito, bitbit nito ang kanyang cellphone na ginawa niyang ilaw.
"Mom," kabadong wika ko sa kanya. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa tindi ng kaba ko.
"Saan ka galing? I've been trying to call you pero hindi mo ako sinasagot!" Napatingin ako sa cellphone ko at totoo nga, madaming missed calls galing kay Mommy. Hindi ko ito napansin dahil nakasilent ang phone ko. Alam ko kasi na tatawagan niya ako.
"Mom, galing po ako kayna Cindy," kabadong sagot ko.
"Cindy? Ano naman ang gagawin mo don? Her Mom told me na hindi na umuuwi sa kanila si Cindy dahil may sarili na itong apartment!" Sunod-sunod ang paglunok ko dahil sa sinabi ni Mommy. Bakit nga ba hindi ko naisip na tuwing nawawala ako ay tinatawagan niya agad ang Mommy ni Cindy para tanungin kong andon ako sa kanila?
"Kasi don ako nagstay sa condo niya," pagdadahilan ko. Pero lalong tumalim ang tingin sa'kin ni Mommy.
"Do you think I'm stupid? Saan ka galing?" Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa'kin. Hinawakan pa niya nang mariin ang braso ko.
"Mom, let me go!" Nagpupumiglas ako sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Sa takot ko na baka mahulog kaming dalawa sa hagdan ay hindi nalang ako nagpatuloy sa pagpupumiglas.
"Listen carefully Avery Margaux Villashne! Bukas ay hindi ka puwedeng umalis! Doon tayo maglalunch sa bahay nina Landon," seryosong wika sa'kin ni Mommy.
Jusme anong gagawin ko? May trabaho ako bukas!
"Mom! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na ayaw kong magpakasal kay Landon!"
"Who do you think you are to go against my decision? You are marrying Landon because I told you to do it! Wala kang karapatang umangal!" pagpupumilit niya. Napabuntong hininga nalang ako. Grabe naman itong si Mommy, kahit kailan ay hindi niya inisip na hindi ako magiging masaya sa lalakeng pinili niyang pakasalan ko.
"Mom marriage is not a joke! Gusto kong makasal sa taong mahal ko at mamahalin rin ako! Kagaya ni Claire!" Sa totoo lang sobrang naiinggit ako kay Claire, dahil wala siyang Mommy na nagdidikta sa kanya kung anong gagawin niya at kung sino ang dapat niyang pakasalan. Masaya na siya ngayon at sobrang guwapo pa ng asawa niya.
"Bilyonaryo ang asawa ni Claire! Kung gusto mo siyang tularan mag-asawa ka rin ng mayaman!" sigaw niya sa'kin.
"Mom! Hindi naman pinakasalan ni Claire ang asawa niya dahil mayaman ito! Nagpakasal sila dahil mahal nila ang isa't-isa!" pangangatwiran ko.
"Mahal? Do you think you will find someone as rich as Landon kung gagamitin mo 'yang puso mo? Wake-up Avery!" Sinampal ako ni Mommy kaya wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Bakit ba kasi ganun siya? Bakit mahalaga lang sa kanya ang pera? Hindi parin ba siya nadadala sa nangyari sa kanila ni Dad? Gusto niya akong matulad sa kanya na nagpakasal para sa pera.