CHAPTER 6

1563 Words
AVERY: Gabi na pero hindi parin ako natatapos sa pag-eencode. Nangangalay na ang braso ko at pakiramdam ko pudpod na ang aking mga daliri. Lumingon ako sa paligid ko at wala nang kahit isang table na may ilaw. Nagsiuwian na lahat at mukhang ako nalang ang natitira dito sa executive floor. Maliban syempre kay Sir Lucas na hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas sa opisina niya. Baka may tinatapos pa 'yon kaya hindi pa umuuwi. Sa dami ba naman kasi nang dapat gawin ay talaga namang hindi ka mapapalagay hanggat hindi ka natatapos. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok kaya naisipan kong magpunta sa pantry para magtimpla ng kape. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang mga mata ko parang anytime pipikit na. Pagdating ko sa pantry ay agad akong nagtimpla ng kape. Mabuti nalang at may instant coffee dito kaya ito nalang ang tinimpla ko para mas mabilis. Kailangan ko talaga ang kape na ito para muling mabuhay ang utak ko na malapit nang matulog. Baka mamali pa ang pagtatype ko at masabon pa ako ni Sir Lucas. Pagbalik ko sa aking table ay sakto namang bumukas ang pintuan ng opisina ni Sir Lucas. Lumabas ito na tila pagod at sobrang stress ang itsura. "Sir, good evening po," bati ko sa kanya. Hindi ito sumagot, bagkos ay nanatiling nakatitig lang ito sa'kin. Naiilang tuloy ako at parang matutunaw ako sa titig niya. "Hindi ka pa tapos?" walang emosiyong tanong niya sa'kin. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawang itago ang emosiyon niya, or kung talagang may emosiyon siya. Daig pa kasi niya ang bato na walang pakiramdam. "Hindi pa po." Sa dami ba naman kasi ng pinapa-encode niya sa'kin ay siguradong matagal talaga bago ko ito matapos. "Nagdinner ka na?" Natulala at hindi ako makapaniwala sa tanong niya. Bakit parang concern yata siya sa'kin? "Hindi pa po Sir. Kape lang po ang ininom ko," sagot ko. Totoo naman kasi na kape lang ang dinner ko. "Let's have dinner," pag-aya niya sa'kin. Natulala na naman ako for the second time around. Kumurap-kurap pa ako, baka sakaling nananaginip lang ako. "Sigurado po ba kayo Sir? Inaaya niyo akong kumain ng dinner?" paninigurado ko, baka kasi nagkamali lang ako ng dinig. "Are you deaf? Iligpit mo na 'yan at bukas mo nalang ipagpatuloy." Dali-dali kong inoff ang computer ko at tumakbo ako pabalik sa pantry para itapon ang kape ko. Sayang naman itong kape ko, pero hindi ko naman puwedeng inumin 'to nang isang lagok lang dahil baka mapaso pa ang dila ko. "I'm sorry coffee, but I have to let you go," parang tangang pagkausap ko sa kape na itinapon ko sa sink. Mabilis ko ring hinugasan ang mug ko, syempre baka pagpiyestahan ito ng mga langgam kapag hindi ko hinugasan. Kawawa naman 'yong tagalinis. Pagkatapos kong hugasan ang mug ko ay dali-dali na akong bumalik sa table ko, baka kasi hinihintay na ako ni Sir nakakahiya naman. Ako na nga itong inaya magdinner, paghihintayin ko pa siya. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko. "Tara na po Sir," nakangiting sambit ko pagkatapos kong isukbit sa aking balikat ang bag ko. "Let's go." Nauna nang maglakad sa'kin si Sir Lucas. Ako naman ay medyo naiilang pa kaya nakasunod lang ako sa kanya. Baka isipin niyang feelingera ako kapag tumabi ako sa kanya maglakad. Pagkababa namin sa lobby ng ospital ay tahimik na ang paligid. May mangilan-ngilan pa namang mga doktor akong natatanaw na naglalakad papunta sa Emergency Room. "Saan mo gustong kumain?" Muling bumalik ang atensiyon ko kay Sir Lucas dahil sa tanong niya. "Kahit saan po Sir," sagot ko nalang. Nakakahiya naman kasi kung mamimili pa ako ng restaurant. "May alam akong masarap kainan, paborito iyon ng kapatid mo." May kakaibang saya akong nakita sa kanyang mga mata. Siguro nga ay sobrang mahal niya talaga si Claire kasi tuwing naaalala niya ito ay kumikislap sa tuwa ang kanyang mga mata. "Sige." Hindi ko magets kung bakit bigla akong nalungkot nong maisip ko na mahal ni Sir Lucas si Claire at ito ang nakakapagpasaya sa kanya. Hayst ang gulo naman nitong nararamdaman ko. Hindi ako puwedeng mahulog kay Sir Lucas, kakasabi ko palang na ayaw kong magmahal dahil nakakabobo 'yon! ******* Wala akong imik habang nasa biyahe kami, kasi sa totoo lang ay naiilang parin ako kay Sir Lucas. Pinark niya ang sasakyan niya sa parking ng HIC Malls Makati. Ang balita ko ay pag-aari daw ng pinsan niyang si Liam ang Mall na ito. Hayst ang sarap siguro ng buhay ni Claire, biruin mo sobrang yaman ng naging asawa niya. Pero alam ko naman na hindi lang basta umasa si Claire sa yaman ng asawa niya. Nagsumikap din ang kapatid ko na iyon at sobrang proud ako sa kanya. "Naranasan mo na bang kumain sa food court?" tanong sa'kin ni Sir Lucas. "Syempre namam Sir," pagsisinungaling ko. Sa totoo lang ay hindi ko pa naranasang kumain sa food court. Pero ayaw ko lang naman isipin ni Sir na pasosyal ako masyado. Sa totoo lang ay sanay ako na sa mamahaling restaurant kami kumakain nina Mom at Dad, syempre 'yon 'yong time na hindi pa ako itinatakwil ni Dad. Tapos nong itinakwil na naman ako ni Dad ay wala na kaming pera ni Mommy para kumain sa labas. Kahit nga pumasok sa Mall ay hindi na namin afford. Parang bumalik sa'min lahat ng ginawa namin kay Claire, naranasan din namin ang hirap na dinanas niya. "That's good! HIC Mall's food court is the best." Sumilay ang ngiti sa labi ni Sir. Namangha ako sa ngiti niya, as in ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang gano'n. Proud na proud talaga siya sa Mall na pag-aari ng pinsan niya. Pagkababa namin ng sasakyan ay ganon parin ang ganap ko. Ayaw ko parin makipagtabi kay Sir sa paglalakad. Siya ang pinauna ko habang ako ay tahimik lang na nakasunod sa kanya. Maging sa pagsakay sa escalator ay ganun parin ang posisyon namin, siya sa unahan habang ako naman sa likod niya. Nasa second floor lang pala ang food court, mabuti naman dahil hindi na kami maglalakad nang malayo ni Sir. Uupo na sana ako pero napansin kong dumiretso sa isang stall si Sir Lucas. Jusme self-service pala dito akala ko may waiter na magdadala ng menu. Pumunta si Sir Lucas sa isang stall na nagbebenta ng mga fried chicken at burger. Pa'no ko nalaman na fried chicken at burger ang ibinebenta nila? Syempre 'yon kasi ang nakadisplay sa stall nila. Sumunod nalang ako sa kanya, wala akong kaalam-alam sa patakaran dito kaya kailangan kong magmanman bago pa malaman ni Sir Lucas na nagsinungaling ako nong sinabi kong nakakain na ako sa ganitong kainan. "I'll have spaghetti and fried chicken," pag-order ni Sir Lucas. Mahilig pala siya sa spaghetti? "Ikaw Ma'am ano pong order niyo?" Nakangiting tanong sa'kin ng isa sa mga staff. Napakamot pa ako sa ulo ko dahil hindi ko talaga alam kung anong oorderin ko. "Burger at fried chicken nalang." Gusto ko din sana ng spaghetti kaso makalat ako kumain non. Baka mamalayan ko nalang na may sauce na pala ang buong bibig ko nakakahiya kay Sir kaya magpapabebe na muna ako for today. Nang ibinigay na sa'min ang order namin ay naglakad na kami papunta sa pinakamalapit na lamesa, bitbit ang kanya-kanya naming tray na naglalaman ng order namin. Pagkaupo ko ay tumingin-tingin ako sa paligid. Infairness madami palang kumakain dito. May iba't-ibang stall na may iba't-ibang pagkain na ibinebenta. May stall din pala dito na nagbebenta ng steak. Nagsimula nang kumain si Sir Lucas kaya nagsimula nalang din akong kumain. "Caden loves to eat spaghetti so much," nakangiting wika ni Sir. If I remembered it correctly ay Caden ang pangalan ng panganay na anak ni Claire. "Mahal mo talaga ang kapatid ko," biglang naisambit ko. Hindi ko talaga intensiyong sabihin 'yon pero talagang epal itong bunganga ko. "Yes, mahal ko silang dalawa ni Caden. Ako ang kasama niya nong nanganak siya kay Caden, at sobrang saya ko nong narinig ko na tinawag akong Daddy ni Caden for the first time. Alam mo 'yong pakiramdam na parang buo ka at masaya? Pero sa huli hindi ako ang dapat na kasama nila dahil ang pamilya sila ng pinsan ko at kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ako magkakaroon ng space sa buhay nila." Naglaho ang ngiti nito, napalitan na naman ito ng lungkot. Nagsisi tuloy ako na nabanggit ko pa si Claire. "Daddy Lucas!" Napako ang tingin ko sa isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa siyam na taong gulang na. Matangkad ito, asul ang mga mata at matangos ang ilong. Ngumiti ito kay Lucas at bigla kong naalala si Claire sa ngiti nito. "Caden!" Tumayo si Sir Lucas at agad niyang sinalubong ang bata. "What are you doing here?" Mababakas ang saya sa mga mata ni Sir Lucas. Biglang nagliwanag ang mukha niya. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ang panganay na anak ni Claire. "Kasama ko si Daddy, pero nasa admin office siya may inaasikaso lang," sagot ng bata. Nabaling ang tingin nito sa'kin. "Who is she Daddy?" Napalunok ako dahil sa tanong niya kay Sir Lucas. Hindi pa ako handa at hindi ko alam kung dapat pa ba niya akong makilala bilang kapatid ng Mommy niya. Tumitig sa'kin si Sir Lucas, alam kong ayaw niya akong pangunahan at naguguluhan din siya kung anong isasagot niya kay Caden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD