AVERY:
"Sir, hindi pa po," kabadong sagot ko. Napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Kota na talaga ako sa araw na ito.
"Okay, but make sure to finish it before this day ends. I don't care kung 11:59 pm mo na matatapos basta hindi lalagpas sa araw na ito. You can go have your lunch first."
Natulala ako dahil sa sinabi niya. 11:59 pm? Seryoso ba talaga siya don? Ibig sabihin mag-oovertime ako?
"May reklamo ka?" tanong niya nang mapansin niyang nakatulala lang ako habang nakatitig sa kanya. Jusme sa dami ng offense ko sa araw na ito, magrereklamo pa ba ako? Baka talagang matanggal na ako sa trabaho pag ginawa ko 'yon.
"Wa....wala po Sir," napipilitang sagot ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang magprotesta sa Edsa. Charot lang 'yong Edsa Hahahahaha. Pero legit 'yong kaba ko sa mga oras na ito.
"Good. Go and have your lunch," sambit niya bago tuluyang bumalik sa loob ng kanyang opisina.
Nang sumara ang pinto ng opisina niya ay pakiramdam ko don palang bumalik sa dati ang paghinga ko at naging normal ang pagtibok ng puso ko.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko para makakain na ako sa labas. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong pinagtitinginan ako ng ibang empleyado dito sa executive floor. Nafefeel ko talaga ang mga titig nila at nagiging uneasy ako.
Pagkatapos kong magligpit ay agad kong kinuha ang bag ko. Pupunta ako sa OPD para sabay na kaming maglunch ng bruha kong kaibigan na muntik na akong ipahamak dahil sa pagiging marites niya.
Kahit papunta na ako sa elevator ay titig na titig parin sa'kin ang ibang empleyado. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o kung sobrang ganda ko ba kaya hindi nila magawang alisin sa'kin ang mga tingin nila. Char self confidence ay umaapaw hahahaha.
******
Pagdating ko sa building ng OPD ay agad na hinanap ng aking mga mata si Cindy. Wala ng pasyente na nakapila sa mga clinic, siguro ay lunchbreak na kaya wala ng nakapila. Baka naglunch muna 'yong ibang pasyente habang 'yong iba naman siguro ay tapos ng magpacheck-up at nagsiuwian na.
Hayst hindi ko pala natanong kung saang clinic siya nakaassign, hindi ko tuloy alam ngayon kung saan ko siya hahanapin.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya. Mabuti nalang at sumagot agad ito.
[Hello girl? OH My Gosh where are you na? Maglalunch na tayo,] she screamed. Bahagyang nailayo ko pa sa tenga ko ang aking cellphone dahil sa matinis niyang boses.
"Maka where are you ka diyan! Andito na ako sa OPD hinahanap ka," sagot ko sa kanya. Tumawa naman ito sa kabilang linya.
[Turn around,] natatawang sambit nito. Ang dami pang arte ng babaeng 'to may paturn around turn around pa talaga ang bruha. Napipilitan man ay sinunod ko nalang siya.
Paglingon ko ay nasa likod ko na nga ang bruha. Ngiting-ngiti ito na akala mo naman ay hindi niya ako ipinahamak kanina dahil sa pagiging marites niya.
Pinatay ko ang tawag at hinampas ko ang braso niya.
"Gaga ka!" Natawa lang ito dahil sa ginawa ko.
"Huy we're friends kaya pareho tayong gaga," tumatawang biro niya sa'kin.
"Ewan ko sa'yo! Halika na kumain na tayo. Kailangan kong bumalik agad sa office pagkatapos, madami kasi akong ieencode."
"Seriously girl? Unang araw mo palang pinag-encode ka na agad?" Nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa'kin.
"Wala tayong magagawa, first day ko ngayon. At diba ilang araw palang simula nang bumalik si Sir Lucas kaya madaming naantalang mga trabaho. Madaming mga files ang kailangang ayusin." Sa kasamaang palad ay ako ang sinuwerteng maging secretary/assistant niya.
"True ka diyan. Tatlong taon din si Sir Lucas sa kulungan grabe...." Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko. Jusme magsisimula na naman siyang imarites ang Boss namin.
"Cind, tumahimik ka. Kapag may nakarinig na pinag-uusapan natin si Sir Lucas ay pareho tayong mawawalan ng trabaho. Utang na loob Cind, itikom mo na muna ang bibig mo," pagmamakaawa ko sa kanya. Bakit ba kasi hindi niya makontrol ang bunganga niya at walang preno siya kung magsalita?
"Okay, hindi na mauulit," pangako nito pagkaalis ko ng palad ko sa bibig niya.
"Tara na kumain na tayo." Agad na hinila ko na siya papunta sa cafeteria. Mahirap na at baka magsimula na naman ang bibig nito, hindi talaga ako tiwalang kaya niyang pigilan ang bibig niya.
Pagdating namin sa cafeteria ay dali-dali kaming pumila para umorder. Ilang minuto nalang kasi ang natitira at matatapos na ang lunchbreak.
"Anong order mo girl?" tanong niya habang nakatingin sa tray na dala ko. Nakita na nga niya nagtatanong pa Hahahahaha.
"Caldereta at steamed broccoli," sagot ko habang nilalapag ko sa lamesa ang tray na naglalaman ng pagkain ko. Dapat ay magbabaon ako pero dahil late na nga ako at kung saan-saan pa ako nagawi kagabi ay hindi na ako nakapagluto ng babaonin ko.
"Sosyal naman ng steamed broccoli," pang-aasar niya sabay upo. Magkaharap kami sa iisang table, napatingin ako sa inorder niya.
"Binaguongang baboy ba 'yan?" Turo ko sa inorder niyang ulam.
"Yes girl, peyborit ko ito!" sagot niya. Si Cindy talaga 'yong mayaman na walang arte sa pagkain. Bilib ako sa kanya kasi imbes na tanggapin niya ang mataas na posisyong offer sa kanya ng Dad niya sa kanilang kompanya ay mas pinili niyang maging nurse dahil 'yon ang pangarap niya. Sinunod niya ang puso niya at hindi ang gusto ng kanyang mga magulang para sa kanya.
"Don't stare at me like that, allergic ka sa shrimp kaya bawal sa'yo ito. Shrimp paste is still a shrimp!" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Alam ko naman kasi 'yon ginawa pa akong mang-mang.
Habang kumakain kami ay hindi ko parin maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Paano kung magbunga ang nangyari sa'min ni Sir Lucas? Paano ko sasabihin sa kanya? Baka isipin niyang gusto ko lang siyang perahan. And besides lagot ako kay Mommy.
"Sino kaya ang nagluto ngayon? Ang sarap ng luto niya infairness." Feel na feel pa ni Cindy ang kanyang pagnguya.
"Aba malay ko, first time ko namang kumain dito," natatawang sagot ko sa kanya.
"Basta kumain ka nalang diyan, nilalasap ko ang pagkain ko." Mas lalo tuloy akong natawa sa sinabi niya. Gaga talaga 'tong babaeng ito.
"Siya nga pala Cind, alam mo ba kung anong nangyari sa dating assistant ni Sir Lucas? Tinanggal ba siya?" curious na tanong ko. Nakakacurious naman kasi, dapat siya parin ang assistant nito ngayon kung hindi siya tinanggal. At kung natanggal man siya ay ano naman kaya ang dahilan?
"Akala ko ba ayaw mo na na nagmamarites ako tungkol sa Boss natin?"
"Gaga, iba naman kasi ito ngayon. Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyari sa assistant niya dati," katwiran ko.
Tumingin-tingin muna si Cindy sa paligid. Takot din pala talaga ang bruha na may makarinig sa kanya.
"Si Jerson ang assistant ni Sir Lucas dati. Ang balita ko ay sobrang loyal daw nito at palaging nakasunod kay sir kahit saan ito magpunta at hindi ito nagdadalawang-isip na gawin ang inuutos niya kahit gaano pa ito kahirap." Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Sobrang loyal pala talaga nong Jerson.
"Asa'n na siya ngayon?" Jusme pabitin naman masyado itong si Cindy.
"Si Jerson ay patay na."
"HA?" Napalakas pa ang boses ko dahil sa pagkagulat. Napatingin tuloy sa'kin lahat ng kumakain dito sa cafeteria.
"Hinaan mo naman boses mo, gaga 'to," saway ni Cindy sa'kin.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para marinig niya ang sasabihin ko kahit sobrang hina lang ng boses ko.
"Paanong patay na? Bakit siya namatay?" Bigla akong kinabahan. Don't tell me si Sir Lucas ang pumatay sa dati niyang assistant? Huhu huwag naman sana dahil magreresign talaga ako bago pa man ako ang isunod niya.
"Kasi nong kinidnap ni Sir Lucas 'yong anak ng pinsan niya at nong kapatid mo na si Claire ay kasabwat iyong si Jerson. Sa galit ng pinsan niya ay binaril sa ulo si Jerson, kaya ayon patay."
Ang dami ko pa palang hindi nalalaman tungkol sa mga nangyari kay Claire. Ilang taon din kaming lumayo ni Mommy dahil sa pagkapahiya niya matapos malaman ni Dad na hindi niya ako tunay na anak. Nawalan na ako ng balita sa mga nangyari.
"Bakit mo alam ang tungkol don?" tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ay last year lang siya nagsimulang magtrabaho dito sa East Medical Center, nakakulong na si Sir Lucas non.
"Syempre, pinanganak akong chismosa kaya malamang alam ko lahat." Imbes na kinakabahan ako ay natawa nalang ako sa pag-amin niyang chismosa siya.
"Inamin mo rin," pang-aasar ko sa kanya.
"Atleast ako umaamin, ikaw pabebe ka pa chismosa ka rin naman eh," ganti niya sa'kin.
"Whatever! Nacurious lang kasi ako. Kawawa naman pala 'yong Jerson nadamay pa sa ginawa ng Boss niya. Naku kung ako 'yon kahit anong loyal ko sa Boss ko kung mali na ang ginagawa niya, hindi ko siya susundin." Diyos ko mahal ko pa naman ang buhay ko, wala naman siyang matatanggap na loyalty award dahil sa pagpapakamatay niya para sa amo niya.
"Hay naku, malalim daw kasi ang pinagsamahan nila ni Sir Lucas kaya siguro nahirapan siyang iwanan ito. At balita ko sobrang kawawa daw kasi ni Sir Lucas. Sobrang minahal niya si Claire pero sa huli hindi parin siya ang pinili nito."
Honestly naaawa din ako kay Sir Lucas, hayst lahat talaga nagiging bobo pagdating sa pag-ibig. Kaya ayaw kong magmahal eh, ayaw kong maging bobo.