AVERY; "Magpahinga ka na. May pupuntahan pa ako," sambit ni Lucas pagkapasok namin sa kuwarto. Hindi ko alam kung saan na naman siya pupunta o kung ano na naman ang gagawin niya. "Gabi na, baka puwedeng ipagpabukas mo nalang kung ano man 'yang gagawin mo." I know I don't have the right to ask kung saan siya pupunta or kung ano ang gagawin niya, but I think I can still stop him from leaving. "I need to see my lawyer. I sent him a message, saying that I will meet him tonight." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sagot niya. Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya kanina sa mga magulang ko. "Lucas, hindi mo naman kailangang bigyan ng pera ang mga magulang ko," nahihiyang wika ko sa kanya. "Do you think pipirma sila sa kasunduan kung walang kapalit na pera? Between the two of us,

