Chapter 20

1568 Words

AVERY: Maggagabi na nang makauwi kami ni Lucas galing sa mansyon ng lolo niya, at hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang sinabi ni Claire. "Hindi ka pa ba bababa?" Nagulat ako dahil sa tanong ni Lucas. Nasa parking lot na pala kami at nasa labas na siya ng kotse niya pero ako ay nandito parin at nakaupo na parang tanga. "Sorry." Dahil sa pagkapahiya ay hindi ako makatingin sa kanya. Bumaba nalang ako at hindi ko nalang pinansin ang tingin na ipinupukol niya sa'kin. Mababakas kasi sa boses nito ang pagkabagot at pagkainis. Dumiretso na ito sa elevator nang hindi manlang ako hinihintay. Kaya binilisan ko nalang ang paglalakad ko sa takot ko na masungitan na naman niya ako. Hahakbang palang sana ako papasok sa elevator nang bilang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at laking gula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD