CLAIRE: Napahawak ako sa kamay ni Liam nang makita kong lumuhod si Lucas sa harapan naming lahat. "Daddy Lucas tumayo ka po." Agad na lumapit sa kanya si Caden at hinawakan nito ang kamay niya. "I know I have sinned. Nasaktan ko kayong lahat, kahit si Luna na nasa sinapupunan palang ni Claire noon ay muntik pang malaglag dahil sa kasamaan ko," wika ni Lucas na tila humaplos sa puso naming lahat. Kahit hindi magsalita si Liam ay alam kong hinaplos din ang puso niya sa pinapakitang sincerity ng pinsan niya. Tumayo si Lolo Henry sa kanyang kinauupuan at nakangiting lumapit kay Lucas. "Stand up apo." Inalalayan nilang dalawa ni Caden si Lucas na tumayo. "Nagkasala ka, we all know that at nakikita namin ang pagsisisi mo. So you don't have to say sorry. Hindi na mahalaga ang nakaraan, an

