AVERY: Pinagmasdan ko ang aking repleksiyon sa salamin, bumagay sa'kin ang dress na binili ni Lucas. It's a coral pink sheath dress na sakto lang ang haba. It's just a few inches above my knee, which is very comfortable. Ayaw ko kasi sa masyadong mahaba at hindi ko rin gusto 'yong masyadong maiksi. Isinuot ko rin ang bracelet na bigay ni Lucas at ang hikaw na nag-iisang natitira sa mga alahas ko na binigay ni Mom. Hindi rin ako gaanong mahilig sa matataas ang takong kaya flat sandals ang isinuot ko. Family dinner lang naman ito at hindi party, and besides buntis ako masyadong risky magsuot ng high heels. "What exactly is taking you so long!" Napaharap ako sa pinto nang biglang magsalita si Lucas. Mababakas sa boses nito ang pagkairita. Pero nang makaharap na ako sa kanya ay bahagyang n

