AVERY: Literal na napanganga ako sa sinabi ng lolo ni sir Lucas. Ang buong akala ko ay galit parin ito sa kanya, pero bakit kaya pinababalik siya nito ngayon sa dati niyang posisyon? Isa din kasi ito sa mga naimarites sa'kin ni Cindy dati, na naging CEO daw ng HIC Medical itong si Sir Lucas. "Trust is the most important thing Mr. Chairman. Besides, everyone knows kung ano ang nagawa ni Lucas noon just because of his selfishness." Kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi nong isang matanda na member ng board. Ang tanda na niya pero ang kitid parin ng utak niya. Hindi ba puwedeng magbago ang isang tao? Kung makahusga naman siya kay Sir Lucas para namang ang perfect niya. "I agree with Rogelio, we all know kung paano niya pilit na binibili ang mga shares namin noon just to become the biggest s

