AVERY: Nakatulala parin ako kay Sir Lucas, hindi parin maprocess ng utak ko ang sinabi niya. At ayaw paring paawat ng mga paru-paro sa aking tiyan. Kilig na kilig ako at feeling ko nasa alapaap na ako. Oa na kung oa basta 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Mas lalo pa akong natulala at umurong ang dila ko nang isuot na ni sir Lucas ang bracelet sa kamay ko. "It's perfect," he said with a smile. "Sir, milyon po ang halaga nito. I can't accept this." Akmang tatanggalin ko ito nang biglang hawakan ni Sir ang kamay ko. For a moment, bigla kong naramdaman na may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. I wonder kung naramdaman niya din iyon o tanging ako lang ang nakaramdam sa aming dalawa? "You have to take that. Consider it as a welcome gift from me." Naks, grabe naman ang pa welcome niya sa'

