Easy on me 5

2780 Words
Umaga na naman at gaya ng nakagawian ay sumabay sa maagang paggising ng mag-asawa si Dyosa. Dahil medyo malawak naman ang itaas ng bahay nila ay nasa gilid siya natulog habang katabi ang ina, ang ama niya naman ay medyo may kalayuan sa pwesto ng panauhin na hanggang ngayon at wala pa ring malay. “Oh, anak baka hanggang hapon kami ngayon sa laot dahil linggo. Ikaw na muna bahala sa bahay ha? Pati na rin diyaan kay gwapings. Medyo humupa na rin naman ang lagnat niya, sana naman eh magising na siya dahil kawawa naman kung hindi siya makakain o maka-inom man lang ng tubig. Maglinis ka na lang dito sa bahay kung wala ka rin lang ibang gagawin.” Payo ng kaniyang Nanay Lydia habang sumasampa na sa maliit nilang bangka. “Opo Inay, basta mag-ingat po kayo sa laot ni Itay. Mag-suot din ‘ho kayo ng sumbrero pagmainit na para di sumakit ang ulo ninyo.” Bilin din naman niya pabalik sa dalawang matanda. Napangiti lang ang Tatay niya at saka lumapit sa kanya, inilahad nito ang pera na galing sa bulsa nito. Bente lamang iyon pero para kay Dyosa ay napakalaking halaga na noon. “Oh ito, pambili mo ng makakain mo anak. Pag nakarami kami dito saka ko na lamang dadagdagan upang may pambaon ka kinabukasan.” Pahayag ng ama, napatango-tango naman ang dalaga at nakangiti na tinanggap ang salapi. “Salamat po ‘Tay! Naku, ibibili ko ito ng ulam ko mamaya. Sakto may nagbebenta ng kapirasong pritong manok sa hapon!” natutuwa nitong hayag. Natuwa naman ang mag-asawa at saka nagpaalam na sa anak. Kumaway naman mula sa gilid ng pangpang si Dyosa. Nang hindi na niya matanaw ang bangka ng magulang mula sa karimlan ay napagdesisyonan na niyang bumalik sa kanilang kubo-kubo. Isiniksik niya sa gilid ng panty ang bente dahil nakabistida lamang siya na kulay dilaw na minana niya pa kina Hannah dahil hindi na daw magkasya sa kaibigan ang bistidang iyon. Naghilamos muna siya ng mukha sa poso sa tabi ng bahay ni na Aling Brenda at saka nagtungo sa kanilang bahay. Madilim pa ang paligid at kakaunti pa lamang ang mga tao sa tabing dagat upang magkape o kaya naman magkwentuhan habang inaatay ang kani-kanilang mahal sa buhay na nasa laot na rin. Ipinagtimpla niya ang sarili ng kapeng barako at saka tumambay sa tabi ng kanilang bintana, doon ay tanaw niya ang ginagawang bay walk sa malapit. Malapit na naman kasi ang pista ng dagat kaya panigurado ay marami na namang dayo, at gaya ng dati ay naisipan niyang magpunta sa bahay ng kaniyang Lola Sita, Ina ng kaniyang Tatay Nanding doon sa may bandang bukid upang manguha ng mangga at dalandan na ibebenta sa mga parokyano. “Ang tagal mo naman kasi gumising tisoy, ipapasyal sana kita dito sa amin dahil mangilan-ngilan pa lamang ang mga tao.” Bulong niya sa hangin habang sumulyap ng bahagya sa lalaking natutulog sa itaas ng bahay nila. “Bukas may pasok na ako, walang mag-aalaga sa’yo. Di bale maaga na lang akong uuwi o di kaya naman ay liliban na lang ako sa hapon para may kasama ka dito sa bahay. Makikikopya na lang ako ng notes sa kaibigan kong si Hannah.” Napabuntong hininga pa siya habang patuloy sa pag-kausap sa natutulog na binata. “Dapat pala itago kita mula kay Hannah, baka gahasain ka noon! O daganan ka niya at hindi makahinga. Mahilig kasi sa gwapo iyon, at alam kong gwapo la sa kabila ng lahat ng galos at sugat sa mukha mo. Pero hindi kita crush ha! Sabi ng Tatay bawal pa daw sa akin iyon.” Patuloy niyang pagkwento na parang nakikinig ang panauhin. Napahikab siya habang nakatingin sa lalaki at nilalanghap ang sariwang hangin ng dagat. Umakyat uli siya sa kwarto dala ang planggana at twalyang maliit upang punasan ang lalaki. Iniwan na ni Dyosa ang pinagkapehan sa lamesa at inunang linisin ang sugat ng binata gamit ang pinakuluang dahon ng bayabas na pinalamig niya. Dinampi-dampian niya ang manipis na labi ng lalaki, mapupula ito at parang nakaka-akit tignan dahil hugis puso ito. Makapal ang kilay niya, at parang laging galit kung titignan. “Hindi ka nakakasawang tignan Tisoy. Nagkakasala ako sa Nanay at Tatay ko dahil sa’yo!” Reklamo ng dalaga, habang pinapahidan pa ng basang tuwalya ang lalaki. “Uhm--- itataas ko itong damit mo ha? Naku! Huwag kang magagalit sa akin, lilinisan ko lang naman ang sugat mo.” Napalunok siya ng dahan-dahang iangat ang suot nitong kameseta. Hindi niya pa tuluyang naiaangat ang lahat ay nagulantang siya sa nakita sa may tiyan ng lalaki, hindi ang sugat nito ang nagpagulantang sa kanya kung hindi ang walong nagkikislapang pandesal nito sa tiyan. “Hala! Oo nga! Totoo nga ‘yung sinasabi sa mga libro! May mga tao pala talagang may mga Abs! Ang ganda ng korte sa iyo ha! Imbyerna ka, pogi at may abs. Ikaw na! Nakuuuu itatago natin ito kay Hannah. Hindi niya ito pwedeng makita tisoy!” kung sino man ang makaririnig sa dalaga ay iisiping nahihibang na siya dahil kinakausap nito ang sarili. Sinubukan ni Dyosang haplosin ang mga tipak ng katawan ng lalaki, matigas ang nga ito at halatang laging nag-eensayo upang lumakas. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ng dalaga, mas naaakit siya sa lalaking walang malay. Bigla ay gumalaw ang kamay ng lalaki kaya napasigaw ang dalaga, lalo ng dumapo ito sa kaniyang malalaman na hita. “AHHHHH! TSANSING KA!!” Sigaw niya, akma niyang sasampalin ang lalaki sa mukha ng makitang nakapikit ito nang mariin habang umuungol na tila nahihirapan. “Hala, binabangungot ka!” Hindj mapakali ang puwet ni Dyosa, hindi niya alam kung aning gagawin dahil hanggang ngayon ay nakakapit pa rin ang kamay ng binata sa kaniya hita at naka taas pa rin ang kameseta nito. Hinaplos-haplos niya ang noo nito hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagkalma ng lalaki. Buti na lang talaga at hindi tumirik ang mata nito kung hindi ay baka napatawag na lang siya ng tulong mula sa mga kapitbahay. “Jusko pinakaba mo ako ha! Saglit tatapusin ko na ang paglilinis sa’yo at marami pa akong gagawin na gawaing bahay.” Tinapos nga ni Dyosa ang paggamot at paglinis sa lalaki, at bagamat na tutuwa siya sa angking kakisigan nito ay isinawalang bahala na niya iyon dahil baka kung ano pa ang pumasok sa malikot niyang pag-iisip. Sumuikat na si haring araw at abala pa rin sa paglalaba ng kanikang mga naipon na maduduming damit si Dyosa. Nakita niya sa labahan ang kasuotan ng lalaking inaalagaan, may mga bahid ito ng dugo kaya minaralat niyang mag-igib na lang ng tubig mula sa Poso ni na Aling Brenda at hindi na doon banlawan ang mga damit. Baka kasi magtaka sila at may polo, mamahaling brief, at pantalon na kaniyang nilalabhan. Habang naglalaba sa likod bahay ay patingin-tingin siya sa paligid, baka kasi may biglang pumasok sa bahay nila, eh ‘di nakita ‘yung binata. Malala pa ay kung magsurprise visit ang matakaw niyang kaibigan, ang kagandahan lamang sa araw na ito ay walang assignment na napagkasunduan ang kaniyang mga guro kaya malaya siyang makapagpahinga sa araw na ito. Balak niya sanang bumisita sa lola niya, subalit hindi naman niya maiwan ang lalaki dahil baka magkombulsyun ito o kaya naman ay bigla na namang manginig sa lagnat. Mabilis natapos ang araw na iyon kay Dyosa. Bagamat hindi pa rin nagigising amg lalaki, ay masaya pa rin siya kahit papaano dahil may kasama siya sa bahay nila, gabi na ng dumating ang ina at ama niya galing palengke dahil ipinagbili nila agad ang nahuling malalaking salmon. Tuwang-tuwa naman ang mag-anak dahil sa wakas ay makaka-ulam sila ng masarap para sa gabing iyon, inadobo nila ang kalahating kilo ng baboy na nabili upang may pang-ulam din kinabukasan ang dalaga nila bago pumasok sa eskwelahan. Kinabukasan ay alasingko nagising si Dyosa, hindi na siya ginising ng mga magulang at baka mapuyat lang daw sa eskwelahan. Kumain na siya at naghanda ng panliligo, binabalikan niya pa rin naman sa tuwing may pagkakataon ang lalaking tahimik pa rin at walang malay tao. “Alis na ako ha? Itali ko na lang itong pinto Tisoy, huwag ka pa sanang magigising hangga’t wala ako dito. Nahihiwagaan ako sa kung ano ang kulay ng mga mata mo hehe. Paalam! Kitakits mamaya!” isinuot na ni Dyosa ang bagong biling tsinelas na galing sa kaniyang Ina at saka naglakad na patungong eskwelahan. Hindi niya dala ang mga gamit dahil iniwan niya ito sa paaralan nila upang wala na siyang bitbit maliban sa plastic na may lamang baunan niya at tubig. Gaya ng dati ay maaga siyang pumasok, wala pa si Hannah kaya naman nahihiya siyang makipag-usap sa ibang mga kaklase niya lalo at matatalinoang karamihan sa mga ito, silang dalawa nga lang ata ni Hannah ang hinde dahil medyo mahina pa sila sa pagbasa. Humanap siya ng pansamantalang mauupuan habang inaatay na magbukas ang pinto ng kanilang silid-aralan. Pinasadahan niya ng tingin ang mga kamag-aral niyang malinis ang kasuotan pang eskwela samantalang siya ay naninilaw na kahit lagi naman niya itong nilalaba. May mga tahi pa nga kahit ang palda niyang mahaba na panay himulmol na. Naiinggit siya sa mga ito, kaso nga wala siyang magawa. Sakto lang naman ang kinikita ng kaniyang ama at ina sa paghuli at pagbenta ng isda. Kailangan niya pang mag-ipon dahil iba na naman ang istilo ng uniporme nila sa susunod na taon. “Dyosa, pwede ka ba naming makuhang miyembro kulang kasi kami ng dalawa pang kasama para sa groupings na sinabi ni Ma’am noong biyernes. Sama ka sa amin?” bigla ay lumapit sa kaniya ang isang kaklase, mas maliit ito kumpara kay Dyosa at maliit din ang buhok nito. Kahawig nito si Vilma ng Scooby-Doo, natuwa naman siya dahil kahit papaano ay may gustong pumili sa kaniya sa groupings na magaganap mamaya. “Hala, totoo? Nakakahiya naman. Pero sige!---uhm, kung kulang pa tayo ng isa—gusto niyo bang si Hannah na lang? Kaso wala pa siya dito eh.” Nahihiya man, ay kinapalan na niya ang mukha sa pagrerekomenda kay Hannah na maging kasama nipa sa grupo. Napaisip naman ang babae, pero tumango naman ito at ngumiti. “Sige! Isama mo siya, para may utusan tayo na taga bili ng materyales!” Napatawa naman siya sa sinabi ng kaklase. “Oo nga, pero kayo na kumausap sa kanya ha? Sabihan ko din naman siya. Ano ba ang gagawin daw mamaya?” tanong ni Dyosa. “May ibibigay daw na gawain mamaya na gagawin by group eh, apat ang kailangan di’ba? Kaya kinuha na namin kayo ni Hannah. Bale ang kasama natin ay ako, at si Helga na nag-aantay sa akin doon oh.” Itinuro pa nito ang nagseselpon na kasamahan. Napatango ulit si Dyosa. “Sige, sige sabihin ko. Sana may maiambag ako sa inyo kahit papaano mamaya. Salamat Gina!” sinserong pagpapasalamat ni Dyosa. Madalas kasi na ayaw siyang piliin dahil nga daw boplaks siya at wala ding pera. Buti na lang at may mangilan-ngilan na mababait na kaklase siya gaya nitong si Gina. Nagpaalam na si Gina kay Dyosa na magpupunta na daw kina Helga dahil may pag-uusapan pa sila kaya nagpati-una na ito. Habang nasa eskwelahan ay hindi mapakali si Dyosa, iniisip niya kasi na baka kung ano na ang nangyari sa binatang nasa kanilang tahanan. Nagkaroon ng munting pagtatanghal sa kanilang eskwelahan sa hapon din na iyo matapos ang kanilang talakayan sa umaga, sakto naman na maghahalf-day na lamang siya dahil nga nais niyang makasama—este maalagaan pa ang binatang wala pang malay. “Dyosa, Uuwi ka na ba?” tanong ni Hannah. “Oo, may utos pa kasi si Nanay at Tatay sa akin.” Pagdadahilan niya. “Ah ganun ba? Sige daanan mo na lang sa bahay ang script mo ha? Baka kasi magalit sina Gina at hindi ka matutuloy sa meeting natin para sa reporting natin bukas.” Napakagat ng labi si Dyosa sa sinabing iyon ni Hannah. “Oo nga pala, naku paano ‘yan?” Nagdadalawang isip na ang dalaga kung uuwi ba siya o makikipratice muna. “Okay na ‘yun. Akong bahala sa’yo tutal ikaw naman ang nagpapasok sa akin sa grupo na iyon para magkasama tayo. Sige na uwi na, ako na bahala sa’yo! I got’chu back!” pag-eenglish ni Hannah, natawa naman si Dyosa dahil sa suhestiyon ng kaibigan. “Tama!! Naku, salamat Hannah ah? Sige mauna na ako.” Agad na tumalilis ng takbo si Dyosa at binagtas ang mabato at mainit na daan. Hindi niya inalintana ang sikat na araw na tumatama sa kaniyang balat, dumaan muna siya sa karinderya sa malapit upang bumili ng gulay na pandagdag sa ulam nila mamaya. “Teh, isa nga po dito sa pakbet. Saka po pahinge na rin ng sabaw.” Sagot ni Dyosa ng tanungin siya ng Ale kung ano ang kaniyang bibilhin. “Oh, bakit ka pauwi pa lamang Dyosa? May klase kayo hindi ba?” Tanong ng matandang nagbebenta ng lutong ulam. “Ah, may program lang po kasi ngayon Ate. Eh kesa naman tumambay ako sa school, uwi na lang po ako para masamahan ko pa sina Nanay at Tatay sa pagbebenta ng huli o kaya naman maglinis ng bahay.” Dahilan niya, natuwa naman ang nagbebenta sa kanya. “Dinagdagan ko na ‘yung libreng goto na sabaw para sa inyo. Ikamusta mo ako kay Lydia ha? Pakisabi at dadaan ako sa baha niyo sa susunod na araw para magpahilot at sumasakit na ang likod ko.” Bilin ng matanda sa kanya, tumango nama siya at inabot ang supot na binigay ng matanda. “Makakarating po, pero baka gusto niyo po na daanan na lamang kayo ni Nanay dito. Sabihan ko po kung gusto niyo.” Segunda naman niya, habang inaayos ang pagkakahawak sa ulam nilang mag-anak. “Naku! Mabuting ideya iyan, sige kung hindi ako nakakaabala sa inyo eh, papuntahin mo na lang dito nga si Lydia upang makapagkwentuhan naman kami kahit minsan lang.” Ngumiti si Dyosa at saka nagpaalam na sa matanda. Minadali na niyang maglakad dahil kumakalam na ang kaniyang sikmura, inisip niya kasi na iuwi na lang ang baon niya upang hindi sumakit ang tiyan niya habang matulin na naglalakad pauwi. Nang makarating siya sa kanilang tahanan ay agad siyang kumuha ng plastic na baso at sinalinan ito ng tubig mula doon sa kanilang pitsel. Naubos niya agad ang isang basong tubig sa ilang lagukan lamang. Nagpunta siya sa taas ng bahay nila at lumangit-ngit ang tunog ng kanilang papag. Tinanggal noya muna ang nakabalot na kumot mula sa binata at inayos ito, tiniyak na natutuyo na ang mga sugat nito bago tuluyang nilisan ang binata upang kumain saglit. Sakto naman na nasa pangtatlong subo siya sa kaniyang pagkain at saka naman dumating ang magulang niya. “Oh anak, bakit ka nandito? Hindi ka ba pumasok?” bungad agad ng Tatay niya. Tumayo naman si Dyosa mula sa pagkaka-upo at dinaluhan ang mga magulang, nagmano siya bago sumagot. “May program lang po sa school ‘Tay kaya umuwi na lang ako kesa naman tumambay pa po ako doon.” Pagrarason niya, napatango naman ang Nanay Lydia niya habang inaabot ang kamay upang makapagmano ang anak sa kaniya. “Ganoon ba? Mabuti iyon at may kasama ang panauhin natin dito. May huli kami ulit ng Tatay mo, medyo marami nga ulit, sa palagay ko ay swerte natin ‘yung lalaking dayo.” Tugon ng ina ni Dyosa, napahawak naman sa bibig ng dalaga habang nanlalaki ang mata. “Nanay! Ang ibig sabihin niyo ba ay engkanto ang lalaking iyan? Shokoy ganoon?” nawiwindang niyang tugon. Napasintido naman ang Nanay niya dahil sa kainosentehan ng anak. “Hindi naman Anak, ang ibig kong sabihin ay baka swerte talaga ang binatang ‘yan. May mga ganyang kasabihan kasi sa amin noon. Oh-sya! Tama na ang usapang ito at maliligo pa ako para makabenta pa kami nang Tatay mo. Dadaan pala ako kina Nanay Sita, may ipapasabi ka ba anak?” tanong ng Ina niya matapos magpaliwanag. Nag-isip naman saglit si Dyosa at saka sumagot. “Kung may mangga sila ‘Nay ipagkuha niyo ako. Masarap iyon ulamin kasama ng kamatis na may sibuyas at bagoong.” Naglaway siya sa sinabi. Tumango naman ang ina at nagtungo na sa likod bahay upang mag-igib ng panligo nilang mag-asawa. Nagpatuloy na sa pagkain si Dyosa at saka pinaghanda ang ama na kakatapos lang isalan-san ang mga huli. Umalis na ang kaniyang ina at ama, naiwan siya kasama na naman ang lalaking mahiwaga pa rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD