Easy on me 4

2883 Words
Madilim pa rin ang buong paligid ng karagatan, sa gitna noon ay ang maliit na bangkang panghuli ng isda ni Nanding, kasama niya ang asawa na abala ngayon sa pag sasaayos ng kanilang fish net. Tanging ang ilaw nila ay ang maliit na lampara na pinapailaw ng gasolina. “Mukhang kakaunti lamang ang maiuuwi natin dito Lydia.” Nawawalang pag-asa na pahayag ni Nanding habang kinakamot ang batok. “Mag-antay lang tayo at baka makita na ng mga isda ang pain natin maaga pa naman at walang eskwela ang anak mo ngayon kaya magtiis na lang tayo. Kailangan niya pa ng bagong sandalyas sa eskwela dahil pudpud at naputol na ang isa.” Sagot naman ng asawa niya, nahahabag ang mag-asawa sa kalagayan nila ngayon. Nauuso nanaman kasi ang paggamit ng dinamita ng mga kapwa mangingisda kaya lubos ang pag-aalala nilang wala na silang mahuli. “Sabi naman kasi saiyo ay subukan natin ang paggamit ng dinamita sa pangingisda upang makarami. Tignan mo si Pareng Kaloy, tiba-tiba ang huli.” Pagrarason naman ng lalaki, nabahiran ng inis ang mukha ng matandang babae at bahagya pang nagdabog. “Alam mo naman na bawal iyon! Paano pag na huli tayo? Eh ‘di kawawa ang anak natin? May pang pyansa ka ba? Wala naman. Kaya manahimik ka diyan Nanding, walang mabuting maidudulot ang pagiging pasaway, pasalamat na nga tayo at kahit papaano ay may nahuhuli pa rin tayo.” Napabuntong hininga ang babae at ginalaw ang net na nasa ilalim na ng dagat. Pinapanood lang siya ng lalaki na napabuntong hininga. Tama nga naman kasi ang asawa, kung panay ang huli nila ng sobra-sobra ay wala na din silang makukuha sa sususnod pang mga araw. “Nanding!!! Samahan mo akong iangat ito, parang may mabigat eh.” Bigla ay sigaw ng ni Lydia, umayos naman ng pagkakatayo si Nanding at lumapit sa asawa na nasa gitna ng bangka. “Parang hindi ata isda ang nahuli natin Lydia!” nagugulantang na pahayag nito lalo ng makita ang kama ng isang tao na unti-unting lumilitaw habang inaangat nila ito. “Hala, baka patay na tao?” nagigimbal namang pahayag ni Lydia. Magkatulong na binuhat ng mag-asawa ang katawan ng isang matangkad at maskuladong lalaki. May suot itong ilang alahas, itim na polo at itim din na pantalon. Wala na ang isang sapatos nito, puno naman ng bugbog at galos ang mukha nito at sa pakiwari ng dalawang mag-asawa ay hindi ito taga dito. “Buhay pa siya Nanding!” tugon ni Lydia ng kapahin nito ang pulsuhan ng binata. Kinapkapan naman ni Nanding ang lalaki at nakita ang isang cellphone, at wallet sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mata ng lalaki ng makita ang ilang cards ng walang malay na lalaki at ilang pang makakapal na dolyar sa bulsa nito. “Lydia, mabuti pa iuwi muna natin siya. Sa tingin mo ba dapat nating ipaalam sa mga kinauukulan ang tungkol dito?” tanong ni Nanding sa asawa na nakatingin din sa lerang nasa wallet, napalunok pa ito at saka umiling. “Marami siyang sugat at galos, malamang biktima sana ito ng salvage. Huwag na muna Nanding, alagaan na muna natin siya at saka pag gumising na saka na tayo aaksyon.” Pansamantala namang natigilan ang matandang lalaki, ngunit dahil sapalagay niya ay tama ang asawa ay pumayag siya na itago muna nila ang binatang nakuha mula sa laot. Pinaandar na ni Nanding ang makina at nag-umpisa na itong bumalik sa daungan, madilim pa rin ang paligid, wala na halos ang kanilang samahan na mangingisda dahil sa iba sila pumosisyon sa oras na ito, sa malayo kung saan hindi sila makikita ng nga nagpapatrol na mga hukbong pandagat. Nang makarating sila sa baybay ay agad na binuhat ng maingat ng mag-asawa ng naghihingalong lalaki at ipinasok sa kanilang maliit na kubo-kubo. “Ano ang sasabihin natin kay Dyosa mamaya pagkadating niya?” tanong ni Lydia na pinapunasan na ngayon ng malinis na tubig, inabot naman ni Nanding ang ilang gamot sa kanya pati na rin ang pang tahi, malaki kasi masyado ang sugat niya sa bandang tiyan at kailangan ng malinis na tela, at dahon ng bayabas at malunggay upang ito ay tuluyan na maghilom. “Saka na tayo magpaliwanag pagka-uwi natin. Dalian mo na diyan Lydia at babalik pa tayo sa laot.” Mabuti na lamang at kilala ‘ding manggagagamot si Lydia, kung kaya naman ay nagawa niyang bigyan ng mga paunang lunas ang binata, matapos ay iniwan na nila itong nakahiga sa itaas ng kanilang kubo-kubo suot ang malinis na damit ni Nanding at saka nakakumot. Bumalik ang mag-asawa sa laot, napagdesisyonan nilang hiramin ng pansamantala ang pera ng lalaki kung sakaling kakaunti lamang ang kanilang mahuli para sa araw na ito. Mukha naman mayaman ang panauhing walang malay kay siguro ay mapapatawad sila nito kung umutang sila dito habang wala pa ito sa huwesyo. Samantala, mula sa di kalayuan ay abala na si Dyosa sa pagsasalansan ng mga nalabhan. Isasampay na niya ito ng makita si Adrian na bagong gising lamang, halos magkatabi lang kasi ang bahay ni Aling Brenda at Adrian, ‘yun nga lang ang bahay ng binata ay may sementado at bakal na haligi. Nahihiya namang nag-iwas ng tingin si Dyosa dahil na rin sa tingin niya ay hindi kaaya-aya ang kaniyang itsura kumpara sa binatang nakasuot lamang ng boxer shorts at putting kameseta. “Dyosa!” tawag ng lalaki, dahan-dahan lamang na lumingon ang dalaga at nagbigay ng matamis na ngiti bago binuhat ang isang basket na basang mga damit na handa ng isampay. Malapit-lapit na rin siyang matapos kaya binilisan na niya at hindi na nag-abalang makichika sa binatang puro papogi lang ang alam. Napakamot na lang ng ulo ang lalaki dahil sa inasal ng dalaga, kahit sanay na ito sa pagiging ilap ng dalaga sa kaniya ay hindi pa rin niya maiwasang mag-isip kung ano pang mga paraan upang maging malapit ang loob sa kanya ng nililigawan. Bumalik na lamang ang binata sa loob ng kaniyang bahay upang mag-almusal. Naisipan niyang dalhan na rin ang dalaga dahil malamang ay nagugutom na ito dahil sa pag tatrabaho. Bumalik siya sa labas ng bahay niya at nakitang nagsasampay na si Dyosa, kumikinang ang kutis ng dalaga na nasisinagan ng araw, may ilang butil ng pawis sa kanyang noo at ilong na mas lalong nakakapang-akit sa binata. Lumapit siya sa dalaga at nahihiyang tumingin dahil napagtanto niyang manipis lamang na sando ang suot ng dalaga, bakat ang hinaharap nito dahil medyo basa na ang kaniyang damit . “Uhm--- D—dyosa, ilapag ko na alng dito sa upuan itong sandwich ha? B----balik na ako sa bahay namin. Hehe, ka—kainin mo muna iyan ng magkalaman ang tiyan mo.” Natotorpe ng pahayag ng binata. Nagmadali din itong tumakbo at hindi na nag-abala pang antayin ang tugon ni Dyosa. Naguguluhan namang napatingin si Dyosa sa lalaki. Hindi alam kung anong nangyari doon. “Salamat Adrian!” sigaw na lamang niya, ats saka ibinalik ang tuon sa pagsasampay, may lumapit naman na asong galisin sa upuan kung nasaan ang sandwich kaya binugaw niya ito. “Shooo! Naku huwag ‘yan Papi, pagkain ko ‘yan!” reklamo niya sa aso, natakot naman ito at nagtatakbong umalis. Umupo muna siya upang magpahinga bago balikan ang ilang naiwag labahan. Binuksan niya ang sandwich na nakabalot pa sa isang malinis na tissue at nginuya ito. Dinalian na niya ang pag-ubo nito at nagpatuloy ulit sa paglalaba. Medyo nahirapan siya dahil Uniporme ito ng mga anak ni Aling Brenda, bukod sa iniingata niyang hindi mapunit ang mga sulsi nito ay sobrang alikabok at may mangilan-ngilan pang mga mantsa. “Aling Brenda, pwede ko na ‘ho bang kunin ang sahod ko? Wala pa po kasi sina Tatay, pambibili ko lang po sana ng bigas at delata sa inyo.” Pahayag ni Dyosa sa masungit na tindera, habang nakadungaw sa may maliit na butas sa kahoy na tindahan nito. Napairap lamang ang matanda at padabog pang tumayo mula sa upuan niya. “Aga-aga eh’ naniningil!” kumuha ng supot ng bigas si Aling Brenda at isang lata ng sardinas. Binigay niya ito kay Dyosa na nakakaramdam na ng hiya dahil sa inasal ng matanda, may mga tambay din kasi na nakatingin na sa kanya. Lalo sa katawan niya. “Ito, iuwi mo na ‘yan. ‘Yung karagdagang sahod mo ay ipapadala ko na lang kina Doray ang karagdagan mamayang hapon.” Masungit pa nitong dagdag. Napatango na lang ang dalaga at tinggap ang kalahating kilong bigas at delata. “Sige po, Maraming salamat po. Pagmagpapalaba po kayo ulit tawagin niyo po ako ah?” nahihiyang tugon ni Dyosa, habang nakatungo ang ulo. “Oo na, umalis ka na diyan sa harap ng tindahan at nakaharang ka sa mga bibili.” Pangbubugaw nito sa dalaga, nangapal naman ang mukha ni Dyosa dahil sa hiya. Umalis na siya ng dahan-dahan sa harapan ng tindahan at dumeretso sa kanilang tahanan habang yakap ang bigas at sardinas. Mainit na ang paligid dahil sa sikat ng araw kaya naman napapangiwi ang dalaga sa tuwing umaapak ang kaniya paa sa purong buhangin sa pangpang. Paniguradong kakapal na naman ang kalyo niya sa paa, pero hindi na niya inalintana iyon. Binagtas niya ang mainit na daan patungo sa kanilang munting tahanan. Bago siya tumuloy ay tunayo muna siya sa bakanteng espasyo sa tabi ng bahay nila kung saan may sapat na liwanag ng araw upang makita ang kaniyang anino, ito ang technique na itinuro ng ama sa kanya kung titingin daw soya ng oras at wala siyang dalang relo. Alas nuebe na at balak niya ng magluto kung sakali mang umuwi ang nanay at tatay niya na gutom. Pagkabukas niya ng pintuan ay dumeretso siya sa sala nila na kanila ring kusina upang ilagay sa lamesa ang nabiling pagkain mula sa kinita niya sa labada ngayong araw, napapaligiran lamang siya ng nipa at kawayan bilang pader, ganoon din naman sa taas ng kanilang bahay na may hagdan na kahoy. Buhangin lang din ang apakan nila kaya naman sa tuwing umuulan ay nababasa silang mag-anak. Paakyat na siya sa pinaka kwarto nila ng may makita siyang nakahiga, kinabahan siya. Ramdam niya ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang papalapit sa lalaking nakahiga sa papag at nakakumot pa. Malala ay ang paboritong kumot niya na na bili sa plaza ang gamit nito! “Hala! Tangina naman. Sino kaya ito?” bulong niya sa sarili. Sa pag-aakalang natutulog lang ang panauhin ay nagdahan-dahan siya sa pag pasok sa kwarto. Nagtaka naman siya ng makitang hindi ito gumagalaw subalit malalakad ang paghinga nito. Lalapitan na niya ang lalaki paunti-unti upang masilayan lang ang angking kakisigan na ngayon niya lang nakita. Ganitong-ganito ang mga hitsura na na-iimagine niya sa tuwing nagbabasa siya ng pocket book! Ang pocket book na nirerentahan pa ng kaniyang ina sa palengke upang may mabasa sila paminsan-minsan. Lumapit pa siya ng mas lalo, unti-unti ay nawala ang kabang naramdamam niya kani-kanina lamang. Subalit habang pinagmamasdan ang matapang na aura ng lalaking nasa kanyang harapan ay hindi niya maiwasang mamangha. Matangos ito, May mangilan-ngilan na sugat sa mukha partikular na sa labi, gilid ng kilay at magkabilang pisngi. Nahabag siya sa nakita. “Naku, hindi ko alam kung paano ka nakapunta dito sa maliit na kubo namin pero, nakakaawa ka naman. Siguro snatcher ka no?” pagkausap niya sa natutulog na binata. “Hmmm, mukha kang hindi taga-dito. May lahi ka sigurong amerikano ano? Ang tangos ng ilong eh! Si tatay kasi sarat ‘yung ilong niya. Buti na lang at hindi ako nagmana sa kanya. Sayang naman kung ‘yang gwapong ‘yan ay pang snatcher lang. Ang tangkad mo, may maitim na maitim na pilimata at--- mahaba pa! Ang nipis ng labi mo, hehe. Pang model ang itsura mo, lalo sa kilay mong mukhang antipatiko!” tuloy lang ang daldal niya. Hinawakan niya ang ilang sugat at sinundot-sundot din. Umungol lang sa sakit ang lalaki ngunit hindi ito nagising. Nanlaki naman uli ang mata ng dalaga at bahagyang napatayo. “Hala! Sorry! Pasensya ka na, siguro nakita ka nina Nanay at Tatay. Saglit lang ha? Iwan kita, magluluto pa kasi ako. Balikan kita mamaya at gagamutin natin ang sugat mo, lalo na sa mukha para hindi ka malugi. Baka mamaya eh model ka pa! Naku, laking sayang iyon!” Bumaba na si Dyosa dala ang maliit na kaserola, habang nagluluto ng kanin ay malalim ang kaniyang iniisip. Isa lang naman ang alam niya na nagdala sa lalaking iyon sa maliit na barong-barong nila. Iyon ay ang ina niyang manggagamot. Minsan bga natatawag pa silang aswang o ‘di kaya naman ay mangkukulam kahit wala naman silang ginagawang masama. Matapos niyang maluto ang kanin ay inilagay niya muna ito sa malaking bato sa tabi ng pinaglulutuan nila kung saan doon nila nilalagay ang mga nalutong pagkain, lalo kung mainit. Sinunod niyang isalang ang ginisang sardinas, habang inaantay na kumulo ay kumuha siya ng malunggay sa likod bahay nila at saka nilinisan at inilagay ma sa kumukulong sardinas. Natutuwa siya dahil paborito niya ang sardinas, minsan nga lang sila makakain nito dahil madalas ay kung ang na ang tirang isda na nakuha ng kaniyang mga magulang o di kaya naman ay asin na lang. Habang naghahalo ay iniisip niya kung magigising pa ba ang lalaking nasa itaas lamang ng bahay nila. Nakita niyang umungol ito kanina, ibig sabihin bukas la ang pakiramdam ng lalaki dahil nasasaktan ito sa bawat pindut niya sa sugat nito. Maya-maya pa ay bumukas ang kawayan na pintuan ng bahay at bumungad ang kaniyang mga magulang na hapong-hapo sa laot. Nakasukbit pa sa tatay niya ang itim na net na may lamang mga dilis. Nagmadali siyang lumapit sa kanila at nagmano. “Mano po, Nay, Tay.” “Kaawaan ka ng Panginoon. Nagluto ka na ba Dyosa?” tanong ng ina nitong umupo sa bangko nilang kahoy. “Opo, inaatay ko lang na kumulo ang ginisang sardinas at pwede na tayong kumain.” Sagot niya, maaga pa pero alam niyang kakain na ang mga magulang dahil magpupunta pa sila sa palengke upang ipagbili ang kakarampot na huling isda para sa araw na ito. “Anak, nga pala. Nakita mo na ba ‘yung hindi natin inaasahang bisita?” biglang tugon ng ina niya, napatango naman ang dalaga at nag-antay pa ng karagdagang sagot mula sa ina, habang ang tatay naman niya ay pinapatay na ang apoy sa kaniyang niluluto. “Ano---kasi nakuha namin siya ng Tatay mo sa laot, akala namin patay na. Buhay pa pala at mukhang biktima ng salvage. Kaya anak, huwag mo munang ipagsasabi na may bisita tayo ha? Kahit sa mga kaibigan mo. Antayin nalang natin na gumising ang panauhin natin upang magpaliwanag at magbigay ng susunod nating gagawin.” Mahabang paliwanag ng Ina niya, napa-isip naman siya at ‘di kalaunan ay pumayag na din. Tumayo ang dalaga upang pagsilbihan ang magulang. Kinagat niya ang mga labi bago nagsalita, habang naglalapag ng plato at kutsara. “Ibig bang sabihin ‘Nay, ay dito na muna siya hangga’t sa hindi siya gumigising? Hindi kaya magutom ‘yan ‘Nay? Hindi kumakain eh.” Rason naman ng dalaga, napabuntong hininga na lang ang kanilang mga magulang bago sumagot. “Habang wala kami dito ay ikaw na muna ang mag-alaga diyan Dyosa, may mga nakita kaming pera niyan sa wallet kanina. Dolyares, balak namin utangin ng Nanay mo para may pambayad kay bumbay.” Diretsahang pahayag ni Nanding at saka sumubo ng kanin at ulam. Nanlaki naman ulit ang mga mata ni Dyosa, at akmang magsasalita ng pigilan siya ng Ina. “Anak, hayaan mo muna kami ng Tatay mo sa disensyong ito. Babayaran naman natin ‘yan si gwapings, at tutulungan na makabalik sa pamilya niya. Bata pa iyan, kaya pakiramdam ko ay hinahanap na siya ng magulang din niya. Ang mahalaga ay ligtas na siya dito sa atin.” Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang manahimik sa tabi, tama nga naman ang magulang niya. Pero nakakahiya talagang pinagsamantalahan nilang utangan pati ang taong hindi nila kilala, at malala pa ay wala pang malay. “Maliligo lang ako saglit, at ikaw na bahala sa bahay Dyosa. Dampihan mo ng halamang gamot ‘yang si gwapings, alam kong alam mo na ang mga tamang dahon na kukunin. Hugasan mo di ang sugat niya sa tagiliran dahil medyo malalim iyo at baka maimpeksyon.” Payo ng ina niya bago sila magprepara at magpunta sa palengke ng ama upang ipagbili ang mga huli. Naiwan lamang siyang nakatingin sa lalaking mahimbing na natutulog habang ngumingiwi, baka marahil sa sakit ng mga sugat. “Kawawa ka naman pala kung ganoon, pasensyahan mo na ang Inay at ang Itay ha? Inutangan ka pa nila tuloy. Gipit kasi kami eh. Dibale babawi na lang ako sayo, ipapangako ko na pagagalingin kita sa abot ng makakaya ko!” puno ng kompyansa si Dyosa habang kinakausap ang lalaki, magaan ang loob niya dito dahil nga gwapo--- dahil kawawa naman ito, may sugat at baka may mga naghahanap upang ipapatay ang lalaki. Hinaplos niya ang noo nito, at nalamang mataas din ang lagnat. Kaya naman nagmadali siyang kumuha ng malinis na tela at palanggana na mayaligamgam na tubig upang subukang pababain ang lagnat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD