Chapter 01
Zein's P.O.V.
"Just give me my allowance and I'll leave." malamig na sabi ko sa aking ama. Naka-upo sya sa kanyang swivel chair habang naka-crossed arms. Itinaas nya ang kilay nya saakin na para bang naiinis sa nakikita nya.
"Hindi ka pa rin ba titigil sa pagrerebelde mo, Zein? Wala ka talagang alam kundi ang magbigay ng kahihiyan sa pamilya natin!" Mariin at puno ng galit ang pagkasabi nya no'n. Alam kong gustong-gusto nya na akong sigawan pero pinipigilan nya ito dahil ayaw nyang gumawa ng kahit na anong eksena.
I rolled my eyes. Kung makapagsalita naman sya ay parang napakabuti nyang ama sa pamilya namin. Sa totoo nga lang, sya nga ang dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang pamilyang ito.
"Tsk, napakadami mong sinasabi. Magbibigay ka lang naman ng pera, hindi mo magawa?" Ngumisi ako at nangangasar na tumingin sa kanya."Pero kapag ang mga malalandi mong babae ang naghingi, kulang na lang ay ibigay mo pati ang kompanya ng nanay ko..."
Isang malakas na sampal ang ipinatikim nya saakin dahil sa sinabi ko. Inaasahan ko na gagawin nya 'yon. Nasanay na ako sa mga sampal nya kaya mahina na lang akong tumawa at hinawakan ang mahapdi kong pisnge.
Binigyan ko sya ng nakakaasar na tingin. "Masyado mo namang pinapahata na guilty ka. Sinabi ko na kasi sa'yo na ibigay mo na ang hinihingi ko... 'Yan tuloy kung ano-ano ang nasasabi ko..."
Sinamaan nya ako ng tingin. Muli syang umupo sa kanyang swivel chair at kinuha ang bag nya. Ibinato nya saakin ang mga perang hinihingi ko sa mukha ko. "Wala kang kwentang anak!" sigaw nya saakin.
Tumawa lang ako at isa-isang pinulot ang perang nagkalat sa sahig. Mga isang libo, kaya ko nang mamuhay ng dalawang buwan gamit ang ganitong kalaking pera.
At tutal, hindi naman na ako magtatagal sa mundong ito dahil tatapusin ko naman na ang buhay ko sa aking seventeenth birthday. That's my plan... I'll end my fvcking life at my seventeenth birthday.
Tumayo ako at inilagay ang mga pera sa aking maliit na bag. Nginitian ko ang aking ama na halatang galit na galit na saakin. "Wala ka rin namang kwentang ama, patas na tayo."
I smirked at left his office.
My name is Zein Patricia Velasquez and I am a suicidal girl. I hate myself and everything in this world. I am just a useless b***h and that's why everyone hates me. Tsch, as if I care.
Pinagtitinginan ako ng mga empleyado ng kompanya ng nanay ko. Nakakunot ano noo nila at tila ba nagtataka kung bakit may isang dalagang nakasuot ng uniporme ang lumabas ng opisina ng boss nila. Hindi siguro nila ako naalala, hindi nila ako kilala dahil matagal na panahon na ang nakakalipas simula noong umalis ako sa pamilya namin. Tutal hindi rin naman ako kinikilala ng aking ama bilang kanyang anak, ikinahihiya nya ako.
Marami na rin ang nagbago sa itsura ko kaya posibleng hindi na ako mamukhaan ng mga lumang empleyado. Wala rin naman akong pakealam kung maalala nila ako o hindi.
Gamit ang motor ko, pumunta ako sa aming eskwelahan. Kanina pa may pasok pero ngayon pa lang ako papasok. Wala rin naman kasi akong pakealam sa grades ko at isa pa, tunay naman akong matalino.
I love studying. Hindi man halata pero hilig ko ang pag-aaral kaya kahit tinatamad ako, pumapasok ako sa eskwelahan para mag-aral. Sinasayang ko ang oras ko para lang mag-aral. Gusto ko rin naman kasi dumami ang alam ko bago ko tapusin ang buhay ko.
Am I weird? Yeah, I think so.
After thirty minutes, nakarating na ako sa school. I parked my motorcycle outside the school. Dumaan rin ako sa likuran ng school para hindi ako mahuli ng panot naming guard. Inakyat ko ang pader, madali lang naman 'yon kasi sanay na akong akyatin 'to. Nakakatawa nga lang ang itsura ko. Siguro, pwede nyo na akong tawaging spider man ng pinas.
Tinakbo ko na lang ang classroom namin. Eleven minutes na lang ay magsisimula na ang klase ng third subject namin, Mathematics. Sinusuklay ko pa ang aking buhok habang tumatakbo.
Naabutan kong maingay ang classroom. Makalat at magulo ang upuan. Meron ring mga eroplanong papel ang nagliliparan ang paligid at nahahati sa kanya-kanyang grupo ang mga estudyante.
Isa lang ang ibig sabihin nito, tinamad ang teacher namin kaya hindi pumasok sa next class.
Napabuntong hininga ako. Kainis naman, pumunta pa ako rito para sa wala?
Naglakad ako papunta sa likuran kung nasaan ang upuan ko. Balewala lang sa mga kaklase ko ang biglaan kong pagdating dahil alam ko na wala naman silang pakealam saakin. Sa klaseng ito, isa lang akong multo kahit na ako ang pinakamatalino.
Hindi ko naman sila masisisi kung bakit nila ako linalayuan. Pilit ko rin naman silang pinagtatabuyan. Dati ay halos lahat sila close ko, pero dati lang 'yon. Nagising na lang sila na iba na ang pagkatao ko.
Hindi ko rin naman kasi kaylangan ng ibang tao. Nagkukunwari lang silang may pakealam, kahit na ang totoo ay wala naman talaga.
"Hoy, classmates! Quiet! Gosh, para kayong nasa palengke!" saway ni Elizabeth-- Ang aming bida-bidang class president- sa harapan. Hinampas-hampas nya pa ang blackboard.
Hindi tumigil ang mga kaklase namin. Para silang walang naririnig at patuloy na nag-ingay. Walang nagawa si Elizabeth kundi ang bumalik sa upuan nya at magmukmok.
I rolled my eyes. Totoo bang mga sixteen years old na ang mga taong 'to? They're so childish.
Inilabas ko na lang ang earphone at music player ko. Isinaksak ko ang earphone sa tenga ko at kinuha ang math book ko. Nandito na rin naman ako sa school kaya mag-aaral na lang ako mag-isa. It's maybe ridiculous but studying alone makes me happy. It's my favorite thing to do.
"Zeinnnn!" Agad na naningkit ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Naka-earphone ako pero sapat ang lakas ng boses na 'yon para marinig ko. I already know who called me. The annoying transferee, Gabriel Gonzales. Last week lang sya nag-transfer but I already hate him. He's childish at ako palagi ang kinukulit nya. And unfortunately, he's my seatmate.
"Huy, Zein! Bakit ngayon ka lang pumasok? At tsaka pano ka nakapasok ng late? Umakyat ka nanaman sa likod ng school, 'no?"
Hindi ko sya pinansin at nanatili lamang sa libro ang tingin ko. Pero kahit gano'n, nakikita ko pa rin kung gaano sya kalapit saakin sa peripheral vision ko.
Baliw talaga ang lalaking 'to...
Hindi ko alam kung ano ba ang trip nya... Kung bakit sa dinami-dami ng tao dito sa school na 'to, ako ang palagi nyang iniinis. He's a handsome guy- but dumb- kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. So bakit ako ang pinagtritripan nya!? He's pissing me off. He's ruining my last days in this world!
"Luh, snobber ka! Huy nagtatanong ako ba't ba ang sungit mo?" huminga pa sya ng malalim. "Ay oo nga pala, ang sarap ng breakfast kanina. Tikman mo 'yon! Promise hindi ka--"
"If you don't shut up, I'll make you shut up." Malamig na pagkasabi ko sa kanya at inis syang tiningnan. Natigilan sya, his mouth slightly opened.
Siguro naman ay titigil na sya--
"Ayon! Tiningnan mo rin ako!" He smiled. "Alam mo ba, ang ganda-ganda mo pero ang sungit mo. May dalaw ka ba araw-araw?" He laughed and that's why I furrowed my brows. How can he say that to a girl? He sounds like a p*****t guy. "At tsaka kahapon, alam mo ba--"
"Why are you fvcking do this?" Mas sinamaan ko sya ng tingin kaya natigilan sya. Marahan kong itinangal ang earphone ko sa aking tenga. "Hindi ba obvious na kaya hindi kita pinapansin kasi ayaw ko sa'yo? 'Yung totoo, nagtatanga-tangahan ka ba o sadyang tanga lang? Ano bang gusto mo, ha?" inis na sabi ko sa kanya. He just stared at me, stunned. Maybe he didn't expect me to say that.
Yes, I know that I sound rude.But I can't take it anymore! Sobrang nakakainis na sya at hindi ko na kaya. If I need to punch him just to make him realize that I hate him, I'll do it!
Natigilan ako noong ngumiti sya. I expected him to be upset but he just... Smiled? "Hmm... Hindi ako tanga o nagtatanga-tangahan. Tinanong mo ako kung ano ang gusto ko...?" He smiled. Itinaas ko ang kilay ko dahil dito. Bakit parang inaasar ako ng mokong na 'to!?
"Ikaw! Ikaw ang gusto ko. Hindi ba obvious 'yon?" sabi nya at muling ngumiti. What he said to me made me stunned. i didn't expect him to say that, so straight to the point.
Is he serious!? Pinagtritripan ba talaga ako ng mokong na 'to!?
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng masama habang sya ay nakatingin rin saakin habang nakangiti. Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang tunay na gwapo nya.
He is wearing a black cap and black jacket. Medyo singkit ang mata nya at matangos rin ang ilong nya. Magkapareho rin kami ng kulay ng balat, maputi. Mapula rin ang kanyang manipis na labi.
Ang gwapo nya sana pero isip bata. Mukha pa syang gangster na tambay sa kanto.
"Woyyy! Nanjan na si Miss sungit!"
Nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ng kaklase kong si James na kanina pa nakasilip sa pintuan. Agad namang nanahimik ang mga kaklase ko at inayos ang kanilang sarili. Nagmadali nilang inayos ang mga magugulong upuan at mabilis na pumunta sa kanila-kanilang pweseto.
"Ay, akala ko naman hindi na papasok si Maam..." sabi ng katabi kong mukhang gangster. Narinig ko pang humikab sya.
Tsh, bakit pa sila pumupunta sa school kung ayaw nilang maturuan? Para saan pa ang pagpunta nila dito kung tatamarin naman pala sila at gagawa lang ng kalokohan? Ako lang yata ang masaya dahil matutuloy ang klase. Parang nabagsakan pa ng langit at lupa ang mga kaklase ko noong nalaman nilang papasok pa si Ma'am. Kung kanina'y nakangiti sila, ngayon naman ay nakasimangot sila.
Hindi ko na sya liningon pa kahit na ramdam kong nakatingin sya saakin. Napunta ang atensyon ng lahat sa pumasok naming Math teacher. Magulo pa ang buhok nya at basa. Pinagpapawisan sya at gusot rin ang uniporme nya.
"I'm late, sorry class. Something unexpected happened..." medyo hinihingal na sabi ng aming guro at inilapag ang hawak nyang libro sa teacher's table. Nagsimula na syang magsulat sa blackboard para magklase.
Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa klase. Kinukulit pa ako ng katabi kong mukhang gangster pero hindi ko na sya pinansin. Ikinalma ko na lang ang sarili ko at pinigilang 'wag syang sigawan.
Natapos ang math class at nagyon ay lunch break na. Muli akonh nagsuot ng earphone at linakasan ang volume nito. Naglakad ako papunta sa cafeteria para kumain. Kanin at adobong baboy lang na ulam ang binili ko. Pumwesto ako sa bakanteng upuan na medyo malayo sa mga estudyanteng maiingay.
Napatingin ako sa aking paligid at nakita ang mga estudyanteng masayang nag-uusap, nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan kasama ang kanilang kaibigan habang kumakain. Hindi ko mapigilang maalala ang dating ako dahil dito.
Sino nga ba si Zein Patricia Velasqez noon? Sino nga ba ang dating ako?
The old Zein Patricia Velasquez is smart, friedly and beautiful. Sya ay mapagmahal, maaruga at masipag. She's kind and that's why everyone's love her before. Iginagalang at hinahangan sya ng lahat kasi para sa iba, sya ay perpektong babae, perpektong anak.
But then, a tragic night happened. A night that changed her life forever. A night where the most special person to her died-- Her mother died, and it's because of her.
Yes! It is all because of me! I am the one to blame why my mother died that night! Ako ang dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang buhay namin!
Kung sumunod lang sana ako sa kanya noong gabing 'yon... Kung pinakingan ko lang sana sya ay hindi manguayari anh lahat ng 'to.
Buhay pa sana sya. Masaya pa sana kami. Ako pa sana ang dating ako.
But I can do nothing now because what happened already happened. Wala na akong magagawa kundi ang sisihin ang sarili ko habang buhay.
After that incident, the people I loved hated me and I started to hate myself and anything in this world. After that incident, nalaman ko lahat ng mga kasinungalingan ng mga taong nasa paligid ko.
My bestfriend and boyfriend cheated on me. Nalaman ko rin na matagal nang may babae si Dad at matagal nya nang linoloko si Mom kahit noong buhay pa sya. My sister kept a secret from me... My life is now fvcked at 'yon na siguro ang karma ko.
My life is now useless and that's why I am planning to end it on my seventeenth birthday.
Totoong pwede ko namang tapusin ang buhay ko ngayon na pero mas pinili ko pang tapusin ito sa kaarawan ko ngayong taon, hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil sa hiling ni Mom. I know that she don't want me to do this but I can't take this pain anymore...
I already want to end the endless pain that I feel now by killing myself. That's the only way to make myself free.
"Andito ka lang pala! Bakit mo ako tinataguan?"
That voice brought me back to reality. Ngayon ko lang rin namalayan na nakatulala na ako sa grupo ng estudyanteng masayang nagkwekwentuhan.
"Paano mo nga pala nasagutan 'yung quiz kanina ng perfect score? Ang galing mo talaga. Maliit naman ang ulo mo pero paano nagkakasya ang ang mga lessons sa utak mo?"
Inis akong napatingin sa harapan ko at nakita si Gabriel na kumakain sa harapan ko. Kumunot kaagad ang noo ko... Masyado bang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko sya napansin?
"Ano bang ginagawa mo?" Malamig at masungit na tanong ko. "Ang kulit mo talaga. Hindi ba't sinabi kong ayaw ko sa'yo?"
Ilang sigundo nya rin akong tiningnan na parang walang pakealam s mga sinasabi ko. Natigilan ako nolng ngumiti sya. "Hindi ba't sinabi ko rin sa'yo na gusto kita? At kapag gusto ko kasi... Hindi ko tinitigilan." Kinindatan nya ako kaya mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa inis.
Bwisit talaga ang mukhang gangster na 'to!