Zein's P.O.V.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Hindi naman sa umaasa ako na totoo ang sinabi nya, hindi ko lang talaga maisip kung bakit sya magkakagusto sa isang katulad ko.
Totoo namang maganda ako pero alam ng lahat na mala-demonyo na ang ugali ko ngayon kaya sino ang gagong magkakagusto saakin? At eto pa talagang mukhang gangster na 'to?
Marami rin ang nagkakagusto saakin noon dahil maayos ang itsura at ugali ko. Ngayon naman ay magulo pa nga ang buhok ko at masyado akong pumayat, mukha akong hindi natulog ng isang buwan sa totoo lang. Hindi na rin ako maporma tulad ng dati... Ibang-iba na ako sa dating ako.
"Bakit ka nakatulala saakin?" Binigyan nya pa ako ng mapanuksong tingin at ngisi. "Na-inlove ka kaagad 'no? Hindi naman kita masisisi dahil sobrang gwapo ko kaya--"
"Tigilan mo na ako." Mariin na sabi ko sa kanya. Itinaas nya lang ang dalawa nyang kilay na para bang nagtatanong kung ano ang dapat nyang gawin o sabihin.
I rolled my eyes. Ang kapal din pala ng lalaking ito, 'no? Napaka-walang hiya nya. Ano bang gusto nyang gawin ko para ipamukha sa kanya na inis na inis ako sa kanya? Na ayaw kong makita ang makapal nyang pagmumukha at mas lalong ayaw kong marinig ang boses nya!
"Bakit, Zein? Sabi ko sa'yo--"
Hindi ko na sya hinayaang magpatuloy na magsalita. Inis akong tumayo mula sa aking upuan at malakas na ingay ang nagawa no'n dahil gumalaw ang upuan. Ibinigay ko sa kanya ang pinakamasamang tingin ko na kinakatakutan ng ibang tao. "Bingi ka ba? Tanga o bobo?" Mapanlait na tanong ko sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata nya dahil sa gulat. Parang may sasabihin pa nga sya pero pinigilan nya ito. "Tigilan mo na ako dahil unag-una, hindi tayo close!"
Naramdaman ko kaagad ang masasama at mapanghusga na tingin ng mga tao sa paligid. Narinig ko pa ang bulungan nila at sigurado akong tungkol saakin 'yon. Wala naman akong pakealam sa kanila, ang iniisip ko ngayon ay kung paaano mapagtatabuyan ang lalaking 'to.
Muli ko syang inirapan at kinuha ang bag ko sa aking inupuan. Hindi ko na sya hinayaang makapagsalita pa dahil sigurado naman akong maiinis lang ako sa sasabihin nya. Agad akong naglakad paalis at iniwan ang nabiglang lalaking 'yon dahil sa ginawa ko.
Dapat lang 'yon sa kanya. Sana naman ay hindi nya na ako guluhin pa dahil mas lalo lang syang dumadagdag sa mga problemang iniisip ko. Kung may pagtritripan sya ay 'wag na 'wag ako dahil hindi nya pa alam ang mga kaya kong gawin.
Masasama ang tingin ng lahat ng nadadaanan ko sa hallway pero hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa locker area. Sa totoo lang, gustong-gusto kong tusukin ang mga mata nilang nakatingin saakin pero ayaw kong magsayang ng oras. How dare them to look at me like that?
"Zeinnn!"
Malapit na ako sa locker area noong narinig kong may tumawag ng pangalan ko. Mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil alam ko na agad kung sino ito. Sino pa ba ang tatawag ng pangalan ko kundi ang walang hiya na mukhang gangster na si Gabriel Gonzales?
Hindi pa ba talaga siya titigil? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang tigilan nya na ako. Sige, maniniwala ako na may gusto talaga sya saakin kaya nya ginagawa lahat ng ito pero gano'n ba talaga sya ka-desperado? Bakit nya ipinagpipilit ang sarili nya sa babaeng paulit-ulit syang pinagtatabuyan? Sa totoo nga lang ay hindi nya naman kaylangan sayangin ang oras nya saakin dahil napakaraming nagkakagusto sa kanya dahil sa kanyang maamong itsura... Alam ko nga rin na halos patayin na ako ng mga babaeng may gusto sa kanya dahil sa selos.
Hindi ako huminto sa paglalakad. Hindi ko rin sya liningon kahit paulit-ulit nyang tinatawag ang pangalan ko. Huminga ako ng malalim at mas binilisan pa ang lakad ko.
"Zein, teka lang!" Sigaw nya at ramdam kong tumatakbo sya para habulin ako. Mabilis syang tumakbo kaya agad nya akong naabutan. Hinawakan nya pa ang balikat ko upang pigilan ako sa paglalakad at rinig ko rin ang hingal nya dahil sa pagtatakbo.
"Zein..." Hinihingal na bulong nya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis. Marahan akong humarap sa kanya kaya naalis nya ang kamay nyang nakahawak saaking balikat. Malakas ko rin syang itinulak palayo saakin at natumba sya sa sahig. Umungol sya dahil sa sakit. Agad ring lumapit ang ibang estudyante saamin para makita ang nangyayari. Tsk, mga chismosa.
Pasalamat talaga ang lalaking 'to dahil napaupo lang sya sa sahig. Alam nya bang hindi lang 'yan ang kaya kong gawin kapag patuloy nya akong kinulit? Basagulera yata ako, 'no! Baka ma-ospital pa sya kapag sobrang nainis ako at hindi ko na-control ang sarili ko.
"Hindi ba't sinabi ko na tigilan mo na ako!? Ano ba talagang gusto mo? Do I need to shout that I hate you and I don't like you!?" Nanatili lamang syang nakatingin sa akin kaya napangisi ako dahil sa kanyang reaksyon. "Sinasabi ko sa'yo, Gonzales... Kapag hindi mo pa ako tinigilan ay hindi lang 'yan ang gagawin ko sa'yo." May halong pananakot ang tono ko habang sinasabi 'yon. Kung hindi sya masasaktan sa salita, sasaktan ko sya ng pisikal.
Tumalikod ako para maglalad paalis pero muling tinawag ni Mukhang Gangster ang pangalan ko. Hindi ko na sana 'yon papansinin pero may sinabi syang mahalaga kaya ako napahinto sa paglalakad.
"Ibibigay ko lang sana 'yung wallet mo..." Mahinhin na sabi nya.
Agad na kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumingon sa kanya. Nakatayo na sya ngayon habang pinapagpagan ang sarili nya. Nakayuko rin sya at nawala na ang ngiti sa labi nya. Inabot nya pa saakin ang wallet ko.
"Bakit nasa'yo 'yan!?" Sigaw ko sa kanya. Paano naman kasi mapupunta sa kanya 'yung wallet ko... E nasa bag ko lang 'yan. Hindi nya ba alam na may malaking pera sa loob nyan? Pinaghirapan ko pa 'yang kunin sa tatay kong babaero.
Huminga ako ng malalim dahil sa inis. "Ninakaw mo ba 'yan? Kaya siguro hindi mo ako tinitigilan kasi gusto mong kunin 'yang pera ko, 'no?" Sabi ko at marahan na kinuha ang wallet kong hawak nya.
Umiling sya at pilit na ngumiti habang nakayuko pa rin. "Nahulog mo 'yan kanina kaya agad akong tumakbo para habulin ka at maibalik ko 'yan sa'yo." Dahan-dahan nyang itinaas ang tingin nya saakin at muling ngumiti. "Hindi ako magnanakaw. Hindi ko kayang magnakaw. At totoong gusto kita kaya kita kinukulit... Pasensya na kung naiinis ka." Halos pabulong na sabi nya at muling yumuko. Magsasalita pa sana ako pero bigla syang tumakbo paalis sa harapan ko.
That made me speechless. Bakit parang feeling ko sobrang sama ng nagawa ko?
Napailing na lang ako at pilit na ikinalma ang sarili ko. Okay, maybe I overreacted. Tumingin pa ako sa paligid ko at sinamaan ng tingin ang mga taong nakatingin saakin. Napabuntong hininga ako bago maglakad paalis.
Tumuloy na ako sa locker area para ilagay ang mga gamit ko sa locker.. Expected ko na rin ang mga basura na bubungad saakin sa loob ng locker ko, sigurado akong kagagawan nanaman 'yon ng grupo ni Joanna-- My ex bestfriend who stole my ex.
Napairap na lang ako at padabog na inilagay ang gamit ko sa locker, pinabayaan ko na rin ang mga basura doon. Wala akong gana makipag-away ng dahil do'n dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay paulit-ulit nya pa ring gagawin 'yon. Hindi sya titigil hangga't hindi tuluyang nasisira ang buhay ko.
Napagdesisyunan ko na lang na 'wag nang pumasok sa susunod na klase. Dumaan ulit ako sa likuran ng school at umakyat sa pader para makatakas. Patakbo akong pumunta sa lugar kung saan ko ipinark ang motor ko. Mabilis kong ipinatakbo ang motor ko.
Dumaan muna ako sa isang mall para magbihis. Pumunta ako sa comfort room at isinuot ang maikli kong pulang spaghetti strap dress. Naglagay rin ako ng makeup at inayos ang buhok ko. Nagsuot rin ako ng heels at inilagay ko sa school bag ko ang uniporme at black shoes ko.
Tinawagan ko si Dwein--ang aking plastic na kaibigan-- para sunduin ako. Hindi ko kasi kaya mag-drive ng motor dahil sa suot ko, at least sya ay may sariling sasakyan.
Hindi nagtagal ay dumating sya sa mall. Yinakap nya pa ako na para bang tinuturing nya talaga akong kaibigan. Yinakap ko rin sya kahit labag sa loob ko ang madikitan ng isang babaeng higad. Tiningnan nya pa ako mula ulo hanggang paa at nakita ko ang inggit sa mga mata nya. She is wearing a black tube dress.
Alam ko na sinasaksak nya ako kapag nakatalikod ako, pero mas mautak ako kaysa sa kanya... Hindi nya alam na gano'n rin ang ginagawa ko sa kanya kapag nakatalikod sya.
Sya ang nag-drive ng kotse at ako naman ay nakaupo lang sa backseat habang nagsisigarilyo. Kasama nya nga pala ang boyfriend nyang kano sa harapan at dahil nasa likod ako, nakikita ko ang kamay ng kano na hinihimas ang legs nya.
Mga malalandi. Hindi ba nila nakikita na nandito ako?
Halos kalahating oras rin ang inabot no'ng makarating kami sa bar. Iniwan ko ang school bag ko sa kotse nya pero dinala ko ang wallet ko dahil baka nakawin pa ng bruha 'yon kapag iniwan ko. Pagkapasok ko ay rinig ko na kaagad ang ingay... Amoy alcohol at sigarilyo ang paligid kahit na umaga pa lang. Pero mas malupit pa rin ang bar kapag gabi na. Ayos lang naman 'yon saakin dahil kaya kong manatili rito hanggang sumapit ang gabi. I don't care as long as I'm having fun.
Ipinakilala ako Dwein sa mga kaibigan niya. Bineso pa nila ako at sinabihan ng maganda. Tumawa pa ako na para bang nahihiya.
Tch, nahihiya my a*s. Bakit ako mahihiya, e walang hiya ako lalo na sa ganitong bagay.
We started to have fun. Dahil mayayaman ang mga kaibigan ni Dwayne ay nasa V.I.P. room kami. Napansin ko rin ang matalim na tingin saakin ng isang kaibigan nya... Kung tama ang pagkakaalala ko ay Philip ang ngalan nya.
Sanay na akong matingnan ng ganyan. Kasalanan ko rin naman 'yon dahil ganito ang suot ko. Wala na akong pakealam kung mabastos ako... Kaya kong saktan ang gagong magtatangka kung nagkataon.
Nagkwentuhan kami tungkol sa mararangyang bagay habang umiinom... At dahil galing ako sa mayamang pamilya ay alam ko rin naman ang iba nilang pinaguusapan. Mabuti na nga lang ay hindi sila nagtanong tungkol sa pamilya ko.
Napansin ko rin na may lihim silang i ilalagay sa kanilang mga inumin. Sinubukan pa nga nila akong bigyan no'n pero hindi ako tanga para inumin 'yon. May hinala na rin naman ako kung ano ang bagay nainalagay nila sa drinks nila. Oo alam kong may bisyo ako pero hanggang inom at sigarilyo lamang'yon.
"Guys! Let's go to the dance floor!" Nakangiting sigaw ni Dwayne saamin. Agad rin naman kaming sumunod sa kanya.
May tama na saakin ang alcohol pero alam ko kung ano ang ginagawa ko. I felt carefree and a burst of energy blossomed inside me.
I closed my eyes and moved with the beat. I danced and laughed like I had no care in this world while strangers are dancing around me.
"Hi, Zein right! You dance well..." A guy from my back whispered huskily. Naramdaman ko ang kamay nyang yumakap sa bewang ko. Agad na Kumunot ang noo ko at malakas syang siniko. "Don't touch me." Sabi ko at patuloy na sumayaw. Narinig ko pang napamura sya.
Pero hindi tumigil ang lalaki. I recognized his voice and I know that the guy in my back is the p*****t guy, Philip. Muli nyang yinakap ang bewang ko pero sa pagkakataong ito ay ginamit nya ang kanyang lakas para pigilan ang kamay ko. "Don't be naughty, baby..." Bulong nya at sinimulang halikan ang leeg ko.
My eyes widened because of that. Gago pala talaga ang lalaking 'to!
Sinimulan nya ring hawakan ang hita ko kaya agad akong napamura. Ilang beses ko syang sinigawan pero hindi pa rin sya tumitigil. Ginamit ko ang buong lakas ko para pigilan sya pero tunay na mas malakas sya saakin.
"No... Stop. Huwag kang magulo baby..." He whispered. Napangiwi ako dahil sa sinabi nya.
How dare him to call me baby!?
"Baby my a*s! Can you just fvcking leave me alone!? I'm dancing and you're ruining my mood!" Sigaw ko sa kanya. I'm here to have fun, but look what happened! Kapag ba talaga maikli ang suot, e babastusin na?
"I'm going to count in three at kapag hindi ka pa aalis ay malaagot ka saakin!" Pananakot ko. Wala naman akong magagawa pero baka effective.
"Anong gagawin mo--"
"ISA..." medyo natigilan sya sa ginagawa nya. Siguro naman ay nakaramdam sya ng takot. Napangisi ako.
"Dalawa---"
"Tch. I don't care. You can do nothing. You're just a weak girl." Pagkasabi nya no'n ay muli nyang ipinagpatuloy ang ginagawa nya.
Uminit ang ulo ko dahil sa inis. Did he just called me a weak girl!? "Aba gago ka talagang--"
Natigilan ako sa pagsasalita dahil sa biglaang nangyari. Na-realize ko na lang na nasa sahig na 'yung lalaking manyak.
Bago pa ako maka-react, may humawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng bar. Nagsimula nang lumabo ang paningin ko dahil medyo nakakaramdam na ako ng hilo.
Hindi ko mamukhaan kung sino ang humihila saakin pero sigurado akong lalaki ito dahil sa lakas nya. Bakit nya ba ako hinihila? Hindi nya ba alam na naka heels ako?
Huminto kami sa labas ng bar. Ngayon ko lang rin napansin na hapon na. Sa tingin ko ay five pm na.
Hinubad nya ang jacket nya at inilagay ito saakin. "Bakit kasi ganyan ang suot mo? Kung hindi ko lang binisita si Kuya rito, sigurado akong nabastos ka na. At tsaka bakit ka nandito? Bawal dito ang underage ah?"
Hindi ko alam kung imagination ko lang 'yon. Imposible naman yatang pati dito ay pupunta sya?
Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki at unti-unti ng bumabalik ang paningin ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.
"Ikaw!?" Sigaw ko sa kanya. "Pati ba naman dito ay sinusundan mo ako!?" Sigaw ko kay Mr. Gonzales, ang lalaking mukhang gangster.
Ngumiwi pa sya. "Hindi naman ako gano'n ka-baliw sa'yo! Binisita ko lang 'yung kuya kong bartender, 'no! At tsaka--"
Muli akong nakaramdam ng hilo. Natumba ako pero agad nya akong sinalo.
"s**t!" Sigaw ko. Bakit ngayon pa ako mahihimatay? Kasama ang lalaking 'to? Ano na lang ang gagawin nya saakin!?
Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko pero unti-unti nang dumidilim ang paligid. Ang alam ko na lang ngayon ay nahimatay ako sa braso ng kinaiinisan kong tao.