Chapter 03

2194 Words
Zein's P.O.V. "Sinabi ko na sayong huwag na huwag kang pupunta doon! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Gabriel? Paano kung may nangyaring masama sa'yo sa bar na 'yon?" Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Bakit ba ang ingay ng kwarto ko? Siguro binuksan nanaman ni Ate ang TV at linakasan ang volume. Ano ba naman 'yan! Bakit ba sya nandito, e natutulog pa ako. Siguro ay may kaylangan nanaman sya saakin. Pero ano nanaman ba ang kalokohang-- Natigilan ako. Bigla ko kasing na-realize na hinding-hindi nya nga pala ako pupuntahan dahil galit sya saakin. She hates me untill now at alam kong hindi na mababalik ang dati. I can't help to remember the past again. I have a sister, her name is Angelica and she is two years older than me. Noon, kapag umaga ay lagi nya akong punupuntahan sa kwarto. Bubuksan nya pa ang TV para lang magising ako at kapag nagising ako, kukulitin nya ako para samahan sya sa mga naiisip nyang kalokohan. Pero wait-- If my sister is not here inside my room? Where the hell that noise come from!? Wala naman akong kasama sa condo unit ko, ako lang ang mag-isa at sigurado ako do'n. Hindi rin naman ako naniniwala sa multo kaya imposibleng hindi tao ang narinig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Medyo masakit rin ang ulo ko dahil parang may mabigat na bagay na nakapatong dito. Damn, alcohol! Sanay naman na akong maglasing pero bakit sobra ang sakit ng ulo ko? Pinilit kong bumangon. Hinilot-hilot ko pa ang sentido ko habang nakapikit. Nakakainis talaga kapag ganito. Sumaya nga ako kagabi pero ganito naman ang mararamdaman ko kinabukasan. Argh! Pinilit kong buksan ang aking mga mata at tinangal ang mga muta ko. Kumurap-kurap pa ako para magising ng tuluyan. No'ng medyo gumaan na ang pakiramdam ko, iniunat ko ang aking mga kamay habang humihikab. Handa na sana ako bumaba ng kama para pumunta sa banyo no'ng may napansin akong kakaiba. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa na-realize ko. Hindi kulay asul ang kulay ng kwarto ko sa condo o sa bahay namin...at hindi ganito kaliit ang kwarto ko. Iba rin ang amoy ng silid na 'to... Amoy pagbango ng lalaki. Nasaan ako at kaninong kwarto 'to!? Mariin na ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na inalala ang mga nangyari kagabi. I am just having fun with my fake friend, Dwayne. Imposible namang kwarto nya 'to kasi sigurado akong hindi nya ako dadalhin sa bahay nya, mas pipiliin nya lang na iwan na lang ako kung nagkataon. Uminom ako ng ilang shots at pumunta kami sa dance floor para magsaya. I danced with strangers... And then someone approached me... Philip. The guy who approached me is Dwayne's friend, Philip. He started to kiss my temple and neck that night but someone stopped him from doing that... A guy stopped him. Hinila pa ako ng lalaking tumulong saakin palabas ng bar. And then I fainted in his arms... Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naalala ko. And that guy was Gabriel Gonzales! Ang kinaiinisan kong lalaki na mukhang gangster! Sya ang huling taong nakasama ko bago ako mawalan ng malay at sigurado ako do'n! Natataranta muli akong tumingin sa paligid. Base sa furnitures ng kwartong ito, tiyak akong lalaki ang nagmamay-ari nito. Tiningnan ko rin ang sarili ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa napansin ko... Iba na ang suot ko ngayon. Isang denim short at maluwag na puting t-shirt. Anong ginawa saakin ng mokong na 'yon habang wala akong malay!? Kapag nalaman ko lang talaga na pinagsamantalahan nya ako habang wala akong malay ay malalagot sya saakin! Pero sino ang nagpalit ng damit ko at kaninong kasuotan 'to!? Pinakiramdaman ko ang aking sarili... Wala namang masakit sa katawan ko maliban sa aking ulo at alam kong dahil 'yon sa alak. "At 'yang babaeng 'yan? Sino ba yan at inuwi mo pa rito? Nobya mo ba 'yan?" Rinig kong sabi ng isang hindi pamilyar na boses ng lalaki. Napakunot kaagad ang noo ko dahil dito. "Hindi ko sya girlfriend, Kuya..." Pamilyar ang boses na 'yon. Sa tingin ko ay kilala ko na kung sino ang nagsabi no'n. "B-Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng may bisyo? Gano'n na ba kababa ang tingin mo sa'kin, Kuya? Alam mo namang matitinong babae ang gusto ko, e!" Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis. Alam ko namang hindi ako matinong babae pero ang kapal naman nya yata para sabihin 'yon? At unag-una, sya pa nga mismo ang nagsabi saakin na gusto nya ako kaya nya ako kinukulit palagi. Tapos ngayon, sasabihin nya 'yon na para bang nangdidiri sya saakin? Sino ba sya, ha? Isa lang naman syang mokong na mukhang gangster! Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto habang hawak-hawak ang unan na hinigaan ko. Saktong pagkalabas ko ng upuan ay nakita ko kaagad ang sala. Merong dalawang lalaking nakaupo sa sofa. Hindi nga lang nila ako napansin kaya sa tingin ko ay wala pa silang kamalay-malay na lumabas na ako ng kwarto. "Sus! Bakit hindi mo sya type? Eh napakagandang babae no'n, ang sexy pa." Sabi ng katabi ni mokong. Base sa itsura nya, tingin ko ay mas matanda sya ng iilang taon kay Gabriel. Napansin kong ngumiwi si mokong. "Huwat!? Si Zein Patricia Velasquez... S-Sexy...? Uhmm..." Itinaas ko ang kilay ko dahil parang nahihiya pa sya ituloy ang sasabihin nya. "Aysus! Nagblu-blush si bunso! Binata ka na talaga, boy!" Panunukso pa ng katabi nya. Tinawag sya nitong bunso? So ibig sabihin ay kamag-anak ni Gabriel ang katabi nya ngayon...? "Hindi ako nagblu-blush!" Sigaw ni mokong sa katabi nya. "Bakit ko magugustuhan 'yon? Flat chested kaya 'yung babaeng 'yon! At tsaka sobrang---" Hindi ko na sya hinayaang matapos sa sinasabi nya. Ibinato ko na kaagad ang hawak kong unan at saktong tumama ito sa ulo nya. "Aray ko!" Sigaw ni mokong at napahawak sa ulo nya. Napangisi ako dahil dito. Inis syang tumingin saakin pero agad rin nawala ang pagkunot ng noo nya at nanlaki pa ang mga mata nya noong nakita ako. Ayan kasi, kung ano-ano ang sinasabi nya tungkol saakin! Ang kapal talaga ng pagmumukha nya! Sinabihan nya pa talaga ako ng flat!? Si Zein Patricia Velasquez, flat!? Bulag ba sya? Kahit sa anong angolo ang tingnan, hindi ako flat! "Z-Zein..." Napakamot pa sya ulo nya habang nahihiyang tumingin saakin. "G-Gising ka na pala... Hehe. G-Good morning!" Agad ko syang inirapan. "Walang good sa morning kapag mukha mo ang makikita ko..." Pagtataray ko sa kanya ksya ngumuso pa sya. Mukha syang bibe! "At tsaka sabihin mo nga, sino ang nagbihis saakin? Paano ako nakapunta rito at nassan ako? Wala ka naman sigurong ginawa saakin 'di ba?" Dahan-dahan syang tumango. "Wala talaga akong ginawa sa'yo! Takot nga ako humawak ng lasing na babae. At tsaka kahapon kasi sobrang lasing mo na at hindi ko alam kung saan ka dadalhin. 'Yung mga kasama mo lasing na rin, binigay lang sakin nong Dwayne ang school bag at wallet mo. Inuwi na lang kita kasi baka mabastos ka nanaman ng lalaki do'n. Si Ate Fiona ang nagbihis sa'yo. Nando'n sya sa banyo naliligo. Aish! Mabuti na lang talaga at sabado ngayon kaya walang pasok..." Mabilis ang pagkakasabi nya no'n pero naintindihan ko naman lahat ng 'yon. Sana nga lang ay nagsasabi sya ng totoo. "Ah... So ikaw pala 'yung Patricia..." Tumayo ang lalaking kausap kanina ni mokong at lumapit saakin. Inabot nya pa ang kanan nyang kamay para makipag shake-hands. "Ako nga pala si Drake. Nakakatandang kapatid ni Gabriel..." So kapatid nga sya ng mokong na 'to? Sana naman ay hindi sila magkaugali. Itinaas ko ang aking kaliwang kilay at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Kahawig niya si Gabriel, kulay blonde ang buhok nya at mas matangkad sya sa kapatid nya. "I don't like people calling me by my second name. We're not close so just call me "miss" or by my surname. Don't be informal, mister." Napatitig ang lalaki saakin at napaawang pa ang labi nya. Mamaya-maya lang ay hinawakan nya ang dibdib nya na para bang nasasaktan. "Ouch ko! Ang sakit no'n, ha!" Tumawa pa sya. "Ang galing mo pala mag-english?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabihin mo kung saang lugar 'to para makauwi na ako." "Magpahatid ka muna kay bunso. Alasingko pa lang ng umaga at madilim pa. Kumain ka rin muna kasi hindi ka nakakain ng dinner kagabi kasi tulog ka pa at---" "Hoy! Kayo mga tao! Ang aga-aga napakaingay nyo! Kapag talaga nagising si Papaa lagot kayong dalawa... Mga pagod pa naman sa trabaho 'yon..." Napunta ang atensyon naming lahat sa isang babaeng lumabas sa isang silid na sa tingin ko ay banyo. Naka t-shirt sya at short. Basa rin ang buhok nya at pinupunasan nya ito sa pamamagitan ng isang puting twalya. Humikab pa sya at dahan-dahang napunta ang tingin nya saakin. "Oh... Gising ka ba pala?" Lumapit pa sya saakin at pinagmasdan ako mula ulo haggang paa. "Ikaw 'yung babaeng lasing na inuwi ni Gabriel kagabi. Ako nga pala si Fiona... Ate ng dalawang unggoy na 'yan. Ako 'yung naglinis at nagbihis sa'yo kagabi... Akin rin 'yang damit na suot mo." Ngumiti pa sya saakin. "Pero tanong ko lang... Girlfriend ka ba ni Gabriel---" "Hindi." "Hindi 'no!" Magkasabay pa ang sabi namin ni Gabriel no'n kaya natawa ang dalawang kapatid nya. Tumingin ako sa kanya at napansin ko ang pamumula nya. Agad ko syang sinamaan ng tingin at muling tumingin sa ate nya. "Wala akong gusto sa kanya. Pero sya may gusto saakin at palagi nya akong kinukulit." Agad namang tinukso si Gabriel ng ate at kuya nya. Napairap na lang ako dito. "Si bunso... Binata na!" Sabay na sabi nila at sabay ring tumawa. "H-Hindi 'no! Sinabi ko lang 'yon sa kanya para pansinin nya ako! Masyado kasi syang masungit at... At allergic ako sa mga masusungit kaya gano'n! Katabi ko pa man din sya sa klase!" Pagtatangol nya sa sarili nya habang naka-iwas ng tingin saakin. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin sya tinitigilan ng mga kapatid nya. Grabe naman sila magtuksuhan. Nakimutan ba nila na nandito ako? Umubo pa ako para makuha ang kanilang atensyon. Natigilan naman sila at tumingin saakin. "I need to leave. I appreciate your kindness and I will thank you for that..." I tried to force a smile, kahit na alam kong halatang peke 'yon. "Aalis ka na?" Parang nalulungkot pang sabi ng kuya ni Gabriel. "Sayang... Gusto ka pa man sana makilala ni Papa..." "I can meet him next time..." I lied. Alam ko naman kasi na hindi ko na sila makikilala pa. Tumango-tango sila. "Sige... Pero kaylangan mong magpahatid kay bunso, gagamitin nya 'yung motor ni Drake at 'wag kang mag-alala dahil magaling mag drive 'yan. Magpahatid ka, ha? Konsensya rin namin 'yon kapag may nangyaring masama sa'yo..." Tumango na lang ako sa Ate ni Gabriel dahil mukhang mapilit talaga sila. At hanggang do'n lang naman. Kapag nahatid nya na ako at natapos ang araw na ito... Babalik ulit sa dati ang lahat. I will still ignore him no matter what. Dahan-dahang lumapit saakin ang babae at may ibinulong saakin. "Pero maligo ka muna... Papahiramin kita ng damit. Medyo may amoy ka na kasi dahil sa alcohol..." ... Pagkatapos ko maligo ay agad na akong umalis ng bahay na 'yon. Buti na lang ay hindi ako naabutan ng mga magulang ni Gabriel dahil tulog pa ang mga ito. Medyo madilim pa rin ang labas. "Suotin mo 'to..." Utos ni Gabriel saakin at inabot ang isang itim na helmet. "Hindi ko kaylangan 'yan." Umiling sya. "Hindi ko naman sinabing kaylangan mo. Suotin mo lang para safe tayo..." Napabuntong hininga na lang ako. Ang kulit nya talaga! Nakakainis sya sobra! I tsk-ed. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto nya. Isinuot ko ang helmet at umangkas sa likuran nya. "Kumapit ka sa'kin. Baka ma-fall ka..." Mahina pa syang tumawa. "Saakin ka lang dapat ma fall..." Napangiwi ako dahil sa sinabi nya. Bumabanat ba sya? Nakakadiri naman ang banat nya at napaka-corny! "Ulol!" Sigaw ko sa kanya. Mas mabuti na lang na mahulog ako sa motor kaysa mahulog sa'yo! At bakit ako kakapit sa'yo? Tch... Pabanat-banat ka pa corny nama-- Ahh!" Napatili ako at automatikong napayakap sa kanya dahil bigla nya na lang pinaandar ng mabilis ang motor. Sobrang bilis na para bang maalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Napapikit rin ako habang mahigpit na nakayakap sa kanya... Ilang beses akong napatili dahil feeling ko ay mawawalan kami ng balanse. Hinahangin na rin ang basa at mahaba kong buhok dahil sa sobrang bilis ng motor. "Putang ina mo, Gabriel Gonzales na mukhang gangster!" Sigaw ko sa kanya. "Masama ang magmura! Zein Patricia Velasquez na masungit!" Sigaw nya pabalik at malakas na tumawa. Mas lalo nya pang binilisan ang motor. Bwisit talaga ang mukhang gangster na 'to! Mapapatay ko sya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD