Zein's P.O.V.
Malakas kong sinipa ang lalaking mukhang gangster na si Gabriel Gonzales sa kanyang tiyan noong nakababa ako ng kotse. Napa-aray sya sa sakit at napaatras pa, muntik na syang matumba dahil sa tulak ko pero agad nyang nabalanse ang tayo nya. Kanina pa kasi sya tumatawa, pinagtatawanan ako ng walang hiya.
"S-Sorry!" Sabi nya at mas malakas na tumawa. "K-Kasi naman natatawa ako sa sigaw mo kanina. Para kang bata, hahaha! Ang kyut nga, e! Hahaha!"
Sinamaan ko sya ng tingin. "Malamang! Sino ang babaeng hindi sisigaw sa ginawa mo!? Hindi pa ako pwede mamatay 'no!" Sigaw ko sa kanya. Hindi pa ako pwedeng mamatay hangga't hindi ko nagagawa ang hiling ni Mommy... Hindi pa ako pwedeng mamatay hangga't hindi pa ako nagiging labing-pitong taong gulang.
"Sus, aminin mo na lang na nag-enjoy ka sa pagkapit sa likod ko..." Muli syang tumawa. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita hahayaang mamatay. Safe na safe ka saakin." Sabi nya at kinindatan ako.
Gusto kong masuka at mas lalong gusto ko syang sampalin dahil sa sinabi nya. Bakit ako magtitiwala sa lalaking 'to, e napakapayat! Mas payat pa sya saakin at halos tangkad lang naman ang lamang nya. Isa syang lalaking mukhang gangster na stickman! Umaapaw pa ang confident at kayabangan nya, punyetang lalaking 'to! Umulan yata ng ka-kornihan at isinalo nya lahat kaya sya nagkakaganyan.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang masama ang tingin ko. Natigilan sya noong napansin 'yon... Napatitig sya saakin at napansin kong namula sya. Napalunok pa sya kaya napangisi ako.
Natatakot ba sya sa masama kong tingin? Dapat lang 'yon!
Binigyan ko sya ng nakakaasar na ngisi noong nakalapit ako sa kanya, kinwelyuhan ko sya papalapit saakin kaya nanlaki ang mga mata nya. Dahan-dahan ko ring inilapit ang bibig ko sa kanyang tenga. "Fvck you, Mr. Gonzales..." Bulong ko at bahagya syang itinulak. He stared at me, too shocked to speak. I smiled arrogantly and showed him my middle finger.
Pagkatapos no'n ay tumalikod na ako para maglakad paalis. Pero bago pa man ako makapasok sa condominium building, muling tinawag ni mokong ang pangalan ko. "Z-Zein!"
Huminto ako at dahan-dahan syang nilingon. Itinaas ko pa ang isang kilay ko sa kanya. Namumula pa rin ang pisngi nya pero hindi sya nakangiti. Naka-iwas rin sya ng tingin saakin.
"Bakit?" Masungit ang pagkatanong ko no'n. "Ano nanaman ang kaylangan mo? Sobrang ganda ko ba para kulitin mo na ako ng ganito?" Muli pa akong ngumisi habang naghihintay ng sasabihin nya.
Napakamot sya sa batok nya na parang nahihiya sa susunod nyang sasabihin. "Ano kasi, uhm..." Pinilit nya akong tiningnan pero umiwas rin ng tingin. Is he going to confess his love for me?
"Ano...?" I asked, impatiently.
Napalunok sya at dahan-dahang lumapit saakin. Deretso rin ang tingin nya saakin habang naglalakad. Kumunot ang noo ko dahil parang may naramdaman akong kakaiba sa loob ng aking tiyan sa oras na 'to.
"Kasi Zein... Totoong maganda ka pero..." Dahan-dahan syang ngumiti. "Pwede mo ba ibalik sa'kin 'yung helmet na hawak mo? Papagalitan kasi ako ni Kuya kapag hindi ko 'yan nabalik sa kanya..."
Nanlaki ang mga mata ko dahil dito. Napatingin ako sa kamay ko at ngayon ko lang naalala na hawak ko pa pala ang itim na helmet na ipinagamit nya saakin. Napatingin ako muli sa kanya, dahan-dahan kong iniabot sa kanya ang helmet. Dahan-dahan nya ring kinuha 'yon.
"Sige... Ingat. At tsaka... Pakibalik rin 'yung damit na hineram mo kay Ate sa Lunes. Ayos lang kung hindi mo na labhan. Babalik na ako sa bahay, ingat!" Nagmamadali syang sabihin 'yon. Tumakbo pa sya papunta sa motor nya at mabilis na ipinaandar 'yon paalis.
Napansin kong uminit ang pisnge ko. 'Wag nyong sahihin na namumula ako? Bakit ako mamumula...?
Mabilis kong kinuha ang pocket mirror ko sa bulsa ng school bag ko para tingnan ang sarili kong mukha. And I saw my face, red as tomato.
...
Araw na ng linggo ngayon. Nanatili lang ako sa loob ng aking condo. Nakapatay ang aking ilaw at ang TV lang ang nagbibigay ng ilaw sa aking kwarto. Nakasandal ako sa aking kama habang kumakain ng pizza at umiinom ng alak.
Nasanay na akong ganito kapag weekends. Kung hindi sa bar ay sa condo lang ang bagsak ko. Ganito lang umiikot ang buhay ko habang matiis na naghihintay sa aking kaarawan.
Kasalukuyan akong nanonood ng movie noong nag-ring ang phone ko. Balak ko sanang patayin ang tawag pero isang familiar number ang nakita ko. Napaupo ako ng maayos dahil sa gulat. Nanlalaki rin ang mga mata ko dahil sa gulat.
My older sister-Angelica- is calling me. I deleted her number in my phone pero sigurado akong sya ito dahil kabisado ko ang phone number nya.
Nakaramdam ako ng kaba. Dahan-dahan kong inilapag ang bote ng alak na hawak ko sa aking side table habang deretso pa rin ang titig ko sa aking cellphone screen.
Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag. Ayaw nya kasi ng naghihintay ng matagal. Maikli lang ang pasensya ng ate ko kaya tiyak ako na magagalit sya kapag hindi ko kaagad sinagot ang tawag nya.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba noong tuluyan ko nang nasagot ang tawag. Walang nagsasalita sa kabilang linya kaya ako na lang ang nagsalita. "Hello...?" Halos pabulong pa ang pagsabi ko no'n.
Hindi kaagad sumagot si Ate. Lumipas rin ng ilang sigundo bago sya nagsalita. "Zein Patricia..."
Napakagad ko ang labi ko noong narinig ko ang boses nya. Sa tingin ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko noong tinawag nya ang aking pangalan. Halos isang taon na rin kasi ang lumipas simula noong huli ko syang nakita at huli kong narinig ang boses nya. Hindi na rin 'yon katulad ng dati... Kung dati ay masigla at puno ng saya ang boses nya kapag tinatawag ang pangalan ko, ngayon naman ay napakalamig ng boses nya na para bang yelo. Puno pa rin ng pait at galit ang nararamdaman nya saakin. Bakit kaya sya tumawag.
"We need to talk. Make sure that you're not going to be late. I don't want to waste my time just for you but I need to tell you something important. I'll text you the address." Pagkatapos no'n ay ibinaba nya na ang kanyang telepono.
Ibinaba ko ang aking phone at tumitig sa phone screen habang nakaawang ang labi ko. Hindi ko aakalain na muli kaming magkikita pagkatapos ng isang taong pag-iiwasan.
Fvck this life. My life is a freaking hell.
Mabilis akong naligo at siniguro kong presentable ang aking kasuotan. Gusto kasi ni Ate na palaging maayos ang itsura ko kapag nakikipag-usap ako sa kanya sa isang public place. She usually wants me to put makeup on my face and wear a dress.
Sinigurado ko ring mabango ang amoy ko at walang amoy alak o sigarilyo sa katawan ko. Tiyak akong pangdidirian nya ako kapag napansin nyang umiinom at nagsisigarilyo ako. Ayaw na ayaw nya sa babaeng may bisyo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa aking salamin. Tingin ko'y medyo nag-iba na nga ang itsura ko at tingin ko'y dahil 'yon sa kalagayan ko at dala na rin siguro ng puberty. Dati kasi ay sakto lang ang katawan ko, ngunit ngayon ay napansin ko ang aking pagpayat. Medyo gumanda naman ang hubog ng aking katawan kahit gano'n. Ngayon ko lang rin napansin na humaba na hanggang baywang ang aking buhok ngayon... Dati kasi ay ayaw kong pahabain ang buhok ko at lagi kong pinapaputulan na hindi lalagpas sa aking balikat.
Simple lang ang suot ko. Isang knee-length blue off shoulder dress at isang royal blue flat shoes. Nagsuot rin ako ng sleeve para takpan ang mga hiwa na ginawa ko saaking kamay noon. Marami kasi akong laslas at hindi pa nawawala ang bakas ng sugat na 'yon sa aking katawan kahit isang taon na ang nakakalipas.
Hindi ko rin ginamit ang motor ko dahil ayaw rin ni Ate 'yon. Naiinis sya kapag may nakikitang babaeng naka-motor at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Sumakay lang ako sa jeep at pumara sa isang coffee shop na ite-next saakin ni Ate. Nagmamadali akong bumaba sa jeep noong nakapunta na ako do'n.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng coffee shop. Agad kong naramdaman ang lamig ng aircon noong pinagbuksan ako ng isang binatang lalaking guard. Binati nya ako ng magandang umaga pero hindi ko na siya pinansin pa at deretsong pumasok ng shop. Iginala ko ang aking paligid... Nakita ko kaagad ang babaeng hinahanap ko na nakasuot ng pormal na kasuotan at naka-pulang high heels. Naka-krus ang kanyang mga paa habang nakatingin at nag-tatype sa kanyang laptop.
Mariin kong isinarado ang aking kamao at muling huminga ng malalim para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Naglakad ako papunta sa lamesa kung nasaan sya at sa bawat hakbang ko, pabilis ng pabilis ang pag-t***k ng aking puso.
"You're late..." Mariin pero mahinhin ang pagkasabi nya no'n habang nakatingin pa rin sa kanyang laptop at nag-ta-type. Mas lalo akong kinalibutan noong narinig ko muli ang boses nya sa personal. Ni-minsan kasi ay hindi ko plinano ang makipag-usap sa kanya dahil alam kong tatapusin ko rin naman ang aking buhay ngayong taon kaya't para saakin ay wala nang silbi kung makikipagkita pa ako sa kanya tutal ay galit naman sya saakin at ayaw nya akong makasama o makita.
"That's because I didn't expect that you'll call me for a meeting today..." Sabi ko habang pinipigilang manginig ang aking boses. Umupo rin ako sa kanyang harapan pagkatapos no'n.
Isinarado nya ang kanyang laptop at tiningnan ako. Itinago ko kaagad ang aking kamay sa ilalim ng mesa para hindi nya mapansin ang panginginig nito. Umiwas rin ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko pa rin mapigilang matakot sa kanyang mga mata.
"Dad told me that he gave you fifty thousand pesos. Saan mo ba ginagamit ang mga perang ibinibigay nya? Para ipagpatuloy ang mga bisyo mo? Huh, Zein Patricia?"
Napalunok ako sa sinabi nya. Kung gano'n ay alam nya na pala ang mga ginagawa ko sa buhay. "I have work. And I used those money for my studies. Huwag kang mag-alala dahil alam ko naman ang limitasyon ko." I lied. Wala naman talaga akong trabaho.
She tsk-ed. "Ako pa talaga ang lolokohin mo, huh? Eh ang dami kong kaibigan ang nakakakita sa'yo sa bar kahit umaga o gabi. Wala ka na ba talagang hiya sa sarili at pamilya mo?"
Bahagya ko syang liningon at napakasama ng tingin nya saakin. Umiling ako at huminga ng malalim. "Just tell me the reason why you called me here..." Sabi ko na para bang naiinip na. "Marami pa akong gagawin--"
"I'll send you to New York."
Agad akong napatingin sa kanya dahil sa gulat. Seryoso ang kanyang expresyon at sigurado rin akong hindi sya nagbibiro. "W-What? Why?"
Inirapan nya pa ako na para bang napaka-walang kwenta ang tanong ko sa kanya. "Doon ka titira at mag-aaral. Titira ka sa bahay nila Grandma. Tutal ay wala ka namang nagagawa dito sa Pinas kundi ang pagrerebelde--"
"I don't want to!" Pagpuputol ko sa sinabi nya. Napalakas pa yata ang pagsabi ko no'n kaya napatingin ang ibang tao dito sa loob ng coffe shop.
Hindi ako pupunta sa ibang bansa! Hindi pa ba sapat na iniiwasan ko na sya at si Dad? Bakit kaylangan pa nilang kontrolin ang buhay ko?
"Excuse me?" Inis syang napangisi at mas lalo akong tiningnan ng masama. "How dare you to raise your voice at me--"
"I am never going to leave the country, Ate..." Bulong ko pero sapat ang lakas ng boses ko para marinig nya. "Just... Just leave me alone..." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa. "I am going to be a lawyer soon. Nakakahiya kapag nalaman nila na ganyan ang kapatid ko. Baka madumihan mo pa ang pangalan ko..."
Padabog syang tumayo pagkatapos nya sa sinabi nya. Lumikha pa ito ng malakas na ingay dahil nausog ang upuan, mas lalong napunta anh atensyon saamin ng mga tao at nagsimula silang magbulong-bulungan.
Inilagay ni Ate ang kanyang laptop sa bag nya habang ako ay nakayuko. Naramdaman kong paalis na dapat sya pero bigla syang huminto.
"If you don't want to leave this country, just go and leave the world. Tutal ay ikaw naman ang may kasalanan ng lahat kung bakit namatay si Mom..." Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Pabulong lamang 'yon pero siniguro nyang maririnig ko ito. "Ikaw naman talaga dapat ang namatay noong gabing 'yon..."
...
Umuwi kaagad ako sa condominium pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ate. Nandito ako sa rooftop ng condominium at sinigurado kong ako lang ang mag-isa dito.
Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi saakin ni Ate... Kaya patuloy na lang akong umiiyak habang umiinom ng alak.
Putang inang buhay 'to. Bakit pa ba ako ipinanganak sa mundo kung ganito na lang palagi?
Pinagmasdan ko ang sunset habang nakikinig ng music. Iniisip ko rin ang hiling ni Mom noong araw na 'yon. Gusto nya akong pumunta sa isang lugar na napakahalaga sa kanya sa aking seventeenth birthday. I want to grant her wish before I kill myself. Pero kaya ko pa bang maghintay ng ilang araw?
"Kaya ko pa ba?" Bulong ko saaking sarili at tumawa. "Bakit ko pa ba tinatanong 'yon? Ako yata ang pinakamahinang babae sa mundo, malamang hindi ko kaya..." Tumawa pa ako habang humahagulgol.
Napakasama ko bang tao? Isang beses lang naman ako nagkamali no'ng araw na 'yon pero bakit nagkaletse-letse na ang buhay ko?
Wala sa sarili akong tumingin sa baba nh building. Parang umiikot 'yon sa paningin ko. Sa tingin ko ay may tama na ang alak saakin kaya gano'n.
Paano kaya kung tapusin ko na ang buhay ko ngayon? Magiging mapayapa na kaya ang lahat?
Nangangati na akong patayin ang sarili ko... Gusto ko nang mawala sa mundong ito.
Para akong baliw na tumatawa. Hindi ko namalayan ang sarili ko... Parang may demonyong sumapi saakin at umakyat sa rooftop side.
Agad kong naramdaman ang malakas na hangin, hinangin nito ang buhok ko paalis sa aking mukha at napansin ko ring natuyo kaagad ang luha sa pisnge ko dahil dito.
Muli kong tiningnan ang baba. Napakataas ng building at sigurado ako na isang hakbang lang ay matatapos na kaagad ang buhay ko.
Isang hakbang lang... Matatapos na ang lahat.
Isang hakbang lang ay mawawala na ako sa mundong ito. Mawawala na ang sakit... Hindi ko na kakaylanganin pang magdusa.
Just one step... And I'll be free.
Handa na sana akong gumawa ng isang hakbang... Pero namalayan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa sahig ng rooftop habang gumugulong kasama ang isang tao.
I just realized... Someone stoped me. May humila saakin paalis sa kamatayan.
"Zein..." Bulong ng isang pamilyar na boses. Nasa ibabaw na ako ng lalaking humila saakin. Ngayon ko lang din napansin kung sino ang lalaking 'yon.
Medyo natigilan ako dahil doon. Ilang segundo rin akong napatingin sa kanya habang nanunubig ang mga mata ko. Nakatingin lang rin sya saakin habang may awa sa kanyang expresyon.
Mabilis akong umalis sa ibabaw nya at ihiniga ang sarili ko sa tabi nya. Naririnig ko pa ang hingal nya at pinagpapawisan rin sya. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay at patuloy na humagulgol.
Naramdaman kong umupo si Gabriel at tiningnan ako. "Shh..." Bulong nya at hinawakan ang ulo ko. "Magiging ayos rin ang lahat..."
Hindi. Imposibleng maayos ang lahat. Hinding-hindi maayos ang buhay kong nasa-impyerno.