Chapter 05

2202 Words
Zein's P.O.V. Nanatali lang kaming tahimik na dalawa habang nakasandal sa rooftop side. Tanging ang hangin lamang ang naririnig ko ngayon at ang paghinga naming dalawa. Ramdam ko ring kanina pa sya nakatingin saakin pero hindi ko sya magawang tingnan pabalik. Nakatulala lang ako sa aking harapan habang may mga luhang tumutulo sa pisnge ko. Ano ba kasi ang ginagawa nya dito? Ngayon ko lang naisip ang tunay na nangyayari. Pumunta rito si Gabriel, hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Imposible namang kasing pumunta sya rito para lang pigilan ako tumalon sa condominium building... E kahit nga sa sarili ko ay hindi ko inaasahan na muntikan ko nang gawin 'yon. Pero sa tingin ko ay mabuti nang dumating sya para pigilan ako, naalala ko bigla na ipinangako ko sa sarili kong tutuparin ko ang hiling ni Mom bago ako mag-suicide. 'Yon lamang ang kaya kong itupad na hiling nya. "Bakit mo ginawa 'yon?" Bulong na tanong nya saakin. "Paano kung hindi ako dumating?" I rolled my eyes. Bakit ba nagsasalita sya na para bang may pakealam sya saakin? "Bakit ka nandito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Ano ang ginagawa mo rito?" Sabi ko at kinuha ang music player ko sa aking tabi. Nagasgas pa ito dahil sa nangyari kanina. "Pinapadala kasi ni Ate 'yung damit mo noong pumunta ka sa bar. 'Wag ka raw mag-alala dahil maingat ang paglaba nya nyan lalo na't mukhang mamahalin..." Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang aking luha at walang emosyon na tumingin sa kanya. "Umuwi ka na sainyo..." Sabi ko at yinakap ang tuhod ko at yumuko. "I appreciate your kindness, but I don't need you now. You can leave and don't worry because I will not do that again." Well... Not yet. Narinig kong napabuntong hininga sya. Naramdaman ko ring lumapit sya saakin. "Marami ka nang nainom na alak... Hindi ka ba nahihilo dahil do'n?" Umiling-iling ako habang nakayuko pa rin at nakapikit. "Halos isang taon na akong umiinom ng alak kaya hindi na malakas ang apekto saakin ng alcohol. Kaya ko ang sarili ko..." "Hindi mo naman kaylangan itago ang sakit na nararamdaman mo. Bakit hindi mo ilabas ang galit o sakit na nararamdaman mo kahit minsan? Mahirap sa tao ang maraming dinadamdam..." Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko para tingnan sya. Nakatingin lang sya saakin... Ngumiti pa sya at dahil doon ay natigilan ako. Ilang segundo rin akong napatitig sa kanya habang bahagyang nakakunot ang noo ko. Bahagya ring napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko. Meron rin akong kakaibang naramdaman sa buong katawan ko. Hindi ko 'yon maipaliwanag... Pero sigurado akong hindi normal ang pakiramdam na 'yon at ngayon ko lang ito naramdaman. "W-What do you mean by that?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo syang ngumiti at parang may mensaheng ipinaparating ang kanyang mga mata na hindi ko naman naiintindihan. "Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon... Pero subukan mo ring ilabas 'yan para medyo mabawasan ang sakit na nararamdaman mo..." Nagtataka ko syang tiningnan. "Walang paraan--" "Merong paraan... Madaming paraan para diyan. Hindi ako sigurado pero feeling ko ay mas malaki ang problemang pinagdadaanan mo ngayon kaysa saakin pero..." Tumayo sya sa aking harapan. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko syang nakangiti pa rin saakin. Inaabot nya ang kamay nya saakin para tulungan akong tumayo. Napatitig ako sa kamay na 'yon... Nagdadalawang isip ako kung aabutin ko ba ito o hindi... Pero sa huli ay inabot ko ang kamay nya para makatayo ako. Muli syang ngumiti noong nakatayo na ako. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at inalis ang kamay ko sa pagkahawak nya. I heard him giggled. "Ano bang gusto mong gawin ko...?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang ma-curious. "Sisigaw tayo..." Masiglang sagot nya. Kumunot ang noo ko dahil sa sagot nya. "Sisigaw?" Anong kalokohan ba ang iniisip ng lalaking mukhang gangster na ito? Ano namang magagawa ng pagsigaw sa problema ko? Paano no'n mababawasan ang sakit na nararamdaman ko? Hindi nya sinagot ang tanong ko st umiwss ng tingin. Sisigawan ko pa sana sya dahil sa pagaakalang iniiwasan nya ako, pero agad akong natigilan noong huminga sya ng malalim at sumigaw. "Bakit ganito ang mundo!? Ang daming problema bwisit na buhay 'to!" Natulala ako sa ginawa nya. Baliw ba sya? Bakit sya sumigaw ng gano'n? Ano ba talagang kalokohan ang ginagawa nya at dinadamay nya pa ako? Tumingin sya saakin. Napanguso pa sya noong napansin na masama ang tingin ko sa kanya. "Bakit ang sama ng tingin ko sa'kin?" "Bakit mo pa ba 'yan tinatanong? Obvious naman na kaya masama ang tingin ko sa'yo dahil naiinis ako. Bakit ka ba sumisigaw na mokong ka!?" Bahagya syang tumawa. "Gano'n palagi ang ginagawa ko kapag masama ang loob ko o nasasaktan. Bakit hindi mo subukan?" Inirapan ko kaagad sya at ipinag-krus ang kamay ko. "Hindi ako bata para mauto mo. At mas lalong hindi ako aso para sundin ang utos mo. Sino ka ba para gawin ko ang gusto mong gawin ko, ha?" Masungit pa ang pagkasabi ko no'n kaya mas lalo syang ngumuso. Totoo namang cute sya kapag ginagawa nya 'yon pero mukha talaga syang tanga na duck. "Subukan mo lang ng isang beses. Kapag hindi mo nagustuhan ang ginawa mo, edi 'wag kang magpatuloy." Parang nanghahamon pa ang tono ng boses nya. "Ayoko--" "Sige na!" Nag-puppy eyes pa sya saakin. "Ang kulit mo! Sabi kong ayaw ko, e..." "Sige naaaaa!" Sinanamaan ko ulit sya ng tingin pero muli lang din syang ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang gawin pero wala naman sigurong masama kung sisigaw ako ng ilang beses 'di ba? Huminga ako ng malalim. "Fine!" Pagkatapos no'n ay mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nagsimulang sumigaw. "Putang inang buhay 'to! This world is a freaking hell!" Napansin kong tumawa si Gabriel kaya agad kong binuksan ang mga mata ko para tingnan sya. "Ang amo ng mukha mo pero ang lutong mo mag-mura. Ako nga e mukha akong siga pero takot ako magmura..." Sabi nya kaya inirapan ko sya. Muli syang huminga ng malalim at sumigaw. "Bakit mo ba kami ipinagpalit sa asawa mong kano, Mama? Ginagawa naman namin ang lahat pero bakit mo kami ipinagpalit sa pamilyang may kaya!?" Itinaas nya pa ang kamay nya habang nakasarado ang kanyang kamao. Natigilan ako sa sinabi nya. So may gano'ng problema pala sya...? Pero paano nya pa rin nagagawang ngumiti? Umiling na lang ako para ibalik ang sarili ko sa realidad. Itinaas ko rin ang kamay ko tulad ng ginagawa nya at pumikit para sumigaw. "Fvck my Dad for cheating my Mom! He deserve to go to hell! Sunugin sana sya ni Satanas araw-araw!" "Sana katulad na lang ako ni Kuya Drake! Sana kasing talino at galing nya na lang ako dahil pagod na pagod na akong ikumpara!" Sigaw ni Gabriel. "Sana hindi namatay noong gabi na 'yon si Mommy!" Hindi ko alam kung bakit ko pa ring ginagawa 'to. I know that this is ridiculous pero... Pakiramdam ko ay medyo gumaan ang loob ko dahil dito. "Sana iwan si mama ng pamilya nya para maranasan nya ang pagdurusa na nararanasan namin ngayon!" Ibinukas ko ang aking mga mata para tingnan si Gabriel. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata at nakataas pa rin ang kanyang mga kamay. Dahan-dahan nyang ibinaba ang kamay niya at tumawa, palakas ng palakas. Napansin ko ring may tumulong luha sa kanyang mga mata pero agad nya itong pinunasan. Tumingin rin sya saakin. "Masyado yata akong nagpadala sa nararamdaman ko. Ang sama yata ng nasabi ko tungkol kay Mama." Sabi nya at tumawa. Hindi ko rin napansin na napatawa na rin ako. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi nya pero hindi ko mapigilang matawa ng malakas kasama sya. "Kita mo na... Hindi ba't sabi ko sayo, masaya 'yon..." Natigilan ako dahil sa sinabi nya. "Mas lalo kang gumaganda kapag tumatawa. Hala ka, baka mas lalo akong mahulog sa'yo." Hindi ko pinansin ang sinabi nya dahil alam ko namang biro lang ito. Seryoso ang tono ng pagkasabi nya no'n pero hindi ako tanga para maniwala pa. Bahagya ko syang tinulak para maharap sya saakin. "Do you want something to drink or eat?" Tanong ko na may masungit na tono. Nawala naman ang ngiti at seryosong tumingin saakin. Parang hindi pa sya makapaniwala sa sinabi ko, tsk! Pumunta ako sa condo unit ko kasama si Gabriel. Napansin kong kanina pa sya nakayuko at walang imik hanggang sa makapasok kami sa condo. Napansin ko ring mas lalo syang namula at hindi ko alam kung bakit. People blush when they shy or something... Pero ano namang dahilan para mahiya sya? E halos walang nga syang hiya. Napailing na lang ako at sinabihan syang umupo sa sofa at hintayin ako. Pumunta ako sa mini kitchen ko at naghanda ng apat na toasted breads na may palamang ham and mayonnaise... Nagtimpla rin ako ng mango juice dahil 'yon ang sinabi nyang gusto nya noong tinanong ko sya kung gusto nya ba ng inumin. Pagkatapos kong mahanda ang lahat ay dinala ko kaagad ito sa sala... Nakangiti na si Gabriel habang inilalakbay ang tingin nya sa condo ko. Kinunutan ko sya ng noo. "Huwag kang ngumiti ng ganyan. Para kang timang..." Umupo ako sa tabi nya at inilagay ang mga hinanda ko sa maliit na lamesang kaharap ng sofa. "Ayan na 'yung pagkain mo... Tsk. Pasalamat ka dahil ginawa ko 'yan. Ikaw ang kauna-uahang taong pinapasok ko rito at tinimplahan ko ng juice... Pero don't assume to much because I'm just doing this to repay you from helping me. Ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa'yo." Mas lalong lumawak ang ngiti nya. Hinihiling ko lang talaga na mapunit na ang labi nya kakangiti. Baliw talaga ang isang 'to dahil kahit na linalait o sinusungitan sya ay nagagawa nya pa ring ngumiti. "Ay, salamat..." Agad nyang kinuha ang baso ng juice at uminom. Kinuha nya rin ang sandwich na gawa ko at kumain na parang patay-gutom. Napabuntong hininga na lang ako. "Pagkatapos mo nyan ay umuwi ka na. Pakisabi mo na lang sa kapatid mong babae na salamat sa pag-aasikaso saakin noong gabing 'yon... Salamat rin sa ginawa mo noon at kanina. 'Yan na lang ang pambawi ko sa'yo tutal ay hindi naman tayo close..." Napatigil sya sa pagngunguya ng sandwich nya. Tiningnan nya ako na para bang meron akong sinabi na hindi nya nagustuhan. Ngumuso sya... Pero agad ding ngumisi. Napataas ang kilay ko noong ngumisi sya dahil tila nag-iba ang aura nya. Tiningnan nya ako ng seryoso... Kung paano tumingin ang lalaki sa babaeng gusto nilang akitin. Mas lalo syang naging gwapo, naging mature rin ang itsura nya dahil sa pagbago nya ng kanyang expresyon. Palagi kasi syang nagpapa-cute sa ibang tao kaya hindi ako sanay sa paraan na pagtingin nya saakin ngayon. "Anong iniisip mo? Bakit ganyan mo ako tingnan?" Inis na tanong ko. He smirked and bit his lip... Mas lalong kumunot ang noo ko dahil rito. "Hindi pa ba tayo close?" May biro ang tono nya. Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya saakin kaya agad nanlaki ang mga mata ko at hindi nakagalaw. "Eto...? Hindi ba't masyado ng close 'to?" Nararamdaman ko na ang mainit nyang hininga dahil sa sobrang lapit nya saakin. Sigurado akong kapag gumalaw ako ay madidikit na ang labi ko sa kanya. Nakangisi lang sya saakin habang nanatiling blangko ang isip ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon... Sobrang bilis ng t***k ng aking puso at para na itong bomba na malapit ng sumabog. "Ayan, ah. Close na tayo kaya---" Hindi ko na sya hinayaang matapos. Agad ko syang itinulak palayo saakin kaya napasandal sya sa side ng sofa. "Gago ka, ah! Ano ba talagang trip mo!? Manyak! Asshole! Go to fvcking hell!" Sigaw ko sa kanya at yinakap ang sarili ko. Natataranta syang umayos ng upo at tiningnan ako na para bang nabigla sa biglaan kong sigaw. "Sorry! Akala ko kasi gagana 'yon, eh! Gano'n kasi 'yung ginawa no'ng lalaki sa masungit na babaeng kasama nya sa movie na palaging pinapanood ni Ate kaya--- Aray!" Kinuha ko ang maliit na unan sa sofa at inihampas ko ito sa kanya. "Walang hiya ka! Die! Asshole!" Tumayo sya para layuan ako pero hinabol ko na. "Sorry na! Pero magkaibigan naman na tayo 'di ba?" "Ano!? Kaylan pa kita naging kaibigan!? Lumayas ka ritong gago ka!" Sigaw ko habang patuloy pa rin syang tumatakbo palayo saakin. Patuloy ko rin syang hinahabol kaya parang nakikipaglaro ako sa isang batang ulol. "LUMAYAS KA RITO!" Muli kong sigaw at ibinato ang unan sa kanya. Nataranta syang pumunta sa pinto palabas ng condo unit ko. Tiningnan nya muna ako at kinindatan. "Thank you, my friend! See you tommorow!" Lalapitan ko pa sana sya para hampasin pero tuluyan na syang lumabas at nagmamadaling isinarado ang pinto. Medyo kumalma na ang utak ko dahil dito. Pero ang puso ko ay hindi pa rin kumakalma at mabilis pa rin itong tumitibok. My heart, what the hell is happening to you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD