chapter 06

2658 Words
Zein's P.O.V. Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkatulog. Nanlalaki ang mga mata ko at nagsimula na ring manginig ang aking mga kamay, sunod-sunod ang pagtulo ng aking luha at malakas akong napapahagulgol. No... Not that nightmare again. Please... I don't want to remember that fvcking night again. Hindi pa ba sapat ang paghihirap na pinagdadaanan ko ngayon? Why do I need to remember that again, fvck! This is freaking too much! Pinilit kong ikalma ang sarili ko... Pero hindi ko magawang mag-isip ng maayos. It's happening again... I can't control my emotions again. My whole body is starting to tremble. Nagsisitayuan ang ang mga balahibo ko habang malakas pa ring humahagulgol. I don't know what to do... Sobra-sobra na ang emosyong nararamdaman ko- Frustration, madness, hatred... This emotions are fvcking hell and I can take this anymore! I don't know what to do. I don't know how can I make myself calm. Napasabunot ko ako sa aking buhok. I started to feel breathless. Para na akong nababaliw at sigurado akong matatakot o magpapanic ang lahat ng makakakita sa kalagayan ko ngayon. Nagsisimula nanaman akong makaalala ng mga bagay na hindi ko gustong maalala o maisip. "You are disgrace in this family! Wala kang kwentong anak!" That is my father told on the day of my mother's funeral. I started to hate him at that day too because I discovered that he have a mistress even since before. "Bakit ka pa nandito? Wala ka nang karapatang bumalik sa pamamahay na 'to, naiintindihan mo? I hope Mom didn't save you that night... You are the one who died not her!" My older sister said that to me on my birthday two years ago. "You're a b***h. Masyado ka kasing mayabang kaya nagkaganyan ang buhay mo! You deserve all of that! Don't ever talk to me again, Zein!" My bestfriend, said that to me on my mother's death aniverssary last year. She stared to bully me in school too after that. "Sorry because I fell out love... I can't take this relationship anymore. So I'm sorry, Zein because I'm breaking up with you..." My ex-boyfriend broke up with me last month. It was painful... Lalo na noong nalaman kong may iba na sya. He now have Joanna, my ex bestfriend who hates me too. See? My life is fvcked. I don't have a reason to live this world anymore and that's the freaking reason why I am the person who I am now. This world is cruel, it is full of pain and lies. Only the strong person can live happily and successfully here and I am a weak one so I can't be one of that people. Tanggap ko na 'yon. Tanggap ko na na ito ang realidad at hinding-hindi ko na 'yon mababago. I thank God because he gave me this temporary life and happiness and I also feel sorry because I am going to take my own life soon. I love God but I don't think he can forgive me now dahil marami na akong nagawang hindi dapat. Kaunting tiis na lang... Matatapos na ang lahat. This pain and sadness will end soon. I shouted. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko habang humahagulgol at nakahiga sa kama ko. I did what Gabriel and I did yesterday. Hindi nga lang alam kung gagana pa ito pero 'yon na lang ang magagawa ko ngayon. "I hate my life. I hate this world. I-I want to rest now..." I whispered to myself. Nagsimula nang lumabo ang paningin ko at tuluyan na ring nagsarado ang mga mata ko. And darkness filled me again. Gabriel's P.O.V. Humarap ako sa salamin at nakita ang pinaka-gwapong lalaking nakita ko. Grabe, mas gwapo pa sya sa artista. Pero kung inaakala nyong gwapo lang sya, nagkakamali kayo! Sobrang hot rin kaya ng lalaking 'to, may anim na pandisal sa tiyan. "Napakagwapo mo namang lalaki. Muntik na kitang mapagkamalan na si Alden Richard dahil sa sobrang gwapo mo...." Tumawa ako at kumindat sa salamin. Napaka-gwapo ko kasi sobra. Kung babae lang ako, sigurado ring mai-inlove "Baka pati si Zein ay mahulog sa'yo." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa iniisip ko. Hindi ko talaga maalis sa isipan ko ang itsura ni Zein. Akalain nyo 'yon? Matapos ng isang linggo kong pagtitiis sa kasungitan nya ay magkaibigan na kami. Hindi pa rin ako makapaniwala kapag iniisip ang bagay na 'yon. Makaibigan na kami. At syempre pagkatapos ng kaibigan magiging magsyota. Pagkatapos ng pagiging syota ay magpapakasal. Pagkatapos ng pagpapakasal ay magkakaanak-- "Aba? Nagpapagwapo ang bunso natin, ah?" Nataranta kong itinago ang maliit kong suklay sa aking bulsa noong pumasok si Papa. Nakasilip lang sya sa may pintuan habang nanunukso akong tinitongnan. Ang saya ko pa naman habang inaayos ang kulay blonde kong buhok... Feel na feel ko na 'yung pagpapapogi ko, eh. Nahiya tuloy ako bigla. "Papa..." Nginitian ko kaagad sya. "Gising ka na po pala? Ang aga mo ngayon, Papa ah? May lakad ka ba?" Umiling sya at tuluyang pumasok sa kwarto ko. "Para ba 'yan sa babaeng nagngangalang Zein? 'Yun ba ang babaeng inuwi mo rito sa bahay no'ng biyernes na lasing na lasing galing sa bar na pinagtrabahuhan ng Kuya mo?" Agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Papa. Tila nagnining ang magaganda kong mga mata dahil do'n. "Sadya lang talagang gwapo ang bunso mo, Pa. Kaya hindi ko na kaylangan masyadong mag-effort dahil gwapo naman na ako..." Tumabi ako kay Papa at kinindatan sya. Napatawa sya dahil sa sinabi ko. "Syempre naman, kanino kapa nagmana?" Biro pa nya. "Syempre sa'yo!" Pangbobola ko. Tumango-tango pa sya at nakipag-apir saakin. Kay Mama naman talaga ako nagmana pero ayos na rin 'yon. Pareho ko naman silang magulang. At tsaka sigurado naman akong nalulungkot si Papa kapag binanggit ko si Mama na ipinagpalit kami sa isang mayamang kano. Maaga ako nagising. Sinadya ko talaga 'yon kahit na tamad ako bumangon sa umaga. Binabalak kong sunduin si Zein tutal ay malapit lang naman pala ang condominium nya sa barangay namin. Maayos na rin 'yon, madadagdagan pa ang pogi points ko. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Muntik na akong masilaw, parang araw kasi ang kagwapuhan ko. Nakasuot man ako ng uniform pero mukha akong artista na bida sa isang action star. Humingi rin ako ng pabango kay Kuya dahil ayon kay Ate, gusto daw ng mga babae ang mababangong lalaki. Hindi ko naman sinasabing mabaho ako pero syempre, kaylangan ay maging perpekto ang itsura ko sa harapan ng babaeng gusto ko. Hiniram ko ang motorcycle ni Kuya kasi alam kong hindi nya naman gagamitin 'yon ngayong araw. Ayaw nya pa nga pahiramin 'yon saakin dahil masyado syang nag-aalala. Madamot talaga ang Kuya ko pero dahil sobrang gwapo at lupet ng kapatid nya... Napilit ko sya. Mabilis akong magpatakbo ng motor kaya agad akong nakapunta sa condominium building kung saan nakatira si Zein. Huminga muna ako ng malalim at kumatok. "Zein my friend! I'm here!" My palalambing pa ang tono ko habang sinisigaw 'yon habang kumakatok. Pero napansin kong hindi sya sumasagot. Wala akong ingay na naririnig sa loob. Napanguso ako dahil dito. Baka wala sya sa loob. Baka-- Natigilan ako dahil sa naisip ko. Naalala ko nanaman kasi ang sinubukan nyang gawin kahapon. Muntik na syang tumalon sa rooftop at sa tingin ko ay nagawa nya lang 'yon dahil lasing sya. Pero paano kung lasing nanaman sya? Paano kung may sinubukan nanaman syang hindi maganda. Nanlaki kaagad ang mga mata ko dahil sa taranta. Marahan kong kinatok ang pintuan ng paulit-ulit at malakas na isinisigaw ang pangalan nya. Handa ko na sanang sirain ang pinto nya pero napansin kong nakabukas pala ito. Agad akong pumasok at hinanap sya sa buong condo. Wala sya sa sala, banyo at kusina kaya naman sumunod akong pumunta sa kwarto nya. Nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa nakita ko sa madilim at magulo na kwarto. Nakahiga sya sa sahig at halatang hindi maganda ang kalagayan nya. Umiiyak at nanginginig sya habang walang malay. "Zein!" Agad akong lumapit sa kanya. Bahagya ko syang inalog para subukan syang gisingin, pero hindi nya binukas ang kanyang mga mata at nanatiling walang malay. Pinagpapawisan sya at napansin ko rin na kinakapos sya ng hininga. Agad ko syang binuhat, 'yung buhat na ginagawa ng isang lalaki sa kanyang asawa. Sinigurado ko munang naisarado ko ang pintuan ng condo nya bago sya inilabas. Pumara ako ng taxi para dalhin sya sa ospital. Tinulungan ako ng taxi para ipasok si Zein. Isinandal ko ang ulo nya sa aking balikat at hinihimas ang likuran nya. Paulit-ulit ko ring binubulong sa kanya na magiging maayos ang lahat. Pero hindi nya pa rin minumulat ang kanyang mga mata. Para syang nalulunod sa isang madilim na panaginip. May luhang tumulo sa kanyang mga mata, agad kong kinuha ang panyo ko sa loob ng aking bag at ipinunas ito sa kanya. Ipinasok ng mga nurse si Zein sa isang kwarto para doon sya magamot. Tinanong ako ng mga nurse kung ano ang relasyon ko sa kanya at kung ano ang nangyari. Sinabi kong kaibigan nya ako at ang buong detalye. Inilabas ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. 7:45 am na ng umaga at tiyak akong nagsimula na ang klase. Hindi naman na mahalaga 'yon saakin, mas mahalaga na nadala ko kaagad sa ospital si Zein kahit hindi ko pa alam ang totoong nangyayari. Napabuntong hininga na lang ako at binuksan ang contact list ko para tawagan ang taong hindi ko inaakalang makakausap ko muli. Wala nang panahon para magdalawang isip, sa tingin ko ay kaylangan nyang malaman kung ano ang nangyari kay Zein. Sinagot nya kaagad ang tawag. Tinanong nya ako kung ano ang problema. Muli akong napahinga ng malalim bago sumagot. "Si Zein..." Zein's P.O.V. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad saakin ang maliwanag at puting kapaligiran. Ito na ba ang langit? Napatawa ako ng mahina dahil sa naiisip ko. Bakit naman ako mapupunta sa langit? Sigurado akong hindi pa ako patay. At kung mamatay man ako, sigurado akong sa impyerno ang bagsak ko. Napabuntong hininga ako noong narinig ang ingay ng paligid. Alam ko na kaagad kung nasaan ako. Narito ako sa pinakamumuhian kong lugar, ang ospital. Kung gano'n ay nangyari nanaman 'yon. Napangisi ako noong maisip ang aking kahinaan. I am so weak... I told myself that I will never be here again but here I am. Pero sino naman ang nagdala saakin dito? Wala akong kasama... Wala rin akong mga kaibigan. Kaya sobrang nagtataka ako kung paano ako napunta dito. Umupo ako at tiningnan ang paligid. Nasa-kwarto isa akong kwarto ng ospital. Naka denim shorts pa rin ako at black t-shirt. "So you're awake..." Natigilan ako noong narinig ang boses na 'yon. My heart started to beat faster again because or nervousness. I feel anxious and terrified whenever I heard her cold voice. Napayuko ako at kinagat ang labi ko. I don't want her to know that I feel nervous and afraid when she's around. "Why are you here?" Tanong ko sa kanya. I heard her tsk-ed. "Your guy friend called me. I thought that you're dying, that's why I came here immediately. Too bad you're not. I feel excited for nothing..." Parang nadurog ang puso ko sa milyon-milyong piraso dahil sa sinabi nya. It freaking hurts. Alam ko naman na galit sya saakin pero dapat ba nya ba 'yong sabihin sa kapatid nyang nasa ospital? What a merciless person. Sana ay hindi na lang sya pumunta rito kung gano'n. She really want me to die, e? But what did she said? A guy friend? I don't have any guy friend so who the hell is he talking about? 'Wag nyang sabihin na may nakikita syang 'di ko nakikita? Napalunok ako at sumandal sa kama para pakalmahin ang sarili ko. "I think that I just felt an extreme anxiety and that's why I past out. Nothing serious. It always happens because of my depression." Mahina syang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. Naisarado ko ang kamao ko dahil sa inis. She stil see my depression as a joke. Hindi ko naman kasalanan 'yon! Hindi ako nag-iinarti. Sobrang dami kong pinagdadaanan at hindi nya alam 'yon. Maybe having a depression sounds ridiculous for others but it's fvcking damn serious! "Ayan ang napapala mo dahil sa pagrerebelde mo. Don't give your depression as a excuse..." Naramdaman kong tumayo sya at huminga ng malalim. "I'm leaving." Umalis sya pagkasabi nyo no'n. I was about to close my eyes when I heard someone enter the room. Napaawang ko ang labi ko noong makita kung sino 'yon. Ngumiti sya saakin at agad akong linapitan. Umupo pa sya sa harapan ng kama kung saan ako nakasandal. "Gabriel?" Nagtataka kong tanong sa kanya habang nakakunot ang noo ko. "What are you doing here?" Mas lumawak ang ngiti nya. "Ako ang nagdala sa'yo rito. Susunduin kasi sana kita para sabay tayo pumasok sa school pero naabutan kitabg nanginginig habang walang malay." Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng hiya. I want to ask him why he's doing this but I kept my mouth shut. Totoong ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao lalo na sa mukhang gangster na ito pero, medyo karamihan na ang nagawa nyang kabutihan saakin. I'm don't feel thankful or anything... Because I didn't ask him to help me or do this to me. It's his choice to do this so I won't thank him. Ayokong nagpapasalamat sa ibang tao. "You called my sister? Did you know her?" I asked because of curiosity. Mas lalo tuloy akong nagtaka noong natigilan sya at umiwas ng tingin. "Did you know that I'm her sister...?" Hindi nya na kaylangan sagutin ang tanong na 'yon dahil sinasabi na nya ang sagot sa pamamagitan ng kanyang expresyon. She knew her, hindi na nakakapagtaka dahil ilang taon na rin naman akong walang alam tungkol sa kapatid ko. Kung ano man ang relasyon nilang dalawa, wala na akong pakealam do'n. Napailing na lang ako dahil sa expresyon nya. Ngayon ko lang rin napansin na may itinurok saakin sa aking kamay at alam ko na kung ano 'yon dahil madalas itong itusok saakin dati kapag nagkakaroon ako ng anxiety attack. Tatayo na sana ako sa kama pero pinigilan ako ni Gabriel. "Saan ka pupunta?" Sinamaan ko sya ng tingin. "Sa school?" Kumunot kaagad ang noo nya at umiling-iling. "Hindi pwede. Kaylangan mong magpahinga. At saka anong oras na--" "I have my ways. And don't worry because what happened to me is not anything serious..." Binigyan ko pa sya ng mataray na tingin. "Geez... Why are you acting like a protective boyfriend? Sino ka ba para sundin ko?" Nanliit ang kanyang nga mata at umiwas ng tingin. He's blushing again. Inirapan ko na lang sya at tumayo para umalis. Paalis na sana ako pero muli nyang tinawag ang pangalan ko. Huminto ako sa paglalakad para marinig ang sasabihin nya pero hindi ko sya liningon. Natahimik sya ng ilang segundo. Handa na sana akong sigawan sya dahil sa pagaakalang pinagtritripan nya ako noong bigla syang magsalita. "Huwag ka nang pumasok sa school..." Seryoso ang pagkasabi nya no'n saakin pero nakayuko sya kaya hindi ko makita ang expresyon ng mukha nya. Gusto ko syang tanungin kung ano ang ibig nyang sabihin pero mas pinili kong hintayin ang susunod nyang sasabihin. Napalunok sya at isinarado ang kamao nya na para bang doon sya humuhugot ng lakas para masabi ang sinabi nya. "P-Pwede bang... Samahan mo akong... Pumunta sa isang arcade?" Namula pa ang tenga nya. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nya. Kinagat ko kaagad ang dila ko para mapigilang ngumiti o matawa ng malakas. "W-What?" Natatawang sabi ko. Gusto nyang pumunta sa arcade kasama ako? Isip bata...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD