Chapter 07

2339 Words
Zein's P.O.V. "Welcome to Tom's World, Zein Patricia Velasquez! The place of happiness and joy!" Itinaas pa ni Gabriel ang kanyang mga kamay noong isinigaw 'yon. Dinala nya ako sa isang mall para lang pumunta sa isang arcade at maglaro? Lahat ng tao ay napatingin saamin dahil sa baliw kong kasama. May mga tumawa pa at nagbubulong-bulungan at sigurado ako na dahil nagwagwapuhan sila sa kasama ko. May mga malalandi pang kinikilig at inipit ang kanilang buhok sa kanilang tenga. Mga gaga. Halata naman na grade seven pa lang sila pero ang lalandi na. Ikinunot ko na lang ang noo ko at inirapan sya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano nya ako napapayag na sumama rito. Hindi ko inakalang magsasayang ako ng oras para lang samahan ang lalaking mukhang ganster na 'to. "Mga isip bata lang na gaya mo ang magsasaya rito..." I said with a matter-of-fact tone. "Gago ka ba?" Agad naman syang napanguso at dahan-dahang ibinaba ang kamay nya. Tumingin pa sya saakin na para bang nagapapa-cute. Napangiwi pa ako dahil sa itsura na ginawa nya. "Ang kill joy mo, Zein!" Sinamaan ko sya ng tingin. "Did you just raised your voice at me, Mr. Gabriel Gonzales?" I laughed sarcastically. "Sinasabi ko ang totoo. Para sa mga bata lang naman ang lugar na 'to." Umiling-iling sya na parang sinasabi na mali ang sinabi ko. Tinaasan ko sya ng kilay dahil doon. "Hindi lang naman para sa ma bata ang lugar na 'to, 'no! Pwede rin sa mga matatanda 'yon. Normal lang sa mga high school students ang maglaro dito." Itinuro nya pa ang grupo ng mga lalaking naka-uniform sa loob ng arcade. "Hindi mo ba nakikita 'yon? Mga kaidad lang natin sila." Tinaasan ko naman sya ng kilay. "And I'm sure na isip bata rin sila katulad mo." Nawala naman kaagad ang ngiti nya at binigyan ako ng nagtatampong tingin. Muli akong ngumiwi. Hindi ko na sya hinintay na magsalita pa, agad akong tumalikod para maglakad umalis... Pero natigilan ako noong tinawag nya ang pangalan ko at may sinabi saakin. "Zein! Baka kaya ayaw mo maglaro kasama ako dahil hindi ka marunong maglaro ng mga games rito?" Agad akong lumingon pabalik sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. "Hinahamon mo ba ako, Mr. Gonzales?" Agad syang ngumiti at tumango-tango. Hindi nya ba alam na expert ako sa arcade noong grade seven pa lang ako? Ako ang palaging kasama ng mga kaibigan ko kapag pumupunta sa arcade. They even called me queen of arcade back then! "Fine." Mas lalong lumawak ang ngiti nya dahil sa sinabi ko. Naglakad sya papalapit saakin at hinawakan ang kamay ko. Bago pa ako maka-react, hinila nya na ako papasok sa loob ng arcade. Napansin ko ring nagbubulong-bulungan ang mga tao doon habang nakatingin saamin. Parang kinikilig pa sila sa kanilang nakikita. "Mag-jowa ba sila? Ang cute!" "Bagay silang dalawa! Mukha silang artista!" "Pero may mga sugat 'yung babae sa kamay, oh! Parang hiwa!" Natigilan ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Nakalimutan kong naka-maong shorts at black t-shirt pa rin ako kaya nakikita ang mga sugat ko sa kamay. Napansin rin ni Gabriel ang paghinto ko sa paglalakad. Nagtataka syang tumingin saakin kaya napayuko ako. Binitawan nya ang kamay kong hawak-hawak nya. Natigilan ako nong maramdaman na inilagay nya ang jacket nya sa likod ko. Agad akong napatingin sa kanya habang nakaawang ang aking labi. Ngumiti sya saakin at kinindatan ako. "Suotin mo 'yan." Kinagat ko ang labi ko para pigilang mapangiti sa ginawa nya. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil sa tingin ko ay nakakaramdam ako ng saya. Hindi ko dapat maramdaman ito. Wala lang ito. Naninibago lamang ako dahil ngayon lang ulit na may taong naging mabuti saakin. Oo, 'yun lang 'yon. Nagpaalam sya saakin na bibili para bumili ng coins. Nanatili lang ako kung nasaan ako nakatayo ngayon at isinuot ang itim na jacket ni Gabriel. Napapikit ako noong maamoy ang pabango ng isang lalaki na naamoy ko rin noong dinala nya ako sa bahay niya. Iminulat ko ang aking mga mata nong na-realize ang ginagawa ko. Para akong baliw na inaamoy ang jacket nya, ano ba ang nangyayari saakin? Naramdaman kong nag-init ang aking pisnge dahil nakaramdam ako ng hiya. "Zein!" Pagtawag saakin ni Gabriel kaya agad akong napatingin sa kanyang dereksyon. Kumakaway-kaway sya saakin habang nakangiti. Sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya. Ipinag-krus ko ang aking kamay at naglakad papalapit sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. "Laro tayo ng air hockey. Tingnan natin kung sino ang mananalo." May panghahamon pa ang tono nya habang sinasabi 'yon. Itinuro nya ang isang air hockey table at hinawakan ang kamay ko para hilain ako papunta doon. Nag-insert sya ng dalawang token at nalaglag ang pulang puck sa pwesto ko. Agad ko itong kinuha at matalim na tumingin kay Gabriel na nakangiti at halatang nae-ecxite. Mahigpit kong hinawakan ang air hockey p****r at mabilis na ini-slide ang puck sa kanya. Agad naman itong nahulog kay Gabriel. Napakurap-kurap pa sya dahil sa nangyari. Dahan-dahan nya akong tiningnan at pilit na ngumiti. "Ang galing. Ang bilis no'n ah?" Bahagya pa syang tumawa. "Naka-tsamba ka." Itinaas ko ang isa kong kilay. "Tsamba...?" May pagmamayabang pa ang tono ko. Nawala ang ngiti nya. Nakita ko pang umigtinf ang panga nya at napalunok. Yumuko sya para kunin ang puck at agad itong ipinadulas saakin, pero agad ko itong nasalo at ipinadulas rin sa kanya... Nahulog ito kaya nadagdagan nanaman ang points ko. Gano'n ang ginawa namin hanggang sa matapos ang oras namin kakalaro. Wala syang panalo dahil ako palagi ang nakakahulog ng puck sa side nya sa bawat tira ko. Ngumuso na lang sya at napakamot sa batok nya. "N-Ngayon lang kasi talaga ako naglaro nyan kaya ako natalo..." Nahihiyang sabi nya at umiwas ng tingin. Napangisi ako, halata naman kasi na nagsisinungaling lang sya. Yinaya nya naman akong maglaro sa isang basketball arcade machine. Sobra pa ang ngiti nya habang nagi-insert ng token sa machine. Agad na bumaba ang mga bola at nagsimula na rin tumakbo ang oras. Pinanood ko lang sya dahil hindi ako marunong mag-shoot at alam kong mapapahiya lang ako kapag sinubukan ko 'yon. Sunod-sunod rin ang pag-shoot ni Gabriel kaya laging nadadagdagan ang points nya. Nararamdaman ko rin ang mga babae at lalaking estudyante na nanonood sa kanya sa aming likuran. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga babae, ang galing daw ng kasama ko. Nagtatalo pa sila kung lalapitan ba nila si Gabriel para makipagkilala-- or should I say, para makipaglandian--o hindi. Napairap na lang ako at muling tiningnan si Gabriel. Napatingin rin sya saakin at ngumiti no'ng magtama ang tingin namin. My heart skipped a bit. Naramdaman ko nanaman na nag-init ang pisngi ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin para hindi nya 'yon mapansin. "Zein, tumira ka rin." Umiling-iling ako at pilit syang tiningnan. "I don't play basketball. Hindi ako marunong." "Ah..." Lumapit sya saakin at hinawakan ang kamay ko. "Tuturuan kita." Tatangi pa sana ako pero nahila nya na ako. Ibinigay nya saakin ang bola at pumunta sa aking likuran para gabayan ako sa pag-shoot ng bola. Iniipit nya ang buhok ko sa tenga ko at inilapit ang bibig nya dito para ibulong saakin ang mga dapat kong gawin. Naramdaman ko ang init ng hininga nya saaking tenga kaya bahagya akong napapikit, pero agad akong napadilat nong hawakan nya rin ang kamay ko para turuan ako. Maayos naman ang pagpapaliwanag nya pero hindi ko ito mapakingan dahil ang malakas at mabilis lang na t***k ng puso ko ang naririnig ko. I don't know why he's making me breathless. "Naiintindihan mo ba, Zein?" Tanong nya kaya agad akong nabalik sa realidad. Lumayo na sya saakin kaya nakahinga na ako ng maayos at medyo kumalma na ang puso ko. "I-try mo na i-shoot." Kahit wala akong naintindihan ay tumango-tango ako. Iniayos ko ang sarili ko at sinubukang i-shoot ang bola. Na-shoot ko naman ito at saktong natapos ang oras. "Ayun!" Natutuwang sigaw ni Gabriel kaya napalingon ako sa kanya. Para syang batang tumatalon. Lumapit sya saakin para makipag-apir, nagdadalawang isip pa ako kung itataas ko ba ang kamay ko para makipag-apir sa kanya o hindi... Pero sa huli ay ginawa ko ito. "Ang galing mo, Zein." Napailing-iling na lang ako at bahagyang ngumiti. "Ang OA mo. Madali lang naman 'yon kaya ko nagawa." Natigilan sya na para bang may sinabi o ginawa akong nagpamangha sa kanya. Dahan-dahang naglaho ang ngiti at umawang ang labi nya na para bang nakakita ng isang dyosa. I furrowed my brows. "Bakit?" Tankng ko sa kanya. Did I do something to make him stunned? Am I that awesome? "Ngayon lang kasi kita nakitang nakangiti. Palagi ka kasing nakasinangot sa harapan ng lahat." Muli nanaman syang ngumiti. Natigilan ako at nawala rin kaagad ang ngiti ko. Ano ba ang nararamdaman ko at bakit ako nakakaramdam ng saya kasama ang lalaking ito? "Teka, teka! Bakit ka nanaman sumimangot? Ang ganda na kaya ng ngiti mo." Ngumuso nanaman sya. "Ulitin mo 'yon. Ngumiti ka dali. Pipicturan kita at ipapakita ko sa mga kaklase nating galit sa'yo ang maamoy mong itsura kapag nakangiti ka. Papatunayan ko sa kanila na hindi ka naman talaga demonyo kahit na demonyo ang ugali m--" "Ulol!" Iritang pagpuputol ko sa kanya kaya sya natawa. "Joke lang, 'yon." Natatawang sabi nya kaya inirapan ko sya. "Laro naman tayo ng claw machine." Hindi na ako nagulat noong hinila nya ako papunta sa machine na 'yon. Marami pa syang natitirang coins kaya sigurado ako na marami pa syang malalaro kasama ako. Robot ba ang lalaking ito kaya hindi napapagod? "Alam mo, magaling ako rito. Kaya kong makakuha ng dalawang stuffed toys sa isang try." Pagmamayabang nya at itinuro ang mga stuffed toys sa loob ng machine. I laughed sarcastically. "Then do it. Show me what you got, Mr. Gonzales. Huwag kang puro salita." Panghahamon ko sa kanya at muling nag-crossed arms. Mayabang syang ngumiti. Mayabang syang nakatingin saakin habang in-insert ang token. Siniguro nya munang nakatapat na ito sa stuffed toy na gusto nya bago nya pindutin ang button. May nakuha itong isang minions kaya napasigaw sya sa tuwa dahil sa pagaakalang makukuha nya na ito, pero agad rin itong nalaglag kaya napasabunot sya sa kanyang ulo dahil sa inis. Mukha na syang nagluluksa. "Tsk. Akala ko ba kaya mo?" Napatingin sya saakin. "Gusto mo bang ulitin ko sa'yo ang sinabi mo saakin kanina?" Inaasar ko syang tiningnan. Bahagya syang tumawa at umiling-iling. Sobrang halata na peke ang tawa nya at may halong inis. "Ayaw ko kasi ng minions kaya ko binitawan." Ako pa talaga ang lolokohin nya? Napakabobo nya magsinungaling. Pinabayaan ko lang sya maglaro ng maglaro at palagi syang nabibigo. Halata ang inis na nararamdaman nya dahil kulang na lang ay sipain nya na ang claw machine kapag nahuhulog ang stuffed toy na gusto nya. Naiinip na rin ang mga nakapilang gusto ng maglaro dahil sa kanya. "Isa na lang talaga." Bulong nya at iniunat ang kamay nya habang madilim na nakatingin sa claw machine. Para lang syang nakatingin sa isang kalaban na gustong-gusto nyang patayin. I tsk-ed. "Gago. Sinasayang mo lang ang oras mo. Tanggapin mo na kasi sa sarili mo na hindi mo kaya. Hindi mo kayang kunin kung ano man ang gusto mo sa claw machine na 'yan." Itinuro ko ang mga batang nanonood saamin. Agad silang umiwas ng tingin noong tumingin kami sa kanila. "They want to play too. Baka nga sila pa ang makakuha--" "First time ko nga kasi maglaro nyan kaya--" "Masama ang magsinungaling." "Sabi ko nga palagi talaga ako pumupunta rito para maglaro ng claw machine pero palagi lang nauubos ang pera ko dahil wala akong nakukuha." Inirapan ko na lang sya at mayabang syang tiningnan. "Hindi ka naman pala marunong--" "Mahirap kaya, Zein! Kahit ikaw pa ang sumubok, e!" Para syang batang nagmamaktol. "Ayoko." Umiling-iling sya. "Sayang 'yung dalawang token na natira kung hindi natin gagamitin. Subukan mo lang, Zein at kapag may nakuha ka... Idol na kita." Itinuro nya pa ang mga stuffed toy sa loob ng machine. Naiinis akong tumingin rito. "Ayoko. Pangbata lang naman---" Natigilan ako dahil sa nakita ko. Dahan-dahang umawang ang labi ko at siniguradong tama nga ang nakikita ko. May tatlong hello kitty stuffed toy sa loob ng machine. Hello Kitty. Hello Kitty. "Zein--" "I've changed my mind." Ibinukas ko ang palad ko para hingin ang natitirang token. "I'll play." Lumawak ang ngiti nya na para bang hindi sya naniniwalang makukuha ko ito at ibinigay saakin ang dalawang token. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, ininsert ko na kaagad ang token at nagsimulang maglaro. Pinigilan ko ang ngiti ko noong makakuha ang tatlong stuffed toy. Inaasahan kong isa lang ang makukuha ko pero dahil magkakadikit 'yon, nasama rin ang dalawa. Magkatulad ang sizes nila pero magkaiba ang color ng ribbon... Red, purple and pink. "Wow." Narinig kong bulong ni Gabriel. "Tatlong stuffed toy sa isang try?" Napangisi ako at kinuha ang tatlong Hello Kitty stuffed toy. "Pahingi--" "No." Pagpuputol ko sa kanya at isinubsob ang mukha ko tatlong stuffed toy na hawak ko. "These are mine." "Pero ako ang bumili ng tokens--" "At ako ang nakakuha." Hindi ko na hinayaang makapagsalita sya. Naglakad na ako palabas ng arcade habang hawak ang tatlong malalambot na 15 inches Hello Kitty stuffed toy. Yey! I have another Hello Kitty stuffed toys today! My babies! Pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngumuso na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. I know that I'm blushing now because of joy. Lumalambot talaga ang puso ko tuwing nakakahawak ng Hello Kitty na bagay... I can't help to act like a baby when I'm seeing Hello Kitty and that is one of my weakness. Hello Kitty! (◍•ᴗ•◍)❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD