Chapter 08

2456 Words
Zein's P.O.V. "Zeinnn!" "Tumigil ka na, Gonzales!" "Zein! Papasok kasi ako! Sayang 'yung pagpunta ko rito! Zein!" "Putangina mo Gonzales!" Sigaw ko sa kanya at hinampas ang pintuan ng condo ko. Sino ba kasi ang nagsabing pumunta sya rito? Hiniling ko ba 'yon? Naiinis na nga ako dahil kinuha ni Ate ang motor ko na ipinark ko sa mall... Parusa nya raw 'yon dahil sa bisyo ko at hindi nya daw 'yon ibabalik hangga't hindi ako tumitino at pumapayag sa gusto nya. Mas mabuti na lang na kunin nya 'yon kaysa naman kontrolin nanaman nila ang buhay ko. Pero nang gagamitin kong sasakyan? Sigurado akong matatagalan ako kung sa jeep pa ako sasakay. Nakakainis talaga ang mukhang gangster na 'to! Nagising ako ng maaga dahil naging maganda ang mood ko. Syempre, nadagdagan ang Hello Kitty collections ko kaya para akong naging maamong tupa. Binalak kong pumasok ng maaga at mag-aral ng mabuti ngayong araw habang sinasaniban pa ako ng santo. Pero nakakainis lang talaga dahil panira ng araw ang mukhang gangster na ito. Maaga syang pumunta rito para sunduin ako at magsabay kami papuntang school. Gago ba talaga sya!? Iniwanan ko sya kahapon sa mall ng hindi man lang nagpapaalam, paano nya nagagawang pumunta pa rin dito para sunduin ako!? Hindi ba dapat ay mainis na lang sya at iwasan ako? Ano ba ang kaylangan ko gawin para layuan ako ng lalaking ito? Ayaw ko syang makita. Ayaw ko syang makasama. Ayaw ko marinig ang boses nya. Ayaw ko lahat ang tungkol sa kanya. I fvcking hate him and why he can't understand that? Dahil ba 'yon kahapon? Dahil sumama ako sa kanya sa isang arcade? Walang ibig sabihin lahat ng 'yon. Siguro ay na-carried away lang ako dahil gusto ko kalimutan ang lahat ng sinabi ni Ate Angelica kahit sa sandaling panahon lang. I admit that I have fun and that's why I'm ignoring him now. I can't stay with him or else... I don't deserve to have fun. I don't deserve to be happy for a long time. This is my punishment and I accepted it ever since my Mom died. "Zein naman, eh. Promise hindi ko na bibilisan ang pagpapatakbo ng motor ko, sumabay ka lang sa'kin sa school." Sigaw nya sa labas ng aking condo. Napairap na lang ako at padabog na umupo saaking sofa. Sumandal ako at huminga ng malalim at tsaka kinuha ang bag ko sa lamesa para kun in ang music player ko. Bahala nang ma-late, kaysa naman makasabay ko ang mokong na 'yon. Baka isipin pa ng ibang tao na makakakita saamin ay may relasyon kami. Baka mapaaga ang pagpatay ko sa sarili ko kung nagkataon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at isinaksak ang earphone ko sa aking tenga. Linakasan ko ang volume para hindi ko na marinig ang lalaking 'yon na isinisigaw pa rin ang pangalan ko habang kumakatok. Mahuli sana sya ng security. Halos isang minuto rin ang tinagal no'n at naka-tatlong kanta ang napatugtog ko. Bago pa ako antukin, tumayo na ako at isinabit ang bag ko sa aking balikat para pumasok. Wala naman na akong naririnig na boses mula sa labas kaya sa tingin ko ay wala na do'n si Gabriel. Pwede na ako lumabas. Napahinga ako ng maluwag no'ng hindi bumungad saakin si Gabriel noong binuksan ko ang pinto. Wala na talaga sya. Mabuti naman dahil-- "Ang tagal mo." Natigilan ako no'ng marining ang boses nya. Napatingin ako sa aking gilid at nakita syang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Agad syang tumayo at pinagpagan ang sarili nya. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya habang ginagawa nya 'yon. Tumingin rin sya saakin at ngumiti. "Bakit ka pa nandito?" "Hinihintay kita." Sagot nya at mas ngumiti pa. Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa ngiti na 'yon. "Halika na. Baka ma-late pa tayo. Si Miss Sungit pa naman ang first subject natin." Hindi ako makapagsalita. May nararamdaman akong hindi ko maintindihan pero alam kong delikado ang pakiramdam na 'yon. Hindi rin ako makakilos at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Kino-control ng ngiti nya ang katawan ko. "Tara na!" Masiglang sabi nya at hinawakan ang kamay ko. "Sandali lang--" Hindi nya na ako hinayaang makapagsalita pa dahil hinila nya na ako at tumakbo. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak habang tumatakbo palabas ng condominium building. Nakaawang lang ang labi ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan habanh sya ay nakangiti pa rin. Gano'n lang ang itsura namin hanggang sa makapunta kami sa parking area kung nasaan ang motor na dala nya. "Suotin mo 'to. For safety." Iniabot nya saakin ang helmet na itim na isinuot ko rin noong isang araw. Napatulala lang ako dito at tila wala ako sa sarili. "Zein?" Pagtawag nya sa pangalan ko kaya napabalik ako sa realidad. "Oh..." Napaiwas ako ng tingin. Aabutin ko na sana ang helmet na 'yon pero bigla nyang iniwas 'yon saakin. Agad na sumama ang tingin ko sa kanya. "Gago. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo--" Natigilan ako no'ng hinawakan nya ang kaliwa kong kamay at mahina akong hinila palapit sa kanya. Ngumiti sya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya. "Ang g**o nh buhok mo." Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Ganyan naman talaga ang buhok ko, ano bang pakealam nya? "Tsk. Gago." Marahan kong inalis ang kamay nya sa buhok ko. Mahina syang napatawa. Isusuot nya sana saakin ang helmet pero agad ko 'yong inagaw sa kanya at isinuot sa sarili ko. "Ako na. Baka mali pa ang gawin mo." "Sus. Gusto mo rin naman palang mag-sabay tayo pumasok, pakipot ka pa." "Excuse me?" I laughed sarcastically. Ang kapal talaga ng mukha nya para isipin 'yon, 'no? "Ikaw nga ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ng maaga. Alam mo bang gumising ako ng maaga dahil nagkaroon ako ng magandang mood at naisipan kong pumasok ng maaga? Tapos ngayon sisirain mo lang 'yon?" Napanguso sya at bahagyang yumuko. "Sorry na..." I stk-ed. "Huwag ka nang mag-sorry. Ayokong makisabay sa'yo pero mas lalo namang ayokong ma-late ngayong araw. Kaya sige... Papayag akong sumabas sa'yo sa motor mo. Pasalamat ka talaga dahil wala ang motor ko ngayon kaya wala akong masasakyan." Ayaw ko rin naman kasing gumastos ng pamasahe. Sayang rin 'yon... Pang-alak at sigarilyo na rin 'yon. Kaagad syang ngumiti dahil sa sinabi ko. Sumakay na sya sa motor at sinenyasan akong umangkas rito. Napairap na lang ako at umangkas sa likuran nya. Iniharang ko ang bagpack namin sa pagitan namin at kumapit sa likurang bahagi ng motor. "Ngayon na lang ulit mangyayari 'to." Inis kong sabi. "Baka isipin pa ng iba ay may relasyon tayong dalawa. Malalagot ka talaga saakin kung nagkataon. "Meron naman tayong relasyon..." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Magkaibigan. Magkaibigan tayo." Sumama kaagad ako noo ko at marahan syang binatukan sa ulo. Napa-aray sya dahil dito. "Hindi kita kaibigan. Hinding-hindi kita magiging kaibigan." He chuckled. Napansin kong may binulong sya saakin pero hindi ko 'yon narinig. Napairap na lang ako dahil dito. "Kumapit ka, ha?" "Nakakapit na ako sa likod. Huwag mo nang asahang kakapit ako sa likuran mo. At subukan mo ring bilisan ang pagtagbo mo ipapasundo kaagad kita kay Satanas." Napatawa sya dahil dito at nagsimula nang magpatakbo ng motor. Buti na lang talaga ay matino nyang ipinatakbo ang motor, hindi katulad ng dati na daig nya pa ang isang racer kung magpatakbo. Mabilis kaming nakapunta sa school at salamat nalang dahil meron pang natitirang thirty minutes bago mag-umpisa ang klase. Agad akong bumaba ng motor noong huminto ito. Marahan kong tinangal ang suot kong helmet at ibinato ito sa kanya na nasala nya naman. Naramdaman ko ang tingin ng ibang tao saamin, nagsimula na rin silang magbulong-bulungan ng mga walang kwentang bagay. Mga chismosa. Napairap na lang ako at naglakad papasok ng school building. Narinig ko ang tawag ni Gabriel saakin pero hindi ko na sya pinansin o liningon man lang. Nanatili lang akong naglakad na para bang walang naririnig. Mas binilisan ko ang lakad ko noong mapansing hinahabol nya ako. Ang kulit nya talaga! Mas pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Para akong pusa na hinahabol ng isang aso. Halata rin ang malaking pagtataka at gulat sa itsura ng mga nakakakita saamin... Kilala nila ako dahil sa talino at ganda ko kaya masasabi kong sikat talaga ako sa lugar na 'to. Do they love me? Of course not. They actually call me b***h here. Mukhang mas sisikat pa ako dahil sa chismis na kakalat ngayon. Maingay ang buong klase noong makapasok ako sa classroom namin. kong inilagay ang bag ko sa school armchair at umupo dito. Sakto rin ang pagpasok ni Gabriel na medyo hinihingal pa. Napatingin sya saakin at ngumuso, napairap lang ako at isinaksak ang earphone ko sa tenga. "Ang sungit mo talaga, Zein..." Lumapit sya saakin at umupo sa tabi ko kung san sya naka-pwesto. Alam kong nakaharap at tingin sya saakin at nakikita ko ring nakangiti sya sa pamamagitan ng peripheral vision ko. "Snobber." Naiinis ko syang tiningnan at hinila ang earphone ko sa aking tenga. "Stop looking at me. You're pissing me off." Mas lumawak ang ngiti nya at inilagay ang palad nya sa mukha nya. "Naiinis ka? Pero kahapon sa mall ang saya-saya mo. Bakit biglang nag-bago ang ugali mo? Akala ko ba--" "NAG-DATE KAYO!?" "HALA! MAG-SYOTA NA BA KAYO?" "Sabihin mo Gabriel, anong ginawa mo para mapalambot ang pusong bato ng isang Zein Patricia Velasquez?" "Gunayuma nyo ang isa't isa 'no?" Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakikinig ang mga kaklase namin sa usapan naming dalawa. Ngayon ay nagsilapitan sila samin para tanungin kami ng kung ano-ano. Putagina. Akala ko magiging maayos ang araw ko ngayon. Hindi lang pala si Gabriel ang bwebwisit ng buhay ko ngayon, pati pala ang buong klase. "Magsitahimik na kayo! Go back to your seat!" Sigaw ng class president naming si Elizabeth at hinampas ang blackboard para kunin ang atensyon naming lahat. Pero walang sumunod sa kanya. Hindi nila pinansin si Elizabeth at patuloy lang na nagdadaldal saamin. Handa na sana akong tumayo para sigawan silang lahat pero biglang sumigaw ang spy namin sa pinto na si James at sinabihan kaming dadating na si Ma'am. Agad silang bumalik sa kanila-kanilang pwesto at umarting anghel. Nasabihan tuloy sila na mabait na estudyante dahil do'n. Nagsimuka nang magturo si Ma'am pero patuloy pa rin ang pangungulit ni Gabriel na hindi ko naman pinapansin. Kukunin ko na sana ang libro ko sa bag pero may naramdaman akong masamang tingin. Napangisi ako dahil sa iniisip ko. Mukhang kaylangan kong ihanda ang sarili ko para mamaya. ... "Anong ulam mo Zein? Meron akong juice, gusto mo?" Tanong ni Gabriel at ipinakita saakin ang isang transparent tumblr. Kanina ko pa sya iniiwasan. Kanina nya pa rin akong kinukulit na sumabay sa kanya mag-bangs. Halos isigaw ko na sa lahat na ayaw kong makasama sya pero wala syang pakealam. Halos naikot ko na yata ang buong school building para taguan sya pero palagi nya pa rin akong nahahanap. Napagod na lang ako at walang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nya. Mas lalo tuloy kumakalat ang fake news na boyfriend ko ang mokong na 'to. Kadiri! "Tanga ka ba o nagtanga-tangahan?" Iritang sabi ko. "Bakit?" Tanong nya. Napairap ako at marahang inagaw sa kanya ang bote. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang gatas 'to? Puti oh. Puti." Napaawang ang labi nya at muling kinuha ang bote saakin. Binuksan nya ito at inamoy. "Hehe. Bear brand milk pala. Akala ko kasi buko juice." Nag-peace sign sya saakin at inilagay at ininom 'yon. Hindi ko mapigilang mapatingin sa adam's apple nya habang ginagawa nya 'yon. "Ang sarap ng gatas." Tumingin sya saakin at ngumiti. "Gusto mo?" Napaiwas kaagad ako ng tingin at tumayo. I'm starting to feel it again. "Mag c-cr lang ako. Baka sumunod ka pa ha? Huwag mo masyadong ipahalata na manyak ka." Pumunta ako sa ladies comfort room at agad na hinugasan ang kamay ko gamit ang tumatakbong tubig. Inipit ko ang buhok ko sa aking tenga at tumingin sa salamin. What's happening to me? Napabuntong hininga ako. Lalabas na sana ako pero may tatlong babaeng pumasok ng cr. Alam ko na kaagad ang mangyayari no'ng nakita ko sila. "Lock the door, girls." Sabi ni Elizabeth sa mga kasama nya na kaklase ko rin. Agad naman nilang sinunod si Elizabeth at mataray na humarap saakin. "What do you want, miss class president?" Itinaas ko pa ang kilay ko. "I just want to talk--" "Hawak ko ba ang dila mo? Kaylangan mo bang puntahan ako para lang makapagsalita?" I asked sarcastically. Sinamaan nya ako ng tingin. "Are you stupid--" "That's what you called sarcasm. And how dare you to call me stupid... Hindi mo nga kaya makalahati ang average ng academic score ko." Pagmamayabang mo sa kanya. Her face darkened even more. Hindi sya nakapagpigil. Lumapit sya saakin at kwinelyuhan ako. Nanlalaki ang mata nya dahil sa inis at sinampal ako. "Malandi ka na nga, mayabang ka pa. Ilang bote bang gayuma ang ipinainom mo kay Gab para mapansin ka nya. I laughed sarcastically. "Oh. So you're jealous?" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Nagseselos ka? Anong karapatan mo? Kayo ba?" Natigilan sya sa sinabi ko. Para syang bulkan na sumasabog. Ibang-iba ang itsura nya ngayon sa itsura na kilala ng lahat. Elizabeth Gozon is the angel of our class. Ako nga lang ang nakakaalam sa tunay nyang ugali dahil palagi nya akong kinaiingitan. Sa bagay, hindi ko naman sya masisi dahil boobs lang naman ang lamang nya saakin. "You..." Sasampalin nya na sana ako pero inunahan ko sya. Napatumba sya sa sahig dahil sa sampal na 'yon. Agad naman syang inalalayan ng mga alalay nyang kampo rin ng kadiliman. "You're a b***h!" Sigaw ng isa nyang alila na si Diana. "You're a slut." I smirked and gave them a death glare. "Are you guys trying to be badass girls katulad ng napapanood nyo sa t.v?" Tumawa pa ako. "How childish." "Layuan mo si Gabriel! Mangaagaw!" Ipinag-krus ko ang kamay ko. "Hindi ko malalayuan ang taong kusang lumalapit saakin. Hindi ako mangaagaw lalo na't hindi ko naman sya type. At isa pa, hindi mo naman sya pagmamay-ari kaya wala kang karapatang umarte ng ganito... Sige ka, kapag nainis ako ay baka dalhin agad kita sa impyerno." Inirapan ko sila at lumabas ng CR. Ano ba talagang nagustuhan nila sa mukhang gangster na 'yon? Nasampal tuloy ang maganda kong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD