Gabriel's P.O.V.
"Kapag ang lakaki nanligaw, nahihiya. Pero kapag nanloko, ang kakapal ng mukha!" Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa ginawa ng broken-hearted kong kapatid. Pumunta pa talaga sya sa school ng lasing para dito? Nakakahiya dahil ang lakas ng boses nya kaya lahat ng atensyon ay nasa amin. Lahat sila ay nagtataka kung ano ang nangyayari.
Nandito kami sa cafeteria at hindi ko inaasahang nakapunta sya. Nainis ako ng kaunti kasi nakatakas saakin si Zein ng dahil sa kanya. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagpapasok ang gwardya namin ng lasing eh. Mangugulo lang 'yan dito. "Hehe. Nakita ko lang 'yung line na 'yon sa f*******:. Gustong-gusto ko kasi nakakarelate ako. Gagong Leorando, pinagpalit ako sa panget! Punyeta---"
"Ate! Ang tagal na no'n! Five years na ang nakakalipas ate! Wala kang magagawa, lalaki ang gusto nya!" Sabi ko at tumayo para lapitan sya. "Ate. I know it's hurt but it's hurt because you need to understand that he is a gay." Yinakap ko sya at ipinikit ang mga mata ko. Hinimas-himas ko ang likod nya at yinakap nya ako pabalik. Kawawa naman si Ate. Naloko ng gagong thirty years old na bakla.
Nagsimula na syang humagulgol at yinakap ako ng mahigpit. Napaubo ako dahil sobrang higpit ng pagkayakap nya at muntik na akong mawalan ng hininga. "Ma to-touch sana ako sa sinabi mo, kaso hindi ko maintindihan kasi ang bobo ng english mo." Mas lumakas pa ang iyak nya na para bang batang inagawan ng ice cream.
Para akong sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo dahil sa sinabi nya. Bakit niya sinasabihan ng bobo ang gwapo nyang bunsong kapatid? Hindi bagay saakin ang salitang bobo kasi medyo jeje pakingan. Sana sinabihan nya na lang ako ng stupid para sosyal. "Ang sakit mo naman magsalita, Ate." Sabi ko sa kanya. Malakas rin akong napaiyak dahil nahahawa ako sa sakit na nararamdaman ni Ate. Mas lalong umingay ang paligid dahil sa iyak namin pero wala akong pakealam kahit na pagtawanan kami ng mga nakakakita. Mas importante saakin ang suportahan ang broken-hearted kong kapatid. "Alam ko namang mahal mo ako, Ate. Ramdam na ramdam ko 'yon. Pero sana naman ay wala kang balak na patayin ako..." Napaubo ulit ako kaya natigilan sya. Dahan-dahang lumuwag ang tingin yakap nya saakin at nakanguso akong tiningnan.
"S-sorry bunso." Yumuko sya at napakamot sa ulo nya. "Hindi naman kita papatayin. Napakaganda kong ate tapos papatayin kita? Alam mo namang mala-anghel ang ugali ko 'di ba?"
Tumango-tango ako at pilit na ngumiti. "Oo Ate. Alam ko naman na mabait ka kahit na halos mapatay mo na ang lalaki ng bakla mong boyfriend noong isang buwan. Alam ko namang mabait ka kaya mo ako sinasabihang bobo. Alam ko namang mabait ka kaya-- Aray!"
Binatukan nya ako kaya ako natigilan. Sinamaan nya ako ng tingin, naalala ko tuloy si Zein. "Ginagago mo ba ako, bunso? Gusto mo bang kaladkarin kita pauwi sa bahay at paluruhin ka sa plangganang may asin at monggo!?"
"Sinasabi ko lang naman ang totoo! Alam mo Ate, masyado ka nang istorbo. Famous ako dito kaya-- Aray! Ate tama na! Masama lang kasi talaga magsinungaling! Ayaw ko mapunta sa impyerno! A-Ate, aray!"
Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya kaya pero patuloy nya pa rin akong hinahabol. Hindi ko alam kung bakit ba sya nagagalit, e totoo naman lahat ng sinasabi ko. Paulit-ulit nyang isinisigaw ang pangalan ko para pahintuin ako pero patuloy pa rin akong tumatakbo habang nagdadasal na 'wag akong makain ng isang malaking babaeng leon.
Halos ilang minuto rin ang imabot ng takbuhan namin kaya pareho kaming napagod at sumuko. Muntik pa nga kaming puntahan ng security. Napaupo na lang kami sa pwesto namin kanina para magpahinga.
"Nakakapagod 'yon, ah. Sorry na bunso... At sige, papayagan na kitang sabihin na masama ang ugali ko. Naisip ko na totoo rin naman kaya sige..." Hinihingal pa kaming dalawa.
"Okay, Ate. Basta please lang, huwag mo na akong tawaging bobo dahil hindi bagay saakin ang salitang 'yon. Alam mo ba na sobrang nasasaktan ako Ate kapag naririnig ko 'yon na sinasabi mo?" Hinawakan ko ba ang aking broken hearted. "It really hurts, Ate. Dapat kasi stupid ang itawag mo sa'kin! Masyado akong gwapo para matawag na bobo!"
Binigyan nya ako ng matamis na ngiti at tumango rin. "Sige kapatid ko. Hindi ka na si bobo ngayon. Si stupid ka na simula ngayon."
Agad akong napangiti dito. Ang sarap naman pakingan no'n. 'Di ba ang sosyal ng salitang stupid? Mas gusto ko 'yon kaysa naman tawagin nya akong bobo.
"G-Gabriel..." Tumaas kaagad ang tingin ko at nakita si Elizabeth na nasa harapan ko. Nakayuko sya habang pinaglalaruan ang kamay nya.
Bakit parang nahihiya sya? Gusto nya bang magpagupit ng kuko?
"S-Sino 'yung babaeng kasama mo?" Tanong nya saakin at sumulyap kay Ate. "Girlfriend... Mo ba sya?"
Natawa ako dahil sa sinabi nya kaya napatingin sya saakin. "Hindi. Bakla lang type nyan, eh. At tsaka Ate ko sya."
Para syang nakarinig ng isang magandang balita dahil sa sinabi ko. Deretso syang napangiti at nagnining ang mga mata nya. "Talaga? Ate mo lang sya?" Masigla syang humarap kay Ate at mas matamis na ngumiti. "Hi po Ate! Ako po si Elizabeth--"
"By the way, Gab... Nasaan si Zein?" Tanong saakin ni Ate kaya natigilan si Elizabeth sa pagsasalita. Nawala kaagad ang ngiti nya at bahagyang umawang ang labi nya. "Miss ko na sya, eh. Gusto ko syang makita kasi marami akong gustong sabihin. At tsaka bakit hindi mo sya imbitahin ulit sa bahay para makilala sya ni Papa at--"
"Pumunta na si Zein sa bahay nyo?" Biglaang tanong ni Elizabeth. Medyo natakot ako sa tono ng boses nya dahil para syang nangigigil. Kung kanina ay napakatamis ng ngiti nya, ngayon naman ay parang may nag-iba.
Napangiti ako at tumango. "Oo--"
"Doon sya natulog sa bahay namin noong sabado ng gabi. Sa kwarto ni Gab. Tapos don rin sya naligo, pinaheram ko pa nga sya ng damit kasi wala syang dala. Doon rin sya nag-almusal kasama ang pamilya namin..." Nakangiti syang tumingin kay Elizabeth at ngumisi. "Oh bakit nawala ang ngiti mo? Bakit ganyan ka sa'kin makatingin babae? May problema ba?"
Napakunot ang noo ko. Bakit kaylangan nya pa 'yon ikwento kay Elizabeth eh wala naman syang pakealam don? At tsaka bakit ang sama ng tingin nya kay Ate?
"Wala." Bahagya syang napayuko. "G-Gabriel... Pwede ba kitang makausap? May sasabihin ako--"
"Nasaan ba si Zein? Ikwenento mo sa'kin na palagi na kayong nagsasabay pag nag-lulunch. Bakit hindi na kayo magkasama ngayon."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko dahil sa naalala ko. Oo nga pala! Sinabihan ko syang mag-antay sa rooftop para makapagsabay kami kapag umalis na si Ate! Kasalanan 'to ni Ate! Bakit pa kasi sya pumunta dito? 'Yan tuloy! Anong oras na at sigurado akong hindi na ako hihintayin ni Zein at magagalit pa sya!"
Napatayo kaagad ako. "Oo nga pala! Pupuntahan ko na sya!" Sabi ko at tumakbo papunta sa rooftop.
Malamig na hangin ang bumungad saakin nong binuksan ko ang pintuan kaya hinangin ang buhok ko. Agad kong inayos ang bangs kong hinangin dahil baka may makakita ng malapad kong noo.
"You're 40 minutes late. Dumating ka pa ha?"
Napangiti kaagad ako nong marinig ang napakaganda pero malamig na boses ni Zein. Nasa harapan ko na sya at naka-krus ang kamay nya. Masama rin ang tingin nya saakin pero hindi ko mapigilang kiligin dahil sa titig nya. Mabuti na lang ay nandito pa sya.
Ang bilis nanaman ng t***k ng puso ko. Grabe talaga ang epekto saakin ng magandang babaeng 'to.
"Alam mo bang kanina pa ako naghihintay!? Gago ka ba? Gusto mo pa talaga ako patayin sa gutom!?" Sobrang sama ng tingin nya saakin at halos sugurin nya na ako para suntukin dahil sa inis nya. Sigurado akong matatakot ang lahat ng makakakita sa kanya kung nagkataon dahil mukha syang anghel na sinapian ng kasamaan ngayon. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.
"Salamat sa paghihintay." Yumuko ako para 'di nya mapansin ang pamumula ng mukha ko. "Pero sana hindi ka na lang naghintay at nauna ka na. Sorry... Si Ate kasi--"
"At sinong sinabing hinihintay kita?" Napatingin kaagad ako sa kanya at nag-iwas sya ng tingin. "S-Sino ka ba para pagsayangan ko ng oras? Gusto ko lang sabihin sa'yo na nakakainis ka. Aalis na nga sana ako, eh! Bakit ka pa ba dumating? Sana hindi ka na lang dumating para wala nang istorbo sa'kin." Inirapan nya pa ako.
Pinigilan kong matawa sa itsura nya. Bakit ba kasi ang cute ng itsura nya kapag naiinis at nagsisinungaling.
Bakit ba kasi ayaw nya na lang aminin sa'kin na totoong gusto nya lang talaga akong makasama kaya hindi pa sya umaalis?
Zein's P.O.V.
Gago! Gago talaga ang lalaking 'to! Sobrang nakakainis, bakit ba kasi hinintay ko pa sya? Ginutom ko pa ang sarili ko para sa kanya.
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi ba dapat ay umiwas na ako sa kanya? Pero bakit ba nandito pa din ako at talagang sinayang ko pa ang oras ko para sa kanya?
Ngumiti sya kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis. Linoloko ba ako ng lalaking ito? Bakit ba hilig nya ang ngumiti kahit wala namang dahilan? Nagagawa nya pa talagang ngumiti kahit na pinapatay ko sya gamit ang masama kong tingin at mga salita. "Kumain na lang tayo. Sigurado akong nagugutom ka na.."
Inirapan ko sya. "Talaga. Gutom na gutom na. Alam mo, sa susunod talaga ay hindi na ako magpapauto sa'yo. Hinding-hindi na ulit kita papansinin kahit ano pa man ang gawin mo."
Bahagya syang tumawa at tumango-tango. "Sige, ikaw bahala. Pero hinding-hindi pa rin kita titigilan." Kinindatan nya ako kaya napangiwi ako.
"Ang pangit mo." Pananaray ko at tinalikuran sya.
Nakaupo kami sa malamig na sahig ng rooftop at inilagay ko ang bag ko saaking gitna para takpan ang maikli kong palda. Tahimik lang ako habang kumakain kaming dalawa. Sya naman ay nagkwekwento ng mga bagay na wala naman akong pakealam.
Tumayo kaagad ako pagkatapos kong kumain at inilagay ang lunchbox ko sa aking bag. Huminga ako ng malalim at limanghap ang sariwang hangin sa lugar na 'to.
"Hindi ko maintindihan ang mga taong gustong tapusin ang buhay nila na pansamantalang binigay ng Diyos... Bakit ba nila sasayangin ang buhay nila dahil lang sa problema?"
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "Why are you asking out of the blue?" Tanong ko at itinaas ang kilay ko sa kanya.
He shrugged his shoulders. "Wala lang. Pumasok lang sa isip ko. Nanood kasi kami ni Ate ng movie tungkol sa isang babaeng gusto nang mamatay. Nagtataka lang ako kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na 'yon."
Gusto kong magsalita pero natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging hindi komportable sa sinasabi nya. Bakit nya ba kasi 'yon tinatanong?
"Sa tingin mo... Bakit agad silang sumusuko, Zein?"
Ilang sigundo akong natigilan. Napaiwas ako ng tingin at isinarado ng kamay ko. "Dahil... Ayaw na nilang mahirapan. Sawa na sila. Hindi na nila kaya ang sobra-sobrang nararamdaman nila. Hindi naman 'yan madali, eh. Sobrang hirap..." Sabi ko at ramdam ko ang emosyon ng boses ko. "Gago. Bakit mo ba tinatanong--"
"Ipinako ang Diyos at pinahirapan dahil sa ating mga kasalanan. Lahat ay iginagawa nya para saatin. Paano nila nagagawang tapusin ang buhay nila na inililigtas ng Diyos--"
"Dahil hindi sila ang Diyos, Gabriel. Hindi sila kasingtapang at kasinglakas ng Diyos. Mahihina sila at mga duwag kaya--"
"Kaya ba sumusuko ka na kaagad, Zein?"
Natigilan ako. Ngayon ko lang rin napansin na nanunubig na ang mga mata ko.
"A-Ano bang sinasabi mo?"
Napatingin sya saakin at mapait na ngumiti. "Alam ko ang lahat, Zein. Alam ko ang nararamdaman mo. Alam ko kung gaano kasakit at naiintindihan kita kung bakit mo nararamdaman ang lahat ng 'to..." Huminga sya ng malalim. "Kaya alam kong wala kang kasalanan."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko kahit na hindi ko sya naiintindihan. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya ang lahat ng ito. Parang sumama bigla ang loob ko sa sarili ko.