CHAPTER 24: CLUB

1684 Words
CHAPTER 24: CLUB Waking up in a different world is something I am already used to. Before, I used to inhale the same air with black smoke from the car. Then we suddenly moved to a new place. And then I started to inhale the fresh natural air. And now, I came back to a place where fresh and natural air doesn’t exist. But I don’t complain at all. I choose this and I must stand on my decision. I sigh before I finally get up in bed. I did my morning routine and changed for a comfortable and casual one. Wala nang masyadong pahinga-pahinga dahil ngayong araw mismo ay sasamahan ako ni Aunt Karen sa school na pinapasukan ni Levi. My cousin Levi is just one year younger than me while my cousin Carlo is one year older than me. And they both study on the same school. Kaya naman ay napagpasyahan na doon na lang din ako mag-aral. Their school was private, and I am sure that it is also expensive. Nasanay na ako sa simpleng paaralan lang pero hindi naman ako pwedeng humiwalay ng school dahil hindi rin naman papaya sila Dad. Walang kahirap-hirap na nakapag-enroll ako sa school nila kahit pa ay lumipat ako sa kalagitnaan ng second semester. Mabuti na lamang din at naipasa ko ang transferee examination ng school dahil kung hindi ay hindi ako makakapasok dito. Sa susunod na araw na ako papasok at ako na ang mag-aadjust para sa mga lesson na hindi ko naabutan. Hindi naman iyon problema dahil nag-aaral naman ako ng mabuti sa dati kong paaralan. Kaya naman habang wala pa akong pasok ay naisipan ko na lamang bumili ng bago kong mga notepad at school stuffs. Pagkatapos ay namalagi na lang ako sa bahay ni Aunt Karen at tumulong sa mga katulong nila ng sa gayon ay malibang ako. And it eventually works for me. “Seriously? You don’t look like from a province,” my girl classmate said. “Hindi ba, iyong mga taga-province ay maiitim?” tanong niya kung kaya’t mabilis na tumalim ang titig ko sa kaniya. “Black skin color is not a sin,” I immediately said. “I’m not saying that it’s a sin. But black skin color isn’t beautiful,” she insisted. “Black skin color is beautiful. But your attitude isn’t,” I retorted, and her mouth hangs open. “Leave immediately because I don’t like people who have an ugly attitude like you,” “Says the one who’s rude,” she replied. “Unang araw mo pa lang dito pero mayabang ka na,” “Did I boast something? Or my existence is already a boastful thing in your eyes?” I ask with my brow arching. “Leave,” I ordered again. Napairap na lamang ako nang tatadyak-tadyak siyang lumayo sa aking harapan. Ang mga kaibigan naman niya ay mabilis na sumunod sa kaniya habang ang ibang classmate ko ay awkward na ngumiti sa akin. I only nod at them. Wala naman silang ginagawa kaya wala naman akong dapat na ikagalit sa kanila. Hindi rin naman ako magagalit sa babaeng iyon kung hindi lang sana siya nanglait. All kinds of skin color are beautiful. Every girl is beautiful. Every human is. That’s the thing I learned in the province. Napabuntong-hininga na lang ako ng maalalang sinambit ko nanaman ang lugar na iyon. I came here to forget about that place, but here I am, still thinking about it over and over again. Sa unang linggo ko sa bagong eskwelahan ay wala akong agad na nakasundo. Hindi na ako ginambala pa ng babaeng iyon ngunit madalas nila akong irapan. Pero wala naman akong pakealam. Sa unang linggo ko ay nabato lamang ako sa aking kinauupuan. Sa ikalawang linggo ko naman ay nagsimula ng magpasaring ang mga lalaki kong classmate. At sa bawat paglapit nila sa akin ay mabilis akong naiirita. Tila ba pakiramdam ko ay kasalanan ang matabi sa ibang lalaki. At sa tuwing susubukan kong kumausap ng lalaki ay imahe niya ang agad kong nakikita sa isipan ko. Kaya sa huli ay mabilis din akong bumibitiw sa bawat usapan. Dahil sa lahat ng pagkakataon ay hindi niya tinatantanan ang isip ko. “Club?” dinig kong tanong ni Kuya Carlo sa kausap niya sa cellphone. “So, sa weekend pa pala. Ang aga mo naman mag-aya,” dagdag nito. “Of course, I will come,” I got curious. Hindi ko naman nais makinig pero hindi ko lang naiwasan. But again, I got curious. Dahil hindi lang kay Kuya Carlo ko narinig ang salitang iyon. My classmates were also talking about club and the stuffs there. They talk about their experience in a club. And it looks like everyone already experienced to go on a club. Mukhang ako na lang ang hindi dahil ako lang ang hindi nakaka-relate sa tuwing iyon ang kanilang usapan. “Hey,” untag ng isang babae na lumapit sa akin at tumabi. “Uhm, is it okay na tumabi ako sa’yo?” “Nasa tabi na kita. Bakit nagpa-paalam ka pa?” mataray kong tanong na nagpatikom sa bibig niya. “Why are you here?” “I just want to invite you,” nahihiyang ani niya. “Saan?” “Sa club na malapit lang sa school natin.” Pagparinig na pagkarinig ko sa lugar na iyon ay mabilis na nakuha ang atensyon ko. “Kailan?” “This Saturday night. Eight p.m.” “Okay,” I immediately answered. Hindi na nga nawala pa sa isipan ko ang club hanggang sa sumapit na ang sabado. Ipinaalam ko kay Kuya Carlo ang pagpunta ko sa club at hindi naman siya tumutol. Nalaman ko ring maging si Levi ay tutungo rin doon. Kaya naman ay nagsabay-sabay na lamang kaming tatlo. Eskaktong pagpatak ng alas otso ng gabi ay nasa club na nga kami. Simpleng denim pants at top at ang suot ko habang nakalugay lang ang mahaba kong buhok. Kung paanong nakakapasok ang mga menor na tulad namin ay hindi ko na lang alam. Hindi ko na rin gusto pang alamin dahil ang lugar naman ay maganda. Maingay at masakit sa pandinig pero okay na. Okay na para madistract ang utak ko. Sa isang lamesa ay mabilis kong natanaw si Anne kasama pa ang iba naming classmate. Sa katabing lamesa naman nila ay mga kaibigan ni Levi at sa kabila pang lamesa ay mga kaibigan ni Kuya Carlo. Hindi ko na hinintay pang tawagin ako ni Anne at agad na akong naglakad patungo sa kanilang lamesa. Palihim akong nagulat ng makitang nag-iinom pala sila. Hindi ko alam kung ano ang klase ng alak na kanilang iniinom ngunit mukhang matapang iyon. I don’t want to taste it. But when they insisted, I just let myself to give in to a temptation of drinking alcohol at this age. “Sielan, sa sabado ulit. Dating oras,” paalala ni Anne. “Sige,” Ngumisi si Anne. “Grabe ha, ilang lalaki nanaman kaya ang hahakutin mo ngayon?” Ako naman ay ngumisi. “Who knows?” “Ay grabe ka! Baka naman ay pwede mo akong ambagan ng charm mo,” “Wala akong charm,” “Wala nga ba? Eh, ang dami-dami ngang nagkakagusto sa’yo!” Hindi na lang ako kumibo at tinawanan na lang siya. Sa nakalipas na tatlong taon ay nagawa ko nan gang hindi palaging isipin ang lugar na iyon at ang taong iyon. Ngunit may mga pagkakataon na sumasagi pa rin siya sa aking isipan. Pero hindi na kasing dalas noon. And the boys who likes were a great entertainer. Even the club, the alcohol and the party every Saturday. Sa nakalipas na tatlong taon ay natutunan ko nang maging malakas sa inuman. Natutunan ko nang maging party girl at makipag-sabayan sa mga laking-Manila. Dito rin naman ako lumaki kaya ay madali lang para sa akin ang makihalubilo. Lingid sa kaalaman nila Tita Karen at Tito Lemuel ang ginagawa naming pagparty sa club tuwing gabi dahil inuumaga naman na sila ng uwi. They are both a doctor’s kaya naman ay madalas na silang nakatira sa ospital. Maging sina Mommy at Daddy ay hindi rin alam ang gawain kong ito. Mas mabuti na iyon at mabuti na ring malayo sila. My friends always invite me in different party, and I always accept it. I love partying for it always hype me up. Then when I go home, I go straight on my bed and sleep. That’s my life for the past three years that continues to the next following years. Sa tuwing bibista naman sila Mommy at Daddy ay nagbe-behave lang ako. Usually, dalawang araw lamang ang itinatagal nila dahil sa trabaho ni Daddy at si Mommy naman ay katulad pa rin ng dati, inaalagaan sila lola at lolo. I miss my grandparents as well, but I promised myself that I will never go back in that place again. Kaya naman ay kahit anong pilit nila ay hindi ako bumisita roon. So, they just visit me here. “Body shot!” Anne shouted and everyone at our tables agreed. Ayaw ko sanang makisali pero ng kantyawan na nila ako ay napatawa na lamang ako. They know me as the person who doesn’t back out in a challenge that’s why I know that they won’t stop cheering on me if I keep declining them. But this one, I don’t really like this. Just thinking that I lick the rum on a man's neck makes me vomit. Makes me burn in hell. I feel like it will be my greatest sin if I allow this one to happen. So, I bravely and hardly shake my head. “No. Not this one, I’m sorry,” saad ko. Hindi ko alam pero…pero mayroon sa kaibuturan ng puso ko ang nagsasabing ang labi ko…ay nakalaan lamang para sa isang tao. Sa isang taong taon man ang lumipas ay hindi nawala sa puso ko. I shut my eyes and drink straight the whole glass of rum before a lone tear could fall from my eyes. Damn, but…I miss him so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD