CHAPTER 19: HERO
Love is making us feel the best of cloud nine moments. Those feel where you think that stars are looking at you. Those moments where you think that clouds are chasing you. And those moments where you think that you are under the moon.
And that is exactly what I am feeling right now.
It’s weekend and I didn’t have any plans. Wala ring plano si Tin dahil hindi naman niya ako inaya na mamasyal o kaya ay tumambay sa kanila. Payapa lamang akong nagbabasa ng bigla na lamang dumating si Leo at ipinaalam ako sa kanila Mama na ipapasyal lang niya ako sa kalapit baryo. Hindi naman tumanggi sina Mama kaya naman ay heto at nakaharap na ako ngayon sa salamin, titnitignan ang sarili ko kung mukha na ba akong presentable.
Kay tagal na rin noong huli akong nagsuot ng floral dress na terno sa hairband ko. Ito ang paborito ko noong mas bata pa ako. Paborito ko pa rin naman ito hanggang ngayon pero hindi ko na madalas isuot. As you grow old, unti-unti na ring nagbabago ang pananaw mo at panlasa mo sa isang bagay. Iyong mga bagay na akala ko mo ay habambuhay mong gagamitin ay mag-iiba sa oras na maging komportable kana sa panibagong bagay. And as I grow old, my fashion also changed. But right now, I want to wear this kind of dress. Gusto ko lang ibalik ang sarili ko noong unang dumating ako.
“You look exactly the younger you when you wear a dress like this,” Leo commented when he saw me.
“It’s still me. So, I would still look like my old self,”
“Yeah. Still beautiful,” he stated, and I blush.
Hindi na lamang ako umimik at tsaka na lamang kami nagpaalam kanila Mama. Bantay alalay pa rin si Leo dahil hindi pa rin lubusang maayos ang tuhod ko. Kaya ko naman ng maglakad ng medyo maayos at hindi paika-ika ngunit sa oras na matapilok ako ay baka tuluyan na akong mainjury ng malala. Kaya naman kahit hindi ko nan ais magpa-alalay ay hindi na lang ako kumibo.
Leo is such a gentleman because he supported me till we reach our front gate. Napailing na lang ako at hindi na iyon pinuna dahil natural naman na ang kilos niyang iyon. Sandali pa kaming naghintay sa labas ng aming bahay hanggang sa isang pam-pasaherong tricycle ang huminto sa tapat. Nakasakay na ako sa uri ng ganitong sasakyan at masasabi ko namang maayos ito at maganda rin ang karanasan ko sa pagsakay. Lalo na kung tama lamang ang pagpapatakbo ng nagmamaneho.
Truth is, I admire these kinds of hardworking people. They work all the through the day and night. And they will only stop when the world is already peacefully sleeping. Palagi silang nasa daan kung saan ang kanilang buhay ay palaging nasa peligro dahil sa mga kadalasang nangyayaring aksidente. Kaya naman ay saludo ako sa kanila sapagka’t hindi nila iyon prino-problema basta makapag-hanap buhay lamang sila para sa kanilang pamilya.
“Hindi ko inaasahan ang pamamasyal na ito, Leo,” pag-aamin ko.
Napangiti naman siya. “Because it’s a surprise.”
“I don’t know that you are also a fan of surprise,”
“Aren’t you a fan of it?”
I honestly shook my head. “I appreciate surprises. But I’m not a fan of it,” sagot ko. “It’s just my opinion but, surprises are the white façade for pressure,”
“Paano mo namang nasabi na façade ito ng pressure? Surprises were made to make someone happy,”
“I know. Kaya nga sabi ko ay opinion lang. It’s just that, may iba ay ginagamit na ang pagsu-surpresa para pasimpleng mapressure ang isang tao. Like, someone will put a surprise for just to show off. Eh di, pressure iyon doon sa sinurpresa kasi need niyang ipakita na nagustuhan niya ito kahit ang gusto naman niya ay simple lang,”
“Girls are very complicated. There were a lot of girls who likes surprises while you don’t. Or some don’t.”
Matigas kong iniling ang aking ulo para ipakitang tutol ako sa kaniyang pahayag. “Girls are not complicated, Leo. They are just different. Hindi porke gusto ng tatlo ay gusto na rin ng dalawa.”
He shrugged. Alam ko namang nakuha niya ang aking punto. Nagustuhan ko ang surpresa niya and I don’t intend to offend him. Kaya naman ay mabilis na lang akong humingi ng paumanhin sa kaniya na agad naman niyang tinanggap. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil napaka-lawak ng pang-intindi niya. Bagay na hindi ko madalas makita sa isang. Not to compare but my guy classmates were all impatient. Gusto nila, pagsinabi agad ay meron agad. They don’t to know how patiently wait. I do not judge them. It’s just my observsation.
Ilang minuto rin kami sa byahe hanggang sa tuluyan ng huminto ang tricycle. Unang bumaba si Leo at tsaka ako inalalayang bumaba. Namangha ako ng lubos ng makita kung saan kami. Hindi ko na rin maalala iyong lugar na binanggit ni Leo dahil masyado ng nakatuon sa paligid ang atensyon ko. The place is beautiful!
There were some trees on the sides, a wide lake on the middle, food stalls and many more. Nagkalat din sa magandang d**o ang mga picnic blanket ng bawat pamilya na pumasyal dito. Habang may mga kiosk naman sa paligid nan aka-kalat para sa mga nais maupo o para sa mga hindi magpi-picnic. At dahil hindi kami magpipinic ay doon lamang kami sa kiosk naupo. Mabuti na lamang at nasa silong ito ng puno kung kaya’t lilim.
“This is beautiful. Ang gaganda ng tanawin dito sa lugar niyo,” I honestly commented.
“Sa syudad ay pulos matatayog na mga gusali ang nakikita mo,”
“Yes. But I still appreciate it. They were awesome to build those high buildings.”
“They are. Isa nga ang pagiging enhinyero sa nais kong maging,”
“For real?” hindi makapaniwalang tanong na tinanguhan naman niya. “Are you going to take profession in your college course?”
“Pinag-iisipan ko. Dahil nais ko na rin na maging propesyon ko ay iyong may kinalaman sa bundok o may ugnayan sa bundok,”
“Mahal mo talaga ang bundok,”
“I am. I am very in love with the mountain,” Leo admitted, and I couldn’t help but to agree.
Nang makapagpahinga na ay nagpasya na si Leo na tumayo at magtingin ng aming makakain. Kaya ko namang maglakad at Samahan siya ngunit hindi siya pumayag. Hinayaan na lamang niya akong maupo sa kiosk ng hindi na mapwersa ang tuhod ko.
Habang namimili si Leo ay abala naman akonng binubusog ang aking mata sa ganda ng tanawin. Ang lawa ay malinaw din at halatang naaalagaan ng maayos. May mga batang nagtatakbuhan sa labas, mga magkarelasyon na naglalakad habang magkahawak kamay, mga magulang na nakabantay sa mga bata at mga matatandang naka-tanaw sa lawa.
“Oh my god,” bulong ko at bigla na lang akong napatayo.
Iginala ko ang aking paningin para tignan kung mayroon bang nagbabantay sa batang Nakita ko ngunit mukhang wala. Abala ang lahat sa kanila-kanilang mga ginagawa. Muli kong nilingon ang bata at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata ng makitang papalusong na ito sa lawa! Mabilis kong inalis ang aking sapatos at bahagya pa akong nahirapan sa pagtanggal sa parteng mayroon akong pilay sa tuhod. Nang maalis ko ang sapatos ko at sulyapan ang bata ay nakalusong na ito!
Hindi ko alam kung ilang taon na ba ang bata ngunit nasisiguro kong wala pa ito sa sampong taong gulang. Maliit din ito kung kaya’t nasisiguro kong malulunod ito kahit pa sa gilid lamang ng lawa. Hindi nito alam ang peligro sa tubig na kaniyang tinatahak at ang lahat pa ay nasa kaniya-kaniyang ginagawa ang kanilang atensyon. Hindi ko pa kayang ipangtakbo ang aking tuhod ngunit sa ngayon ay ako lamang ang pinaka-malapit sa bata. Kaya naman kahit masakit ay hindi ko na lang ininda ang aking tuhod. Dali dali akong tumakbo patungo sa bata na tuluyan ng nakalusong!
Akala ko ay huli na ako ng dating dahil tuluyan ng lumubog ang bata. Hindi ko na inisip pa kung malamig ba ang tubig ng lawa, o na mababasa ang aking suot at basta na lamang akong lumusong sa lawa para suyurin ang bata at iahon ito. Palihim na lang akong napamura ng matantong malalim ang lawa. Hawak ko na ang bata at sa wakas ay napansin na nila ito. Mahigpit kong inakap ang bata na hindi umiimik at tsaka ko nilangoy ang lawa. Kung paanong nakalayo ang bata hanggang sa ilang dangkal sa gilid ng lawa ay hindi ko alam. Nakahinga ako ng malalim ng maabot ko na ang damuhan.
“Let me help you!” sambit ng isang babae habang hinahanap ko ang pulso ng bata.
Hindi ako propesyonal sa mga ganitong bagay ngunit may kaunti naman akong nalalaman. Pero Mabuti na rin ang pagdalo sa akin ng isang babae na nagkataong nurse din. Mas maalam siya at mabilis niyang nahanap ang pulso ng bata ngunit mahina na iyon. She did her forte and tried to save the kid while I am holding the kid’s hand, silently praying for her.
Isang mahaba at malalim na buntong-hininga ang napakawalan ko ng sa wakas ay magkaroon na ng malay ang bata. Mabilis siyang dinaluhan ng kaniyang magulang na kanina pang umiiyak. Ang nurse naman ay mabilis silang pinayuhan na dalhin sa ospital ang bata para mas masuri ng maigi. Nakangiti kong pinagmasdan ang magpapamilya habang yakap ko ang aking sarili.
At ng pumalakpak ang mga tao sa aking paligid ay doon ko lamang naramdaman ang aking panlalamig.
“You are a hero,” the nurse said. “You have a hand of hero,” she added, and everyone agreed.
I smiled at them. And then Leo came out of the crowd to cover me with his jacket. Ang ngiti sa kaniyang labi ay nagpapakita kung gaano siyang nagmamalaki sa akin.
“You have a hand of hero,” he copied the nurse’s word. “I’m so proud of you. Please save more people,” he said sincerely before embracing me inside his arms.
At hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang na-imagine ang sarili kong nagliligtas ng tao sa loob ng…bundok.