"Miss Zion," tawag sa akin ni Sir Jacob. Hindi na ulit ako nakabalik sa opisina niya dito na lang ako nalalagi sa lamesa ko.
"How are you? What are you doing here?" tanong niya habang palapit sa akin.
What I am doing here? Malamang dito ako nagtatrabaho.
Ngumiti na lang ako at hindi na isinatinig ang nasa isip.
"Si Clent? Wala na naman ba sa mood? Baka kailanganin ka niya doon para mawala ang init ng ulo," paanyaya niya na may nakakalokong ngiti.
"Ah, hindi na kumakain siya saka pinalabas niya na kasi ako kanina."
"Kumakain ng ano?" nangunot ang noo ko sa taning niya.
Ano ba dapat ang kinakain?
"Just kidding. Sige una na ako, sunod ka na lang kung gusto mo."
Sa kuryosidad kung inubos niya ba ang dala kong pagkain ay sumunod ako kay Sir Jacob. Hindi pa tuluyang nakakalapit ay rinig ko na ang pang-aasar ni Sir Jacob sa pinsan niya.
"Bad mood ka na naman. Kumakain ka raw sabi ni Miss Zion. Anong kinakain mo? Masarap ba? Patikim naman."
Nang makapasok ay gumilid ako sa tabi ni Sir Jacob para masiguro ang pakay kong tingnan kung kinain niya ba ang dala ko.
"Oh, Miss Zion akala ko hindi ka na susunod," ngumiti na lang ako sa kaniya bago tuluyang lingunin ang kinaroroon ni Mr. Grumpy CEO.
Nang malingunan ay masama na ang tingin niya sa akin lalo na kay Sir Jacob. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya at sa pagkaing nasa harap. Naubos na ang chocolate cake at mayroon pang kaunting cassava.
Basta n'ya na lang dinampot ang tinidor at sunubo ang natitirang cassava cake. Napangiti ako roon. Bigla ay para siyang naestatwa pati ang pagnguya ay natigil din. Nawala lang ang atensiyon ko sa kaniya nang pekeng umubo ang katabi ko.
"Mukhang masarap nga 'yan," sabi ni Sir Jacob na nasa pinsan niya ang paningin bago humarap sa akin.
"Miss Zion, ikaw ang bumili niyan hindi ba? P'wede bang ako rin patikim?" nakangiting tanong niya.
"S—" Bago pa matuloy ang dapat kong sasabihin ay sumigaw na ang Boss ko sa pinsan niya.
"Shut up, Jacob!"
"What? Gusto ko rin niyan."
"Bumili ka ng iyo! Magsabi ka kay Samantha!" nawalan naman ng sasabihin si Sir Jacob at sumimangot sa pinsan niya.
Ang Mr. Grumpy CEO naman ay mukhang nagtagunpay at mapang-asar na nakangisi.
"Sige. Ikukuha kita sa cafeteria, Sir Jacob." Hindi nga lang natuloy ang paglabas ko dahil kay Mr. Grumpy CEO.
"I said!"
"It's okay, Miss Zion. Next time na lang kapag hindi siya nakatingin," ani Sir Jacob.
Nanahimik na lang ako bago pa lalong uminit ang ulo ng Boss ko.
"I'm done. Tanggalin mo na 'to sa table ko at tapos mo na ba 'yong mga pinapagawa ko sayong papeles?" tanong ni Mr. Grumpy CEO habang nakasandal sa swivel chair at deretsong nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa table niya para kunin ang pinagkainan niya bago sagutin ang tanong kanina.
"Ahm, malapit nang matapos, Sir." sagot ko at dahan-dahang kinuha ang plato sa harap niya.
"Make it faster! Marami pang nasunod iyon at kailangan ko na iyon ora mismo!"
Tumango na lang ako bilang tugon. Bago pa makatalikod sa kaniya ay sumulpot naman si Jacob.
"Tulungan na kita." Alok ni Sir Jacob at kukunin na sana ang hawak ko ngunit pinigilan ulit siya ng kaniyang pinsang ubod ng sungit.
"Jacob, we're going to talk about business that's why you're here! Don't do stupid things here in my office!"
"What's wrong with helping a beautiful lady, huh?" kunot-noong taning ni Sir Jacob saka nakapamaywang na hunarap sa pinsan.
"You're so f*****g playboy!" anas ni Mr. Grumpy at hindi sinagot ang tanong ng kaniyang pinsan.
"And you're so f*****g bitter," tugon naman ni Sir Jacob.
"I'm not f*****g bitter!"
"Oh, yes you are."
"You shut up!"
Palitan nila ng sagot. Para naman akong tanga na papalit-palit ang tingin sa kanila habang nagsasagutan.
Para silang mga bata.
"Ba't kasi ayaw mo pang mag-girlfriend? May irereto ako sa'yo para naman magbago ka na," suhestiyon ni Sir Jacob.
"I not need woman! And you! What are looking at?! Get out!" Agad na sigaw ni Mr. Grumpy sa akin nang makitang nakatayo lang ako at nakatingin sa kanilang dalawa.
Agad naman akong tumango bilang paalam at lumabas na.
"SIR, ito na po iyong pinapagawa niyo."
Nilapag ko sa gilid ng table niya ang mga papeles. Sinulyapan niya lang iyon at saka tumayo.
May kinuha siyang makapal na envelop sa isang drawer at inilahad iyon sa akin.
"Here. Check it and make a new copy of that papers," malamig na utos niya.
Kung kanina ay nagsusungit siya ngayon naman ay nasa malamig na pakikitungo na naman siya.
Bipolar na Grumpy CEO!
"Okay, sir." Kinuha ko iyon sa kaniya. Bago pa man ako makarating sa pintuan ay nagsalita ulit siya.
"I need that papers before three thirty."
Sumulyap ulit ako sa kaniya. Nakatayo parin at nasa bulsa ang parehong mga kamay. Ngumiti ako at tumango sa kaniya saka tuluyan nang tinahak ang pinto palabas.
Binasa ko muna ang nasa envelop bago gumawa ng panibagong kopya. Ang mga iyon ay tungkol sa mga nakaraang proyektong natapos.
Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang mga punapagawa sa akin. Minsan ay hindi ko pa natatapos ang isa ay may kasunod na agad. Natatambakan pero madalas ay natatapos ko naman agad bago pa hanapin at tanungin kung natapos ko na ba. Kung hindi naman ay nasisigawan ako palagi kapag mabagal at may mga maling kopya akong nagawa.
"Uy, Angelique tapos ka na ba diyan? Pinapatawag ka na ni Sir." sabi ng katrabaho ko.
Nang marinig ang sinabi ay nataranta ako at dali-daling inayos ang mga bagong kopya ng documents sa envelop.
"Sige, salamat."
Nagmamadali akong pumunta sa opisina. Huminga muna ako ng malapim nang nasa pintuan na bago buksan iyon at pumasok.
"What took you so long?!" Bungad na tanong sa akin.
"S-sorry."
"Aish!" angil niya at pabagsak na umupo sa swivel chair.
"Give that to me!" Dali-dali naman akong lumapit at inilapag iyon sa table niya.
Binasa niya iyon saka nag-angat ng tingin sa akin.
"Sit." Tipd na utos niya saka binalikan ang binabasa.
Umupo ako sa isang upuan sa harap ng lamesa niya. Naghintay akong magsalita siya at may iutos sa akin, pero lumipas ang limang minuto ay hindi siya umiimik at patuloy lang sa pagbabasa.
"May ipag-uutos pa ba kayo, Sir?" tanong ko nang hindi na nakatiis.
"What do you want?" imis na sagot ay tanong din ang kaniyang sinabi.
"Huh?"
"What do you want to eat?" ulit niya sa tanong.
"Ah, kumain na ako kanina, Sir."
Kumain na talaga ako kanina habang ginagawa ang bagong kopya ng documents.
"Okay, buy me a chocolate cake and also buy what you want to eat. Tell to the cafeteria that it's for me so you don't need to pay."
Hindi na ko nakipagtalo at sinunod na lang ang gusto niya. Bumili ako ng dalawang chocolate cake at tubig na rin para sa aming dalawa. Kahit na kumain na kanina ay pipilitin ko na naman dahil sa kaniya.
Pagbalik ko ay nakapatong ang mga paa niya sa lamesa at nakatanday ang kamay sa upuan habang ang dalawang daliri ay nasa sintido, animo'y taimtim na naghihintay. Nang makapasok at makita ako ay bigla soyang umayos ng upo na para bang walang nangyari at pormal pa rin siya.
Pilit kong tinago ang tawa sa pamamagitan ng pekeng ubo. Hindi niya iyon pinansin at pinagtuunan lang ng pansin ang dala ko. Dahan-dahan ko iyong nilapag sa harap niya.
"Iyan na rin ang binili ko para sa akin. Kumain na 'ko kanina pero sabi mo bumili ako." Paliwanag ko kahit hindi naman siya nagtanong.
Nagsimula kaming kumain nang tahimik. Naiilang ako dahil pakiramdam ko ay sumusulyap siya sa akin. Hindi naman ako nag-aangat ng tingin sa kaniya at nasa kinakain labg ang mga mata.
Ang hirap kumain ng ganito para akong robot sa mga galaw ko. Pakiramdam ko isang maling galaw at katapusan ko na.
"Simula ngayon, ikaw na ang laging magdadala ng pagkain sa akin at sasabayan mo rin ako kapag sinabi ko. I don't really eat food at my office, but you insist earlier. Sinimulan mo kaya panindigan mo." Pambabasag niya sa katahimikan at tinuloy ang pagkain ng cake.
"Okay." Tanging tugon ko.
"And… I don't like you talking to my cousin Jacob. When you saw him, just ignore that playboy."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala na akong sinabi pa at tumango na lang sa kaniya bilang tugon.
Natapos kaming kumain nang tahimik dahil wala nang nagsalita pagkatapos ng huling pag-uusapan namin tungkol sa pakikipag-usap ko kay Sir Jacob. Pagkatapos ibalik ang plato sa cafeteria ay pinabalik niya ako sa opisina at pinaglinis.
Natapos ang araw na ito nang matiwasay. Kung kaninang umaga ay masungit siya, nitong hapon at pagtapos naming kumain ay naging malamig naman ang makikitungo niya.
I believe that he's really the bipolar Grumpy CEO I've ever known.