Kinabukasan ay maaga na ulit akong pumasok. Bago pa siya makarating ay nasa opisina na ako gaya ng utos niya. Habang wala ang Boss namin ay nakipaghalubilo muna ako sa mga katrabaho ko. Ilang minuto lang ay tumigil na at bumalik sa kani-kaniyang gawain, mahirap na baka maabutan pa kami ng Mr. Grumpy CEO namin.
Ako naman ay nasa loob lang ng opisina at sinimulan nang ayusin ang mga papeles at tignan ang nakatakdang pagtitipon ni Mr. CEO sa mga iba't ibang tao.
Habang binabasa ang schedule ay bumukas ang pinto hudyat na nariyan na siya.
"Good morning, Sir." Nakangiti kong bati.
Walang emosyon, tahimik at tuloy lang siya sa paglalakad. Nilampasan ako na para bang walang narinig at hangin lang ako sa kaniya.
"May tatlo kayong meeting ngayong araw, Sir. Isa bago magtanghalian at magkasunod na conference meeting sa alas dos," ani ko ngunit wala siyang tinugon.
"May ipag-uutos pa ba kayo, Sir?" tanong ko. Tahimik at nakatuon sa laptop ang buong atensiyon niya.
"Okay, coffee." Ako na mismo ang sumagot sa tanong ko. Gaya ng lagi niyang inuutos ay pinagtimpla ko siya ng kape.
NANG makabalik ay gano'n pa rin. Wala pa rin siyang imik. Hindi man lang niya pinansina ang kapeng tinimpla ko. Dati ay kalalapag ko pa lang ay kukunin niya na iyon, ngayon ay nasa laptop ang buong atensiyon niya.
Kunot-noo ko siyang pinagmasdan pati ang kape. Lumipas ang ilang minuto ay hindi niya pa rin iyon ginalaw. Nang ibalik ang tingin sa kaniya ay napansin kong kumunot ang noo niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Ahm, kung wala na kayong ipag-uutos… lalabas na ako, Sir. Tawagan n'yo na lang ako kapag mau utos na kayo." Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto.
Pinapakiramdaman kung magsasalita na ba siya. Umabot na ako sa pinto ay wala pa rin kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng tuluyan.
Nagtataka akong bumalik sa nararapat kong lamesa bilang isang sekretarya.
Bakit kaya?
Bahala na nga! Bakit ko pa ba iniisip iyon, mas mabuti nga ito nang hindi ako nasisigawa.
"Hey! Angelique kanina ka pa tulala d'yan. Okay ka lang ba?" Naulirat ako sa biglang paglapit ng katrabaho ko.
Magkatabi lang ang lamesa namin kaya sirugo napansin niya akong malalim ang iniisip.
"Huh?"
"Lalim ng iniisip mo, ano ba 'yon?"
"Ah, wala," tanging sabi ko at ngumiti na lang.
"Sige, ikaw bahala. Malapit nang mag-lunch time sabay ka na sa amin."
"Sige, sunod na lang ako."
Nanatili pa ako do'n ng ilang minuto. Naghihintay na may biglang tumawag, sumigaw sa akin at utusan. Habang nakaupo ay nasa pito ng opisina niya ang mga mata ko, nag-aabang na bumukas iyon. Ngunit, lumipas ang sampung minuto ay wala pa rin.
Hay bahala! Nagugutom na ako. Baka mamaya balik normal na Mr. Grumpy CEO na s'ya.
Nagpasiya na akong bumaba ng cafeteria at sumabay sa mga katrabaho ko. Sa entrada pa lang ay rinig ko na ang tawanan nila.
"Hi," bati ko nang makalapit na sa kanila pagkatapos kong umorder ng tanghalian ko.
"Oh, Miss Zion. Upo ka na," sabi ng isa at pinaghila pa ako ng upuan.
"Thanks. Masyadong pormal naman ang Miss Zion, Angelique na lang itawag niyo sa 'kin."
Nag-umpisa na kaming kumain. Minsan ay may magku-k'wento at magtawanan. Hindi ako makasabay sa usapan nila pero masaya ako at natatawa rin sa mga pinagsasabi nila.
Mayamaya ay tumigil na sila sa pagkuk'wento at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo nang biglang pumasok sa isip ko.
"Ahm, p'wede magtanong?" sabi ko at nilapag muna ang dapat ay isusubo na.
Natuon ang atensiyon nilang lahat kaya itinuloy ko ang pagtatanong.
"Kumakain ba si Sir sa opisina niya o sa labas siya nakain?"
"Minsan oo madalas hindi."
"Wala rin kaming nakikitang deliver sa opisina niya at bihira namin siyang makitang lumabas kapag tanghalian na, kaya baka hindi na siya nakain ng tanghalian."
"Babad 'yon lagi sa trabaho, walang oras sa pagkain sa tamang oras."
Sunod-sunod na sagot nila.
Tumango na lang ako nang hindi malaman kung ano ang tamang sabihin sa mga sagot nila.
UMORDER ako ng chocolate at cassava cake. Hindi ko kasi alam kung ano ba mga kinakain niya, baka itapon niya lang ang bilhin ko. Ito ang binili ko dahil ito pa lang ang nakita kong kinain at gustong-gusto niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto gamit ang isang kamay, ang isa ay hawak ang dala kong pagkain.
"Sir," tawag ko.
Nakatalikod sa 'kin ang swivel chair niya, dahan-dahan iyong humarap sa akin. Napalunok ako nang makita na mukhang naalimpungatan siya dahil sa akin.
"Ahm, nagdala ako ng chocolate at cassava cake. Hindi ko kasi alam kung ano mga kinakain mo kaya 'yan na lang naisip ko, baka itapon mo kapag hindi mo nagustuhan kung iba ang binili ko."
Nilapag ko iyon sa table niya.
"Kumain na kayo, Sir."
Hindi siya nagsalita at tinugnan lang ang pagkain sa harap niya.
"Masama ang nagpapalipas ng gutom ag hindi kumakain sa tamang oras, Sir." Nag-angat siya ng tingin sa akin saka muling lumabas ang unang tugon niya sa akin ngayong araw.
"Kakain ako kung kailan ko gusto." Walang gana niyang sabi.
"Hindi maganda iyon, magkakasakit kayo sa ginagawa niya."
Tumaas ng sulok ng labi niya sa sinabi ko.
"Hindi ako nagmamagaling, Sir. Sinasabi ko lang kung ano 'yong totoo. Marami namamatay sa gutom."
Hindi ko alam kung bakit pati kamatayan ay lumabas na rin sa bibig ko.
"Hindi ako basta-basta mamamatay sa gutom. Kung 'yan ang iniisip mo."
"Hindi iyon ang punto ko, Sir. Dapat po ay kumain kayo sa tamang oras."
"Kailan ba ang tamang oras kung gano'n?"
Pinagloloko ba ako nito?
Oras ng pagkain hindi alam? Unbelievable!
"Tatlong beses dapat kayo kumakain, almusal, tanghalian at hapunan."
"Yeah, I know that," tipid na tugon niya.
What the h*ll?!
"So, dapat ay kumakain kayo. Kainin n'yo kung ano ang gusto niyo, Sir."
Bigla ay para siyang naestatwa sa sinabi ko. Nasa akin ang mga mata at ilang beses pa siyang napalunok.
Bumuka ang bibig niya para magsalita pero hindi natuloy. Pumikit siya ng mariin saka bumuntong hininga. Parang pikit pinapakalma ang sarili.
"Get out," mahina niyng sabi.
"Huh?"
"Kakainin ko ito, unalis ka na."
"Gusyo kong makita." May kung ano sa mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin.
Pumikit na naman siya at bumuntong-hininga. Hindi na siya nagsalita at basta na lang itinuro ang pinto palabas.
"Tapusin niyo na muna ang pagkain niyo bago ako lumabas para isabay ko na." Nagmatigas akong hindi lalabas hanggat hindi niya natatapos kainin ang dala ko.
Dahil doon ay bigla na lang siya napasabunot sa sariling buhok tila nahihirapan na sa kung anong dahilan.
"Sir—"
"I'm f*cking h*rny!" sigaw niya na kinalaki ng mata ko.
"Get out!" sigaw niyang muli.
Matagal bago ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at gulat na nakatingin sa kaniya. Pagkalabas ay doon ako bumuga ng hininga na kanina ko pa pala pinipigilan.
"Kasalanan ko ba iyon?" wala sa sariling tanong ko.
Hindi ko na iyon kasalanan. Lalaki siya at hindi ko na problema iyon.
Binalewala ko na lamang iyon at nagtrabaho na.
Kung itapon niya man ang pagkain ay bahala siya. Siya rin naman ang magugutom. Pero sana kainin niya pa rin iyon.