Chapter 5

1466 Words
"Manang ba't hindi niyo po ako ginising?" nagmamadaling bungad ko kay Manang. It's already seven-thirty in the morning and my office hour is exact seven in the morning! Late na 'ko ng thirty minutes! Thirty minutes! "Aba'y ilang beses na kitang sinubukang gisingin, hindi ka magising-gising. Akala ko wala kang pasok ngayon kaya hindi na kita ulit ginising." Paliwanag ni Manang habang inilalapag ang ang plato sa lamesa. "Kumain ka muna bago umalis. Masama ang hindi kumakain." "H'wag na po, papasok na ako." Agad akong umalis at akmang lalabas na ng bahay nang may naalala ko. "Sh*t! Hindi pa 'ko naliligo!" PAGKABABA ko pa lang ng kotse ay dere-deretso akong pu.asok ng building. Wala na akong oras para makipagkamustahan sa kahit na sino. Kasi naman! Bakit ba kasi hindi na naman ako makatulog kagabi?! "G-good morning." Hinihingal akong basta na lang pumasok sa opisina. Nagulat ako nang wala akong nakitang nakaupo sa lamesa. Makakahinga na sana ako ng maluwag nang may magsalita sa gilid ko. "Too goddamn late." Mahina ngunit nandoon ang tono na tila nagbabanta. Nakasandal siya sa gilid ng pinto at naka-cross ang kamay at paa habang mataman akong tinititigan. "S-sorry, tinanghali lang akong nagising." "Anong oras ang pasok mo? Seven, right? And what time is it, huh?" "Sorry, Sir. H-hirap po kasi akong matulog kapag maraming iniisip." Nakayukong paumanhin ko. "At ano naman ang iniisip mo? Your f*cking b*stard boyfriend?" Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. "I don't have boyfriend." Umangat lang ang sulok ng labi niya sa sagot ko. "Good to hear that." Iyon lang at tinalikuran niya na ako. "Get my coffee and comeback immediately." Lumabas na ako agad bago pa ako masigawan. "Anong nangyari? Sinisante ka na ba? "Naku, grabe! Pero bakit wala kaming narinig na sigaw?" Sunod-sunod. na tanong ng ilan sa mga kayrabaho ko. "Hindi naman. Buti nga at hindi." Buntong hininga kong sabi. Agad naman silang kumalma. "Grabe akala namin kikidlat na naman ng sigaw ni Sir. No'ng makitang wala ka pa aba e lahat kami sinigawan. Nang walang makasagot kung nasaan ka eh muntikan niya nang masuntok si Sir Jason, may sinabi atang hindi nagustuhan ni Sir Clent." Gulat akong natigil sa pagtitimpla ng kape sa sinabi nila. Ayoko nang ma-late, iinom na talaga ako ng sleeping pills. Agad akong bumalik sa opisina dala ang kapeng hinihingi niya. Pagkapasok ko ay nakaabang ang mga mata niya sa pinto kaya nagtama agad ang mata namin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo at inabala ang sarili sa mga papeles sa harap. Dahan-dahan kong nilapag ang kape bago nagsalita. "Sir, may uutos pa kayo?" Iling lang ang tinugon niya. "Labas na 'ko, tawagin n'yo na lang ako kapag mayro'n na kayong iuutos." Paalam ko't lumabas na. Huminga ako nang malalim pagkasara ng pinto. Okay, wala pang sigaw ngayong araw. That's good. Sana habang buhay na. Dumeretso na ako sa table ko. Ilang saglit pa ay lumabas na si Sir Grumpy CEO. "Secretary, follow me!" Sigaw niya na naman. Ba't ko pa kasi pinansin! Agad naman akong tumalima sa utos niya. Nakasunod lang ako sa likod niya saka lang tumigil nang pumasok siya ng personal elevator niya. "What?!" asik niya. "Sa iba na lang ako sasak—" Naputol ang dapat kong sasabihin nang hilahin niya ako papasok. Tumigil kami sa cafeteria sa ground floor. Umorder siya ng dalawang chocolate cakes, cassava cake at dalawang drinks. Nang ihain na iyon sa amin ay hindi muna ako gumalaw at tinitigan lang iyon. Hindi pa ako kumakain pero wala akong gana kung siya ang kasabay ko. "Eat." "Kumain na ko sa bahay." Pagsisinungaling ko. "I said eat!" Basta na lang ako napadampot ng tinidor at sumubo dahil sa sigaw niya na naman. Nakakailang subo pa lang ay tumigil na ako. Siya ay naubos na ang chocolate cake at sinunod ang cassava. Nakita niyang hindi ko na ginalaw ang pagkain ko kaya kumunot ang noo niya at binigyan ako ng nagtatanong na tingin. "B-busog na ko." "Ubusin mo 'yan. I hate people who do not finish their food." Pinilit kong ubusin ang chocolate cake kahit na wala na talaga akong gana. "Next time I want you to be earlier as you can. I want to see you when I enter my office and if I don't, you'll be punished." "Copy," tanging naisagot ko sa kaniya. Basta na lang siya tumayo at iniwan ako. Letse talaga 'to. Kung sino man ang girlfriend niya at magiging asawa, ang malas niya! Sumunod na rin ako agad sa kaniya. Saktong pagkalabas namin ng cafeteria ay papasok naman si Sir Jacob. "Oh, magkasama nga kayo. Ano 'to? Dinner date?" mapanuksong ani Sir Jacob. "Who cares." Tipid at masungit na tugon ng kasama ko't nagtuloy ulit sa paglalakad habang ang mga kamay ay nakasukbit sa bulsa at taas noong naglakad. Napakamot na lang ng ulo si Sir Jacob sa inasal ng pinsan. Ako naman ay tipid ng ngumiti at bumuntong hininga. "So, how's your day as a secretary of my damn cousin?" "As usual." Iyon lang ang naisagot ko. Alam niya na kung ano ang ibang sabihin no'n. "Tingin ko… isa lang ang makakapagpabago d'yan eh." Sabi niya habang sabay kaming naglakad at tinatanaw ang nauunang maglakad na si Mr. Grumpy CEO. "Lovelife. Matagal na iyang bakante baka gusto mong mag-volunteer?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa itinuran kaya dinaan ko na lang sa tawa. Natigil siya sa paglalakaf at hinarap ako bago magsalita ulit. "Hey, I'm serious here. Ano? Gusto mo lakad kita?" Doon ay mas lalong lumakas ang tawa ko. Bahagya kong sinuntok siya sa dibdib. Hindi pa rin mapigilan ang tawa. "Sa tingin mo papasa ako d'yan ang sungit-sungit. Laging galit at sumisigaw." "Subukan lang n—" Hindi niya na naituloy ang sasabihin nangmay sumingit na naman. "What the hell are you two doing? Anong subukan?" Masungit at iritadong tanong ni Sir Clent. Nasa harapan na pala namin ito, kanina ay malayo na ang nalakad niya. "Secret." Tipid at nakangising sagot ni Sir Jacob. Nagtiim bagang naman ang nasa harap namin at masama ang mga tingin kay Sir Jacob. "Chill, bro. We're just talking nonsense here. You look like you want to punch me now." Nakataas ang mga kamay na animo'y sumusuko sa pulis at natatawang sabi ni Sir Jacob sa pinsang kaharap namin. Bumaling naman sa akin ang tingin ni Sir Clent. Hindi pa rin nagbabago ang masama nitong tingin kaya napaayos ako ng tayo sa kaba. "Go back to work!" Tumango na lang ako at iniwan sila. Sumunod naman si Sir Jacob sa 'kin. "Where the h*ll are you going, Jacob?!" "Magta-trabaho." Rinig kong tugon ni Sir Jacob habang nakasunod pa rin sa akin. "May sarili kang kumpaniya doon ka magtrabaho!" "Tsk. May sisilipin lang ako." "D*mn! Anong sisilipin mo?!" Humina na ang boses ng dalawa kaya lumingon ako saglit sa kanila. Magkaharap na sila at nagpapalitan ng sagot. Si Sir Jacob ay malaki ang ngisi samantalang si Sir Clent ay mukhang unti na lang ay sasabog na. PINAGPATULOY ko ang pag-aayos ng nga papeles sa opisina nang makabalik ako. ng loob ng opisina ay puno ng mga papeles sa lamesa at nagkalat ang iba sa sahig. Ang coat ni Sir Clent ay maayos na nakasukbit sa upuan. Walang makikitang ibang kulay kundi itim at puti lang. Malawak ito at mayroon pang isang pinti hindi ko tiyak kung private room ba o ano dahil hindi ko pa napapasok iyon. "Sh*t up!" Nabitawan ko ang hawak na papel dahil bigalbg sigaw at malakas na pagbukas-sara ng pinto. Magkasunod na pumasok sila Sir Clent at Jacob. Si Sir Jacob ay nakangisi pa rin at ang isa naman ay hindi na maipinta ang mukha. "What?!" Baling sa akin ni Sir Clent. "Bro, paano ka makakahanap ng matinong babae kung laging ganiyan ugali mo? Lagi kang galit sa mundo." "Walang matinong babae!" "Meron! Malay mo nasa tabi-tabi lang," tungon ni Sir Jacob na ang mga mata ay nasa akin. "Tsk. Can you please leave my office now?!" Inaagaw naman ni Sir Clent ang atensiyon ng pinsan at pinagtulakan ito palabas. Nang makalabas ay bumaling naman sa akin si Sir Clent. "Sa oras ng trabaho ayoko nang nakikipag-usap sa kahit sino! Kumilos ka bilang secretary ko hindi 'yong…" Ginulo niya ang buhok niya at hindi na tinuloy ang dapat na sasabihin. "Sir, may meeting kayo ngayon bago magtanghalian kay Mr. Chua." "I know!" Pasigaw niyang tugon sa paalala ko. Ang hirap niyang kausap, laging nakasigaw. Buti natatagalan siya ni Sir Jacob. 'Yong magulang niya kaya? Paano kaya sila mag-usap? Puro sigawan ba? Tulad nga ng sinabi ko, malas ang mapapangasawa niya. Kawawa baman, mababasag pa ata ear drum niya kapag ganito ang asawa niya. Sana bago niya pa makilala ang lalaking ito ay makahanap na siya ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD