CHAPTER ONE
"Dad, are you sure about this?" nag-aalangang tanong ko kay Daddy saka ako uminom ng wine.
We're sitting around the dining table and talking about business.
My father always does his best for the company to make it on top.
Ngayon lang ulit kami nakapag-usap, siya ay abala sa trabaho habang ako ay sa pag-aaral. At ngayong araw mismo ang graduation ko sa kolehiyo bilang isang Summa c*m laude.
"I am more than sure, my daughter." Agad na tugon niya.
Mababakas sa nga mukha niyang hindi siya nagdadalawang-isip at talagang sigurado na sa desisyon.
He's my father and the only one that I have since my mother died. I want him to be proud of me. That's why I do everything to make him happy.
"After this, we will be number one in the business industry. You're very beautiful and I know you can do what I’ve said." He tapped my shoulder and then smiled.
Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya. Bigla ay naging seryoso ang kan'yang mukha at tila pinag-aaralan pa ang reaksyon ko. Sa paraan niya ng magtitig ay hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ako sanay kapag ganito siya kaseryoso.
"Remember this one rule, Angelique. 'Wag kang mahuhulog sa lalaking iyon. Marami pang lalaki d'yan and he's our great rival in business." May tono ng pagbabantang saad niya.
I know it's all about business. My father always does everything for the Rivas Engineering Company. But, this thing is different and it's severe.
The man he's talking about is Mr. C.G Hortans, the CEO of Hortans Architectural and Engineering Company. Hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon pero matunog na ang pangalan niya kahit saan ako pumunta. Even girls don't stop mentioning his name.
It's my first day at home with my dad. And it shocked me because of what he wants me to do. He knows I can do what he has said and I'll do everything for him. Pero masyadong mabigat ito lalo na at panloloko ang gagawin namin.
"Of course! Hindi po ako mahuhulog sa lalaking iyon. Matunog ang pangalan niya pero, ni minsan ay hindi ako nagkainteres kahit sa pangalan niya lang,” I confidently said.
"That's good to hear, Angelique Zion Rivas. I'm so proud that I have a daughter like you." He plastered a smile on his face.
Gusto ko kapag sinasabi niya ang buo kong pangalan. At naging dahilan ito upang tanggapin at gawin ang gusto niya ngayon.
He want me to seduce the HAEC’s CEO pagkatapos ay mapababagsak na ni Daddy at kami naman ang aangat. I know it's so selfish, but I know him a lot. Kung ano ang gusto niya ay makukuha niya sa kahit anong paraan pa iyon.
"You just need to seduce him and then leave. Ako na ang bahala sa lahat, ang gagawin mo lang ay akitin siya, ilayo mo ang atensiyon niya sa HAEC nang sa gayon ay mapabayaan at malugi." Malaki ang ngiti at tatango-tangong ani Daddy, wala na ngang makakapigil pa sa kan'ya. Kahit ako ay hindi na gugustuhing pigilan pa siya dahil malaking pagkakamali ang sumuway sa kan'ya.
Mahaba ang naging pag-uusap namin tungkol doon. Pagkatapos ay kinamusta niya ang naging karanasan ko sa aking pag-aaral mag-isa at alam kong masaya siya sa kung ano ang nakuha ko at natapos, ginawa ko ang lahat para maging proud siya at makitang kontento.
Pero, sa kabila ng mga iyon ay pakiramdam ko may kulang pa. Hindi ko maintindihan ngunit, parang may kulang. Kulang na alam kong hindi ko rito mahahanap.
"I'm so happy for you, Angelique. Kung buhay pa sana ang Mommy mo siguradong tuwang-tuwa iyon dahil ang nag-iisang anak at pinakamamahal niya ay isang summa c*m laude!" Buong lakas na sabi niya animo'y may iba pang nakaririnig ngunit kaming dalawa lamang ang magkasama, maliban sa mga katulong.
Mayamaya ay naging malungkot ang mukha ni Daddy. I know, he missed my mom at gano'n din ako. Maraming nagbago noong mawala siya, lalo na kay Daddy. Bihira na kaming magkita at magkausap ng ganito katagal. He's always busy at work, at ako naman ay sa pag-aaral.
"Kung nasaan man si mommy ngayon alam ko pong masaya s'ya. I really missed her, but she'll never comeback. Sana ay nakita niya man lang ako grumaduate bago siya nawala." I forced to smile.
Buntong-hininga na lang ang naging tugon ni Daddy. Masayang pamilya kami noon, not until my Mom died because of heart disease. Simula noon ay naging tahimik na ang pamilya namin at tila nabalot ng kalungkutan ang mansyon na ito.
"I'm sorry, wala akong nagawa para iligtas ang mommy mo.” Puno ng pagsisising aniya kahit wala namang may gustong mangyari iyon.
"No, Daddy. Wala po kayong kasalanan. Hindi natin alam pareho na may sakit na pala siya."
Ilang saglit kaming natahimik at pinagpatuloy na ang pagkain. Tanging tunog ng kubyertos na lang ang aking naririnig ng mga sandaling iyon.
Laging ganito kapag magkasama kami. Simula nang mamatay si Mommy naging malamig ang pakikitungo ni Daddy pero okay lang dahil alam kong marami siyang ginagawa sa trabaho.
"You'll leave this house tomorrow," saad ni Daddy na nagpatigil sa akin. Deretso siyang tumingin sa akin pagkatapos niyang kumain at ilapag ang basong hawak.
"W-what?"
"May bahay akong binili para sa 'yo, nakahanda na ang lahat at bukas mo na rin sisimulan ang pinapagawa ko sa ‘yo. HAEC is hiring for secretary, I'll pass your application, and you'll applying as a secretary of that bastard. Hindi niya p'wedeng malaman na anak kita kaya lilipat ka ng mansyon. You’ll not using my name as your identity. Hindi mo p’wedeng sabihin na anak kita.”
Mahabang paliwanag niya, ako naman ay napatanga na lang sa kan'ya at pilit na pinoproseso ang mga sinabi n'ya.
"Ibigsabihin, hindi ko kayo p'wede makita o makausap man lang?"
"You can do that but in a limited time only," aniya't uminom ng wine.
"Yeah, okay I get it."
"Finish your food, go to your room and sleep." Tumayo siya at hinalikan ako sa noo tulad ng lagi nilang ginagawa ni Mommy.
"I love you, Dad."
"I love you more, my daughter Angelique."
Pagkatapos ay iniwan niya na ako at pumasok siya sa office niya. Tanging naiwang kasama ko ay ang mga katulong na naghihintay lamang na may ipag-utos ako.
Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya magliligpit na sana ako ngunit agad na lumapit ang mga kasambahay.
"Kami na po, Ma'am Angelique."
"Ako na po. Kaya ko na ito, Yaya."
"Naku, ma'am mapapagalitan po kami ni Sir. Sige na po kami na bahala rito, baka matanggal po kami sa trabaho kapag nagpumilit pa po kayo." Wala na akong nagawa kaya umakyat na ang ako sa k'warto ko at naghanda para matulog. It was so tiring day. At medyo naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi ni Daddy.
"Ano bang mayroon sa lalaking iyon?" tanong ko sa sarili nang maalala ang lahat ng sinabi sa'kin.
Just like what's my father has said, I just need to allure him. As simple as that.
Bago pa man kung saan-saan mapunta ang isipan ko ay pumikit na ako. Tomorrow is a different day for me. Iyon ang unang araw kong makikita ang CEO ng HAEC at gawin ang gusto ni Daddy.
"I will miss you, Dad,” madamdaming sabi ko.
Paggising ko ay nakahanda na ang lahat ng gamit ko. Nagtataka man ay hindi ko na pinansin pa, dahil kilala ko na si Daddy. Gagawin niya talaga ang lahat masunod lang ang gusto. Nothing is impossible with him. He can do whatever he wants.
"I'll miss you more, my daughter. Please be careful and tell me if he hurts you, huh." He gently touched my hair and looked into my eyes.
"I will, Dad."
"Don’t worry, may mga body guard at maids kang makakasama roon. Sila ang laging magrereport sa 'kin kung ayos ka lang,” nakangiting aniya at niyakap ako.
His hug was warm and I miss being hugged by him. Kung ako lang ang papipiliin ay mas gusto ko pang manatili sa tabi niya pero ito ang kan'yang gusto. Kapag nagawa ko ito ay magiging masaya rin siya. Wala rin naman akong magagawa kundi ang sundin siya.
All my luggage are fully settled. Ako na lang ang hinihintay ng driver at body guard para makaalis na. Gusto ko pa sanang manatili ngunit, hindi maaari.
Niyakap ko si Daddy nang mahigpit na agad din naman niyang tinugon. He kissed my hair and softly caressed it.
"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako o magsabi ka sa mga katulong at body guards mo. They will give all what's my baby want."
"Dad, I'm not a baby anymore!" Mahina ko siyang hinampas sa braso na ikinatawa niya naman.
"I'm just kidding."
Nagkatinginan kami saglit at niyakap niya ulit ako. Ilang saglit pa kaming magkayakap at tuluyan na akong umalis.
Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang malungkot. Kahapon lang ulit kami nagkasama tapos ngayon ay aalis na naman ako at hindi kami magkasama sa iisang bahay.
Binuksan ko ang bintana ng kotse at dinama ang masarap at malamig na hangin. Unti lang ang dumaraang sasakyan kaya malaya kong nakikita ang mga taong naglalakad.
May naglalakad habang may kausap sa telepono, naglalakad kasama ang kasintahan at nakangiti sa isa't isa at ang iba ay mabilis na naglalakad na animo'y may hinahabol na oras. May iilan pang naghihintay ng masasakyan.
Sana ay magawa ko ring maging masaya katulad nila.
"WELCOME home, Miss Angelique. Masaya kaming pagsilbihan kayong muli,” masayang bati sa akin ni Manang. Siya na ang laging naiiwan sa akin sa tuwing may pinupuntahan sila Daddy.
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap.
"Manang, I miss you po. Buti kayo ang sinama sa 'kin ni Daddy dito."
"Aba'y syempre! Alam niya rin kasing magiging masaya kayo kapag nakita ako,” may pagmamalaking aniya.
"Bakit nga po kayo wala sa mansyon noong nakauwi ako? Graduation ko pa naman." Nagkunwari akong nagtatampo at sinimangutan siya.
"Eh, nasa bakasyon ako no'n, Ma'am. Tinawagan ako ni Don Ramon at sinabing ako raw ang magbabantay sa inyo rito. Agad ko namang tinanggap syempre ang paborito kong alaga ang makakasama ko. Ang laki-laki at lalo ka pang gumanda, Angelique."
Hinaplos niya pa ang pisngi ko at tinignan ang kabuuan ko.
Pinasok na lahat ng gamit ko habang kami ni Manang ay nililibot ang buong bahay. Tahimik at maaliwalas ang buong paligid. This house is perfect for those who want a peaceful life. The motif and design of the whole house is modern and very feminine because of its color pink. Pink curtains, the pillows, couch, and table in the living room are all pink. Sa kaliwang bahagi mula sa kinatatayuan ko ay ang kusina na kulay itim at puti naman.
Tanging mga larawan ko lamang ang makikita simula sa pagkabata ko, wala ni isang larawan ang mga magulang ko rito gaya ng utos ni Daddy.
"Bakit ka nga pala pinalipat ng Daddy mo rito? Saka bilin n'yang puro larawan mo lamang ang ilabas. Lahat ng gusto mo ay binilin niya sa akin ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang lumipat gayong kayong dalawa na lang ang magkasama?" Puno ng pagtatakang aniya.
"Mahabang k'wento po pero okay na po iyon para matuto ako sa sarili ko. Magtatrabaho rin po ako sa ibang kompaniya, sa HAEC po bilang isang secretary." Nangunot naman ang kaniyang noo na sa sinabi ko.
"HAEC? Hindi ba ay kakumpitensiya n'yo iyon? Saka bakit kailangan mong magtrabaho sa iba eh, may sarili kayo at ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ng Rivas?”
"Si Daddy po ang nagsabi nito saka 'wag niyo po sana munang banggitin ang pagiging Rivas ko. Sabi ni Daddy, hindi ko gagamitin ang apilyedo ko sa trabaho o sa kahit anong bagay."
"Ano? Bakit? Pinalayas ka ba? Teka—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita agad ako.
"Manang, hindi po sa gano'n. Hindi ko po p'wedeng sabihin sa inyo ang dahilan." Medyo natatawang sabi ko nang makitang naguguluhan at hindi makahanap ng sagot si Manang.
"Ewan ko sa inyong mag-ama, naguguluhan ako!”
"Manang, ipagluto niyo naman po ako ng masarap na masarap na pasta n'yo. Spaghetti na maraming cheese at creamy carbonara po."
Pagkasabi ko noon ay biglang kumumpas si Manang saka nagsilabasan ang ilan pang kasambahay. At isa-isa nilang nilapag sa mesa ang mga hawak nila.
"Daddy mo ang nag-utos ng lahat. At syempre, hindi mawawala ang iyong kahilingan." Dahan-dahan niyang binuksan ang dalawang nabubukod tanging kakaiba ang lalagyan sa mga iyon.
May fried chicken at salad ngunit natuon ang paningin ko sa dalawang may takip at dahan-dahan iyong binuksan ni Manang. Nanlaki ang mata ko't napa-wow matapos makita kung ano ang mga iyon.
"Spaghetti na maraming cheese at creamy carbonara para sa paborito kong alaga."
Agad akong natakam sa dami ng kesong nakahalo sa ibabaw ng spaghetti!
"Kumain ka na, Miss Angelique. Masaya akong makita at pagsilbihan kang muli."
"Hindi ko po kayang kainin lahat ng ito, Manang. Umupo po kayong lahat at sabayan akong kumain. Ito ang unang araw natin dito kaya dapat sabayan n'yo kong lahat." Masayang paanyaya ko sa mga kasambahay.
Agad naman silang sumunod at masayang sinaluhan ako. Pati ang body guards at driver ko ay pinasalo ko na rin. Ito ang unang beses na makasama ko sila dahil hindi ako hinahayaan ni Daddy na gawin ang mga ganitong bagay.
Siguro ay maayos ding nandito ako para magawa ko ang ganitong bagay.
Masaya akong nakipaghalubilo sa kanila. Si Manang naman ay hindi naubusan ng k'wento sa bakasyon niya at noong nawala ako sa mansyon para mag-aral.
"Maganda roon sa probinsya namin at sariwa ang hangin kumpara rito. At saka nga pala, noong mawala ka eh, lalong naging abala ang Daddy mo sa pagtatrabaho bihira na lang kung umuwi iyon."
"Gano'n naman po talaga si Daddy, mahal niya ang kompaniya namin. Manang kapag may pagkakataon po ay ipasyal n'yo ako sa inyo. Gusto ko pong makita kung totoo ba ang sinasabi mo."
"Aba'y syempre! Magsabi ka lang kung kailan mo gusto at dadalhin kita roon."
Natapos ang masayang pagsasalong iyon at umakyat na ako sa bago kong k’warto. Bukas ay may dapat pa akong gawin. Kailangan ko itong gawin para kay Daddy. Hindi ko man kilala kung sino ang CEO ng HAEC pero tingin ko naman ay madali lang iyon.
Gagawin ko lang kung anong sinabi ni Daddy at hindi dapat mahulog sa taong iyon.