CHAPTER TWO

1636 Words
"Good morning, Ma'am." Masayang bungad sa akin ng security guard. Mula sa init na galing sa labas ay agad akong nakaramdam ng lamig sa unang pagpasok ko pa lamang. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng HAEC building. Sa harap ko ay ang reception area at sa bandang kaliwa ay isang mahabang couch, na kinauupuan ng ilang kliyente, na ngayon ay nasa akin ang mga paningin. Lahat ng empleyado ay napatigil sa ginagawa at natuon ang atensiyon sa akin. Pakiramdam ko ay hindi dapat ako nandito base sa mga tingin nilang nakapagpapakaba sa akin. Upang maiwasan ang kanilang mga mata ay humarap ako sa guard at tinugon ang kaniyang pagbati. "Good morning." With my wrap dress, stiletto, french braid hair, quilted bag and a brown envelop on my right arm, I confidently walked inside the building. Taas noo at nakangiti akong naglalakad, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil lahat sila ay sa akin nakatingin. Pakiramdam ko ay may dumi ako sa mukha. Bakit gan’yan sila makatingin? Lumapit ako sa front desk para malaman kung saan ba ako dapat pumunta dahil sa lawak ng building na 'to. "Can I ask where's the interview center?" "Interview? May appointment po ba kayo, Ma'am?" "Wala. But I am applying here as a secretary." "Secretary?" Gulat na tanong ng babae at sinuyod pa ang kabuuan ko. May mali ba sa sinabi ko? "Ma'am, baka po nagkamali lang kayo ng company na napuntahan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "This is Hortans' Architectural and Engineering Company, right?" Agad naman siyang tumango. "I'm sorry po, Ma'am. Akala ko po kasi kaibigan o kamag-anak kayo ni Sir, hindi po halatang mag-a-apply kayo. Saka wala po kasing schedule ng interview ngayon." "Anong wala? Ngayon ang nakalagay sa email ko." "May meeting pa po ang CEO, p'wede po kayong bumalik bukas ng maaga para sa int—" "What's wrong here?" baritonong boses galing sa likuran ko. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. "S-sir, may interview daw siya ngayon. Sinabi ko nang may meeting kayo, kaso ayaw n'ya pa ring umalis,” halos mautal na ani ng babae. Dahan-dahan akong humarap sa likod at matamis na ngumiti. Wala akong natanggap na ngiti mula sa kaniya, kunot noo at pinagmasdan ako simula ulo hanggang paa ng lalaking kaharap ko. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan niya ng pagtitig. Hindi man lang nag-iba ang ekpresiyon ng mukha n'ya. Nanatili siyang kunot-noo at seryoso akong pinagmasdan. He's tall, lean, and muscular. Wearing black tuxedo, with brown eyes, pointed nose and clean undercut hair. Base on his expression the way he looked at me, I think, he’s rude and grumpy. Parang hindi dinalaw ng kasiyahan kailan man sa buhay niya. "I don’t remember an interview with a woman like you." "Huh? But you emailed me that today is my interview as a secretary." "Secretary? Ikaw? I'd never hire a female secretary. Who the hell told you that?" iritado at naguguluhang tanong niya. Ngumiti ako sa kan'ya kahit medyo naiinis na ako. "Bro, ako ang nag-email sa kan'ya. And remember wala ka na namang secretary, nag-resign na lahat. Wala na rin akong makita na lalaking interesado. I tried to find a female to be your secretary… she's fully qualified and I think, no need to interview her." Biglang sulpot ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay kaibigan niya. "Okay then, dalhin mo siya sa kompaniya mo at gawing secretary tutal ikaw ang nag-hire hindi ba?" Sarkastikong sagot ng kaharap ko at CEO, saka basta na lang umalis sa harapan ko. Nakangiti namang lumapit sa akin ang tingin ko ay kaibigan ng CEO. Ngumiti siya na agad ko namang ginantihan. "Pagpasensiyahan mo na pinsan ko, in born na siyang gan'on. Don't worry kakausapin ko para sa'yo." "Thank you, Mr. Good boy." Matamis akong ngumiti sa kaniya na nawala dahil sa sigaw ng CEO. "Jacob, faster! And you, 'wag kang ngingiti kung wala namang nakakatawa!" Turo nito sa akin at sinigawan ako dahil sa simpleng pagngiti. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. P'wede lang ba ngumiti kapag may nakakatawa? Grabe naman, ang sama niya! Maiiyak na ata ako, ito ang unang beses na sinigawan ako ng kahit sino. At nagkamali ata ako nang sabihing magiging madali ang lahat. "Ang sungit naman no’n, pati pagngiti bawal?" Nakanguso kong sabi sa lalaking tinawag na Jacob ng masungit na CEO. "H'wag ka munang umalis, just wait here. Kakausapin ko siya." Nakangiting ani Jacob saka tumalikod at hinabol ang masungit niyang pinsan. Hindi pa rin maalis ang tingin sa'kin ng mga empleyado. Mayamaya ay may lumapit na babae. She's tall and chubby but, looks beautiful with her smile. "Miss, sigurado ka bang mag-a-apply kang secretary?" Tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya. "Kapag nagkataon, ikaw ang kauna-unahang babaeng secretary ni Sir Clent. Baka hindi ka rin tumagal sa kan'ya, habang may pagkakataon ka pa ay maghanap ka na lang ng ibang kompaniya." "Huh, bakit naman?" Pagtatakang tanong ko. Lumapit pa siya sa akin at medyo hininaan ang boses. "Nakakailang palit siya ng secretary kada buwan minsan nga wala pang isang linggo ang tinatagal ng iba. Mataas magpasahod si Sir pero, masungit, sobrang higpit at istrikto. Isang mali, tanggal agad." Pabulong niyang sabi. "Nasa itsura niya naman ang kasungitan at pagiging bossy." Pagsang-ayon ko. "Tama, pagngiti mo pa nga lang sinigawan kana agad." "May girlfriend ba siya?" "Walang may alam. At walang may karapatang alamin iyon." "Yeah, I'm sorry it's too personal na pala." "Bawal ding pag-usapan ang kahit anong may kinalaman kay Sir," saad niya pero siya naman itong nagsasabi ng kung anong may kinalaman sa boss niya. "Akala ko ba bawal? Eh, ano iyong mga sinabi mo sa'kin?" Kunot-noong tanong ko. "Sinabi ko iyon para makapag-isip ka pa kung itutuloy mo pa ang pag-a-apply dito.” "By the way, I'm Angelique Zion and you are?" Pagpapakilala ko at naglahad ng kamay na agad niya namang tinanggap. "Samantha Perez, you can call me Sam." "HINDI ka pa rin umaalis? Sa tingin mo ba tatanggapin kita bilang secretary?" Tinig mula sa likuran ko. Kanina pa ako nakaupo rito at nililibang ang sarili sa cellphone. Kung hindi lang sinabi ni Jacob na 'wag muna umalis ay kanina pa dapat ako nakauwi. Tumayo ako at nakangiting hinarap ang CEO. "Why not? I'm really qualified as your secretary. Actually, this is my first job, but I can do my best if you hire me." Umangat ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko. "Too confident… what if, I reject you?" "Then your loss, not mine." "Why would I hire you, then? Give a good and satisfying reason." "I am graduated as summa c*m laude at Primestone University and if you hire me, I'll give you what you need and help you at all costs. And I'll do my best as your secretary." Tatango-tango naman siya at animo'y nag-iisip pa. Tanggapin na sana ako, hindi ko alam gagawin ko kapag hindi. “Okay then… you're hired but, one mistake and you're dead. " Pagbabanta niya. Patay agad? Sa halip na matakot ay matamis pa akong ngumiti sa kaniya. Imbis na ngiti rin ang matanggap ko ay mukha pa siyang nainis sa akin. "Could you please stop smiling when I'm talking to you? You're so annoying!" Hindi ko pa rin inalis ang ngiti ko at mas nagpa-cute pa sa kaniya. “I’m sorry po, Sir. Try mo rin po kayang ngumiti paminsan-minsan? Tatanda ka ng maaga kung lagi kang nakasimangot at seryoso,” saad ko na ikinangiwi niya. "You look like a dog!" Nanlaki ang mata ko sa sigaw niya sa mukha ko. What the hell? Tinawag niya akong aso? Aso! "W-what? Ako aso? A-ang sama mo!" Halos maiyak kong sigaw. Oh, God! He just compared me to a dog. "Don't shout at me! I'm the boss here, wala kang karapatang sigawan ako!" "Ikaw din naman, wala po kayong karapatang tawagin akong aso. Mukha pa akong aso sa’yo?" "Shut up! Or else, I'll fire you!" parang kidlat na sigaw niya Pakiramdam ko ay dumagundong ang paligid sa lakas ng sigaw niya kaya natahimik na lang ako. Hindi pa nga ako nagsisimula, tanggal na agad? Natikom ko ang bibig at umurong ang luha ko dahil sa sigaw niya. Mababakas sa kaniya ang sobrang pagkainis. “Edi, ‘wag mo na lang ako tignan kapag kinakausap mo ako para hindi mo makitang nakangiti ako. Sanay akong nakangiti sa lahat, ang hirap pigilan ngumiti.” Nakangusong bulong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. “Pogi nga, ang sungit naman. Hindi pa marunong ngumiti,” bulong ko sa sarili. “What did you say?” “Wala! Sabi ko, salamat po sa pagtawag mo pong aso sa ‘kin at pagsigaw. Napakasarap po talaga sa pandinig, Mr. CEO.” Sarkastikong sabi ko. I heard him chuckled a bit. Kaya napabaling ako sa kaniya, agad naman siyang umiwas ng tingin. Magsasalita na sana ako pero tinalikuran niya na agad ako. "Ang sama ng ugali mo. ” Bulong ko ulit habang nakangusong pinagmamasdan siyang maglakad palayo sa’kin. Tumingin ako sa paligid, ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala lahat sa amin kanina. Ang iba ay nakanganga at naguguluhan, at mayroon pang hindi ko malaman kung bakit nakangiti pa. "Grabe, ang sama niya tawagin ba naman akong aso?" Hindi makapaniwalang ani ko sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko at huminga nang malamin para makalma saka lumabas ng gusaling iyon. Bago pa ako makasakay ng kotse ay isang sulyap pa ang ginawa ko sa HAEC Building. "Mahuhulog ka rin sa akin." Pagsisisihan mo't tinawag mong aso ang isang katulad ko. Humanda ka sa ‘kin at makikita mo kung sino ang sinasabi mong aso. Aakitin kita at pagsisisihan mo't tinawag mong aso ang isang Angelique Zion Rivas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD