Sa loob ng isang linggong pagpasok ko ay walang nag-iba sa trato sa’kin ni Mr. CEO. Nasa pinto pa lang ako ng opisina ay sigaw niya na agad ang bumubungad sa’kin, kung hindi ako late ay simpleng pagngiti ko kaya sinisigawan niya ako. Minsan naman ay sobrang tahimik niya at tanging tango lang ang sagot sa t’wing magsasalita ako pero, mas gusto ko iyon kaysa sa paninigaw niya.
"Good morning, Miss Zion, napakaganda niyo talaga." Iyon na naman ang palakaibigang ngiti ni Manong Guard, matanda na siya at panot na rin ang buhok pero mukha pa ring malakas at masayang tao.
Araw-araw ay hindi nakakalimot si Manong na baitin ako t'wing pumapasok dito sa HAEC. Wala naman akong nakikitang masama doon dahil palakaibigan talaga ang mga tao dito maliban na lang sa boss namin.
"Good morning din po, salamat po, hindi na po kayo nasanay sa 'kin."
Maayos ang pakikitungo sa'kin ng lahat. Kaso nga lang eh, laging akong nasisigawan ng Mr. Grumpy CEO. Kahit wala naman akong nagagawang mali laging nakasimangot at makasigaw siya, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng empleyado niya.
Mas lalo pa siyang naiinis kapag nakangiti ako, hindi ko naman maiwasan dahil sanay akong laging nakangiti at masaya, siya lang ang parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Nagbiruan pa kami ni Manong guard bago ako tuluyang pumasok ng building. Sasakay na sana ng elevator nang makita ko si Mr. Grumpy CEO na pasakay sa kabilang elevator. Kaya naman, nagmadali akong sumunod sa kaniya at makapasok din ng elevator.
"Good morning, Mr. Grumpy CEO,” nakangiti kong salubong sa kaniya.
"Sino nagsabi sa'yong pwede kang sumakay ng elevator na ito kasama ko?" Masungit na namang tanong niya habang inaayos ang necktie.
"Ako. Nakita kita kaya sumunod ako saka iisang floor at lugar lang naman ang pupuntahan natin."
"No one is allowed to enter my personal elevator. Ako lang ang dapat gumagamit nito."
"Punuan sa ibang elevator. Saka, ngayon pa lang naman ako sumabay sa ’yo.”
Humarap siya sa akin at sinuri ang kabuuan ko. Naningkit ang kaniyang mata at tumaas ang sulok ng labi.
"Sino nagsabing magsuot ka ng gan'yan?"
Naguguluhan akong humarap sa kaniya. Ano na naman ang problema niya sa’kin?
Nakasuot ako ng pormal dress na angkop bilang isang sekretarya. Ganito rin naman ang suot ng mga babaeng empleyado dito, bakit ako lang ang sinisita niya?
"Huh, bakit? Pormal naman ito saka ganito rin ang suot ng ibang empleyado dito.”
"Next time, you should wear proper jeans!"
“Ano naman pong problema sa suot ko ngayon? Magalit ka kung magsuot ako ng bikini sa opisina mo,” pagbibiro ko at tumawa ng malakas.
"What the f**k!" sigaw niya kaya natiklop ako't nanahimik.
"Subukan mo, ikukulong talaga kita at tatanggalin kita bilang sekretarya ko!"
Ikukulong?
Wala namang masama kung minsang pagtripan ko ang Mr. Grumpy CEO na ito di 'ba?
Hindi naman ako gano’n kainosente at marami na rin akong naging karelasyon no’ng High school at College ako. Pero, kahit na gano’n ay may limitasyon pa rin ang lahat.
At nandito nga pala ako dahil sa kagustuhan ni Daddy.
"Ikukulong? Saan sa opisina mo? O sa… k'warto mo?" bulong ko sa tonong mapang-akit.
Nakita kong napalunok siya at napapikit. Napangiti ako at mas lumapit pa sa kaniya. Tumingkayad ako para maabot ang tainga niya at bumulong.
"Saan Mr. Grumpy? Saan?" mapang-akit na bulong ko.
Inamoy-amoy ko pa ang leeg niya. Ang bango niya pala kapag ganito kalapit, lalaking-lalaki ang amoy. Para siyang naistatwa sa kinatatayuan habang ginagawa ko iyon, nakapikit pa rin at tila nahihirapang huminga.
Pinaglandas ko pa ang aking kamay sa braso niya pagkatapos ay iniangat ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib, sa posisyon namin ay para na akong nakayakap sa kaniya. Samatalang siya ay nakapikit parin at tikom ang bibig.
Inamoy ko ulit ang leeg niya, sa pagkakataong iyon ay umiwas na siya.
"Stop it," matigas na aniya.
Dumilat siya at humingang malalim saka lumayo sa akin. Muli siyang huminga ng malamin at niluwagan ang pagkakatali ng necktie.
"Sabi mo ikukulong mo ako, saan?"
Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Lalapit na sana ako ay umatras siya para makaiwas. Hindi ko man makita ang ekspresyon ng mukha niya ay kapansin-pansin ang pamumula ng tainga.
"Never mind, nagkamali ka ng dinig."
Nagkamali eh ang lakas-lakas ng sigaw niya kanina.
"Hindi ako bingi, rinig ko iyon nagpapalusot ka pa."
Huminga ulit siya ng malalim at mariing pumikit.
"Bakla ka ba?"
"What?!" gulat na tanong niya at di makapaniwalang tumingin sa akin.
"Sabi ko, bakla ka ba?"
"What the f**k are you talking about? I'm not gay!"
"Kung hindi ka bakla, bakit iniiwasan mo ako? Bakla ka, ayaw mo sa'kin tapos lagi mo pang kasama si Jacob na pinsan mo,” ani ko.
Sinabi ko iyon para iniisin siya. Una dahil tinawag niya akong aso. Bilang isang lalaki ay alam kong insulto sa kanila ang tawaging bakla. Kaya naman, dapat siyang magdusa kabayaran sa pagtawag niyang aso sa 'kin.
Saka, ang sarap palang makita na isang masungit at bossy na tulad niyang tila nahihirapan at naiinis din. Minsan lang ito kaya lulubusin ko na, hindi niya naman siguro ako tatanggalin sa trabaho hindi ba?
Sana nga!
"Hindi ako bakla! Tumigil ka baka kung ano pang magawa ko sa'yo," pagbabanta niya at sinamaan ako ng tingin.
Gumanti rin ako ng masamang tingin sa kaniya at nakapamaywang sa harap niya.
"Bakit? Anong gagawin mo?”
Dahan-dahan siya lumapit sa'kin nang hindi inaalis ang tingin. Napaatras ako sa ginagawa niya at nang wala nang maatrasan ay naikuyom ko na lang ang aking kamao at lumunok.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumagal siya doon bago ibalik ang tingin sa mata ko't magsalita.
"Sa tingin mo, anong kaya kong gawin?"
"A-ano?" Nauutal na tanong ko dahil hindi pa rin siya lumalayo.
Imbis na sagutin ay ngumisi lang siya.
"Lalaki pa rin ako at mas malakas kaysa sa tulad mo… h'wag mong ubusin pasensiya ko." May riing aniya.
"Bakla ka.” Patuloy na pang-iinis ko sa kaniya.
"One,” aniya na kinakunot ng noo ko.
Nagbibilang ba siya?
"Bakla."
"Two."
Iritadong-iritado na ang mukha niya at halatang nauubusan na ng pasensiya.
"Ba—" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang bigla niya na lang ako sinunggaban ng halik.
Nanlalaki ang mga mata at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Ilang segundo bago siya lumayo ng kaunti at hindi maalis ang tingin sa labi ko.
Gulat parin at nakanganga akong tumingin sa kaniya.
"Sweet." Pagkatapos n'yang sabihin iyon ay hinalikan na naman ako.
Kung kanina ay magkalapat lang ang aming mga labi, ngayon ay gumagalaw siya at sinisipsip ang labi ko. Paulit-ulit niya iyong ginagawa.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari dahil bigla akong nakaramdam ng kaba at pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako.
Hindi naman ito ang unang beses na nahalikan ako pero, bakit ganito?
Bigla ay pumasok sa isip ko ay sinabi ni Daddy. Hindi ko alam kung tama ba itong nangyayari.
Sinubukan kong itulak siya ngunit sadyang malakas siya at mabilis niyang nahuli ang mga kamay ko. Gamit ang isang kamay ay kinulong niya ang kamay ko. Ang kaliwang kamay ay nakasandal sa pader malapit sa ulo ko. Iniwas ko ang mukha ko kaya natigil siya sa paghalik. Habol ang hininga akong napapikit. Pagkadilat na pagkadilat ko ay mukha niya ang bumungad at hinuli na naman ang mga labi ko.
"Sinong bakla, huh?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko dahilan upang maibuka ko ito at malaya niyang naipasok ang dila niya saka doon naglaro.
Hindi ko malaman ngunit hindi lang ako pinagpapawisan, pakiramdam ko pati ang maselang parte ng katawan ko ay basa na rin.
W-what the hell!
Lumipas ang ilang minuto, hindi ko na namalayang tumugon na ako sa paghalik. Sinabayan ko ang ritmong ginagawa ng kan'yang labi. Naging mas mariin ang pagkakahalik niya at mas lalo pa akong isinandal sa pader.
Binitiwan niya na ang mga kamay ko at ang mukha ko naman ang inalalayan para mas makagalaw pa siya. Ang mga kamay ko naman ay napakapit ng mahigpit sa tuxedo na suot niya.
Umangat ang kamay ko sa ulo niya at mas nilapit pa siya. Minsan ko pa siyang nasasabunutan t'wing kakagatin niya ang labi ko. Kanina pa rin kami nagpapalitan ng halik at ungol na kay sarap pakinggan lalo na ng kaniyang boses.
Mayamaya pa ay tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Natigil kaming dalawa, doon ay para akong natauhan sa kung ano ang ginawa namin.
"Ngayon, sinong bakla?" Habol ang hininga akong tumingin sa kaniya. Siya ay parang wala lang sa kan'ya ang nangyari dahil sa hindi ko mabasang emosyon sa mukha niya.
"W-wala." Utal na sagot ko't nag-iwas ng tingin.
Ngumisi siya at tinalikuran na ako. Naiwan akong tulala at hindi malaman ang gagawin habang hawak ko ang aking labi.
Huminga ako nang malalim bago sumunod sa kaniya. Dere-deretso siyang pumasok sa opisina niya habang ako ay nasa likod at nakasunod lang.
"Anong nangyari sa'yo Clent? Miss Zion?" Puno ng pagtatakang tanong ni Jacob nang salubungin kami.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa pinsan. Bumungisngis siya at tinuro pa kaming dalawa.
"What are you doing here?" tanong ni Clent the Grumpy CEO.
"Lagi akong nandito, ngayon mo lang ako tinanong ng gan'yan."
"Get out, marami akong pipirmahang papeles,” ani Clent saka pumunta sa table niya.
"Okay, ayusin mo ang coat mo dahil gusot." Natatawang sabi ni Jacob saka pumunta sa harapan ko.
Nakakaloko siyang ngumiti sa'kin bago nagsalita.
"Maganda sana lipstick mo kaso… sira na, lagpas-lagpas at mukhang nilapa ka ng malaki at mabangis na aso BWHAHAHA!" Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na siya sa harapan ko.
Namumula akong lumabas ng opisinang iyon at nakayukong dumeretso sa rest room.
"Aaaargh nakakahiya!" sigaw ko nang makapasok ng rest room.
Mukhang nilapa ka ng malaki at mabangis na aso.
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang huling sinabi ni Jacob. Nag-iinit ang mukha ko at tingin ko ay pulang-pula na 'ko dahil sa kahihiyan.