Hi, I\'m a Filipino writer at age of 19. I hope you\'ll love my works.
"You can\'t achieve your goals, if you\'re just sitting." -SelynDIE
"Motivate yourself co\'z no one will do."
Simula kolehiyo ay ayaw na ni Samantha kay Jacob. Unang kita pa lang ay hindi niya na gusto ang awra nito at ang mga ngiti sa tuwing nagkikita sila. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang pagkakadisgusto niya sa lalaki. Sa bawat araw at taon na nagdaan ay hindi iyon nagbago at mas lalo pang umusbong ang disgusto niya kay Jacob sa tuwing may kasama siyang mga babae. Itinuring niyang kaaway ang lalaki dahil na rin sa palaging pang-iinis nito sa kaniya. Hanggang sa nakatapos ng kolehiyo, hindi pa rin naghihiwalay ang landas nila dahil nagtrabaho siya kung saan pinsan ni Jacob ang CEO. Kaya naman wala siyang magawa kundi ang tiisin ang walang katapusang pagpapapansin ng lalaki.
Hindi niya inaasahan na sa pagkakadisgusto sa lalaki nagsimula ang totoong nararamdamn niya rito at tuluyan na ring bumigay ang isang Amazona'ng tulad niya sa isang playboy na si Jacob. Ngunit pilit niyang iwinawaksi ang nararamdaman para kay Jacob dahil isang hamak na mahirap lamang siya habang kilala at tinitingala ang pamilyang kinabibilangan Jacob Hortans.
Magawa niya kayang pigilan ang nararamdaman? Maari bang magmahalan ang isang mayaman at mahirap? O ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap lamang?
Angelique Zion Rivas always obey her father. Kahit ano ay kaya niyang gawin sa ama, mapasaya lamang ito at maging proud sa kaniya. Hanggang sa utusan siya ng kaniyang ama na akitin ang CEO ng kalaban nilang kompanya. Clent Gunner Hortans the CEO of HAEC, bossy, low-tempered, rude and heartbroken. She do her best to allure this man but, it always ignore him and shouted whenever he see her face lalo na kapag nakangiti siya. Desperada na siyang gawin ang lahat para lang makuha ang loob ng lalaki.
Magtagumpay kaya siya sa plano niya? Paano kung siya pa ang unang mahulog dito? Sino ang mas pipiliin niya... ang kan'yang ama o ang taong mahal niya?