"Siya si Angelique ang alaga kong lagi kong nakukwento sa inyo. Angelique mga anak at asawa ko." Magalang akong pinatuloy ng pamilya ni Manang. Maliit lang ang bahay nila. Tahimik at sariwa nga ang hangin katulad ng lagi niyang nababanggit sa akin noon. Umaga na nang makarating dito at gabi kami tumakas at umalis ng bahay. Sana lang ay hindi talaga kami nasundan dito. Natatakot ako sa mga maaaring gawin ni Daddy sa akin lalo na sa magiging anak ko. Kung ayaw nila sa amin, ay ako na mismo ang lalayo. Para sa kaligtasan ng anak ko, hindi ako papayag nang hindi niya masisilayan ang mundo. Kaya kong mag-isa… kakayanin ko. Siguro ito na nga ang simula ng lahat. Simulang malayo sa gulo. Malayo sa pamilya at nakakakilala sa akin. "Magpahinga na, Angelique. Alam kong pagod na pagod ka na

