"Manloloko ka! Niloko mo ako, Angelique! At iyang batang 'yan hindi ko siya matatanggap kahit kailan! Hindi ko siya anak!" Puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa anak namin. Galit na galit ang lalaking minahal ko dahil sa kasalanang nagawa ko. "Mommy!" Nagising ako sa pagyugyog at sigaw ng anak ko. Iyon na naman ang panaginip na iyon. Hingal na hingal akong bumangon at agad niyakap ng mahigpit ang anak ko. "Are you okay, mommy?" "Y-yeah," utal nasabi ko habang mahigpit pa rin ang yakap sa kaniya. "Are you okay?" Tanong niya ulit, ganiyan siya kapag hindi siya sigurado kung nagsasabi ng totoo ang kausap. "Yeah, mommy is okay. Good morning my baby Bullet." Hinarap ko siya at ngumiti ng matamis. Agad din siyang ngumiti. "Good morning, mommy. I love you." "I love you

