"Anong ibig sabihin nito, Savannah?" kunot noong tanong ni Seth. Nang mapag-solo silang tatlo sa salas. Pinilit niya si Noah na bumili ng pregnancy kasama ang kambal, syempre buntot si Chloe. Ayaw siyang iwan ng lalaki. Gusto nitong makausap si Seth at siyang magpaliwanag ng tungkol sa kanila. Pero pinaki-usapan niya muna itong siya na lang ang makikipag-usap sa kapatid. Knowing, Seth na walang preno ang bibig minsan baka imbes na magka-ayos ang dalawang lalaki, lalo lang magkaroon ng misunderstanding. Siguradong real talk ang aabutin niya sa dalawang nakaupo sa harapan niya ngayon. "Vanni?" untag nito ng hindi siya sumagot. She sighed. "Seth. . . Mahabang kwento." "So? I don't care kahit abutin tayo ng isang taon dito. Ayoko ng cut version, Vanni," anito sa tonong nanenermon. Wala

