Connor.
Im busy checking some documents when my secretary knock on the door and come in. "President, this is the list of items that we can give to our VIPs today kailangan lang po ng pirma nyo para maibigay na namin." Sambit nito, inabot ko ang document nang hindi ito tinitingnan, nang makita ko ay pinirmahan ko kaagad at inabot rito saka muling binaling ang tingin sa ginagawa ko. "And President, ito narin po ba ang ibibigay natin sa VVIP natin na nagcheck in kanina?" Napaangat ang ulo ko at tiningnan na ito.
"VVIP?" Ulit ko.
"Yes President, may nagcheck in po kanina sa presidential Suit na VVIP, under the name of Ms. Sera." Dugtong nito.
"Yes, and give her our special wine." Tugon ko saka tumango ito at umalis na. Sandali akong napaisip sa VVIP na iyon. She must be filthy rich to afford our expensive suites.
Bumaba ako ng office para pumunta sa lobby, I want to invite the vvip in our party later. Agad akong binati ng mga nasa reception desk at nagulat pa nang makita ako.
"Good afternoon president." Sambit nila.
"Whats the room number of our VVIP?" Tanong ko, agad silang tumingin sa computer at muling inahon ang tingin sa akin.
"Room 1405 po President." Sambit nito, tumalikod ako at saka tiningnan ang lift, there's something on me that wants to know.
"Give her an invitation for the party later." Sambit ko, ngunit biglang nagsalita ang isa ko pang staff.
"She already have an invitation sir, Ms. Sera will attend the party later."
"Really? Okay, go back to work." Tugon ko saka tumalikod na at lumapit sa lift para bumalik sa opisina.
Pagkapasok ko sa lift ay pinindot ko kaagad ang floor kung saan ang opisina ko, nakatingin ako ng deretso sa labas habang hinhintay na magsara ang lift ngunit natigilan ako nang magbukas ang katapat kong lift at lumabas ang isang pamilyar na babae.
Kahit na malayong malayo ang itsura nito sa dati ay sigurado ako sa nakita ko, natulala ako sa pagsara ng lift. Agad kong pinindot ang lift para magbukas ito, nagmamadali na parang bawat segundo ay mahalaga.
"Bella". Nasambit ko sa sarili, it was her.
Patakbo akong lumabas ng lift, nagtinginan pa ang ilan sa mga staff at guest na nasa lobby, nakita ko ang babae na sumakay sa puti nitong kotse tinangka ko syang habulin ngunit nakaalis na ito nang marating ko ang entrance ng hotel.
Hinihingal ako at napahawak sa noo, I feel frustrated. I knew what I saw, its Bella! Ibang iba na ang itsura nito sa dating simpleng babae na minahal ko, pero ang mata nya, ang mata nya na noon ay sa akin lang nakapako ay hinding hindi ko malilimutan kahit magiba pa ang itsura nya.
Agad akong bumalik sa reception desk to check on her, paano sya nakapagcheck in sa hotel ko ng hindi ko nalalaman? Napakalapit nalang nya sa akin pero hindi ko parin sya naabutan.
"Im sorry sir, pero wala po talaga tayong guest na may pangalang Bella Celine Clemente." Garalgal na sambit ng babae, nababanaag ko ang tensyon sa mukha nito.
"What? Thats impossible! I just saw her earlier. Lumabas sya ng hotel ko!" Singhal ko, lumapit na ang manager ko para pakalmahin ako, pero wala parin itong nagawa.
"Check the CCTVs, and report it to my office!" Sambit ko pa bago pumunta sa lift at bumalik sa office ko.
Kunot noo kong pinapanuod ang ilang clips sa CCTVs para mahanap ang babaeng kamukha ni Bella, I’m desperate to find her. Gusto kong makumpirma na tama ang kutob ko, na si Bella nga ang nakita ko kanina sa lift. Bumalik na ang babaeng mahal ko, ang babaeng pinakasalan ko at sinaktan ko ng sobra. Napapikit ako at pinunasan ng palad ang luhang namumuo sa mata ko. Nakita ko ang clip kung saan palabas ito ng lift pero hindi naman masyadong kita ang mukha pati rin sa loob ng lift dahil masyadong mataas ang kuha ng CCTV. Napasandal ako sa swivel chair at saka hinilot ang sintido. Napukaw ang atensyon ko nang biglang may kumatok sa pinto ang manager ko habang hawak ang isang folder.
"President, she is Ms. Sera Ibanez, the daughter of IBNZ Group. And it turns out that she's the VVIP that check in earlier." Sambit nito, tiningnan ko ang registration form na finifillupan ng mga guest kapag magcheck in.
Nanlumo ako at bumagsak ang dalawang balikat. "You may go" sambit ko rito agad naman itong umalis.
Tumayo ako sa may glass wall at tumingin sa tanawin. It turns out na mali ang nakita ko,"Where can i find you,Bella? I missed you so much." Bulong ko sa sarili.