Galit, poot at pagkamuhi iyon ang nararamdaman ko sa mahabang panahon, hindi na ako makapaghintay na dumating ang panahon ng paghaharap namin ni Connor at mapagbayaran nya ang lahat ng kasalanan nya sa akin at sa mga mahal ko.
Matinding sakit ang nararamdaman ko, para akong papatayin sa sobrang sakit ng dibdib ko kapag naaalala ko sina Nanay at Tatang. Sisiguraduhin ko’ng pagbabayarin ko ang mga taong nasa kabila ng pagkamatay ng mga ito.
Connor.
Hindi ko na nakita pa si Bella mula nang umalis ito. Hinanap ko sya, ginamit ko lahat ng connections ko para mahanap siya pero bigo ako. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag sa kanya. Sising sisi ako sa nagawa ko, kung pwede ko lang balikan ang lahat itatama ko lahat ng pagkakamali ko sa kanya. I love her, I truely love her and I’m missing her so much. At huli na ang lahat nang marealize ko ang lahat ng iyon, wala na siya sa piling ko.
Dahil sa paglipat ng titulo ng Poblacion Estancia sa De Vera Holdings Inc. Agad na pinasimulan ang pagpapatayo sa Estancia Hotel. Sa loob lamang ng limang taon ay natapos ang kauna-unahang five star hotel sa Poblacion. Sa tulong narin ng investments ni Mildred kaya naging matagumpay ang pagbubukas ng Hotel Estancia.
Limang taon, limang taon na akong nangungulila kay Bella. Halos mabaliw ako kakahanap sa kanya sa loob ng limang taon pero hindi ko sya makita. Para syang bula na bigla nalang nawala.
Tinuon ko ang lahat ng panahon at oras ko sa trabaho pero umaasa parin ako na balang araw ay babalik sya, babalik sya at magkakasama kaming muli kapag nangyari iyon ay hindi ko na sya pakakawalan pa.
Dahil sa tagumpay na tinatamasa ng Hotel Estancia binabalak naming magtayo ng isa pang branch sa kabilang probinsya, kinailangan namin ng pondo para dito at isang solusyon doon ay ang pagbebenta ng rancho.
Mabilis namang nabenta ang rancho sa isang negosyanteng taga London na pabalik ng bansa para dito manirahan. Laking gulat ko dahil dinoble nila ang presyo, hindi ko nakakusap ang negosyanteng iyon at tanging abogado nya lang ang nakikipagtransakyon sa amin. Well,I don't mind as long as ma-satisfied ako sa offer at hindi nga ako nabigo.
"Thank you Mr. De Vera." Sambit ng abogado saka ako kinamayan. Ngumiti naman ako at saka nagsalita. "You’re welcome Mr. Gomez, by the way, may I know the name of the new owner of my ranch?" Tanong ko out of curiousity, nginitian ako nito saka bumitaw sa kamay.
"Don't worry she’ll be coming here soon." Sambit nito. She?
May kung anong tumuligsa sa isip ko. Pero sinawalang bahala ko nalang ito. "By the way, Hotel Estancia will be having its anniversary party, I hope you’re client can come." Sambit ko saka inabot ang isang invitation.
"Thank you, I'll make sure to give this invitation to my client." Isa pang ngiti ang pinakawalan nito saka umalis na.
Sera.
"Okay attorney, please proceed to the plan, thank you." Sambit ko saka binaba ang phone at binaling ang tingin sa invitation na nakalapag sa glass table ko. Ngumisi ako, "Are you that excited to meet me?" Sambit ko sa sarili.
I'm driving my white Ferrari papasok sa probinsya, dinadama ko ang preskong hangin, I feel relax and calmed this is what I want. Unlike in London and Manila, all the sweet memories came back to me, kung gaano kami kasaya nila nanay at tatang pati ang bangungot nang makilala ko rito si Connor, kung paano ako napaikot ng lalaking una kong minahal.
Sa wakas ay nakarating din ako sa malaking gate ng rancho, agad itong nagbukas nang tumapat ang kotse ko sa gate. Wala paring pinagbago ang rancho five years ago.
Sinalubong ako ng mga tauhan ko sa rancho nang makababa ako sa kotse, this house is still the same. Inikot ko ang paningin sa buong bahay.
"Ms. Sera, welcome home po." Sambit ni manang Elsa, matagal nang katiwala si manag Elsa ng mga Ibañez, bago pa ako dumating ay naninilbihan na ito sa pamilya, ngumiti ako saka nagsalita.
"Kamusta dito sa rancho? Inanasahan ko ang pagpapanatili nyo ng kaayusan ng mansion at ng rancho, Manang Elsa ikaw na pong bahalang magturo sa kanila ng mga gagawin."
"Opo Ms. Sera,nakahanda na pala yung kwarto mo sa taas." Tugon nito nang nakangiti, bahagya ko itong nginitian saka muling pinasadahan muli ng tingin ang kabuuan ng salas.
"Thank you" Sambit ko saka umakyat na sa taas. Nagpalit ako ng night dress saka pinatungan ng roba pagkatapos kong maligo, nagpaakyat ako ng isang bote ng wine at wine glass. Binuksan ko ang beranda at sumandal sa barandilya habang iniinom ang hawak kong wine. Tumingin ako sa taas saka marahang ngumiti.
"Nay,tatang.. nakikita nyo ba ako mula r'yan? Bumalik na ako, bumalik ako para bigyan ng katarungan ang pagkamatay nyo. Miss na miss ko na kayo." Uminit ang gilid ng mga mata ko at unting unting namuo ang tubig rito, yumuko ako at kasabay non ang pagagos ng luha ko, nilagok kong muli ang wine na hawak ko at inubos iyon saka napalingon sa kabilang beranda and then I saw the image of the man that I loved starring at me with a warmth in his eyes.
I know this is not real, ngunit bakit may parte sa kaduluduluhan ng puso ko na nagaasam na sana ay totoo nalang ang nakikita ko? Ngumisi ako saka muling tumingin sa mga bituin, umiiyak ngunit tumatawa ang aking labi.
Punong puno ako ng pighati at paghihiganti alam kong matatapos lang ang lahat ng ito kapag nagtagumpay na ang aking plano.
"Ms. Sera, this is your key card and invitation for the party later." Sambit ni Joy habang nasa lobby kami ng Hotel Estancia, nakatingin ako sa magarbo at malawak na lobby nito. I pick the expensive suit for a night.
"Okay, send to me the proposal of Ms. Castro when you go back to Manila." Sambit ko saka kinuha ang key card ng suit at invitation para sa party ng hotel mamaya.
"Yes Ms. Sera." Tugon nito.
"You may go." Sambit ko saka tumalikod rito para sumakay sa lift.
Hindi naman ako nabigo sa presyong binayad ko sa suit na ito, pagpasok ko sa loob ay isang malawak na sala ang bumungad sa akin with a white and beige theme, carpeted ang buong kwarto sa tapat ng sala ay may malaking kusina, sinilip ko rin ang malaking kwarto it has a queen size bed, glass wall with an expensive curtain.
I saw the bathroom na may bathub sa gitna at seperate shower room. May walk in closet din. Tumango tango ako saka lumapit sa glass wall at hinawi ang malaking kurtina, mula rito ay tanaw ko ang rancho at kalupaan ng Poblacion Estancia. Napalingon ako sa pinto nang tumunog ang doorbell, dumating na ang dress na pinagawa ko from Italy, binuksan ko iyon at inangat ang itim na sleeveless long dress na kita ang buong likod, napangiti ako nang masilayan ko kung gaano ito kaganda.