Episode 16

835 Words
5 years later. "Welcome back Ms. Sera." Nakangiting bati sa akin ni Joy ang personal assistant at secretary ko. Kinuha nya ang luggage na dala ko, bahagya ko itong nginitian at agad na pumasok sa sasakyang naghihintay sa akin sa labas ng airport, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa bintana. Im back, this is the beginning of my plans. "Do I have a meeting today?"Tanong ko kay Joy nang makasakay na ito sa passenger seat. "Yes Ms. Sera, you have a meeting with Mr.Lim." Sambit nito. Tumingin ako sa bintana saka sumagot. "Let’s go straight to the office." Seryoso kong sambit sa driver, habang si Joy naman ay abala sa ipad to check my other schedules. It’s been 5 years? Its been f*****g 5 years but the pain is still here, sariwang sariwa na parang kahapon lang nangyari. Mula nang umalis ako at pumunta sa London ay pinangako ko sa sarili ko na magbabago ako, magiging mas malakas ako at ipaghihiganti ko ang pagkamatay nila Nanay at Tatang. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng mga taong iyon ang ginawa nila rito, lalong lalo na si Connor De Vera. Im going to put him in hell kung saan sya nararapat. I saw everyone waiting for me to come, nakahelera pa sila sa labas ng company habang hinihintay ako palabas ng sasakyan, pinagbuksan ako ng driver saka lumabas na, sandali kong tiningnan ang mga itsura ng mga board members at ilang staffs na naghihintay sa pagdating ko, they must be nervous for my sudden appearance, I smirked. Dumeretso ako sa lift at agad na gumilid ang ilang empleyado na sasakay rin sana rito, pinagbuksan ako ni Joy ng pinto ng office ko at nabungaran ko ang ilang furnitures na pinasadya ko pa galing Italy, at ang working table ko na gawa sa glass nakapatong doon ang nameplate ko na gawa rin sa glass hinawakan ko iyon at sandaling tinitigan. "Welcome back, President Sera Ibañez." Bulong ko sa sarili. Tama, I am now Sera Ibanez, wala na ang dating Bella na mahina at madaling napaikot ng isang De vera, and I am here for my revenge. At hindi ako titiigil hangga't hindi nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay nila Nanay at Tatang. Agad na umagaw sa atensyon ko ang tunog ng takong ni Allyson at umalingawngaw ang boses nito. "Wow, nice office President Sera." Sarcastic at nakangisi nitong sambit. There she goes again May diin sa pagkakasabi nito ng president, dahan dahan ko’ng binaba ang nameplate ko at inayos pa ito saka humarap at sumandal ng bahagya sa table. "I guess you don't have much work to do than the others Allyson, may be I can arrange additional workload for you." Taas kilay ko’ng sambit rito. I saw her fist clenched. "How dare you, kung inaakala mo na natalo mo na ako dahil sa pagiging president mo, you’re wrong! Sisiguraduhin ko’ng babawiin ko sayo ang posisyon ko na inagaw mo!" Gigil na gigil na sambit nito. "Do that after you finish you're work my dear sister. You know why dad chose me to become the president? Because he knows that I am more capable than you, my dear!" Nakangisi ko’ng sambit. Nakikita ko ang pagkairita nito at pagtaas baba ng dibdib dahil sa sinabi ko. She was triggered by my words, Allyson is my stepsister, simula nang dumating ako sa mansion ng mga Ibanez ay alam ko na ang pagkadisgusto nito sa akin, but I don’t care. I have so many things that I need to prioritize kesa ang patulan ang mga tantrums nya. "Go back to work now!" Sigaw ko rito, I saw her eyes felt uneasy saka tumalikod sa akin at padabog na sinara ang pinto. I sighed and rolled my eyes. So immature. Napukaw ang atensyon ko sa pinto nang muling may kumatok rito. "Ms. Sera, here’s the information of Hotel Estancia." Sambit nito saka nilapag ang envelop. Inabot ko iyon bago nagsalita. "You may go." Maiksi kong sambit,agad naman itong lumabas ng office at naiwan akong magisa habang nakatitig sa envelop. Kinuha ko iyon saka tiningnan isa isa ang ilang mga impormasyon tungkol sa Hotel na tinayo sa Poblacion Estancia, sales, stocks price, employees from staff to the big boss. Kompleto ang mga impormasyong nakuha ni Joy, napangisi ako makakatulong ito sa akin para mapagaralan ko kung paano pababagsakin si Connor De Vera, napansin ko ang ilang litrato na nasa loob ng envelop at nilabas iyon, tiningnan ko isa isa ang mga litrato, naroon ang picture ng ribbon cutting ng hotel syempre si Connor ang nandon. Nakita ko rin ang ilang pictures na kasama nya ang isang babae. Hindi na ako nagtaka pa kung makita kong kasama nya si Mildred. Bagay naman sila e pareho silang demonyo. Tumayo ako at humarap sa glass wall saka tinanaw ang syudad habang hawak parin ang mga litrato nila. Laugh as much as you want, but I’ll make sure to make your life miserable like hell. Saka nilamukos ang mga pictures na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD