Sa sobrang pagod sa kakaiyak ay nakatulog narin ako, nagising nalang ako na si Austin nalang ang naabutan kong nagbabantay sa akin, nakaupo sya sa couch habang seryosong nakatingin sa laptop nya. Umangat sya ng tingin sa akin nang maramdaman nya ang paninitig ko rito. Muling bumalik sa akin ang tanong na bakit sila magkakilala ng nanay ko? At mukhang malapit sila sa isat isa.
"Gising kana? Anong pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nagugutom kaba?" Sunod sunod na tanong nito. Umiling lang ako saka sya umupo sa upuang malapit sa kama ko.
"Sabihin mo sa akin kung may kailangan ka,Bella pinagalala mo kami, lalo na si mommy." Sambit nito, kumunot ang noo ko sa tinuran nya,sinong mommy? Nagpunta ba rito ang mommy nya?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, halos paos pa ang boses ko dahil sa kakaiyak kanina.
"I'm your half brother, magkapatid tayo Bella, she's also my mom." Sambit nito, hindi ako makapaniwala. Pero ano pa bang magagawa ko? Ayoko nang dagdagan pa ang problema ko.
"Austin, can i have a favor?" Sambit ko, gusto kong makita sila nanay at tatang, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko sila nakikita.
Nagmakaawa ako kay Austin na samahan akong pumunta sa Poblacion Estancia, alam kong lalo lang akong masasaktan sa gagawin ko pero kailangan kong alamin ang totoo.
"Bella, sigurado ka bang gusto mong pumunta ng Estancia? Sigurado akong hinahanap na tayo ni mommy sa mga oras na to at nagaalala na iyon." Sambit nito habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.
"Gusto ko lang malaman ang totoo, Austin. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita sila nanay at tatang." Tugon ko saka muling binaling ang tingin sa bintana ng sasakyan.
Mabigat ang dibdib at napatakip ako ng bibig nang makita ang kalunos lunos na kalagayan ng mga bahay sa Estancia, halos wala nang matira sa mga kabahayan dahil natupok na ng sunog,kalat kalat ang mga abo at wala naring mga tao.
Malamang nagsilikas na sila rito. Agad na tumulo ang luha ko nang makita ang bahay namin walang natira,sunog na sunog kahit poste ng bahay ay natupok rin ng apoy. Halos manlumo ako kapag naiimagine ko kung paano humingi ng tulong sila nanay at tatang para lang masalba ang mga buhay nila.
Umiyak ako ng umiyak, halos sumigaw na ako sa sakit na nararamdaman ko, inalalayan naman ako ni Austin. Parang pinagpira piraso ang puso ko.
Tahimik lang ako at nakatingin sa bintana habang pabalik kami ng hospital, napagod nalang ako sa kakaiyak at mugto narin ang mga mata ko. Halos mamanhid na ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko, kailangang may magbayad sa pagkawala nila Nanay at tatang pati narin ang ibang nakatira sa poblacion,kinuyom ko ang aking kamay sa galit na namumuo sa aking loob. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Connor, ng mga De vera, napakasama nilang tao.
Agad na sinalubong kami ni mama nang makita nya kaming papalapit sa kwarto.
"Saan ba kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap." Sambit nito nang makalapit sa amin, inalalayan ako ni Austin nang makapasok kami sa kwarto.
"Magbabayad sila." Mahina kong sambit habang nakatingin sa glass wall. Lumapit naman si Austin at sinukbit ang dalawang kamay sa bulsa.
"Maimpluwensya ang pamilya ni Connor, kailangan mong pumantay sa kapangyarihan ng mga De Vera kung gusto mo silang kalabanin. Kailangan mong magpalakas, kung tatanggapin mo ang pagiging Ibanez, malaki ang tyansa mong matalo ang mga De Vera." Sambit nito, napalingon ako rito, seryoso ang mukha at umiigting ang panga nito habang binabanggit ang mga De Vera. Galit ba sya sa mga De Vera?
Napagalaman kong mahigpit na magkarebal ang De Vera at Ibanez sa mga negosyo. Sila ang nangungunang mga negosyante sa bansa na pinagpasa pasahan sa mga sumunod na henerasyon.
Inuwi ako ni mama sa mansion ng mga Ibanez at doon ko nakilala si Don Manuel, ang ama ni Austin at asawa ng nanay ko, halata na sa mukha nito ang katandaan ngunit makikita parin ang pagiging magandang lalaki nito, may hawak syang tungkod na syang sumosuporta sa Paglakad nito, nakangiti nya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang yakap ng tatay ko noon sa akin dati, hindi ko napigilang muling umiyak nang maalala ang mga masasakit na nangyari sa aking buhay.
"Bella, ija. Sa wakas nagkita rin tayo." Nakangiti nitong sambit, pinunasan ko ang luha na pumatak sa pisngi ko at ngumiti rito.
"Kamusta po kayo Don Manuel." Tugon ko, ngumiti sya saka hinawakan ako sa balikat.
"Dont call me don Manuel, i am your father now. Bella, youre a Ibanez now, you are part of my family. Always remember this, walang Ibanez ang nagpapatalo at natatalo. You should have learn to protect yourself." Sambit nito. Pinigil ko ang paghikbi at tumango rito. Batid ko ang gusto nyang iparating, walang Ibanez ang natatalo ng kahit na sino, isa na akong Ibanez at kailangan kong maging malakas kung gusto kong bigyan ng katarungan ang pagkamatay nila nanay at tatang. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ni Connor at ng mga De Vera ang ginawa nila.