Nagaalangan man ay binuksan ko parin ang pinto, tumambad sa akin ang isang matangkad na babaeng binabalutan ng makeup, alahas at mamahaling damit, bitbit nito sa kanang kamay ang bag nya, nakapako ang mga mata sa akin. Natulala ako at pilit na kinikilala ang kaharap hanggang sa magsalita ito.
“Bella.” Isang pamilyar na boses ang naulinigan ko. Bahagya pang napaawang ang labi ko at agad na namuo ang luha sa mga mata ko, sa pagkakatanda ko ay pitong taon palang ako nang huli kong narinig ang boses na iyon.
“Ma..” Pabulong kong nasambit rito, agad syang humakbang at niyakap ako. Para akong tinamaan ng kidlat at hindi nakagalaw, hindi ko inaasahan na makikita ko sya rito, bakit sya nandito? Paano nya nalamang nandito ako?
Muling sumagi sa alaala ko ang hirap na pinagdaanan namin ni Tatay hanggang sa sya ay namatay. Tumalikod ako at kinuyom ang mga kamay, nanaig ang matinding galit ko rito kaysa ang pangungulila.
“Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito? Paano mo nalamang nandito ako?” Sunod sunod kong tanong nang makatalikod na rito, lumapit ito at hinaplos ang likuran ko.
“Bella,anak. I’m sorry, patawarin mo ako. Matagal na kitang gustong kunin sa tatay mo pero hindi sya pumapayag kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sayo anak.” Sambit nito. Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa narinig.
“Huwag nyo akong artihan! Hindi nyo na ako maloloko, iniwan mo kame ni tatay, namatay nalang si tatay pero ni anino mo hindi man lang nakipagluksa sa pagkawala nya, pagkatapos magpapakita ka ngayon?” Singhal ko, ramdam ko ang paginit ng mga mata ko at pagagos ng luha sa pisngi. Sobrang sakit pala, akala ko kapag nakaharap ko na ang babaeng ito ay wala na akong mararamdaman na kahit ano, akala ko manhid na ako pero hindi pala.
Mas lalo pang dumoble ngayong nandito sya sa harapan ko.
“Anak, please. Alam ko nagkamali ako. Patawarin mo ako, pinagsisishan ko ang pagiwan ko sayo.” Pagmamakaawa nito. Tinuyo ko ang luha at inipon ang lahat ng lakas ng loob bago magsalita. Nagulat ako nang makita sa likuran nito si Austin, yung lalaking nakilala ko dito sa hotel nung nakaraang araw, paano sila nagkakilala ng nanay ko?
"Bella,please kausapin mo naman ako. Ako parin ang nanay mo. Bella, sumama kana sa akin. Don't stay here, mapapahamak ka lang kay Connor." Sambit nito. Kumunot ang noo ko, bakit pati si Connor kilala nya? At gaano niya kakilala ang asawa ko para masabi nya ang mga salitang iyon?
"Umalis na kayo, bago pa ako tumawag ng security. Wala kang karapatang kunin ako at sabihan ng masasama ang asawa ko." Sambit ko habang pinipigilan ang luha ko.
"Ginamit ka lang ng mga De Vera para mapunta sa kanila ang Estancia, Bella!" Singhal nito, natigilan ako at natulala.
Paano nangyari iyon?
"Anong ibig mong sabihin?" Garalgal ko nang tugon, hindi ko narin napigilan ang luha na namuo sa mata ko at umagos narin ito sa pisngi ko. Naninikip ang dibdib ko at nanginginig ang mga tuhod ko. Parang isang malaking rebelasyon ang kailangan kong harapin.
"Bella anak, pinakasalan ka ni Connor para makuha nya ang lupain ng estancia, at nang malipat na nya sa mga De Vera ang lupain ng Estancia, sinunog naman nila ang mga bahay ng nakatira don. Si Nanay Rosing at Tatang Lando mo.. Bella, wala na sila." Sambit nito.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko, mabuti nalang at naagapan ako ni Austin at naalalayan. Napakahawak ako sa dibdib ko na unti unting simasakit, sunod-sunod narin ang pagpatak ng luha ko. Sila nanay at tatang. Wala na sila? Hindi pwede, hindi maaari!
Muli kong binalingan ng tingin ang nanay ko na noon ay umiiyak narin, hinawakan ko sya sa dalawang balikat at halos alugin. "Hindi totoo ang mga sinasabi mo,hindi yan totoo! Buhay pa sila nanay at tatang hindi yon totoo!" Halos garalgal na ang boses ko at nanlalabo na ang mga mata dahil sa walang humpay na pagagos ng aking luha. Ang sunod ko nalang naalala ay bumulagta ako sa sahig, nawalan ako ng malay.
Nagising ako na maliwanag at puting-puti ang buong paligid, nasa langit na ba ako? Agad na bumungad sa akin ang mukha ng aking ina na noon ay alalang-alala, ilang beses pakong pumikit-pikit para makuha ang tamang linaw ng aking mga mata.
"Bella, okay ka na ba? Kamustang pakiramdam mo anak?" Tanong ni mama habang nakatayo sa gilid ng kama ko at nakahawak sa balikat ko. Nakita ko rin ang pagtayo ni Austin at paglapit sa akin.
"Nasaan ako?" Tanong ko nang makaupo na sa higaan.
"Nandito tayo sa hospital anak, bigla ka nalang nahimatay kanina." Sambit nito, kumunot ang noo ko saka inalala ang mga nangyari kanina sa penthouse.
"Si nanay at tatang? Gusto ko silang makita." Sambit ko nang maalala sila, tangka akong babangon sa higaan pero pinigilan ako ni Austin.
"Bella,kailangan mo munang magpahinga, nanghihina ka pa." Sambit nito. Umiling ako saka muling nagsalita.
"Austin,kailangan kong makita sila nanay at tatang. Kailangan ko silang puntahan!" Singhal ko rito.
Pero pilit parin akong pinipigilan nito, naluluha narin ako dahil sa frustration at lungkot na nararamdaman ko.
"Bella! Wala ka nang magagawa wala na sila Nanay at tatang mo! Patay na sila! Namatay sila sa sunog na kagagawan ng asawa mo, kagagawan ni Connor!" Singhal ni Mama, parang naubos ang lakas ko at napaupo sa kama sa narinig ko, sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan pang humagulgol ng iyak, sobrang sakit ng puso ko. Para itong tinapaktapakan.
Niyakap ako ni mama para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko, pero imbis na tumahan ay lalo lang akong umiyak. Sobrang galit at sakit ang nararamdaman ko, wala akong magawa kundi ang umiyak nalang, na sana mabawasan rin ang sakit sa pagiyak ko. Ilang oras na ang lumipas pero patuloy parin ang pagagos ng luha ko, gusto kong makausap si Connor, gusto kong magpaliwanag sya sa akin. Gusto kong marinig ang mga sasabihin nya, gusto kong sabihin nya sa akin na wala syang kinalaman sa pagkamatay nila nanay at tatang. Ang mga kawawa kong magulang, wala silang ibang hangad kundi ang mapabuti ako, ang maging masaya ako pero ito pa pala ang mapapala nila sa pagaalaga at pagpapalaki nila sa akin.
Muling nagunahan ang mga tubig sa mata ko at dumaloy sa aking pisngin, kahit hanggang sa pumasok na ang mga doctor para icheck ako, pilit nila akong pinapatahan ngunit wala akong gustong pakinggan sa kanila.