Kumunot ang noo ko nang hindi ko matawagan ang numero ni Nanay, sana pala ay dinalaw ko sila kanina kung alam ko lang na aalis kami kinabukasan. Napaigtad ako nang biglang may yumapos sa akin mula sa likuran, agad na dumapo ang mabagong amoy ni Connor sa ilong ko, ramdam ko ang init ng katawan nito kahit may butil pang tumutulo sa katawan nya mula sa kanyang buhok.
“Sinong tinatawagan mo babe?” Bulong nito, saka sinubsob ang mukha sa leeg ko.
“Sila nanay gusto ko lang sana magpaalam sa kanila, kaso hindi ko naman sila matawagan.” Sambit ko rito.
“Don’t worry about them, may mga tauhan ako na nagaasikaso sa kanila.” Tugon nito saka muling sinubsob ang mukha sa leeg ko, naramdaman ko ang paghalik halik nito rito kaya nakiliti ako.
“Connor,” Daing ko. Hinarap nya ako saka hinawakan sa braso.
“Let’s sleep now, maaga pa tayo bukas.” Aniya, saka lumapit sa kama at humiga na. Nanatili akong nakatayo sa may glass wall habang pinagmamasdan sya, what was happened? Inaakit nya ako kanina pagkatapos ay bigla nalang syang aayaw?
Maaga kaming umalis ng rancho, bago umalis ay sinubukan ko pang tawagan muli sila Nanay pero bigo ako. Nagaalala ako at may kung anong kaba akong naramdaman, pero paulit-ulit na sinasabi ni Connor sa akin na maayos sila doon at wala akong dapat ipag-alala.
Mabilis kaming nakarating ng maynila sakay ng private plane niya. Dumeretso kami sa Grand Hotel, isa sa pinakasikat at malaking hotel sa bansa na pagmamay-ari rin nya. Iniwan nya ako sa penthouse at tumungo na sa office nito.
Sinabi nya na babalikan nya na lamang ako pagkatapos nya sa office. Nainip ako sa penthouse kaya bumaba ako sa lobby at naghanap ng pwedeng puntahan. This hotel is huge, nandito na yata lahat ng amenities na hinahanap mo sa isang hotel, karugtong din nito ang isang malaking mall na si Connor din ang nagmamanage, hindi ko lubos maisip na ganito sya kayaman.
Naiimagine ko na ang magiging kapalaran ng Poblacion Estancia kung sakaling matapos ang hotel na binabalak nyang ipatayo, naeexcite ako para kanila nanay at mga taga-roon. Sa paglilibot ay narating ko ang garden ng hotel, napasinghap ako nang sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Sana ay naisama ko sila nanay at tatang dito, sigurado akong matutuwa sila. Bigla ko silang namiss, ito ang unang pagkakataon na mahiwalay ako ng ganito katagal sa kanila, hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa malayo.
Natigilan ako at napatingin sa panyo na biglang lumantad sa harapan ko sinundan ko ang kamay na may hawak nito at nakita ko ang mukha ng lalaki na nakangiti sa akin.
Inabot ko ang panyo at agad na pinunas sa mukha, nakakahiya may nakakita pa sa pagdadrama ko.
“Are you okay?” Tanong ng lalaki habang nakatingin parin sa akin.
“Oo thank you.” Tugon ko, saka binalik dito ang panyo.
“Bakit ka umiiyak?” Tanong nito, natigilan ako at hindi kaagad nakasagot. Hindi ako sanay na may nagbibigay sa akin ng ganong atensyon. “It’s okay if you don’t want to tell me. Nagaalala lang ako mag-isa ka lang dito tapos umiiyak kapa, nagaway ba kayo ng boyfriend mo?” Dugtong nito, kita ko ang pagaalala sa mga mata nito, napangiti ako, may mga maiingkwentro parin pala ako dito sa kamaynilaan na mga ganitong klase ng tao. Akala ko puro mga barumbado ang mga taga-maynila gaya ng pagaakala ko noon kay Connor.
“Thank you, pero nagkakamali ka, hindi kami nag-away ng boyfriend ko at wala akong boyfriend, asawa meron.” Natatawa kong sambit, sa isang iglap ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.
“Ganun ba, mabuti naman kung ganon. Pero sigurado ka hindi asawa mo ang dahilan kung bakit ka umiiyak dito?” Tugon nito saka tumawa, natawa ako sa tinuran nya. “By the way, I’m Austin Ibanez.” Dugtong nito saka inilahad ang kamay sa harap ko.
Tiningnan ko iyon at saka muling nagsalita. “Bella, Bella Celine De Vera.” Nakangiti kong sambit, sandali pa akong natigilan sa pagbanggit ng apelido ko, muntikan ko nang masabi ang apelido ko sa pagkadalaga.
“So, you’re Mr. Connor De Vera’s wife? Hindi ko alam na nagpakasal na pala sya, parang ngayon lang nangyari na hindi iyon nalaman ng media. Palagi kasi sya ang sentro ng media, nakakapagtaka na hindi nalaman ng mundo ang pagpapakasal nyo.” Sambit nito. Kilala nya pala si Connor? Baka businessman din ito kaya kilala nya ang asawa ko.
“Oo, pero wag ka nalang maingay para hindi na nila malaman, baka ayaw ding ipaalam ni Connor iyon dahil abala sya sa pagpapatayo ng Hotel sa Poblacion Estancia, ayokong dumagdag pa sa mga sakit ng ulo nya.” Sambit ko, napatingin sa akin si Austin bahagya pa nyang nilukot ang noo saka muling tumugon.
“Poblacion Estancia? Mukhang naunahan nanaman kami ni De Vera.” Mahinang sambit nito, nagtaka ako sa sinabi nyang iyon pero sinawalang bahala ko nalang nang ngitian nya ako.
Sabay kaming pumasok sa lobby ng hotel, napagalaman kong taga London sya at dito rin sya nagsstay dahil may mga business meetings lang syang kailangang daluhan, mukha namang mabait na tao itong si Austin, matangkad, kasing laki ng katawan ni Connor pero mas firm lang ang muscles ng asawa ko, maputi rin ito at perpekto ang pagkakadipina ng mukha nya. Pumapangalawa sya sa kagwapuhan sunod sa asawa ko.
“Hanggang kailan ka dito?” Tanong nito bago kami tuluyang maghiwalay, pabalik na kasi ako sa penthouse at sya naman ay may meeting pa raw sa restaurant na nasa loob lang din ng hotel.
“Um, hindi ko pa alam sa asawa ko, depende siguro kung matatapos nya kaagad ang mga dapat niyang asikasuhin.” Sambit ko.
“Sige, sigurado namang makikita kita ulit dito, magpahinga kana, wag kanang iiyak ah. Baka wala nang magabot ng panyo sayo sa susunod.” Tugon nito saka tumawa, lumabas tuloy ang mga mapuputi nitong ngipin, naginit ang pisngi ko at nakaramdam ako ng hiya, nakakahiya ang tagpo kanina.
“Sige, mauna na ako.” Tugon ko saka tumalikod na rito. Nakita ko pa ang pag-alis nito at pagdikit ng phone sa tenga na tila ba may tinatawagan at tinungo ang restaurant, sinundan ko pa sya ng tingin habang hinihintay magbukas ang lift.
Pasado alas-dose na pero hindi pa bumabalik si Connor sa penthouse, sinubukan ko syang tawagan pero naka-off naman ang phone nya, ang sabi nya kanina ay babalik din sya kaagad pagkagaling nya sa opisina pero hindi nya naman sinabi na gagabihin sya ng uwi, nasayang lang tuloy ang niluto kong mga ulam para sa kanya, nilagay ko nalang iyon sat upper wear at pinasok sa ref saka pinatay ang ilaw at tinungo na ang kwarto.
Naglinis na ako ng katawan saka nagpalit ng pantulog, nakailang pihit pa ako sa higaan bago tuluyang dinalaw ng antok.
Kinabukasan ay agad akong bumangon at chineck ang buong bahay kung may bakas ba ni Connor, pero nanlumo ako at sabay na bumagsak ang dalawang balikat nang mapagtanto kong hindi sya umuwi. Tiningnan ko rin ang cellphone ko nagbabakasakaling may text o call na galing sa kanya pero wala. Hinagis ko sa kama ang phone saka dumeretso nalang sa banyo para maligo.
Naghahanda ako ng aalmusalin nang biglang may nagdoorbell sa pinto, napasinghap ako inaasahan kong si Connor na iyon, pero bakit naman sya magdodoorbell ba e, penthouse nya naman ito.