Episode 12

900 Words
Napatingin ako sa glass wall nang marinig ang tunog ng sasakyan, nakita ko ang pag-alis ng pulang kotse at nakatunghay doon si Connor habang hinihintay na tuluyang makalayo ang sasakyan ni Mildred saka muling pumasok sa loob, nakahinga ako ng maluwag. Maya maya pa ay narinig ko ang pagpihit ng pinto, nang lingunin ko ay niluwa non ang nakangiting si Connor. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. “I’m going to office babe.” Bulong nito. Tumango naman ako saka inangat ang ulo at nginitian ito. “Magprepare kana, baka malate ka.” Sambit ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin saka hinalikan ang likod ng kamay ko at pumasok na sa banyo. Hindi ko alam, pero hindi ko mahagilap ang sinseredad sa mga mata nya nang tingnan ko ito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Makailang beses akong umiling at winaksi ang mga agam-agam na namumuo sa utak ko, masyado lang akong nagiisip ng kung anu-ano dahil alam kong nagseselos ako kay Mildred kahit na alam ko namang hindi ko dapat maramdaman iyon. Hinatid ko pa sya sa b****a ng mansion bago sumakay sa sasakyan nito ay niyakap pa nya ako. Muli akong bumalik sa loob at bumuntong hininga, nagiisip ako ng mga pwedeng gawin sa loob ng bahay, nag-ikot ikot ako sa loob ng mansion, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na dito na ako nakatira, Masaya ako pero may lungkot rin dahil namimis ko sila nanay at Tatang. Napadaan ako sa mahabang pasilyo sa 3rd floor, grabe ang mga muebles ng bahay na ito, wala akong masabe. Dumeretso pa ako sa pagaakalang may daanan pa sa dulo ng pasilyo ngunit isang malaking pinto ang bumungad sa akin. Pwede kaya akong pumasok dito? Tumingin ako sa likuran at sinuri kung may ibang tao pero wala akong nakita. Muli kong binaling ang tingin sa door knob at dahan-dahang pinihit iyon, Napanganga ako nang Makita ng naglalakihang book shelf at isang malaking working table sa gitna, this must be his office. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid nang tuluyan akong makapasok. Napatingin ako sa mga papel na nakakalat sa table pamilyar iyon sa akin, pero hindi ko maalala kung saan ko ba iyon nakita, akma ko sanang kukunin iyon nang biglang may boses ng babae na tumawag sa pangalan ko. “Mam Bella.” Si Manang Selma, kabadong sambit nito, paano nya nalaman na nandito ako? Humahangos pa ito nang tinawag nya ako. “N-nakahain na po ang lunch nyo, halika na’t bumaba.” Sambit nito nang makalapit sa akin, muli kong nilingon ang mga papel na nasa ibabaw ng table pero hinawakan nito ang braso ko at doon nabaling ang tingin ko, ngumiti ako saka nagpatianod narin sa pagalalay nito palabas ng silid. Pagkatapos kumain ay tinulungan ko sila manang Selma na magligpit ng mga pinagkainan, noong una ay ayaw nila pero nagpumilit ako kaya sa huli ay sila rin ang sumuko. Bumalik ako sa kwarto pagkatapos at nahiga hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan nalang ako nang maramdaman ko ang mainit na dumadampi sa pisngi at labi ko, halos nakapikit pa ako nang lingunin ko ang gwapong mukha ni Connor na noon ay hinahalik-halikan ako, napangiti ako at saka bumangon. “Kanina kapa?” Tanong ko, niluwagan nya ang suot na tie at saka sumagot. “Ngayon lang, I’m sorry, hindi kita masyadong naaasikaso, wala kasing ibang magaasikaso sa hotel.” With a husky voice, kita ko ang pagod sa mukha nito. “Kumain kana ba?” Tanong ko, saka ngumiti. Umiling ito saka ako tumayo at hinawakan ang kamay palabas ng kwarto. “Hndi parin ako kumakain.” Kumunot ang noo nito at saka agad na tumayo. Sinandukan ko sya ng mga pagkain habang si manang Selma ay nilalapag ang iba pang putahe. Patapos na kaming kumain nang nilapag nya ang table cloth sa mesa. “Babe,” Sambit nito. Umangat ako ng tingin rito saka sumagot. “Hmm?” “We’re going to Manila tomorrow, pack your things.” Baritonong sambit nito, natigilan ako. Ipapakilala nya na ba ako sa pamilya nya? Ayoko syang pangunahan dahil alam ko naman na abala sya sa negosyo, pero inaasahan ko na ipapakilala nya ako sa pamilya nya one of these days lalo na’t kasal na kami. Ngumiti ako bago nagsalita. “Okay, pero anong gagawin natin sa Manila?” Tanong ko. “My main office was there, and I need to fix some documents for the hotel.” Aniya, bumaba ang tingin ko at sabay na bumagsak ang mga balikat. Hindi nya pa ako ipapakilala sa pamilya nya? Pero nasaan nga ba ang pamilya ng asawa ko? Masyado ba akong nakatuon sa nararamdaman ko para sa kanya kaya hindi ko na napansin pa ang mga bagay na iyon? Napaangat ako ng tingin rito nang tumayo sya. “I’m going to bed.” Sambit nito saka ngumiti ng bahagya at hinawakan pa ako sa balikat. Hindi na ako sumagot pa at sinundan na lamang sya ng tingin. Naalala kong sabihan sila nanay at tatang na pupunta kami ng Maynila, hindi naman sinabi ni Connor kung hanggang kailan kami mananatili doon. Pag-akyat ko ay agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang numero ni nanay, naririnig ko pa ang ragasa ng tubig sa shower marahil ay naliligo pa si Connor, tumayo ako sa tapat ng glass wall habang nakadikit sa tenga ko ang phone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD