“Aalis na po kami.” Sabat ni Connor saka nagpaalam na sa dalawang matanda, inalalayan ako nito habang pasakay sa passenger seat ngumiti pa ito bago tuluyang sinara ang pinto. Tahimik ako habang nasa byahe kami, tinitingnan ko ang suot kong singsing.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nagyari sa buhay ko, mabilis man pero masaya ako dahil alam kong kasama ko ang taong mamahalin ko habang buhay.
Sinalubong kami ni Aling Selma pagkapasok namin sa mansion, sa rancho nya kami tumuloy dito muna raw kami hangga’t pinoproseso ang pagpapatayo sa Hotel.
“Congratulations po Sir Connor, mam Bella.” Nakangiting bati nito, ngumiti rin ako saka nagpasalamat.
“Nakahanda na po ba ang kwarto namin?” Tanong ni Connor, napatingin ako rito nang marinig ko ang sinabi nya, nagdiriwang ang kaloob-looban ko sa tuwa kasabay ng kabang nararamdaman ko nang maisip ko ang mga susunod na mangyayari. “Let’s go?” Sambit nito nang humarap sya sa akin.
Agad na namula ang pisngi ko nang ngitian nya ako, hinawakan nya ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad ko at umakyat na sa magiging kwarto namin.
Malaki ang kwarto na pinasukan namin, may isang malaking kama sa gitna, glass window isang set ng sofa sa tapat ng kama at dalawang pinto marahi iyon ang banyo at walk in closet na nakikita ko sa mga magazine. Napangiti ako sa pagkamangha sa bahay na ito.
“Magshoshower lang ako babe.” Baritonong sambit nito saka pumasok sa isang pinto. Umupo ako sa gilid ng kama habang hinihintay syang matapos, kinakabahan ako. This is our first night, dapat rin ba akong magshower pagkatapos nya? Hinawakan ko ang dalawa kong pisngi dahil sa pag-init nito.
Maya-maya lang ay bumukas ang pintong pinasukan niya at agad na dumapo ang mabangong amoy nito, nakasuot sya ng roba at itim na pajama habang tinutuyo ng tuwalya ang buhok nya. Napako ang tingin ko rito, asawa ko ba talaga to? What did I do to deserve this perfect man? Inangat nito ang tingin sa akin saka ngumisi. Agad na dumoble ang pamumula sa pisngi ko, lalong nagwala ang puso ko nang lumapit ito sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka napalunok. “M-magshshower na ko.” Buhol buhol kong sambit saka nagmadaling tumakbo sa bathroom.
Muli akong napanganga nang makapasok ako sa bathroom, ito na yata ang pinakamalawak na banyo na napasok ko, sa gilid ay may isa pang pinto binuksan ko iyon saka lalong napaawang ang labi access iyon sa walk in closet kaya pala nakadamit na sya nang lumabas sya sa banyo, inikot ko ang paningin sa mga damit panlalaki na maayos na nakasalansan doon, sa kabilang banda ay puro pang babae, kompleto ang mga gamit don, mula accessories, jewelries hanggang sa sapatos.
Kumuha lang ako ng pamalit ko na pantulog saka bumalik sa banyo at naligo, paglabas ko ay narinig ko na may kausap si Connor hindi nga ako nagkamali, nakatayo sya sa tapat ng glass wall habang nakatapat sa tenga ang cellphone at ang isang kamay ay nakahawak sa baywang nito.
“Transfer the property to my name as soon as possible attorney.” Sambit nito, napalingon sya sa akin nang marinig ang tunog ng pinto, may gulat akong nakita sa mukha nya saka binaba ang phone. “Kanina ka pa ba dyan?” Tanong nito, ngumiti ako saka nagsalita.
“Hindi naman.” Sambit ko. Ngumiti ito saka lumapit sa kama.
“I’m tired, lets go to sleep now.” Baritonong sambit nito. Sandali akong natigilan, pero agad rin akong bumawi at lumapit na sa kama saka nahiga. Nakatalikod sa akin si Connor, hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa kanya.
Hindi naman sa pagaano, pero, first night namin ito bilang mag-asawa. It should be more romantic than this right? Baka pagod lang talaga sya, mag-asawa na kami. Habang buhay ko na syang makakasama, hindi lang naman ito ang gabi na magkakatabi kami sa kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Naguunat ako at napangiti nang makita ang kulay beige na kisame at chandelier, tinaas ko pa ang kamay ko na may singsing.
Hindi panaginip ang lahat, kasal na nga talaga ako, pumihit ako ngunit nalaman kong wala na akong katabi. I tilted my head, baka nagaalmusal na sya. Agad akong bumangon at naghilamos nagpalit narin ako ng damit saka bumaba at pumunta sa dining.
To my surprise, nakita kong nakaupo si Connor sa dining habang nagkakape at hawak ang isang ipad, marami ring nakahanda sa mesa pero ang talagang pumukaw sa atensyon ko ang babaeng nakaupo sa bandang kaliwa nito, sya yung babaeng nakita ko na halos lumingkis sa asawa ko nung nasa meeting sila kasama ng mga taga Poblacion, sabi ni Connor investor nya raw iyon. Pero bakit sya nandito ng ganito kaaga?
“Good morning mam Bella.” Bati ni Manag Selma nang makita nya ako, sabay na inangat ng dalawa ang tingin sa akin. Tumayo si Connor at lumapit sa akin.
“Good morning babe.” Sambit nito saka hinalikan ako sa noo at hinawakan ako sa baywang at naglakad na papalapit sa mesa, pinaghila nya ako ng upuan saka umupo narin, nakangiti naman habang nakatingin sa akin ang magandang babae na ngayon ay katapat ko na.
“Oo nga pala, babe this is Mildred our investor. Mildred this is my wife, Bella.” Pakilala nito sa amin.
“Hi, I’m Mildred Valderama.” Nakangiting sambit ng babae saka inilahad ang kamay nito sa akin, ngumiti rin ako saka nakipag-kamay dito kahit na may nararamdaman akong kakaiba sa ngiti nito.
Tahimik lang akong nakain habang pinapakinggan ang pinaguusapan ng asawa ko at ni Mildred. Tungkol lang naman sa negosyo at sa hotel na itatayo nila ang topic, ano namang alam ko don? Pero hindi parin ako mapalagay kapag tinitingnan ko silang dalawa, para ng ako ang naging intruder sa kanila, naoout of place ako sa usapan nila. Uminom ako ng tubig saka tinawag ang pangalan ni Connor, nahinto sa pagsasalita ang babae at sabay silang tumingin sa akin.
“Aakyat muna ako sa kwarto.” Sambit ko. Nginitian naman ako ni Connor at hinawakan pa ang kamay ko saka sumagot.
“Okay baby.” Sambit nito, sandali ko pang binalingan ng tingin ang babae at nginitian ng bahagya.
“Nice to meet you Bella.” Aniya, saka muling binaling ang tingin kay Connor, nakita ko pa ang paghawak nito sa braso ng asawa ko bago tuluyang umalis. Ilang beses akong nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto at panaka-nakang lalapit sa pinto, bubuksan ito at isasara rin. Tama bang umalis ako? Sana hinintay ko nalang na umalis si Mildred. Hindi ako mapalagay na iwan silang dalawa lalo na kapag sumasagi sa isip ko ang mga tingin at paghaplos-haplos nito sa asawa ko, may kung anong tumutuligsa sa isipan ko.