“Umalis kana, marami pa akong dapat tapusin.” Sambit ko. He tilted his head.
“Galit kaba?” Tanong nito, muli kong binaling ang paningin sa laptop ko saka nagsalita.
“Umuwi kana, tatapusin ko pa itong lesson plan ko.” Sambit ko, kita ko sa peripheral vision ko ang paninitig nito sa akin. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa laptop ko, naiinis ako sa presensya nya.
“Babe?” Malambing na boses nito, my heart beats fast again as I heard him called me ‘Babe’. Kunot noo ko syang tiningnan at saka nagsalita. “Ano ba? Sinabi nang umalis kana e!” Singhal ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang sakupin nya ng mga kamay ang pisngi ko at halikan ako!
Nakapikit sya habang hinahalikan ang labi ko, boltaboltaheng kuryente ang nagsiakyatan sa buong katawan ko, hindi ako makagalaw at para nanaman akong naging tuod sa harap nya. Ngumiti sya nang nilayo nya ang mukha nya sa akin.
“Ayokong nagagalit ka, hmm?” Sambit nito habang hawak parin ang pisngi ko, napakurap ako ng ilang beses saka hinawi ang kamay nito at tumayo.
“A-ano bang ginagawa mo! Bakit mo ako hinalikan?” Singhal ko, ramdam ko ang paginit ng pisngi at pamumula nito, kinabahan din ako mabuti nalang at walang ibang tao sa bahay, kundi ay malilintikan ako kanila Nanay at tatang. Bakit ba napakagarapal naman ng lalaking ito?
Tumayo sya saka hinawakan ang kamay ko. “Why not? Boyfriend mo naman ako, at soon to be your husband.” Nakangisi nitong sambit, kinilabutan ako sa narinig saka binawi ang kamay pero mahigpit nya iyong hinila kaya nabundol ako sa matigas nyang dibdib.
Alam ko, ramdam ko ang pagdoble ng pamumula ng pisngi ko at pagbulusok ng dibdib ko. Bella, ito nanaman..
“Ayokong nagagalit ang mapapangasawa ko, kaya sabihin mo sa’kin kung anong nagawa kong mali.” Sambit nito habang nakatingin sa akin, tumingala ako saka tumingin sa mukha nya, ngunit hindi ko matagalang titigan ang mga magaganda nitong mata na nakapako sa akin kaya umiwas ako.
“S-sino yung kasama mong babae kanina?” Hindi ko alam kung tama bang itanong ko iyon sa posisyon namin pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Narinig ko ang pagtawa nito. “Bakit mo‘ko tinatawanan?” Sambit ko saka tinulak ito palayo.
“You mean, Mildred? Babe, she’s my investor for the hotel that I’m planning to build. There's nothing going on between us.” Tugon nito habang papalapit sa akin para yakapin ako, may kung anong mga kulisap at paruparo sa tyan ko, hinawakan nya ako sa magkabilang braso saka hinarap sa kanya. “Are you jealous?” Dugtong nito, right at that moment, agad na namula ang pisngi ko. Alam kong visible iyon sa kanya kaya ngumisi sya.
Lumayo ako at kunot noong sumagot. “Hindi ako nagseselos no! bakit naman ako magseselos?” Sambit ko, pero iba ang naging tono nito sa kanya, lalong lumuwag ang ngiti nito saka nagsalita.
“E kung pumayag ka nalang sana na magpakasal sa akin edi sana hindi ka nagkakaganyan.” Aniya.
“Ha? Bakit naman ako magpapakasal sayo? Nagpropose kaba?” Ngumiti sya, natigilan ako sa kinatatayuan ko. Mali yata ang nasabi ko.
“So, hinihintay mo lang pala akong magpropose sayo?” Nakangising sambit nito.
Hindi na ako nakasagot baka mamaya kung ano pang lumabas sa bibig ko, tinulak ko nalang ito palabas sa bahay at pinaalis.
“Umuwi kana, istorbo ka sa trabaho ko!” Sambit ko saka sinara ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko at napasandal sa pinto. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Napaikot na nga yata ako ng taga-Maynila na iyon kaya ako nagkakaganito. Ilang beses kong iniling-iling ang ulo ko saka muling tinuloy ang ginagawa.
Simula nang halikan ako ni Connor sa bahay ay palagi ko nalang nadadatnan ang sarili ko na parang hinihintay ang pagdalaw nito sa bahay namin. Nahawa na yata ako sa lalaking iyon at pati ako ay nasiraan narin ng tuktok.
Hindi ko mapigilan ang pagkarambola ng dibdib ko sa paguunahan ng pintig nito. Palagi ko na syang gustong makita at masilayan ang gwapo nitong mukha, madalas nya rin akong sinusundo sa skwelahan, walang mintis! Mukhang pursigido talagang makuha ang gusto ng loko.
May panaka- naka rin syang paghalik sa likod ng palad ko,sa pisngi at minsan sa labi kapag nalilingat ako wala naman na akong magawa kundi ang pandilatan ito ng mata.
Unti-unting nawala ang mga pagaalinlangan ko tungkol sa kanya kapag nakatingin ako sa mga mapupungay nyang mata, I feel the warmth when he hold me. I knew to myself that this guy already drives me crazy. What should I do? My heart keeps on pounding for him.
“Oh, dahan-dahan ah.” Sambit ni Nanay habang inaakay ako papunta sa kung saan. Hindi ko malaman kung saan ako balak dalhin nito. Nagulat nalang ako nang paguwi ko sa bahay ay piniringan nya ang mata ko.
“Nay, ano po bang kalokohan ito?” Sambit ko habang kinakapa ang dinaraanan namin.
“Basta, sumunod ka nalang sa akin at magdahan-dahan ka sa dinaraanan mo.” Aniya, naririnig ko ang ilang bungisngis ng mga tao sa paligid. Wala akong ideya kung saan kami papunta pero tiyak ko na hindi iyon kalayuan sa bahay namin.
“Nay naman e, sino bang may pakana nito?” Sambit ko pa, naramdaman ko ang paghinto nya sa paglakad kaya huminto rin ako.
“Eto na nandito na tayo anak.” Sambit nito saka humagikgik. “Tanggalin mo na ang piring mo.” Dugtong nito. Naririnig ko ang mahina at mabining musika sa paligid, nasaan ba kami? Hindi na ako mapakali kaya agad kong binaba ang piring at bumungad sa aking harap si Connor na may hawak na kumpol ng pulang rosas at nakasuot ng suit sa kanan nya ay nakatayo si tatang habang nakangiting nakatingin sa akin, punong puno ng ilaw ang paligid at naroon din ang ilan naming kapitbahay na para bang nanunuod ng shooting ng pelikula.
“Anong.. ibig sabihin nito, nay?” Nilingon ko si nanay na noon ay nakangiti rin sa akin. “Sige na lapitan mo na sya.” Sambit pa nito.
Binaling ko muli ang tingin kay Connor na nakangiti ring habang nakapako ang tingin sa akin, kinakabahan ako para akong maiiyak sa kaba na naaramdaman ko, nangangatal rin ang kamay ko.
“Bella.” Baritonong sambit ni Connor nang makalapit ako rito, “When I met you I knew I’d met my match. I promise you no one will work harder to make you happy or cherish you more than me, babe. Will you marry me?” Aniya, parang may bumara sa lalamunan ko at ang bilis ng t***k ng puso ko. Alam kong mabilis ang mga nangyari sa amin ni Connor pero, paano ko matatanggihan ang puso ko? Paano ko itatanggi ang katotohanan na mahal ko na siya.
Lumuhod ito at nilabas ang isang maliit na box, napatakip ako ng bibig nang makita ang kumikinang na bato sa singsing na tinaas nya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Tumango ako saka nagsalita.
“Yes.”
Garalgal kong sambit dahil sa pagagos ng luha ko,sinuot nya ang singsing sa akin saka tumayo at niyakap ako, nagpalakpakan ang lahat ng nandon ang iba ay naghiyawan pa. habang maluha-luha naman sila Nanay at tatang.
Walang mapagsidlan ang kasiyahan ko ng gabing iyon,halos hindi ako nakatulog hindi ako makapaniwala, kami ni Connor, magpapakasal na kami at pumayag ako! Kung panaginip man ito sana ay hindi na ako magising.
Nagpakasal kami sa munisipyo ng Poblacion Estancia. Simpleng handaan lang ang ginanap sa bahay namin, inimbita namin ang mga kapitbahay at kaibigan ni Tatang. Matapos ang handaan ay nagpaalam na kami kanila tatang.
“Magiingat kayo ha, Connor ikaw nang bahala kay Bella.” Sambit ni nanay habang hawak ang kamay ko habang nasa tapat kami ng sasakyan.
“Mag-iingat rin kayo dito nay,tay. Bibisitahin ko kayo madalas.” Nakangiti kong sambit.
“Sus, ikaw na bata ka may asawa kana dapat ang asikasuhin mo si Connor, wag mo na kaming intindihin rito.” Sambit ni Tatang.