“Oo nga anak, kung sya ang mapapangasawa mo, wala na kaming dapat pang alalahanin ni Nanay mo.” Sabat naman ni Tatang na nakaupo sa sala. Umupo rin ako sa katapat nitong upuan at saka nagsalita.
“Bakit ba parang binebenta nyo ako don sa taga-Maynila na iyon?” Sambit ko habang nakanguso.
“Bakit Lala? Ayaw mo ba kay Mr. De Vera? Mabait naman sya, gwapo, mayaman. At higit sa lahat mukhang mahal ka talaga, nakita kong hinalikan ka pa sa noo bago tuluyang umalis kanina.” Nakangising sambit nito, napaawang ang labi ko at agad na namula ang mukha. Lumapit pa ito sa sala saka muling dinugtungan ang sinasabi.
“Naalala ko nung kabataan namin ni Tatang mo, ganyan nya rin ako tingnan kung paano ka tingnan ni Mr. De Vera.” Dugtong ni nanay.
“Nay, ano ba kayo!” Sambit ko hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi nila nanay kaya patakbo akong pumasok sa kwarto ko. “Kapag niyaya kang magpakasal ni Mr. De Vera huwag na huwag mong tanggihan ha? Naku, sayang!” Narinig ko pang sigaw ni Nanay.
Lumipas ang ilang araw na walang nagpaparamdam na Connor sa bahay namin maging sa skwelahan na pinagtatrabahuan ko. Tsk, sinasabi ko na nga ba, nabobored lang iyon kaya pinepeste ako, ngayong nakuha nya na ang gusto nya, nahalikan na nya ako kaya tapos na sya sa misyon nya.
Pauwi na ako nang madaanan ko ang kumpol ng mga tao na para bang may meeting, nakita ko sila Aling Ema na papunta din doon hindi ko na napigil ang sarili ko at nagtanong na.
“Aling Ema, ano hong meron dyan? Bakit ang daming tao?” Tanong ko rito.
“Pinapaliwanag kasi ni Mr. De Vera yung magiging development sa gapasan, halika’t pakinggan natin.” Sambit nito, kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Connor, nandito sya? Kaya ba hindi sya nagpaparamdam sa akin dahil abala sya sa pagaayos sa gapasan? akay akay nya ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpaanod nalang rito.
Halo halong saya at excitement ang naramdaman ko nang marinig na nandito sya, kaya nagkunwari nalang ako na makikinig sa meeting pero ang tuwa sa mukha ko ay napalitan ng pagkalito at pagkatulala nang makita ko syang nakaupo kasama ang isang magandang babae, habang ang abogado nya ay nagpapaliwanag sa harapan.
Halos magdikit na ang mukha ng dalawa sa sobrang lapit, nagbubulungan pa na parang sila lang ang tao sa mundo nilang dalawa. Hapit ang suot nitong shirt at pantalon na pinarisan ng pares ng bota na hanggang tuhod. Supistikada ang itsura nito at lalong nagpaganda rito ang natural na ganda ng mukha nito. Mukhang mayaman.
Sino kaya siya? Nakikita ko ang pakikipagusap nya sa kasama na tinuran ko ay mga arkitekto at babaling ang tingin kay Connor. Napakunot ang noo ko, aaminin kong nainsecure ako sa itsura ng babae, napatungo ako sa suot ko, walang wala kung ikukumpara sa babaeng katabi nito. Bumuntong hininga ako saka naglakad palayo sa pinagdarausan ng meeting nila.
Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang tumawag sa akin.
“Bella!” Baritonong boses nito, napaawang pa ang labi ko nang lingunin ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Connor.
Walang reaksyon ang mukha ko nang makalapit ito sa akin. Ano nanaman kaya ang kailangan nya? Nakita ko kung gaano kadikit sa kanya ang babae kanina, at parang wala lang sa kanya iyon.
“Bella, sabi ko na nga ba ikaw yan babe.” Sambit nito habang nakangiti. I rolled my eyes.
“Anong kailangan mo?” Masungit kong sagot, kaya siguro hindi nagpaparamdam sa akin itong damuhong ito dahil may kinagigiliwan nang ibang babae, at mukhang tama nga ang hinala ko.
“Ihahatid na kita sa inyo.” Dugtong nito.
“Hindi na kaya ko namang umuwi mag-isa, saka baka hanapin ka ng kasama mo.” Mariin kong sambit rito saka tumalikod at humakbang na palayo.
I didn’t look back, hindi nya rin naman na ako sinundan pa. Naiinis ako kapag naaalala ko ang mga bulungan nila nung babaeng maganda kanina, hinawi ko ang buhok saka muling binaling ang tingin sa laptop ko, may inaaayos akong lesson plan pero hindi ko matapos tapos dahil sa kakaisip sa sirang tuktok na taga-Maynila na iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?
Bumaling ang tingin ko sa pintuan nang may biglang kumatok rito, at inuluwa non si Connor, may dala nanaman syang mga prutas at bulaklak. I rolled my eyes and continued to scroll in my laptop.
“Babe?” Marahang sambit nito. Napapikit ako bakit ganun ang boses nya? Bakit ganun sya kalambing magsalita?
Umupo ito sa tabi ko at nilapag sa sahig ang mga dala-dalang basket ng prutas at bulaklak.
“Bakit ka nanaman nandito?” Masungit kong sambit habang hindi ito tinitingnan.
“Galit ka ba babe? Sorry, marami lang akong inasikaso sa company, kaya hindi ako nakakadalaw.” Malambing na sambit nito.
I sighed.
“Hindi mo naman ako kailangang dalawin wala naman akong sakit Mr. De Vera.” Mariin kong sambit rito. Ramdam ko ang paninitig nito at hindi na sumagot pa. Kinabahan ako, wala sila Nanay at Tatang dahil namili sila sa bayan. Humarap ako sa kanya saka muling nagsalita.