Episode 8

1150 Words
Pagkatapos noon ay hinatid nya ako sa isang kwarto. “Magpahinga kana Bella, ihahatid nalang kita bukas.” Sambit nito. Matipid lang akong ngumiti saka tumango rito. Agad akong napaupo sa kama pagkapasok ko sa kwarto di ko alintana ang ganda ng silid dahil sa mga iniisip ko, kung tutuusin ay wala namang pinakitang hindi maganda si Connor sa akin at sa mga taga- Poblacion. Wala akong dahilan para magalita pa rito, bukod sa pagpapagawa nya ng hotel sa gapasan. Pero kung susumahin ay makikinabang rin ang mga taga Poblacion sa ipapagawa nya dahil lalago ang turismo ng Poblacion. May kakaiba akong nararamdaman sa mga titig at kilos nya, kinakabahan ako kapag malapt sya at patuloy ang pamumula ng mga pisngi ko kapag naririnig ko ang boses nya na hindi ko naman nararamdaman sa iba. Nahulog na ba talaga ako sa kanya? Bago lang sa akin ang mga nararamdaman kong ito. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko diba? Nagpagulong gulong na ako sa higaan at hindi parin ako madalaw ng antok, namamahay ba ako? O dahil tinutuligsa parin ako ng sinabi ni Connor kanina? Binaling ko ang tingin sa dalawang malalaking pinto, marahil ay papunta iyon sa balkonahe. Kapareha kasi nito yung nakita ko sa living room noong unang punta ko rito, agad na rumehistro sa akin ang nangyari doon. Nag-init ang mga pisngi ko, tinungo ko ang malaking pinto at binuksan iyon, malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin, napangiti ako nang Makita ko ang tanawin mula sa labas, tanaw dito ang lawak ng rancho at ilang ilaw ng lamppost tumingin ako sa kalangitan at lalong napangiti nang Makita ang mga makikinang na mga bituin sa langit at bilog na bilog na buwan. Ngunit halos napaigtad ako nang lingunin ko ang kabilang balkohane, nakita ko ang imahe ng isang lalaki na nakaroba at may hawak na glass wine sa kanang kamay. Kita ko rin ang gulat sa mga mata nito na tila ba natigilan pa nang Makita nya ako. Hindi ko alam kung kanina pa sya nandon, o kalalabas lang nya. Agad na nagrambulan ang t***k ng puso ko sa pagtama ng mga mata namin, kahit roba lang ang suot nya ay naguumapaw ang kakisigan at kagwapuhan nito. I bit my lip, nakatitig parin sya sa akin. Nakailang beses akong kumurap at tumalikod na dahil sa kabang nararamdaman ko, napahawak pa ako rito at pilit na pinapakalma ang sarili. Nang lumingon akong muli at wala na sya sa balkonahe, sinilip ko pa sya ng bahagya dahil sa pagtataka. Umalis sya? Baka nagulat din sya nang Makita nya ako? Agad akong napalingon sa pinto nang bigla itong nagbukas at inuluwa non si Connor, nakatitig parin sa akin. Sinara nya muli ng pinto at naglakad papalapit sa akin, bahagya pa akong napaatras at napasandal sa barantilya dahil sa gulat. Nakatitig parin sya nang makalapit na sa akin, bumaba ang tingin ko sa suot nitong roba nakabukas pa ng bahagya sa may dibdib at nakaputi syang pajama. Napalunok ako nang muling inangat ang tingin sa mukha nito, napansin kong basa pa ang buhok. Baka bagong ligo? “A-anong ginagawa mo dito?” Garalgal kong sambit. Tsk. Di mo nanaman mapakalma ang sarili mo Bella! Hindi nya ako sinagot bagkus ay lumapit pa sya sa akin at walang sabi-sabing hinalikan ako! Nanlaki ang mga mata ko, halos hindi ako makagalaw. Naging poste ako bigla dahil sa kanya. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa baywang ko habang nakapikit na hinahalikan ang labi ko, hindi ko sya maitulak dahil sa laki ng katawan nito at higpit ng pagkakahawak sa baywang ko. Anong gagawin ko? This is my first time kissing someone! Literal na naging tuod ako ng mga oras na iyon. Umahon sya sa pagkakalapat ng labi sa’kin at dinapo ang mapupungay na mata sa mukha ko. “I think I  madly in love with you Bella.” With a husky voice. Talaga ba? Totoo ba? Ang bilis naman yata? Nagalangan ako sa sarili ko, kung ano bang dapat kong maging reaksyon at aksyon. Ngumiti sya at niyakap ako. “I’m sorry, did I scared you? Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.” Sambit nito habang kinukulong ako sa mga bisig nya. Naririnig ko pa ang bilis ng t***k ng puso nito habang nasa tapat ng dibdib nya ang tenga ko. Wala akong naging ibang tugon pa, at nakanganga lang sa nangyari.  Kumawala sya sa pagkakayakap sa akin saka muli akong tiningnan. “Matulog kana, lalabas na ako. Baka kung ano pang gawin ko.” Sambit nito, agad na nagrebelde ang puso ko nang halikan nya ako sa noo saka tumalikod na at lumabas ng kwarto. Naiwan akong tulala at nakanganga rito. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog, buong gabi akong binagabag ng halik nya. My heart keeps on beating so fast na para bang sasabog na anumang oras, paano ko sya haharapan ngayon? Ilang mahihinang katok ang nagpalingon sa akin sa pinto. Agad na namula ang mga pisngi ko nang mabungaran ko ang gwapong mukha ni Connor, nakangiti sya habang papalapit sa akin na para bang walang nangyaring halikan kagabi. “Let’s go? Ihahatid na kita. Sa inyo nalang tayo magbreakfast nagpahanda ako ng mga pagkain na dadalhin natin sa inyo.” Baritonong sambit nito, nginitian ko sya pero naiilang parin ako sa mga tinuran nito. Sinalubong kami nila Nanay at Tatang nang Makita ang sasakyan ni Connor, lalong lumuwag ang ngiti nito nang Makita nila akong bumaba mula rito. Tinulungan nila nanay si Connor na magbuhat ng mga dalang pagkain nito mula sa likod ng sasakyan. “Mabuti naman at napagawi ka rito Mr. De Vera.” Sambit ni Nanay habang naglalapag ng mga pagkain sa mesa, habang ako ay tahimik lamang na pinagmamasadan ang mga kilos ng mga ito. “Connor nalang po, masyado namang pormal ang Mr. De Vera.” Sambit nito habang nakangiti. “E, kalian mo ba balak pakasalan itong si Lala?” Sambit ni Tatang, nabulunan ako sa huli kong sinubong pagkain at napatingin sa matanda, agad na inabutan ako ng tubig ni Connor at hinagod ang likod ko na syang kinabilis ng t***k ng puso ko. “Tatang naman, ano ba naman kayo.” Sambit ko nang makahinga na ng maluwag. Nakita ko ang pagtawa ni Connor kaya nilapatan ko sya ng matalim na tingin. “Gusto ko na nga rin pos yang pakasalan kaagad kaso mukhang nagdadalwang isip parin sya sa akin.” Sambit nito habang nakangiti. Tumikhim ako at muli itong binalingan ng masamang tingin. “Pagpasensyahan mo nay an ijo, e hindi pa kasi nagkakanobyo iyan kaya ganun.” Sabat ni nanay. Napangiwi nalang ako sa klase ng paguusap nila para nila akong binebenta. Pagkatapos naming magagahan ay umalis narin si Connor may trabaho pa raw kasi syang aasikasuhin. Pinagmamasdan ko ang sasakyan nito papaalis saka napangiti, ngunit nabawi rin ito nang muli kong maisip ang paghalik nito sa akin sa noo bago umalis, agad na namula ang mga pisngi ko sa hiya. “Anak, mukhang mabait si Connor.” Sambit ni nanay nang makapasok ako sa loob. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD